You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


GUIMARAS STATE COLLEGE
Mc Lain, Buenavista, Guimaras

BANGHAY ARALIN SA ARALING-PANLIPUNAN 10


Kontemporaryong Isyu

Asignatura: Araling-Panlipunan Pangalan :


Grade Level/Section: 10 Petsa:

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT
B. Nauunawaan ang pagkakapantay- pantay sa karapatan at kasarian
C. Nakapagbibigay ng mga pamamaraan upang masugpo at maiwasan
ang diskriminasyon sa kasarian.
II. NILALAMAN
A. Paksa Diskriminasyon sa mga Babae, Lalaki at LGBT
B. Panahon
C. Kagamitan Kagamitang biswal, laptop, Speaker
D. Pinagkuhanan Araling Panlipunan 10 Learning Material p.240-244
May Akda: Evangeline M. Dallo, et.al.
E. Pagpapahalaga Pagiging magalang at pagbibigay ng respeto sa anumang kasarian
III. Pamamaraan
A. Pagganyak Pakikinig ng awitin na pinamagatang “ Ituloy Mo Lang” ng Siakol.
(Motivation) Inaasahang sa pagtatapos ng pakikinig ng awitin masasagot ng mga
mag-aaral ang mga katanungang:

1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin?


2. Paano inilalarawan ang kalagayan ng LGBT sa napakinggang
awitin?

B. Gawain (Activity) Pangkatang Gawain


Mga Panuto:
A. Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pangkat,
bibigyang pansin at susuriin ng mga mag-aaral ang mga larawang
Nakadikit sa apat na sulok ng silid-aralan gamit ang
Estratehiyang Gallery Walk.
Note: Hayaan ang mga mag-aaral na pumili ng grupong sasamahan
Ang mga larawang nakadikit ay may kinalaman sa paksang
tatalakayin.
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Mc Lain, Buenavista, Guimaras

Station 1. (Mga larawan ng mga kababaihang nakakaranas ng


diskriminasyon)

Station 2. (Mga larawan ng mga lalakihang nakakaranas ng


diskriminasyon)

Station 3. (Mga larawan ng mga baklang nakakaranas ng


diskriminasyon)

Station 4. (Mga larawan ng mga tomboy nakakaranas ng


diskriminasyon)

Pamprosesong Tanong:
C. Pagsusuri 1. Sa bawat station na inyong napuntahan, ano- anong mga larawan
(Analysis) ang inyong nakita?
2. Ilang kasarian ang nakita ninyo sa mga larawan? Anu-ano ang
mga ito?
3. Sa inyong palagay ang mga kilalang personalidad na ito ay
nakakaranas rin kaya ng mga pangungutya mula sa lipunang
kanilang ginagalawan?
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Mc Lain, Buenavista, Guimaras

D. Paglalahad Ang guro ay may ipapanuod na isang video clip na pinamagatang


(Abstraction) “Laban sa Diskriminasyon”
Pamprosesong Tanong:
1. Saan pumapatungkol ang video na inyong napanuod?
2. Para sa inyo, ano ang diskriminasyon?
 Ang anumang pag-uuri, ekslusyon, o restriksyon batay sa kasarian
na nagiging sanhi ng hindi pagkilala at paggalang, ng mga
karapatan o kalayaan
3. Sa inyong palagay, bakit nakakaranas ng diskriminasyon ang mga
kababaihan, kalalakihan, at mga LGBT?
Mga Dahilan ng Diskriminasyon
1. Istado ng pamilya
2. Kapansanan
3. Relihiyon
4. Kulay
5. Lugar na pinagmulan
6. Kasarian
7. Edad
8. Uri ng pamumuhay
9. Pride
10. Itsura

E.Paglalahat  Ang pagbibigay galang at respeto sa anumang kasarian ay paraan


(Generalization) upang maiwasan ang diskriminasyon.

F.Paglalapat  Sa tanang buhay mo, ano yung pinakamasakit na pangungutya na


(Application) natanggap mo mula sa ibang tao? Paano mo ito tinanggap sa sarili
mo at paano mo ito nalagpasan?
 Ano ang maaari mong ipayo sa mga taong nakaranas ng
pangungutya tulad ng iyong naranasan?
IV. Ebalwasyon Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon, tukuyin kung ito
ba ay nagpapakita ng diskriminasyon sa babae, lalaki, o
LGBT.

1. Si Pia ay hindi tinanggap sa kanyang pinag-aplayang trabaho sa


England dahil sa siya ay isang babae.
2. Hindi pinapasok ng guwardiya si Allan sa loob ng University
kung saan siya nag-aaral dahil sa kanyang pag kocross-dressing.
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Mc Lain, Buenavista, Guimaras
3. Si Mario ay laging sinisigawan ng kanyang asawang si Maria sa
tuwing hindi nito naibibigay agad-agad ang mga hinihingi.
4. Si Chyrine ay binabayaran ng mas mababa kaysa sa isang
katrabaho na isang lalaki kahit na pareho lamang naman ang
kanilang posisyon sa pinapasukang kompanya.
5. Si Balmond ay nakakatanggap ng pang-iinsulto mula sa ibang tao
dahil sa pagiging isang bakla.

Panuto: Anong konkretong aksiyon ang handa mong gawin para


makatulong sa pagsugpo ng gender discrimination?
Gumamit ng isang buong papel sa pagsagot at gayahin ang
talahanayan.

Uri ng Diskriminasyon Kongkretong Plano o


Aksiyon

Diskriminasyon sa Kababaihan

Diskriminasyon sa Kalalakihan

Diskriminasyon sa LGBT

Rubrik sa Graphic Organizer


Krayterya Napakahusay Mahusay Hindi Gaanong
(3) (2) Mahusay (1)
Napakalinaw Malinaw Hindi gaanong
Pagkakab ang ang malinaw ang
uo pagkakabuo ng pagkakabuo pagkakabuo ng
mga kaisipang ng mga mga kaisipang
inilahad sa kaisipang inilahad sa
pagsugpo ng inilahad sa pagsugpo ng
gender pagsugpo gender
discrimination ng gender discrimination
discriminati
on
Angkop na May Hindi gaanong
Kaangkup angkop ang kaangkupan angkop ang mga
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Mc Lain, Buenavista, Guimaras
an mga plano o ang mga plano o aksyon na
aksyon na plano o nabuo
nabuo aksyon na
nabuo
Kabuoan 6 4 2

V. TAKDANG ARALIN Panuto: Magsaliksik sa internet o manood ng balita sa telebisyon na


may kinalaman sa diskriminasyon sa babae, lalaki, at LGBT.
Magbigay nang iyong sariling opinyon ukol sa balitang
napanuod at maghanda sa pagbabahagi nito sa klase sa
susunod na pagkikita.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

JUDY LYN GALAS Gng. CAREL JIMENEZ GARMAY


Student Professor

You might also like