You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOL DIVISION OFFICE I PANGASINAN
Lingayen
BAYAMBANG I DISTRICT
IDONG- INANLORENZA ELEMENTARY SCHOOL
Bayambang, Pangasinan

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

I. Layunin
a. Nakasusulat ng isang maikling reaksyon tungkol sa napapanahong paksa
b. Naipapahayag ang saloobin sa kapwa mag-aaral
c. Natatalakay ang paraan para makaiwas sa ipinagbabawal na gamot

II. Paksang-Aralin
A. Pagsulat ng Reaksyon
B. BEC Handbook in Filipino pp. 42-48; Landas ng Pagbasa p. 152
C. batayang aklat, larawan, flashcard
D. Pag-iwas sa ipinagbabawal na gamot

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak/Balik-Aral
Mini-Game: Pangkatin ang klase sa lalake at babae. Paunahan ang dalawang grupo sa pagtukoy
sa mga salitang nasa flashcard kung ang mga ito ay salitang may kaugnay sa pandama o
damdamin.
1. matamis
2. nakakatakot
3. taas
4. berde
5. kaguluhan
6. tuwa
7. gitara
8. masalimuoyt
9. mainit
10. pagkagulat

B. Panlinang na Gawain
1. Mga Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin
Itanong: Naaalala mo pa ba angiba’t ibang uri ng mganakalululong at
mapanganibna mgagamot?

b. Pag-alis ng Sagabal
Hayaan ang mga mag-aaral na alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:
1. droga
2. alak
3. sugal
4. nalulong
5. bisyo
c. Pagbasa nang Tahimik

Ipabasa sa mga mag-aaral ang akdang “Ang Katotohanan sa Bawal na Gamot


ni Khen Salcep. 152.

Ipaalala ang batayan ng wastong tahimik na pagbasa.

2. Pagsusuri (Analysis)
Talakayin:
Sa tingin mo, ipinapalaganap ba ng mga anunsiyong katulad ng mga ito ang paggamit ng droga?
Bakit oo, bakit hindi?

3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparison)


Magpakita nga dalawang larawan: Mag-aaral at Batang lulong sa droga
Itanong: Alin sa larawan ang nais niyong tularan?
Anu-ano ang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot?

4. Paglalapat (Application)
Pangkatang-Gawain: (Photo Analysis)
Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo. Bawat grupo ay may isang larawan na
magiging paksa ng talakayan at pagbibigay reaksyon ng mga miyembro.
Pangkat I- Polusyon
Pangkat II- Kahirapan
Pangkat III- Kriminalidaad
Pangkat IV- Droga
Pangkat V- Edukasyon
Ang napiling taga-ulat ang maglalahad sa klase ng reaksyon ng bawat grupo.

5. Paglalahat (Generalization)
Bilang mag-aaral, anu anong paraan upang matulungan ang mga taong gumagamit ng mga

nakalululong at mapanganib na gamot.?

IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek kung alin sa sumusunod ang mga pariralang naglalarawan sa
mga dahilan na maaaring magtulak sa isang tao upang gumamit ng ipinagbabawal
na gamot.
____ 1.Pagkakaroon ng mga kaibigan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
____ 2.Kaalaman kung paano matutugunan ang mga problema at kapaguran o stress
____ 3.Kakulangan sa suporta mula sa pamilya
____ 4.Pagsali sa mga gawaing kapakipakinabang, produktibo at nagbibigay kaganapan.
____ 5. Pagiging mausisa at interesado sa pag-eeksperimento sa mga ipinagbabawal na gamot.

V. Takdang-Aralin

Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng pag-iwas sa paggamit ng ipinagbabawal na


gamot.

Inihanda nina:

WILFRED M. DE LEON,MAED.
Guro III

Nabatid:

MARILYN P. VELASCO
Punong Guro I
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOL DIVISION OFFICE I PANGASINAN
Lingayen
BAYAMBANG I DISTRICT
IDONG- INANLORENZA ELEMENTARY SCHOOL
Bayambang, Pangasinan

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

I. Layunin

Sa pamamagitan ng values clarification technique ang mga estudyante na may 80% ay


inaasahang:

1.nakikilala ang mga tauhan sa kwento sa pamamagitan ng paglalarawan sa bawat isa;


2.napapahalagahan ang bawat simbolismong ipinahayag sa kwento; at
3.nakasusulat ng buod mula sa kwentong binasa.

