You are on page 1of 3

I.

Pamagat : "Ilusyon"
a. Direktor: Mark Agcaoli
b. kaunting background ng pelikula: Ipinagbabawal na gamot ang pangunahing dahilan
ng krimen sa loob ng Maynila. Ang pinag-uugatan ng mga kahindik-hindik na kaso. Isa
na rito ang paggahasa at pagpatay sa mga kababaihang kanilang nabibiktima. Dukutin
ang babaeng biktima ang kanilang unang motibo, pagsasamantalahan at pagkatapos
ay papatayin. Talamak ang droga sa lugar ni Franco kaya patuloy ang pagdami ng
krimen. Patuloy din ang kaniyang pakikipagkalakan sa pinagbabawal na gamot na ito.
Hanggang sa, ito ay matigil ng may nakapagsumbong sa pinaggagawa ni Franco nahuli
rin ang nagbebenta nito at ang iba pang kasamahan. Pinutungan din nang kaso dahil
sa karahasan na kanilang idinulot.

III. Mga tauhan at mga kagampanin sa pelikula:


Franco Reyes - Edmar Guanlao
Trixie Mendoza - Jean Uykieng

IV. Mga epekto ng pelikula sa:


a. Lipunan : Binubuksan ang bawat isip ng lipunan sa ganitong kamalayan ukol sa
karahasan na kinakatakot ng bawat kababaihan sa tuwing magiisa sa daan. Ang droga
na dapat ay tinatapos na ngunit hindi mangyari dahil ginagawang negosyo.
b. Pamilya : Bantayan ng mabuti ang kanilang mga anak lalo na kapag babae ito. Pag
araling mabuti upang di malulong sa masamang gawain at bisyo.
c. sa iyong sarili : Ako ay binigyan ng kaalaman na mas mag ingat pa at huwag
magtiwala sa tuwing nasa daan.

V. Kung ikaw ang derektor ano ang gusto mong baguhin sa iyong napanood at bakit?
Wala naman po akong gustong baguhin, masasabi ko naman pong maganda at maayos
ang film. Maging ang plot twist ay maganda rin.

VI. Ano ang nais iparating na mensahe ng iyong napanood?


Ang nais iparating nito ang karahasan na napanood ay hindi biro at talagang
nararanasan ito sa kasalukuyan. Pinagbabawal na gamot ang pinaguugatan ng lahat
dahil walang desenteng tao ang makagagawa ng kahindik-hindik na bagay na iyon sa
kanyang kapwa. Dapat matigil na negosasyon na iyon at paramihin na lamang ang
trabaho na maaarin magamit ng pinoy upang magkaroon ng pera at hindi makagawa
pa ng mga ganitong uri ng karahasan.

Vll. Kung may suliranin ang bidang iyong pinanood, ano ang maaari mong ipayo sa
kanya.
Kung may problema man sya ay magdasal na lang sya. Hindi gamot ang droga at
karahasan upang mawala ang kanyang pagsubok na dinadala bagkus lalo pa iyong
lumalala. Sa pagpili ng maling daan madalas ang hantungan nito ay kulungan o
kamatayan. Kung kaya't ang pagdarasal at pagiging positbo sa buhay ang kailangan
niya upang hindi na sana mapasok ang gaanong kadiliman sa kanyang buhay.
I.Pamagat:
"Kwatro o Kwarto"
a. Direktor: Angela Babad, Kristine Barbosa and Bea Laguiman
b. kaunting backoud ng pelikula: May isang mabait, masipag at matalinong
estudyante na nagngangalang Aira. Siya ay isang scholar na pinagtatapos ng kanya na
lamang ama dahil, sumakabilang buhay na ang kanyang ina. Maayos ang naging takbo
ng lahat maging sa kanyang pamilya, kaibigan at pagaaral. Hanggang sa, nabunggo
ang kanyang ama ng isang sasakyan habang makikipagkita sa kanya. Nang dahil doon
ay mas kinailangan niyang kumayod. Naghanap siya ng maraming maaaring
mapasukang trabaho. Sa kasamaang palad, nawalan siya ng pokus sa pag aaral at
bumagsak ang kanyang mga grado. Naging simula ng pagkapit niya sa patalim. Inalok
siya ng kanyang propesor kung ano kanyang pipiliin "kwatro o kwarto". Dahil sa takot
para sa kanyang ama at kinabukasan pinili niya ang kwarto na inabuso naman ng
kanyang guro. Tumaas muli ang kanyang grado ngunit ang kapalit ay naging usap
usapan sa kanilang paaralan. Hanggang sa tinulungan siya ng kanyang guro at kaibigan
upang makaalis na sa bagay na iyon.
II.Layunin ng pelikula : Na magkaroon ng kamalayan ang bawat isa. Mabigyan ng
pansin at solusyon ang ganitong suliranin na nagaganap sa loob ng paaralan.
III. Mga tauhan at mga kagampanin sa pelikula:
Aira - Ella Sismundo
Elena - Ninna Lucena

IV. Mga epekto ng pelikula sa:


a. Lipunan : Binubuksan ang bawat isip ng lipunan sa ganitong kamalayan ukol sa
pag abuso sa kababaihan kapalit ng kanilang kinabukasan.
b. Pamilya : Ang bukas na komunikasyon at Hindi pagpapabaya sa magulang kahit
magkasakit man.
c. sa iyong sarili : Ako ay tinuruang maging mas handa at matalino sa ganitong uri ng
pag abuso. Piliin ang tama at tanggapin ang kahihinatnan. Matutong magsumbong
kung kinakailangan.

V. Kung ikaw ang derektor ano ang gusto mong baguhin sa iyong napanood at bakit?
Wala naman po akong gustong baguhin, masasabi ko naman pong maganda at maayos
ang film. Tanging pagkuha lamang po ng camera sa mga artista ang naiiba.

VI. Ano ang nais iparating na mensahe ng iyong napanood?


Ang nais iparating nito ay huwag magpaabuso ang bawat kababaihan sa ganitong uri
ng pag abuso. Na ang mga guro ay ginagawang kapangyarihan ang kanilang pagaaral o
grado upang makamit ang kanilang pansariling kagustuhan sa kanilang estudyante ng
hindi iniisip ang kinabukasan na nakasalalay rito. Dapat ito agad na isumbong sa
kinauukulan upang mabigyang solusyong kaagad at matugunan. Hindi dapat na
mapagwalang bahala na lamang ang ganitong kamarim-marim na kamalian dahil hindi
nito alam ang maidudulot sa bawat estudyante na nagnanais lamang makapagtapos ng
pag aaral.
Vll. Kung may suliranin ang bidang iyong pinanood, ano ang maaari mong ipayo sa
kanya.
Lahat nangyayari ay may dahilan at lahat ng unos ay natatapos. Mahirap man ang
kanyang pinagdaraanan. Tanggapin niya na lang yung kahihinatnan ng isang bagay
kaysa kumapit naman siya sa patalim.

You might also like