You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan 10
Abril 14. 2023 8:30am - 9:30am

PAMANATAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa:
Sa kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa iba’t-ibang perspektibo na may kaugnayan sa samu’t
saring isyu sa gender
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nasusuri ang epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa buhay ng tao sa pamayanan at bansa.
AP10IKP-IIIi-14.

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
 Natutukoy ang epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa buhay ng tao sa pamayanan
at bansa;
 Napapahalagahan ang pag-aaral sa epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa buhay ng
tao sa pamayanan at bansa at;
 Nakakagawa ng isang tula tungkol sa epekto ng prostitusyon at pang-aabuso.
II. Paksang Aralin
Paksa: Epekto ng Prostitution at Pang-aabuso
Babasahin: Mga Kontemporaryong Isyu 10 Abejo, Jose, Navarro, Ong, Villan, PhD. Pahina
129-133
Mga Kagamitan: Batayang Aklat, Cartolina, Larawan, Pandikit, Panulat.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Ang guro ay tatawag ng mag-aaral para pangunahan ang panalangin.
 Pagtala ng Liban
 Balik-aral
 Ano ba ang inyong mga natutunan sa ating paksa noong nakaraang talakayan?

B. Pagganyak: PAGPAPAKITANG LARAWAN


Panuto: Ang guro ay magpapakita ng mga larawan na may kaugnayan sa paksa. Ang
mag-aaral naman ang siyang hihila sa bawat larawan na nakatago sa kahon at
ipapaliwanag kung ano ang kanilang nakita.

C. Gawain 1: PICTURE PUZZLED


Ang klase ay papangkatin sa apat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bubuohing mga
larawan na naglalaman ng tungkol sa epekto ng prostitusyon at pang-aabuso.
Mga Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang mga lawaran na inyong nabuo?
2. Ano ba ang napapansin niyo sa lawaran?
3. Ano ba ang klase ng pamumuhay meron sila?

D. Pagsusuri
1. Ano ba ang mga dinanas ng mga tauhan sa larawan?
2. Ano ba ang dahilan kung bakit sila nasa ganoong sitwasyon?
3. Ano ba ang naging epekto ng kanilang piniling landas?
4. Sa inyong palagay, ano ba ang dapat gawin kung kayo ang nasa katayuan nila?

 Patatalakay sa Aralin
(Epekto ng Prostitusyon at Pang-aabuso)

Annotasyon:
Sa bahaging ito ng klase, itinalakay rin tungkol ang dignidad ng mga kababaihan. Dahil
sa isyung kinakasadlakan ng ibang mga kababaihan ay wari unti-unting nawawala ang
respeto para sa mga kababaihan, kaya minarapat ng guro na talakayin rin sa bahagi na ito
ang kahalagan at dignidad bilang isang babae.

E. Paglalahat: OPEN-ENDED STATEMENTS


Panuto: Kompletuhin ang pangungusap upang malaman kung hanggang saan ang inyung
natutunan tungkol sa epekto ng prostitusyon at pang-aabuso.
1. Bilang isang mag-aaral, ang natutunan ko tungkol sa epekto ng prostitusyon at
pang-aabuso ay ________________________________________________.
2. Ngayong araw, napagtanto ko na _____________________________.
3. Gagamitin ko ang aking mga natutunan
_________________________________________________________________.

F. Paglalapat sa Aralin: THINK-PAIR-SHARE


Panuto: Ang klase ay magkakaroon ng THINK-PAIR-SHARE. Ang bawat mag-aaral ay
magkakaroon ng kapareha na inihanda ng guro kung sinu-sino ang magkakapareha.
1. Sa isang buong papel gumawa ng maikling tula tungkol sa epekto ng prostitusyon
at pang-aabuso.
2. Pagkatapos bubunot ang guro ng tatlong tula at ibabahagi ito ng may-ari kung ano
ang kanilang ginawa.

PUNTOS Nakuhang
PAMANTAYAN Puntos
 Naglalaman ang tula ng epekto prostitusyon at 25
pang-aabuso.
 Pagkamalikhain sa pagpili ng mga salita 15
 Kaayusan at Kalinisan 10
Kabuoang Puntos 50

IV. Pagtataya: PEN AND PAPER TEST


Panuto: Basahin ng maayos ang pangungusap, piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang sex work ay lumilikha ito ng pangkalahatang impresyon kung saan ang mga
kababaihan ay tinitingnan bilang ___________?
a. Bulaklak b. paru-paru c. sex object
2. Ito ay bagay na ginagamit ng mga sex worker bilang proteksyon sa nakakahawang
sakit?
a. Condom b. Damit c. Mask
3. Ano ang mangyayari kapag malala ang pisikal na pang-aabuso natatanggap?
a. Pagkakaroon ng pasa
b. Pagkakaroon ng sugat
c. pakamatay ng biktima
4. Karamihan sa mga biktima ng panggagahasang military ay mga ____________ at
____________kababaihan.
a. Batang lalaki at katutubong
b. Batang pulubi at katutubo
c. Batang babae at katutubong
5. Ano ang ibig sabihin ng STI?
a. Sensually transmitted infection
b. Sexually transmitted Infection
c. Sexually Transferred Infections
a.
Tamang Sagot:
1. C
2. A
3. C
4. C
5. B

V. Takdang aralin
Panuto: Gumawa ng maikling sanayay tungkol sa iyong mungkahi kung bakit mahalagang
pag-aaralan ang epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa buhay ng tao sa pamayanan at
bansa.

PAMANTAYAN Puntos Nakuhang


Puntos
Wasto ang datos na ginamit sa sanaysay. Angkop ang mga 15
pahayag sa paksang ibinigay.
Nailalahad nang maayos ang mahahalagang ideya. 10
Malinaw at malinis ang pagkakasulat sa sanaysay 5
Kabuoan 30
Inihanda ni:

Mrs. MARIA RECA C. ANTIOLA

You might also like