You are on page 1of 3

MAHABANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na sagot sa bawat tanong. Isulats ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat mula sa Papua New Guinea.
Para sa mga Mundugumor ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at
naghahangad ng posisyon sa kanilang lipunan. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa gampanin ng mga
babae at lalaki sa pangkat ng Arapesh?
a. mas dominante ang mga babae kaysa sa mga lalaki.
b. kapwa maalaga at mapag aruga sa kanilang mga anak.
c. ang mga lalaki ay abala sa pag-aayos sa kanilang mga sarili.
d. ang mga babae ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya
2. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng karahasan sa kababaihan?
a. anumang uri ng karahasang nagaganap sa isang relasyon.
b. anumang paggamit ng pisikal na puwersa o kapangyarihan, pagbabanta o aktwal, laban sa sarili, ibang
tao, o laban sa isang grupo o pamayanan, na may mataas na posibilidad na magresulta sa pinsala,
kamatayan, at sikolohikal na pinsala.
c. anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, sexual o mental na pananakit o
pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang Kalayaan.
d. anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o Kalayaan.
3. Si Mae ay nakaranas ng domestic violence. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng kaniyang naging
karanasan?
a. hindi nalilimutan ng kaniyang asawa ang kanilang anibersaryo.
b. laging sinusubaybayan ng kaniyang asawa ang kaniyang social media account.
c. laging may nakahandang sorpresa ang kaniyang asawa sa kaniyang kaarawan.
d. madalas siyang tinatawagan ng kaniyang asawa upang alamin ang kaniyang kalagayan.
4. Ang sumusunod ay halimbawa ng domestic violence MALIBAN sa isa.
a. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan.
b. sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
c. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan.
d. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop.
5. Taong 2020 ayon sa istatistika ng karahasan sa mga kababaihan, ilang porsyento ng mga babaeng may edad
15-49 ang nakararanas ng seksuwal na pananakit?
a. 2% b. 3% c. 4% d. 5%
6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng diskriminasyon?
a. pagbawal na makipagkita sa mga kaibigan
b. pagpigil na pumasok sa paaralan o trabaho
c. pag-insulto at pagbigay ng nakatatawang alyas o bansag
d. kawalan ng oportunidad sa trabaho dahil sa kapansanan
7. Ang sumusunod ay dahilan ng pagsasagawa ng breast ironing MALIBAN sa isa.
a. pagkagahasa c. paghinto sa pag-aaral
b. maagang pag-aasawa d. maagang pagbubuntis
8. Ito ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasan sa mga kababaihan.
a. GABRIELA b. LADLAD c. USAID d. UNDP
9. Kung si Edna ay biktima ng domestic violence, alin sa mga sumusunod ang maaari niyang naranasan?
a. pinagbantaan siya ng karahasan.
b. sinabihan siya na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
c. tinawag siya sa ibang pangalang hindi maganda (name calling).
d. humingi sa kaniya ng tawad ang taong may sala at nangakong magbabago.
10. Ito ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga babae upang hindi ito lumaki nang
normal.
a. breast ironing b. foot binding
c. Female Genital Mutilation d. suttee
11. Ang sumusunod ay halimbawa ng karahasan sa mga kababaihan MALIBAN sa isa.
a. berbal b. biyolohikal c. pisikal d. seksuwal
12. Ito ay batas na ipinatupad sa bansang Uganda na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay
maaaring parusahan ng panghabangbuhay na pagkakabilanggo.
a. Humanity Act c. Magna Carta for Women
b. Anti-Homosexuality Act d. Violence Against Women
13. Ayon sa istatistika taong 2020 ilan sa bawat babaeng may edad 15-49 ang nakararanas ng pisikal, seksuwal,
at emosyonal na pananakit mula sa kanilang asawa o partner?
a. isa sa bawat tatlong babae c. dalawa sa bawat tatlong babae
b. isa sa bawat apat na babae d. dalawa sa bawat apat na babae
14. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng Seven Deadly Sins Against Women?
a. pananakit c. pananakot
b. exploitation d. prostitusyon
15. Si Irene at kanyang mga anak ay pisikal na sinasaktan ng kaniyang asawa kapag ito ay palaging nakakainom
ng alak, gusto niya na kasuhan at panagutin ito. Anong batas ang maaari niyang ikaso sa kanyang mapanakit
na asawa?
a. Women and Children Act
b. Anti-Children and Women Act Bill
c. Act for Women and Children in Discrimination
d. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

Panuto: Kilalanin ang sumusunod na personalidad batay sa kanilang kontribusyon sa iba’t ibang larangan sa
iba’t ibang panig ng mundo. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

CHEF BOY LOGRO DANTON REMOTO CHARO CONCHO


TERI ONOR GLORIA ARROYO TIM COOK
GERALDINE ROMAN JAKE ZYRUS MARYLLYN HEWSON
ANDERSON COOPER PARKER GUNDERSEN ELLEN DEGENERES

16. Nakilala siya sa pagtatag ng “Ang Ladlad”, isang pamayanan na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.
17. Kauna-unahang transgender na miyembro ng Kongreso.
18. Isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na “the most prominent open gay on American
television.”
19. Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa pinakamatagumpay na talk- show sa Amerika,
ang “The Ellen Degeneres Show”.
20. Matagumpay na artista sa pelikula at telebisyon, nakilala siya sa longest-running Philippine TV drama
anthology program Maalaala Mo Kaya.
21. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the talented girl in the world.” Isa sa sumikat na awit niya ay ang Pyramid.
22. Isang actor at komedyante na nahalal bilang Vice-Mayor ng Abucay, Bataan mula 2007-2010 at naging
Board Member ng 1st District ng Bataan.
23. Siya ang Chief Executive Officer ng ZALORA.
24. Chair, Presidente, at CEO ng Lockheed Martin Corporation, na kilala sa paggawa ng mga armas pandigma at
panseguridad, at iba pang mga makabagong teknolohiya.
25. Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products.

Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang K kung ang sitwasyon ay naglalarawan ng
karahasan at D kung diskriminasyon.
26. Ang sapilitang pagtatalik o pamimilit sa isang tao na gumawa ng mga sexual na kilos.
27. Sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera at kung saan ka pupunta.
28. Laganap pa rin ang pagbibigay ng trabaho ayon sa kasarian o pananaw na trabaho ng babae at lalaki.
29. Ang hindi pagbibigay ng paid maternity leave para sa mga nagdadalang-tao at paternal leave para sa mga
ama.
30. Ang pagsusubaybay sa bawat kilos ng isang tao sa pamamagitan ng social media.
Inihanda ni:

You might also like