You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES

Tamag, Vigan City

2700 Ilocos Sur

Naglao-an National High School

MASUSING BANGHAY SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN 10

Week No. 3 Date: March 13, 2022

I. LAYUNIN
1. Naitatala kung ano ang mga diskriminasyong kinakaharap ng mga lalaki, babae
at LGBT sa kasalukuyan.

2. Nakikilala ang mga ideya at pamamaraan upang masugpo at maiwasan ang


kaharasan sa kasarian.

3. Napahahalagahan at nauunawaan ang pagkakapantay-pantay sa karapatan at


kasarian tungo sa pagkakaisa

*Pag papahalaga sa
karapatan

II. Paksang Aralin:


Paksa: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Sanggunian: Araling Panlipunan 10, Ikatlong Markaha. -Modyul 2
Kagamitan: Power point, TV, Speaker

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik- Aral

Magandang umaga mga mahal kong mag-aaral. Magandang umaga din po, Ma’am.

Bago natin simulan ang ating activity atin munang


balikan ang tinalakay natin noong nakaraang Tinalakay natin ma’am yung
araw. patungkol sa Diskriminasyon sa
kasarian,na kung saan ma’am
binigyan mo kami ng pangkatang
gawain patungkol sa diskriminasyon
na nararanansan ng mga
kababaihan, kalalakihan at mga ang
Tama, noong nakaraang araw din ay nag presenta LGBTQIA+
ang ikalawang pangkat sa kanilang performance,
na kung saan natunghayan natin ang pantomime
na ipinakita nila.

Handa na ba kayo sa susunod na mag pre Handa na po ma’am


Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES

Tamag, Vigan City

2700 Ilocos Sur

presenta?

B. Bagong Aralin

1.Pagtatalakay

Kung handa na kayo, pwede niyo nang ipakita


ang inyong ginawa.

Pumunta na kayo sa harapan group 1. ( Ipapakita sa harapan ang ginawang


Flow Chart patungkul sa
nangyayaring diskriminasyon sa
kasarian)

Sa Ikatlong pangkat pwede niyo nang ilahad ang


inyong ginawa. ( Ipapakita sa harapan ang
ginawang Data Retrieval chart
patungkul sa nangyayaring
Sa Ika apat na pangkat pwede niyo nang ilahad diskriminasyon sa kasarian)
ang inyong ginawa.
( Ipapakita sa harapan ang binoung
panel discussion patungkul sa
nangyayaring diskriminasyon sa
kasarian)

( Ipapakita sa harapan ang


Sa pang huling pangkat pwede niyo nang ilahad ginawang Bubble map patungkul sa
ang inyong ginawa. nangyayaring diskriminasyon sa
kasarian)

Mahusay kayong lahat klas sa pag pre presenta,


at tama lahat ang mga sinabi niyo na kung saan,
talamak pa din ang diskriminasyon sa mga
kababaihan. Kaya naman maraming salamat sa
pag babahagi ng mga nangyayaring nararanansan
na diskriminasyon sa mga iba’t ibang kasarian.

Bilang karagdagang impormasyon, ang Labor


Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan
ay nananatiling mas mababa kaysa sa mga
kalalakihan na maaaring maiugnay sa paglaganap
ng diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar ng
trabaho partikular na ang diskriminasyon sa
pagpasok sa trabaho, pagpapanatili pagsulong ng
mga manggagawang kababaihan, sexual
Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES

Tamag, Vigan City

2700 Ilocos Sur

harassment, , agwat sa saahod at limitadong


kakayahang umangkop sa trabaho.

