You are on page 1of 3

FA3

GED0116 – RETORIKA

Casaol, Juliana J. Oktubre 6, 2022


Figuerra, Renz V. Pangkat 51 / Retorika
Gabuat, Eli

1. Ibahagi o ilahad ang buod ng unang kwento ni Julian sa sariling pagkakaunawa.


Si Julian Candelabra ay isang anak ng mahirap kaya sa murang edad palamang ni Julian na mulat na

siya sa kahirapan. Ang tatay niya ay namumuhay lamang marangal. Sa ganung buhay natuklasan ni

Julian na mahirap lang ang kanilang buhay. Si Julian ay mabilis lamang matukso sa mga bagay na

nakikita niya at hirap alamin ang pagkakaiba ng mabuti sa masamang gawain. Si julian ay nagnakaw

at nakapatay ng tao kaya siya ay nabigyan ng parusa, pagkakakulong sa kasong pagpatay. Ng dahil sa

isang pagkakamali ay naparusahan siya at ang tiwala ng mga tao sakanya ay nawala dahil dito.

Dumating na sa punto ng buhay ni Julian na sanhi ng kahirapang kanyang pinagdadaan ay hindi nito

natis ang temptasyong susubok sa kanyang buhay. Tunay na alam ng tao ang kahulugan at kaibahan ng

mabuti sa masama ngunit kung dumarating na sa unos ay biglang bumabaluktot ang kanilang dangal.

Hindi na nila naiisip ang kahihinatnan ng bawat desisyon at aksyong kanilang isinasagawa, huli na ang

lahat nang itoy kanilang mapagtanto at mapagsisihan. Walang pinagkaiba si Julian sa mga kabataan

ngayon. Siya ang imahe at simbolo ng kabataan na patuloy na lumalaban gamit ang gulong ng palad.

Panatilihin ang paglangoy sa dagat ng galit na alon. Pero sana ay pagbigyan mo ang iyong damdamin

at huwag hayaang mamuno ang kasamaan sa puso’t isipan ng bawat isa. Ito ay isang aral na nais ibahagi

ni Julian sa kanyang kwento, base sa kanyang sariling mga karanasan.

2. Anu-ano ang nararamdaman ninyo sa ikalawang kwento ni Julian at ikonekto mo ito sa kabataan

mo ngayon?

Nakakalungkot lang dahil kahit anong gawin ni Julian hindi parin nagbabago ang tingin ng mga tao

sakanya. At dahil dito nakagawa nanaman siya ng panibagong kasalanan dahil sakanyang

nararamdaman. Dahil sa ginawa sakanya naging dahilan ito para mag ka trauma siya.At
FA3
GED0116 – RETORIKA

nakakalungkot lang dahil kahit anong gawin ni Julian na kabaitan hindi parin nagbabago ang tingin ng

mga tao sakanya dahil sa mga nagawa niyang mga kasalanan. At dahil dito nakagawa nanaman siya ng

panibagong kasalanan dahil sakanyang nararamdaman at tukso.

3. Paano ninyo gustong wakasan ang kwento ni Julian?

Ang buhay ni Julian ay marami siyang nagawang kasalanan na hindi niya nabayaran at dahil dito ang

gusto namin wakas na kwento ni Julian ay. Dapat niyan pagbayaran ang ginawa niyang kasalanan dahil

madami siyang naperwisyo dito. Kung muli nating isusulat ang pagtatapos, sa halip na si Julian ang

pumirma termination letter, magsusumite lang siya ng resignation letter. Kaya iyon makakahanap pa

ba siya ng trabaho kahit papaano at hindi hahantong sa kanyang pagkakulong. Idinagdag namin na sa

wakas ay maaaring humingi Pinatawad siya ng mga magulang ni Julian dahil sa kanyang trauma

naranasan noong bata pa siya. Nagreresulta ito sa pagpapagaling ng mga sugat at hinanakit niya ang

kanyang mga magulang. Ito ay magsisilbing daan para maramdaman ni Julian na makabuluhan ang

kanyang buhay at may mga tao mahal pa rin siya. Siguro mula dito, maramdaman niya na hindi siya ay

nag-iisa.

4. Anu-ano ang mahahalagang aral ng kwento ni Julian?

Ang kwento ng buhay ni Julian ay nagbibigay ng katutunan sa mga mambabasa na maging matatag

laban sa tukso. Palagi natin pag-isipan ang ating mga aksyon at desisyon. Timbangin natin mabuti kung

ang isang bagay ba ay mabuti at masama para sa iyo o para sa mga taong nasa paligid mo. Tandaan na

hindi lamang tayo ang naapektuhan sa ating mga ginagawang desisyon, kaya hangga’t maari ay isipin

natin ang mga posibleng kahihitnan ng mga ito. Hindi pera ang solusyon sa pagkakaroon ng masaya at

mapayapang buhay ang isa pang aral na natutunan ko sa kwento na ito. Labis na sang-ayon sa isang

linyang hinayag ng ama ni Julian na “okay nang mahirap, ang mahalaga’y namumuhay nang marangal.”

Dahil naniniwala ako na hindi pera ang susi sa lahat, kundi pagsisikap. Lalong lalong hindi natin
FA3
GED0116 – RETORIKA

kailangan magnakaw. Ang kailangan nating gawin ay kumita ng sarili nating pera. Paghirapin natin ito

gaya kung pano ito paghirapan ng iba. Kahit pa anong temptasyon ang maramdaman natin bunga ng

pera, hindi dapat tayo magpatalo dito.

5. Anu-ano ang mga naitulong ng bawat miyembro sa paggawa at pagtatapos ng proyekto?

Miyembro Kontribusyon

Casaol, Juliana J. Tanong bilang 1 at 4, Nagsama-sama ng mga sagot

Figuerra, Renz Tanong bilang 2

Gabuat, Eli Tanong bilang 3

You might also like