You are on page 1of 9

DLC Number and Statement: AP10IKPIIIj-16: 11.

Nakapagmumungkahi ng mga paraang


tungo sa ikalulutas ang suliranin ng prostitusyon at pang-aabuso sa sariling pamayanan at
bansa.
Topic: Paglutas sa suliranin ng prostitusyon at pang-aabuso sa sariling pamayanan at bansa.
Values to be Integrated: Respeto sa kapwa
Values Concept: Ang pagrespeto sa kapwa ay kakambal ng salitang paggawa ng mabuti sa
kapwa, pagkakaroon ng magandang-asal at paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halaga sa isang tao o bagay. Kinakailangan respetuhin ang kapwa at ang karapatan nila upang
malutas ang prostitusyon at pang-aabuso.
BANGHAY ARALIN SA PANLIPUNAN 10
Paaralan: Pamantasang Normal ng Baitang/Antas: 10
Pilipinas
Guro: Bb. Andrea Therese C. Asignatura: Araling Panlipunan
Matienzo
Petsa: Abril 20, 2023 Markahan: Ikatlong Markahan
I. MGA LAYUNIN
Natutukoy ang mga pamaraan tungo sa ikalulutas ng suliranin ng prostitusyon at pang-aabuso
sa sariling pamayanan at bansa - C
Napahahalagahan ang pagrespeto sa kapwa - A
Nakagagawa ng sariling adbokasiya na tumutugon sa paglutas ng suliranin ng prostitusyon at
pang-aabuso sa sariling pamayanan at bansa. - B
A. Pamantayang Nilalaman Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa:
sa kahalagahan ng pagtanggap at paggalang
sa iba’t ibang perspektibo na may kaugnayan
sa samu’t saring isyu sa gender
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay:
nakabubuo ng dokyumentaryo na
nagsusulong ng paggalang sa karapatan ng
mga mamamayan sa pagpili ng kasarian at
sekswalidad
C. Pamantayan ng Pagkatuto Nakapagmumungkahi ng mga paraang tungo
sa ikalulutas ang suliranin ng prostitusyon at
pang-aabuso sa sariling pamayanan at bansa.
II. NILALAMAN
Paksang Aralin Mga paraan tungo sa ikalulutas ang suliranin
ng prostitusyon at pang-aabuso sa sariling
pamayanan at bansa.
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Kagamitan sa Pagtuturo
● Laptop

● Ballpen

● Notebook
B. Istratehiya
● Using Value Judgment questions
C. Sanggunian
● ABS-CBN News (2020). 3 babae
nasagip mula sa prostitusyon sa Maynila.
https://news.abs-cbn.com/news/09/10/20/
3-babae-nasagip-mula-sa-prostitusyon-sa-
maynila
● Eugenio, M. (2020, November 4). Mga
paraang tungo sa ikalulutas ng suliranin
sa prostitusyon at pang-aabuso sa
sariling pamayanan at bansa.
https://myinfobasket.com/mga-paraang-
tungo-sa-ikalulutas-ang-suliranin-ng-
prostitusyon-at-pang-aabuso-sa-sariling-
pamayanan-at-bansa/
● Philippine Commission on Women. (n.d.)
Republic Act 8353: The anti-rape law of
1997.
https://www.dbp.ph/wp-content/uploads/
2018/06/RA-8353-The-Anti-Rape-Law-
of-1997.pdf
● Philippine Commission on Women.
(n.d.). RA 9262: the Anti-Violence
Against Women and their Children Act of
2004. https://pcw.gov.ph/faq-republic-
act-9262/
● PhilStar Global. (2013). Panukalang
batas sa prostitusyon suportado ng
DSWD. https://www.philstar.com/balita-
ngayon/2013/01/21/899478/panukalang-
batas-sa-prostitusyon-suportado-ng-dswd

D. Pagpapahalaga
● Pagrespeto sa kapwa (Social)

IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
1. Pagbati
“Magandang umaga mga estudyante!” “Magandang umaga po Teacher Andrea”