Kung merong diskriminasyon na nangyayari sa


kababaihan , Meron ding nangyayaring
Diskriminasyon sa kalalakihan,
Marahil ang Pilipinas ay isang patriyalkal na bansa
kaya mataas ang pagtingin sa kalalakihan sa
lipunan, subalit may mga pagkakataon ding sila ay
nakararanas ng diskriminasyon. Ginagawang
paksang biro ang pagtawag ng ‘House hushand’ sa
mga kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng m
mga gawaing pantahanan. Dito na pumapasok
klas yung tinatawag nating pag kakaroon ng
Gender Stereotypes, na kung saan inaasahan sa
lipunan na nararapat lang na mas madali yung
mga ginagampan ng mga asawang babae,
kagaya na lamang ng pag lalaba , pag huhugas ng
pinggan , pag wawalis at marami pang iba kaysa
sa mga gawaing ng asawang lalake. Pero kapag
ang mga asawang lalake ang gumawa ng
pambabaeng gawain ay makakarananas sila ng
diskriminasyon sa lipunan kung napapansin niyo
klas, katulad na lamang ng pag tawag sa kanila
na “House husband” o kaya minsan tinatawag
silang under.

Gaya ng mga sinabi niyo klas ay meron din tayong


diskriminasyon sa mga LGBTQIA+, dahil ayun sa
USAID ang mga LGBTQIA+ ay may kakaunting
oportunidad sa trabaho, bias sa mga serbisyong
medikal, pabahay at maging sa edukasyon.
Ang pag kuha ng kurso , propesyon, at mga ilang
hanapbuhay ay para lamang sa babae o lalake,
kaya naman minsan ay mas tinatanggap nila ang
mga lalake at babae sa larangan ng trabaho.

Yun yung mga iba’t g diskriminasyong


nararanansan ng bawat kasarian sa lipunan,
meron pa ba kayong katanungan?
Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES

Tamag, Vigan City

2700 Ilocos Sur

2. Paglalahat
Upang lagumin ang tinalakay natin noong
nakaraang araw at ngayon klas ay may Isa akong
katanungan dito para sa inyo:

“Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong Bilang isang mag-aaral, magagawa
gawin upang masugpo o maiwasan ang ko po itong masugpo at maiwasan sa
diskriminasyon lalo na sa aspetong pangkasarian?” pamamagitan ng paghahayag ng
mga adbokasiya “halimbawa, maaari
kong gamitin ang social media at ang
impluwensya ko bilang tao.

Bilang isang mag-aaral, maaari


akong makatulong sa mga simpleng
bagay tulad ng hindi pangungutya at
Mahusay! Ano pa? pambubully. Kailangan pong simulan
sa ating sarili ang pagbabago.

Tama! Halimbawa, may kamag-aral o ka-eskwela Ma'am, bilang isang mag-aaral,


na binubully o kinuktya dahil sa kanyang pisikal na ipagtatanggol ko po ang kamag-aral
kaanyuan, ano ang iyong gagawin bilang isang kong iyon at sasabihin sa mga
mabuting mag-aaral? nangungutyang mali ang kanilang
ginagawa. Sa ganoong paraan po ay
magagamit ko ang ating tinalakay
ngayong araw.

Mahusay! Lahat ng mga sinabi niyo klas ay tama .


Kung gayon natapus na natin ang aralin.

Lagi lang nating tatandaan na, sa lahat ng mga


kinasasalamuha natin, pinakamahalaga pa rin ang
respeto.

3. Pagatataya

Magbigay ng tig isang halimbawa ng


diskriminasyon na nangyayari sa kasalukuyan sa
mga kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+. Ibigay
ang mga sanhi at bunga ng ganitong pangyayari.
Isulat sa sagutang papel.
Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES

Tamag, Vigan City

2700 Ilocos Sur

IV. Takdang Aralin

Basahin ang susunod na aralin patungkol sa karahasan sa kalalakihan, kababaihan at mga kasarian
na kabilang ang LGBTQIA+.
Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES

Tamag, Vigan City

2700 Ilocos Sur

Inihanda ni:

LYZA M. TAGELO

Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:

G. ARNEL I. TORRICER

Gurong Tagasanay

Pinatotohanan ni:

GNG. FATIMA MERCEDES T. MENDOZA

Head Teacher III

Pinagtibay ni:

GNG. MARINA U. ANCHETA

Principal II

You might also like