You are on page 1of 3

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

(Kontemporaryong Isyu)

I. Sa loob ng isang oras, ang mga mag aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga karahasan na kinakaharap ng mga kababaihan;
2. Nakabubuo ng mga paraan upang maipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan
laban sa karahasan;
3. Nakapagsasagawa ng mga paraan upang maipakita ang pagsalungat sa mga karahasan
na kinakaharap ng mga kababaihan.

II. Paksang-aralin
Paksa: Karahasan sa mga Kababaihan
Sanggunian: Department of Education. (2017). Kontemporaryong isyu: Modyul ng
mga magaaral (pp. 283-309).
Department of Education. (2017). Kontemporaryong isyu: Gabay ng mga
guro (pp. 262-291).
Kagamitang Pampagtuturo/Kagamitan Pangmag-aaral: Laptop at Projector/TV, instructional
materials

III. Pamamaraan (Procedure)


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagsasa-ayos ng lugar o silid aralam
3. Pagbati
4. Pamantayan sa Klase
5. Pagtala ng Lumiban sa Klase
6. Pagbabalik-aral

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak:

- Sasagutin ng mga mag-aaral na “VIRTUAL MYSTERY BOX”. May


lalabas na larawan sa mystery box na nauukol sa kababaihan at tutukuyin ng
mga mag-aaral kung ano ang nasa larawan.

2. Gawain (Activity):

- KOMIK-SURI Magpapakita ang guro ng komiks tungkol sa isyung may


kinalaman sa kababaihan.
- magtatawag ng estudyante upang mag-impersonate ng diyalogo. Pagkatapos
ay sasagutin ang mga inihandang katanungan.

3. Pag-aanalisa (Analysis):

- Mararanasan ng mga estudyante ang isang “VIRTUAL FIELD TRIP”, na


nagpapakita ng iba’t ibang karahasan na tinatamasa ng kababaihan sa iba’t
ibang panig ng mundo.

- Pagtatalakay

4. Abstraksyon (Abstraction):

- ALL OF US ARE AWARE Ang mga mag-aaral ay gagawa ng PHOTO


COLLAGE upang maipakita ang ibat ibang uri karahasan na tinatamasa ng
mga kababaihan.
- Ipapakilala sa mga estudyante ang GABRIELA bilang isang samahan sa
Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng
kababaihan

PANGKATANG GAWAIN

- Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang grupo. Ang unang pangkat ay gagamit
ng graphic organizer na CONCEPT MAPPING at magtatala kung paano nila
mapigigilan ang karahasan sa mga kababaihan. At ang pangalawang grupo
naman ay gagamit ng GIRL POWER graphic organizer upang makapagtala
kung paano nila mapagtitibay ang karapatan ng kababaihan.

5. Paglalapat(Application):

- “SQUID GAME RED LIGHT, GREEN LIGHT" Sasagutin at tutukuyin ng


mag-aaral ang iba’t ibang pahayag na nkaflash na screen. Itataas nila ang
pulang ilaw kung ang pahayag ay nagpapakita ng karahasan at berdeng ilaw
naman kung ito ay hindi nagpapakita ng anumang karahasan. Maari silang
sumagot pagkatapos ng timer.

IV. Pagtataya:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
sa sagutang papel.

1. Si Maria ay palaging binubugbog ng kanyang asawa kung wala itong maiaabot


na salapi mula sa kanyang paglalabada. Anong anyo ng karahasan ang ang
tinatamasa ni Maria?
a. Sekswal b. Emosyonal c. Pisikal

2. Si Fe ay sapilitang isinisiping ng kanyang asawa ng walng pahintulot. Anong


anyo ng karahasan ang kinakaharap ni Fe?
a. Sekswal b. Emosyonal c. Pisikal

3. Ang pagmumura at labis sobrang pag-iinsulto sa asawang babae ay anong anyo


ng karasahan?
a. Sekswal b. Emosyonal c. Pisikal

4. Dapat alamin ng kababaihan ang kanilang mga karapatan at mga maaring lunas
o solusyon kung sila ay nalapastangan.
a. Tama b. Mali c. Wala sa nabanggit

5. Ang mga kababihan ay kailangang magsalita at magsumbong sa awtoridad kung


nakakaranas ng karahasan.
a. Tama b. Mali c. Wala sa nabanggit

V. Takdang-aralin:

- Sasagutan ang aktibiting PAKIRAMDAM KO! Kung saan magsusulat ng


repleksyon at magmuni-muni ang mga estudyante tungkol sa mga magiging
implikasyon kung sakaling magpapatuloy ang iba’t ibang uri ng
diskriminasyon/karahasan laban sa mga kababaihan at iba pang sektor ng lipunan
sa daigdig. Gagamitin ang pamantayan sa pagmamarka ng repleksyon sa ibaba
bilang gabay sa paggawa ng repleksyon.
- Ang mga magaaral ay maaring magpasa ng kanilang takdang aralin sa email
address o facebook messenger ng kanilang guro.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Repleksyon

Mahusay Pwede na Nakuhang Iskor


Nilalaman (4.0) (3.0)
Organisasyon (1.0) (0.5)
Kabuuan (5.0) (3.5)

Ang Aking Repleksyon

Ang aking mararamdaman kung sakaling magpapatuloy aang iba’t ibang uri ng diskriminasyon/
karahasan laban sa mga kababaihan at iba pang sector ng lipunan sa daigdig ay
_____________________________________ dahil/ sapagkat_____________________________________.

Na[agtanto ko rin na kung patuloy ang mga karahasan o diskriminasyon laban sa mga kababaihan sa
daigdig maaaring ang mundo natin ay __________________________. Isa sa mga halimbawa nito ay ang
_____________________________________________________________________________________.

Sa kabuuan, ang mga kababaihan at iba oang sector ng lipunan sa daigdig ay dapat
na____________________________________________________________________________________.

Inihanda ni:

HAYDEE ERIKA MERCADO-ASUNCION, MAT


Teacher Applicant

You might also like