2. Pagdadasal
“Upang pormal na simulan ang ating klase “Opo”
tayo ay magdasal”

3. Pagtatala ng liban
“Bago tayo magsimula sa ating klase, “Almighty Father maraming salamat po sa
kumpleto na ba ang lahat?” araw ninyong binigay. Gabayan niyo po
kami at ang aming guro upang maging
4. Diskusyon ng mga patakaran sa klase makabuluhan ang aming talakayin. Amen”
“Itaas ang kamay kapag magsasalita, makinig
sa nagsasalita at matuto”

5. Pagbabahagi ng balita
“Bago tayo magsimula sa ating klase sino
ang maari magbahagi ng balita na narinig o “Ako po teacher, ang balita ko po ay……..”
nabasa nila?”
V. PARAANG PAGKATUTO
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Pagganyak

Panuto: Ang mga mag-aaral ay manonood ng


isang balita.

3 babae nasagip mula sa prostitusyon sa


Maynila
https://youtu.be/u7px2H3ON-I

Mga katanungan:

“Tungkol saan ang balitang napanood?” “Tungkol po sa prostitusyon kung saan


nahuli ang isang mambubugaw”

“Ano ang iyong naramdaman para sa mga “Nalungkot po dahil gusto lang nila kumite
biktima?” ng pera ngunit mali ang paraan.”

“Dapat ba na parusahan ang nangbubugaw? “Opo dahil inexploit niya po ang mga
Bakit?” babae”
B. Gawain – ENTRY POINT FOR VTI
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Panuto: Ang guro ay magpapakita ng mga
sitwasyon at ang mga mag-aaral ay sasagot ng
tanong.

Unang sitwasyon:
Si Anna ay isang 18-anyos na babae, siya ay
maganda at matalino. Dala ng kahirapan, may
nagalok sakanya na magtrabaho bilang isang
prostitute. Ayaw man niya dahil hindi ito
marangal na trabaho, siya ay pinipilit dahil
malaki ang kanyang kikitain.
“Hindi ko po tatanggapin dahil hindi po
“Kung ikaw si Anna ano ang iyong marangal ang trabaho”
gagawin?”

Pangalawang sitwasyon:
Si Maria ay isang maybahay. Ang asawa niya
ay laging palainom, sa init ng ulo tuwing
lasing ay nasasaktan at nasisigawan niya si
Maria. Nung siya ay pumunta sa presinto
upang maghain ng kaso, napagalaman niya na
maraming kaibigan na pulitiko ang kanyang
asawa. Kaya siya ay nagdalawang isip kung
itutuloy niya pa ba ang kaso.
“Itutuloy ko parin po dahil siya po ang may
“Kung ikaw si Maria, itutuloy mo ba ang kaso kasalanan”
o hindi?”
VI. PAGSUSURI
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Mga Katanungan:

1. Anong isyung panlipunan ang tinatalakay sa “Ito po ay mga issue pumapatungkol sa


dalawang sitwasyon? - C prostitusyon at pang-aabuso”

2. Kung ikaw ang nasa sitwasyon nila ano ang “Lalaban po ako”
gagawin mo? - A

3. Nangyayari ba talaga ang mga ito sa “Opo”


totoong buhay? - C

4. Meron na bang mga batas patungkol dito? “Meron po, ginawa po para protektahan sila
Bakit ginawa ang mga ito? - C at magpakita ng respeto”

5. Bakit kailangan respetuhin ang kapwa? - A


“Kasi lahat po tayo ay may karapatan”
6. Paano maipapakita ang pagrespeto sa
kapwa? “Tratuhin po sila ng tama”
VII. PAGHAHALAW
Ang prostitusyon at pang-aabuso ay mga problemang panlipunan na marapat tugunan. Narito
ang ilang mga mungkahing solusyon:

1. Paglikha at pagpapatupad ng mga batas

Buong higpit na ipatupad ang batas sa mga sangkot sa prostitusyon at pang-aabuso. Dapat
makalikha ng akmang batas na may karampatang parusa para, halimbawa, sa mga bugaw,
nagpapatakbo ng mga negosyong nag-aalok ng prostitusyon, at parokyano ng prostitusyon.
Ang mga mahuhuling prostitute ay dapat papanagutin batay sa sa sinasabi ng batas o isailalim
sa mga proyekto ng gobyerno na mag-aahon sa tao mula sa prostitusyon.

