You are on page 1of 10

MASUSING BANGHAY SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN 10 MODYUL 2:

Epekto ng Diskriminasyon

Ipapakitang-turo ni:
MARIA VANESSA P. PILARTA
Gurong-Tagapagsanay

Binigyang pansin ni:


Gng. MARIBEL R. DELA CRUZ
Gurong-Tagapatnubay
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na
nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t – ibang kasarian upang
maitaguyod ang pagkakapantay – pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon
na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong
tagapagtaguyod ng pagkapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi
ng pamayanan.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto


Nasusuri ang mga diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan, at LGBT+

D. Mga Layunin sa Pag-aaral


Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang iba’t – ibang epekto ng diskriminasyon
2. Nakabubuo ng mga epekto ng diskriminasyon
3. Naibabahagi ang mga Posibleng epekto ng diskriminasyon sa pisikal,
emosyonal, intelektuwal at panlipunan.

II. Paksang Aralin:


1. Paksa: Epekto ng Diskriminasyon
2. Sanggunian: Araling Panlipunan 10 (Alternative Delivery Module) at
KAYAMANAN: Mga Kontemporaryong Isyu (pahina 191)
3. Kagamitan: Powerpoint Presentation, laptop, mga larawan.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Balik Aral
Bago natin umpisahan ang ating bagong aralin.
Magbalik-aral muna tayo sa huling paksa na ating
tinalakay.

Tungkol saan na nga ba ang huling paksa na ating


tinalakay?

Tungkol sa dahilan ng diskriminasyon


ma’am

Tama, base sa ating tinalakay ano – ano ang mga


dahilan ng diskriminasyon?

Dahil sa Relihiyon ma’am

Okay, ano pa?

Dahil sa kultura ma’am

Tama! Ano naman ang programa ng pamahalaan


ang ating ipinagdidiwang ngayong buwan na ito??

Wome’s Month ma’am

Magaling! Bago tayo dumako sa ating susunod na


gawain, may mga katanungan ba ukol sa ating
huling paksa?

Wala po

B. Bagong Aralin
1. Paglalahad

Kung kayo ang tatanungin bakit kaya may


nangyayaring Diskriminasyon sa ating lipunan?

Okay, ano pa?


Salamat, batay sa inyong mga tugon batid kong
nakinig nga kayo sa ating naging talakayan noong
nakaraan.

Kaya ngayon naman ay ating tatalakayin ang iba’t


– ibang epekto ng diskriminasyon.

2. Pagtatalakay

Iba't iba ang maaaring maging epekto ng


diskriminasyon sa iba't ibang tao. Ang mga epekto
nito ay hindi lamang makikita sa taong tuwirang
nakaranas ng diskri- minasyon.

Nadarama rin ito ng kaniyang kinabibilangang


pamilya, pangkat, o pamayanan.

Halimbawa, kung makaranas ng pang-aapi o hindi-


pagtanggap ang isang batang may kapansanan sa
harap ng mga batang walang kapansanan, kapwa
masasaktan o magagalit ang mismong batang may
kapansanan at ang kanyang mga kaanak at mga
taong tulad niyang may kapansanan at mga
kaanak nito.

Kaya’t narito ang mga posibleng epekto ng diskri-


minasyon ay maaaring pangkatin ayon sa mga
kategoryang ating tatalakayin.

Una ay sa Pisikal.

Ibabahagi ko rito ang mga halimbawa ng Pisikal na


epekto sa mga nakararanas ng diskriminasyon.

1. Pamamayat o pananaba

Halimbawa nalang nito ay kung nagkakaroon ng


panunukso sa isang tao dahil sila ay payat o
mataba ito, nagkakaron sila ng mga dahilan para
mag stress eating, mag kulong lamang sa kwarto o
dikaya ang Malala ay maisipan nilang mag suicide.

2. Problema sa pagtulog

Dito naman ay ang maihahalimbawa natin ay kung


ang isang tao ay nakararanas ng pang-aabuso
maaring magkaroon sila ng insomnia kung saan
sila ay hindi makakatulog dahil sa pag – iisip ng
tungkol sa nangyayari sa kaniya

Pangatlo, paki basa lian

3. Kawalan ng interes sa pag-aayos at


paglilinis ng sarili

Ang karahasan sa sarili na nagiging epekto din ng


diskriminasyon ay ang kawalan ng pag-aalaga sa
sarili kung saan mas pipiliin na lamang ng ilang tao
na huwag ng alagaan ang sarili dahil ganun parin
naman ang mangyayari at mangyayari pang pang
iinsulto sa kanila.

Ngayon dumako naman tayo sa pangalawang


kategorya, ang Emosyonal.

Sino dito ang madalas nakararanas ng Emotional


breakdown?

Ako ma’am

Okay, minsan kasi ang nararamdaman natin na


emosyon ay hindi dahil sa karahasan, pangiinsulto
at diskriminasyon sa labas ng bahay nanggagaling
may ilang tao na nakararanas sa loob ng kanilang
pamamahay, gay ana lamang ng

1. Mababang pagtingin sa sarili

Dito na papasok ang pagkokompara ng ibang mga


magulang sa kanilang anak sa ibang tao, kaya’t
manliliit o mas mawawala ang confidence ng
ibang kabataan ngayon dahil sa taas ng standards
ng mga magulang para sa kanila.

