You are on page 1of 2

MOVIE REVIEW

Movie Review: Wonder

1. Nais ipahiwatig ng pelikula na anumang kapangitan ang mayroon sa isang tao, nasa atin pa rin kung
paano natin huhusgahan ang taong ito. May kaalaman na tayo sa lahat ng ating mga ginagawang
kilos kung kaya’t nasa atin na kung mas gugustuhin ba nating gawin ang tama o mali. Dagdag pa,
anumang kilos na ating gagawin ay may kahihinatnan na kung saan ay kinakailangan natin itong
panagutan.

2. a. Makataong kilos
 Ang pambubully ni Julian kay August o Auggie.
 May kaalaman at pagkukusa si Julian sa paggawa ng kilos na ito. Walang tao
ang nagsabi sa kaniya upang gawin ito o sa madaling salita ay kusang-loob
niya itong ginawa. Mali man ito at masama ang naging epekto nito kay Auggie
ngunit mukhang nasiyahan naman si Julian sa maling kilos na ginawa nito.
b. Salik na nakaapekto sa paggawa ng kilos at pasiya
 Ang pakikipag-away ni Auggie at ng kaniyang mga kaibigan sa mga bully.
 Sila Auggie ay nakaramdam ng takot at dahil sa karahasan ng mga bully ay
napilitan silang labanan ang mga ito na nagresulta sa isang away. Labag man
sa kanilang magkakaibigan na labanan ang mga ito ngunit wala silang
magawa dahil ang gusto lamang nila ay makaligtas sa mga nambubully sa
kanila.
c. Mga yugto ng makataong kilos
 Pakikipagkaibigan ni Jack kay Auggie.
 Kung titignan ay parang sobrang dali lang pag-isipan ito ngunit para kay Jack
ay hindi. May mga dating kaibigan na siya na nakakasama niya ngunit ayaw
ng mga ito kay Auggie. Malalim na nag-isip si Jack na parang tinatyansa kung
ano ba ang magiging epekto at resulta ng pakikipagkaibigan niya kay Auggie
pero may iisa lang siyang layunin o kagustuhan na gustong makamit at ito ay
ang pakikipagkaibigan niya kay Auggie kaya napagdesisyonan niyang lumapit
kay Auggie.
d. Salik na nakaapekto sa resulta ng kilos
 Pagpapapasok ng mag-asawa kay Auggie sa paaralan.
 Gusto ng mag-asawa na sumaya ang kanilang anak na si Auggie at malayang
makipaghalubilo sa iba’t ibang mga bata kaya ang naisipan nilang paraan ay
ipasok si Auggie sa paaralan sapagkat siya’y home-schooled lang sa mga
nakalipas na taon at tanging ang mama niya ang nagtuturo sa kaniya. Naging
mahirap para sa kanila ito lalo na sa kanilang anak dahil hindi siya sanay at
nakaranas din siya ng pambubully. Ngunit hindi naman nagtagal ay dumami
ang kaibigan ni Auggie at mas lumakas ang kaniyang loob na siyang naging
magandang resulta o kahihinatnan ng ginawang pagpapasiya ng mag-asawa.
3. Kung wala kang tiwala sa iyong sarili, hindi mo makakamit ang layunin mo. Tulad ni Auggie ay takot
siyang harapin ang pagsubok na nasa harap niya ngunit gustong-gusto niyang makamit ang layunin
nito na makipagkaibigan sa ibang mga bata nang hindi nakasuot ang helmet niya sa kaniyang ulo
kaya ang ginawa niya ay nagtiwala siya sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya. Sabi nga nila, kung
may layunin ay may paraan. May mga bagay rin na dapat nating pag-isipang mabuti bago
magpasiya kagaya ni Jack at may mga bagay na nag-uudyok sa atin upang gawin ang isang bagay
kahit na labag ito sa ating kalooban.

4. Ang gagawin ko upang mailapat ang aking mga natutunan mula sa pelikula ay pagtuunan ng pansin
ang aking sarili at hindi sa iba. Anumang panghuhusga o negatibong sinasabi nila, ang dapat kong
gawin ay huwag pansinin ang mga ito at dapat lang na magtiwala sa aking sarili sapagkat ako
lamang ang may kontrol sa katawang mayroon ako. Hindi nakasalalay sa iba ang aking buhay kaya
wala silang karapatan na husgahan ako bilang isang tao. Isa pa ay mas pagbubutihin ko pa ang aking
sarili lalo na sa pagpapasiya dahil ang mga gagawin kong pagpapasiya o desisyon ay may resulta at
ito’y makakaapekto sa akin.

Frenchie P. Bigornia
10-Sunstone

You might also like