Marapat din na ipatupad nang walang kinikilingan ang mga angkop na batas para sa mga
nang-aabuso, lalo na sa mga sangkot sa rape at domestic violence.

Mga batas tungkol sa prostitusyon at pang-aabuso.


● Anti-Prostitution Bill
o Inaamyendahan ng Anti-Prostitution Bill ang Article 202 at 341 ng Revised Penal
Code na nagpapataw ng parusa sa "women who, for money engage in sexual
intercourse, or lascivious conduct."
o Sa ilalim ng panukala, ituturing nang biktima ang mga prostitute at ang
pananagutin na lamang ay ang kanilang mga bugaw at iba pang mga taong nasa
likod ng operasyon ng prostitution.
● Republic Act 9262: The Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004
o Batas na naglilinaw kung ano ang ibig sabhin ng karahasan sa kababaihan at mga
bata (18 taong gulang pababa) at nagtatakda ng mga hakbang upang maprotektahan
at maipagtanggol ang karapatan ng mga biktima.
● Republic Act No. 9710: Magna Carta for Women
o Naglalayon maibsan ang ang diskriminasyon sa kababaihan sa pamamagitan ng ng
pagkilala at pagprotekta sa kanilang karapatan.

2. Pagtutulungan ng mahahalagang institusyon sa lipunan


Ang pamilya, paaralan, at relihiyon ay dapat magtulung-tulong sa paglutas sa prostitusyon at
pang-aabuso. Ang paaralan at relihiyon ay maaaring magtulong sa pagtuturo ukol sa kasamaan
ng pang-aabuso at masasamang epekto ng prostitusyon sa lipunan.

Ang mga magulang o guardian naman ang gagabay at magmamalasakit sa mga miyembro ng
kanilang pamilya, lalo na sa mga kabataan, upang maiwasan ang anomang pang-aabuso at
hindi masadlak sa prostitusyon.

3. Pagbuo ng pamahalaan ng mga angkop na proyekto


Makagagawa ang gobyerno ng mga proyekto at programa ukol sa pagpapalaganap ng mga
tamang kaalaman ukol sa pang-aabuso at prostitusyon. Maaari ring lumikha ng livelihood
program upang tugunan ang tukso sa pagpasok sa prostitusyon.

Makalilikha rin ng mga epektibong sistema ukol sa madaling pagpaparating sa otoridad ng


mga kaso ng pang-aabuso at mabilis na pagtugon ng mga alagad ng batas sa mga ito.
● RECOVERY AND RE-INTEGRATION PROGRAM FOR TRAFFICKED PERSONS

● Gender Equality and Women Empowerment Plan

● Iminumungkahi rin ng panukala ang paggawa ng National Anti-Prostitution Council na


pangungunahan ng DSWD at kabibilangan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, non-
government organizations at mga biktima ng prostitusyon.
● NGOs: Sagip Babae Foundation (SBF) , Stop the Abuse and Violence against Our Women
(SAVE Our Women) and UNFPA
VIII. PAGLALAPAT
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Panuto: Ang mga mag-aaral ay gagawa ng
advocacy campaign laban sa prostitusyon
at pangaabuso. Ang klase ay maghahati sa
tatlo (3) grupo na may dalawang (2)
miyembro.

“Sino ang gusto magbahagi ng kanilang “Ako po teacher, ang adbokasiya ko po ay


nagawang adbokasiya?” respeto para sa lahat para sa mapayapang
lipunan”

“Mahusay! Ang adbokasiya ay tiyak na


pinagisipan at makakatutulong sa
maraming tao”

RUBRIKS:

IX. PAGTATAYA
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
“Tayo ay magkakaroon ng maiksing
pagsusulit. Mayroon kayong 10 minuto
para magsagot”

1. Alin sa sumusunod ang HINDI


halimbawa ng paglutas ng suliranin ng
prostitusyon ang pang-aabuso.

a. Pagtutulungan ng mahahalagang
institusyon sa lipunan
b. Pagbuo ng pamahalaan ng mga angkop
na proyekto
c. Pakikiisa sa pagtaguyod ng
adbokasiya ng pamahalaan laban sa
pang-aabuso
d. Paglikha at pagpapatupad ng mga batas

2. Si Yen ay isang biktima ng


panggagahasa, nais niyang magsampa ng
kaso. Ano ang kaso na maari niyang
isampa?

