You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VIII (Eastern Visayas)
ATTY. ROQUE A. MARCOS MEM. SCHOOL
La Paz, Leyte
School ID: 344729

Di-masusing Banghay Aralin

Name LEMUEL G. TIMONERA Position: SHST-II Petsa: Ika-5 ng Nobyembre, 2019

Learning Area: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Grade Level:11 Markahan:2 Duration:1 hr.
ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
PAMANTAYANG Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
PANGNILALAMAN pamilya, komunidad, bansa at daigdig

PAMANTAYAN SA Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto


PAGGANAP
KASANAYANG Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
PAMPAGKATUTO) F11PB – IIIa – 98
1.PAKSA Ang Tekstong Impormatibo

Learning Resources Curriculum Guide,Television, Laptop – Slideshare, Pinagyamang Pluma: Pagbasa at


Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, pp. 8-12
2. PAMAMARAAN

A. Panimulang Pumili sa mga sumusunod na babasahin ang gustong gamitin o basahin.


Pagganyak  Aklat tungkol sa paborito mong isports.
 Aklat sa pagbuo ng paborito mong craft o libangan
 Isang magasin
Bakit ang aklat o babasahing ito ang napili mo?
Ano ang naibibigay o naidudulot sa iyo ng pagbabasa ng ganitong uri ng aklat o
babasahin?
B. Analisis  Hatiin sa limang pangkat ang buong klase.
 Bawat pangkat ay kailangang matukoy ang mga larawan kung ito ay piksyon o
di-piksyon na uri ng mga babasahin na makikita sa powerpoint.
 Itala sa isang papel ang mga sagot.
C. Pagtatalakay I. a. Hatiin ang buong klase sa 5 pangkat.
b. Batay sa pinagmulan ng salitang impormatibo na inform, anong kahulugan ang
maibibigay mo para sa salitang impormatibo?
II. Hatiin sa apat na grupo ang buong klase basis a kakayahan ng bawat mag-aaral.
Unang pangkat: (Mga Mamamahayag) Magsusulat ng isang balita.
Pangalawang pangkat: (Mga Historian) Magsusulat ng Pangkasaysayang Pangyayari
Pangatlo: (Mga tagapagsalita) Ano ang sanhi ng pagkasunog ng Amazon.
Pang-apat na pangkat: (Mga Artist) Gumuhit ng larawan tungkol sa Human Growth
D. Paggamit Bakit mahalaga ang isang tekstong impormatibo sa atin?
Maaari ba nating magamit ang kaalaman na ito sa ating pang-araw-araw na gawain?
Anu ang maaaring maging dulot sa atin nito bilang mga mag-aaral?
a. Paglalahad ng Totoong Pangyayaring/Pangkasaysayan
b. Pag-uulat Pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag
3. PAGTATAYA

Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong Impormatibo nabibilang ang binabasa ng tauhan
sa bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon.

1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit
nagbabagong-anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat
na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigdig ang matitinding tag-init at
napakalakas na bagyong nagreresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni Roel na
magkaroon ng mas maraming impormasyon ukol dito kaya’t hawak niya ngayon
ang tekstong may pamagat na “Mga Epekto ng Global Warming sa Kapaligiran.”
3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t iba
rin ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang
kasaysayan sa likod ng pinakamahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas-
Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang balitang
ito: “51st International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong Enero 24-31,
2016.”
5. Masayang-masaya si Ginang Cruz sa balitang nasa pahayagang hawak niya.
Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzbach ay Nagwagi bilang Ms. Universe 2016.”
4. TAKDANG ARALIN Magsaliksik tungkol sa mga Elemento ng Tekstong Impormatibo.

Inihanda ni:

LEMUEL G. TIMONERA
SHS TEACHER II

Noted/ Observed by:

ALBERTO C. SILVANO, Ed.D. JOSEPH B. LADAN


Asst. Principal II Tagapamuno ng Departamento ng Filipino/ Master Teacher I

You might also like