You are on page 1of 4

#Selpi

Julie Molintas Bucasan

Click dito, click doon, kahit saan


Sa lahat ng anggulo, nais makuhanan
Kapag pangit nama’y papalitan
Buburahi’t ititira ang magandang larawan.

Dahil sa talino ng tao


Ang mga cellphone ay naimbento
Camera application, itong binuo
Na ginagamit ngayon ng mundo.

Larawang nais makita ng mundo


Ipagyabang din ang siyang nais.
Kagandahang tunay nga ba o pekeng mukha,
Edited naman yata’t halatang-halata?

Namamatay, naaaksidente dumarami


Ang selping ito’y kriminal din pala
Sa mga taong pag-iingat ay wala
Sa telebisyon pa’y naibabalita, nakahihiya.

Pagseselpi, sakit ayon sa pagsusuri


Ng mga taong nais ay magpapuri
Sa facebook, puno ng palamuti
Larawa’y di mabilang, makilala ri’y hindi.

Sa pagseselpi, maraming buhay ang nagagapi


Trending sa facebook, youtube maging sa balita.
Masama’y dulot, paggamit nang labis
Kaya’t mag-ingat nang di manghinagpis.
Plastik
Julie Molintas Bucasan

Sinong kaibigan ang dapat pagkatiwalaan


Kung ang lahat ay puro plastikan?
Saan hahantong ang nabuong samahan,
Kung patuloy na nagtataksilan?

Akala mo’t akala ko, tunay tayo


Sa ipinapakitang ugali mo’t ugali ko,
Ngunit nakikiayon lang pala,
Sa likuran nito’y siraan ang nangunguna.

Naglolokohan, iyan ang totoo.


Akala mo nakikiluksa
Nangangalap lang pala ng ebidensiya,
Para may maibahagi sa iba.
Pagkakaisa
Julie Molintas Bucasan

Problema, laging kaharap ng pamilya


Sa tanghali, hapon, maging sa umaga.
Tuwing meryenda’y di rin nawawala
Laging nakahanda, leon kung umasta.

Dalahin kung tingnan ng mga kakilala


Na wawasak sa nabuong pagsasama.
Anghel ng tahanan, magkakasira na
Kung tuluyang hahayaan manguna.

Ngunit ang taong may takot sa Lumikha


Anumang hadlang, kakayanin nila
Manatili lang buo ang pagsasama,
Magpapakita na sila rin ay iisa.

Pagsubok na balakid, kayang-kaya


Sa pakikibaka, sila ang sandata.
Laging iisipin na may kasangga
Natapusin ang labanan sa giyera.

Sa aking tahanang naghatid ng sigla,


Ng tuwa, at pumapatak na luha,
Pag-agos nito mula sa aking mga mata,
Dala ay naghalong lungkot at ligaya.

Nawa’y manatili ang pagsasama


At maging modelo sa ibang nilikha.
Tulong-tulong sa pakikidigma
Huwag susuko sa anumang giyera.
Tsismosa
Julie Molintas Bucasan

Mas mabuti na sa aki’y iyo ng sabihin


Mga bagay na ayaw mo’t kinaiinisan sa akin
Upang malaman at maayos ko rin
Kaysa naman kinukuwento mo’t dinaragdagan pa man din.

Ayoko sa lahat, taong mahilig maglubid ng buhangin,


Maghatid ng alimuom ang alam na gawain,
Di inalintana kung siya ma’y uusigin,
Pagkat sa kanya ito’y trabahong kayhirap pigilin.

Para silang ikaapat na kapangyarihan,


Aalamin ang lahat may maipabatid lamang,
Ganyan kaimportante sa kanila
Kahit mga bagay na wala namang kuwenta.

You might also like