a. R.A 8353
b. R.A 1146
c. R.A 9262
d. R.A 7891

3. Ano mga institusyon na maaring


tumulong sa paglutas ng suliranin sa
pang-aabuso?

a. Paaralan
b. Relihiyon
c. Pamilya
d. Lahat ng nabanggit

4. Mahalaga ba ang gampanin ng


gobyerno sa pagtugon sa mga isyu na ito?

a. Oo, dahil sila ang gumagawa ng mga


batas na maaring makatulong na
tugunan ang mga isyu.
b. Hindi, dahil ang mga nakaupo sa
gobyerno ay pawang pangugurakot
lamang ang ginagawa.
c. Oo, dahil sila ang tatakbuhan ng tao
pag nalagay sa sitwasyon na mapanganib.
d. Hindi, dahil tayo ang dapat mag-ingat
upang hindi natin mailagay ang ating
sarili sa mga sitwasyon na mapanganib.

5. Sa Anti-Prostitution Bill ano ang


inamendahan ng mga mambabatas?

a. Wala silang inamendahan simula ng ito


ay nakapasa sa bilang isang bill.
b. Hindi ang biktima ng prostitusyon
ang makukulong, kung hindi ang
bugaw at iba pang kasangkot.
c. Makukulong ang prostitute dahil ang
kanyang trabaho ay labag sa batas
d. Maaring hulihin ng pulis ang mga
babae na mapapatunayan na sangkot sa
prostitusyon

Sanaysay
Intindihin at sagutin ng hindi lalampas sa
sampung (10) pangugusap ang tanong sa
ibaba.

● Bilang mag-aaral, bakit kailangan


pagaralan ang ganitong isyu at kung
paano ito maaring lutasin?

RUBRIKS:
Nilalaman – 5 puntos
Ang dalawang tanong ay nasagot, at
nakapagbigay ng malinaw at
komprehensibo na sagot.

3 puntos
Nasagot ang dalawang katanungan ngunut
hindi malinaw.

1 puntos
Isa lang ang tanong na nasagot at hindi ito
malinaw.
X. TAKDANG ARALIN
Panuto:
- Ang mga mag-aaral ay maghahanda ng tanong tungkol sa mga proyekto ng kanilang
Barangay na tumutugon sa paglutas ng prostitusyon o pang-aabuso.
- Ang mag-aaral ay pupunta sa kanilang Barangay at iinterbyuhin ang isang opisyal tungkol
sa tanong na kaniyang ginawa.
- Tatanungin at itatala ng mag-aaral ang mga proyekto na mayroon sila sa barangay na
tumutugon sa paglutas ng prostitusyon o pang-aabuso.
- Kukuha ng larawan ang mag-aaral at pipirmahan ang papel na tinilaan ng sagot bilang
dokumentasyon.
- Gagawa ang mag-aaral ng kaniyang repleksyon mula sa nasabing interbyu.

RUBRIKS:
Mahusay (5 puntos) Katamtaman (3 puntos) Kailangan ng Iskor
Pagsasanay (2 puntos)
Pakikipanayam Nakapaghanda nang Bahagyang nakapaghanda Hindi nakapaghanda
(50%) lubha sa sa panayamdahil sa hindi sa panayam dahil
panayamdahil sa gaanong sabasta- basta na
nakapagsaliksik nakapagsaliksiktungkol sa lamang pinili
tungkol sa kakapanayamin at sa angkakapanayamin at
kakapanayamin at sa paksangitatanong paksang itatanong
paksang itatanong
Repleksyon (40%) Makabuluhan ang Bawat talata ay may sapat Hindi nadebelop
bawattalata dahil sa na detalye. angpangunahing ideya
husay
sapagpapaliwanag
atpagtalakay tungkol
sa paksa.
Dokumentasyon Mayroong larawan Walang larawan habang Mayroong larawan
(10%) habang nagiinterbyu nagiinterbyu ngunit may habang nagiinterbyu
at pirma ng opisyal pirma ng opisyal na ngunit walang pirma
na ininterbyu ang ininternyu ang mag-aaral. ng opisyal na
mag-aaral. ininternyu ang mag-
aaral.

You might also like