II. Paksang Aralin

Konsepto: Hustisya o Katarungan


Paksa: Walang Panginoon
Kasanayang Dapat Linangin: Pagkakaintindi sa mga pangyayari, pagpapahalaga sa
opinion ng iba.
Pagpapahalagang Moral: Sariling pagpapasya, pagkapantay-pantay

III. Kagamitang Instruksyunal:

Sanggunian: Candelario, Marietta T. et.al. KAWIL .pp.143-149


Kagamitan : Akla, kopya ng artikulo.

IV. Pamamaraan( Values Clarification)

1.Pambungad na Gawain
(Ang guro ay gagamit ng Value Sheet Technique)

•)Naranasan mo na bang apihin ng mga nakatataas sa iyo?


•)Ano ang ginawa mo sa mga pang-aaping ito?
•)Nakamit mo ba ang hustisya o katarungan?

2. Paglilinang na Gawain (Brainstorming)


( Ang guro ay mamamahagi ng isang artikulo tungkol sa isang prenda)

Si S/Insp. Rolando Mendoza: Isang Prenda

Si Rolando Mendoza ay isang matapang at mabait na pulis ayon sa kanyang mga


kasamahan sa Manila Police District. Noong Pebrero ,1986 ay nasibat nila ang isang van na lulan
ang pera na sinasabing ninakaw ni Marcos mula sa kaban ng bayan. Dahil sa nangyaring yaon
siya ay ginawaran ng isang plake o isang pagkilala bilang isa sa Top Ten Outstanding Policemen
ng Jaycees International. Gradwado sa kursong kriminolohiya. At isang matagumpay na ama.
May anak na kapareho niya ng katungkulan.
Natanggal siya bilang hepe ng Mobile Patrol Unit dahil sa pagkakadawit sa illegal na
droga at extortion. At dahil sa labis na pagkadismaya hinjack niya ang isang bus na kinalululanan
ng mga Chinese nationals na nais lang magbakasyon at mamasyal dito sa bansa. Ngunit ang
pagbabakasyon ay nauwi sa isang madugong karanasan.
Ang sanhi ng lahat ng kanyang ginawa ay ang kanyang pagkatanggal sa serbisyo, na ang
naging bunga ay ang pagkamatay ng mga inosenteng mga dayuhan. Para na niyang inilagay sa
kanyang mga kamay ang batas na dapat ang husgado ang magdedesisyon.

At sa nangyaring pagkamatay niya, ng tamaan siya ng bala sa isa sa mga sniper ay di-
umano ay hindi makatarungan. Ang tanong ng marami ay kung tama ba ang ginawa ng mga
awtoridad o mali?

Panuto: Basahin ng tahimik at intindihing mabuti.

•) Basahin ng indibidwal ang artikulo tungkol sa isang prenda at suriing mabuti ang
ginawa ng prenda.
•) Pangkatin ang klase sa 5 grupo.
Bawat grupo ay magtatalakay ng kanilang binasang artikulo. Magbabahagian ng mga
opinion at kaisipan ukol sa isyu.
* Pamantayan ng Pangkatang Diskusyon.
- Pumili ng tagapamahal na siyang gagabay sa usapan.
- Bawat miyembro ay magbabahagi ng kani –kanilang ideya
- Sinuman sa grupo ay maaaring magsalita.

3. Bawat pangkat ay may 5 minuto para ipaliwanag ang nagawang awtput.

A. Concluding Activities

1. Basahin ang Maikling Kwento (Walang Panginoon)


2. Pagpoproseso at interpretasyon ng kwento:

A.1. Sinu-sino ang mga tauhang napapaloob sa kwento?


2. Anu-ano anng kanilang mga katangian?
3. Paano ipinakita ni Marcos ang kanyang galit kay Don Teong?

B. Anong pagpapahalagang oral anng ipinahihiwatig ng mga sumusunod na


simbolismo:
1. batingaw/kampana
2. orasan
3. kalabaw
4. latigo
5. gora, sumbrero ni Don Teong

C. Ibuod ang kwentong binasa.

V. Ebalwasyon

Paano maiuugnay ang kasabihang ”Ang hustisya ay para sa kaguinhawaan ng isa kundi
para kapakinabangan ng dalawang panig” (“Justice cannot be for one side alone, but must be for
both”)

VI. Takdang-Aralin

Gumawa ng isang sanaysay na nagpapahayag ng iyong pananaw sa hustisya sa ating


bansa. Isulat sa isang buong papel.

Inihanda nina:

LUZVIMINDA B. JIMENEZ
Guro II
Nabatid:
MARILYN P. VELASCO
Punong Guro I

You might also like