Pangalawa paki basa Jean.

Depresyon ma’am

Magiging konektado na din ito sa pagkakaroon ng


depresyon, ang mga kabataan ngayon ay very
prone na sa depresyon lalo na noong nagkaroon
ng Pandemic. Kaya’t ganun na lamang ang
pangamba ng nakararami sa mga Suicide na
nagyari dahil sa depresyon.

Ngunit may inialay na programa ang pamahalaan,


kung kayo ay walang kausap at gusting may
making sa inyo tawagan niyo lamang o itext ang
numerong 800-273-8255 o 838255 ito ay ang
tinatawag nilang Life line, kung saan layunin
nitong maiwasan ang mga kabataan sa
pagpapakamatay.

Pangatlo ay ang

3. Galit

Minsan tayong mga kabataan ay mapusok at


gumagawa na lamang ng mga bagay na hindi natin
talagang pinag desisyonan.

Kung kayo ay nagawan ng ibang tao ng masama,


maaari kayong magalit pero dapat ay huwag
humantong ang inyong mga galit sa pisikal na
karahasan sa kapwa o di kaya sa inyong mga sarili.

Pang apat
4. Takot

Dito naman ay maihahalimbawa ko ang may mga


kapansanan kung saan dahil sa pang-iinsulto at
karahasang natatamo nila sa lipunan ay mas
pinipili na lamang nilang manatili sa kanilang
bahay sa kadahilanang takot na silang mai-judge
ng ibang tao.

Tandaan klas na ang Karma ay nasa tabi-tabi lang,


gaya ng kasabihan, “huwag mong gawin sa iba ang
ayaw mong gawin sa iyo”

Ano naman ang pangatlong kategorya Mika.

Panlipunan ma’am

Salamat! Ang halimbawa naman nito ay ang


1. Hindi pagkilala ng mga Karapatan

Diyan nagsisimula ang diskriminasyon, dahil gaya


nga ng lagi kong sinasabi hindi ang iyong
nasyonalismo, relihiyon, kulay, edad, kapansanan
at kasarian ang magdidikta ng Karapatan ng isang
tao.

2. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot

Hindi lamang diskriminasyon ang dahilan ng


pagrerebelde ng ilang kabataan ngayon kundi pati
narin ang kinalakihan nilang lipunan o kapaligiran
kaya naigagaya sila sa mga nakikita nilang
ginagawa ng iba.

Itaas ang kamay kung sino sa inyo ang mas


gustong mapag-isa lamang sa ilang bagay?

(magtataas ng kamay ang mga


estudyante)

Okay! Ang pangatlong halimbawa ng epekto ng


diskriminasyon ay

3. Pagiging mapag- isa


Halimbawa nito ay ang pag a-isolate ng mga
nakararanas ng diskriminasyon o pang-iinsulto,
mas pinipili na lamang nilang mapag-isa at huwag
makisalamuha sa ibang tao.

At ang pang apat pakibasa

4. Labis na pag-inom ng alak.

Ang diskriminasyon din ay nakakaapekto sa


kalusugan ng isang tao, gaya na lamang ng labis na
pag-inom nila ng alak dahil sa problemang
kanilang dinadanas.

Ngayon dumako naman tayo sa huling kategorya.

Ang Intelektuwal

Ang mga nakakonektang halimbawa naman ang


aking ipapakita sa inyo ngayon.

Una, pakibasa

1. Kawalan ng motibasyon upang mag-


aral o magtrabaho

Dahil sa diskriminasyon na nagyayari sa loob ng


ating paaralan at pati na rin sa lugar ng trabaho,
karamihan sa estudyante, guro at ibang
empleyado ay hindi ginaganahan na mag-aral at
mag trabaho dahil sa mga natatanggap nil ana
diskriminasyon.

Ang pangalawa, paki basa Kean.

2. Makitid na pananaw

Minsan ang mga tao umiikli o kumikitid ang


kanilang pananawa dahil sa mga diskriminasyon
na kanilang nakukuha sa kapwa nila tao.
At ang pangatlo, pakibasa Julius.

3. Maling pagpapasya

Dahil sa diskriminasyon din ay nagakakaroon tayo


ng ,maling pagpapasya na ating ikasisisi sa huli.

IV. Pagtataya

Panuto: Ilagay sa nararapat na kategorya o kahon


ang mga salitang naka bullets.

• Pagiging mapag- isa


• Depresyon
• Kawalan ng interes sa pag-aayos at
paglilinis ng sarili
• Pamamayat o pananaba
• Maling pagpapasya
• Kawalan ng motibasyon upang mag-aral o
magtrabaho
• Paggamit ng ipinagbabawal na gamot
• Mababang pagtingin sa sarili
• Hindi pagkilala ng mga Karapatan
• Problema sa pagtulog
• Takot
• Galit
• Problema sa pagtulog
• Labis na pag-inom ng alak
• Makitid na pananaw

Pisikal Emosyonal Panlipunan Intelektuwal


V. Takdang Aralin

Maghanda ng mga Art Materials para sa inyong


gagawing aktibidad sa ating sususnod na
pagkikita.

You might also like