You are on page 1of 4

WALANG SUGAT

UNANG YUGTO
Tagpuan: Bahay ni Julia

Teñong: “Julia, ano ang iyong ibinuburda? Isa ba iyang panyo, kung pepwede ay maari ko ba itong makita?”
Julia: “Huwag na, hindi maganda ang pagkakaburda ko, ipapakita ko na lang sa iyo kapag naayos ko na .”
*inilayo ang panyo kay Tenong*
Teñong: “Ikaw? Ang daliri mong hugis kandila’y gagawa ng hindi kaaya-ayang gawa? Hala na, titingnan ko lamang
saglit.”
Julia: “Huwag mo akong lokohin, pangit ang mga daliri ko.” *tingin sa mga daliri*
Teñong: “Hay!”
Julia: “Kay lalim ng buntong hininga, Lalo ko pang pagagalitin.”
Teñong: “Julia sinta, hindi na ako nagagalit, patawarin mo ako.”
Julia: “Masakit sa aking nagagalit ka at hindi. Laking bagay!”
Teñong: “Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito’t nakita kong inilimbag mo sa panyong iyan ang pangalan
ko.”*kinuha ang panyo*
Julia: “Hindi ah, nagkakamali ka, hindi para sa iyo ang panyong yan!”
Teñong: “Sinungaling! At kanino namang pangalan nito? A-Antonio, N-Narciso, at F ay Flores.” *tinuro yung burda*
Julia: “Hindi mo pangalan iyan! Para yan sa..sa..sa Among Natin Frayle!” *kinuha yung panyo*
Teñong: “Julia, magsabi ka, para sa Kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban ay….. sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko
na?”
Julia: “Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.”
Teñong: “Pagkasabi mo ng Kurang sukaban ay nagising ang galit at di mapigilan.”
Julia: “Hinding hindi maghahandog sa lahi ni Satan, para sa iyo talaga ang panyong iyan, sampu ng nagburdang si Juliang
iniirog mo.”
Teñong: “Salamat, Salamat, Juliang poon ko.”
Julia: “O, Tenong ng puso, O, Tenong ng buhay ko.”
Teñong: “Pagiibig natin ay tunay at di mapawi paglingap mo sa akin, huwag malimutan sa tuwi-tuwi. Julia ko’y tuparin
adhikain natin.”
Julia: “Tayo’y dumulog sa paa ng altar.” *hawak kamay*
*naguuusap-usap sina Juana, Julia at Tenong*
Lucas: “Mamang Tenong! Mamang Tenong!”
Teñong: “Oh Lucas, napano ka?”
Lucas: “Dinakip ang iyong tatang!”
Teñong: “Si Tatang!? Tiya, paparoon lang po ako kay Tatang.”
Juana: “Sandali, sasama kami ni Julia, magbihis ka na Julia.”
Teñong: “Mga walang puso! Mga sinungaling!”
Teñong: “Halika na po.”
Tagpuan: Bilangguan

*tiningnan ni Kura ang mga dinakip*


*naghihirap ang mga dinakip*
Kura: “pahihirapan ang mga dinakip, ako’y nakakasiguro.”

Kapitana Puten: “Mga walangawa sila, pati ang aking asawa ay ginagagawang biktima ng kanilang karahasan.”
*yinayakap si Kap. Inggo*
*dumating si Tenong*
Kapitana Puten: “Halikan mo ang kamay ng Kura, Tenong, huwag kang pasaway.”
Teñong: “Ang mga kamay na pumapatay sa kapwa ay hindi dapat hagkan. Maruruming budhi ang kanilang taglay.”
*hinang hina si tatang*
Teñong: “Isinusumpa ko na papatay ako ng Kura kapag namatay ang aking Tatang, si Kap. Inggo.”
*namatay si tatang*
Teñong: “Ipaghihiganti kita, Tay. Magsikuha kayo ng baril at gulok, uubusin natin sila.” *umiiyak na nagagalit*
Julia: “Tenong mahal, huwag mo ng ituloy ang ibinabalak mo. Ikaw na lang ang natatanging kasama ni Kapitana Puten,
hinding hindi niya kayang ibuwis ang buhay mo para sa iyong Tatang.”
Teñong: “Walang makakapagbago ng desisyon ko, buong buo na sa sarili ko na papatay ako.”

IKALAWANG YUGTO

Tagpuan: Bahay ni Julia

*habang nakikipaglaban si Tenong sa mga kalaban, ay lumayo si Julia*


Miguel: “Julia, maari bang ligawan kita? Papatunayan kong karapat-dapat akong maging kasintahan mo.”
Julia: “Ah eh….”
Miguel: “Sige na, Mamahalin at iingatan kitang tapat.”

Juana: “Kumpare, Ayos lang ba sa iyo na ipakasal natin ang ating mga anak sa isa’t isa?”
Tadeo: “Maganda iyang naisip mo, Mare, kaya kailangan na nating maghanda para maging magarbo ang kasalan nilang
dalawa.”

Julia: pabulong“Paano na si Tenong, ang aking sinisinta?”


Julia: “Lucas! Lucas!”
Lucas: “Ano iyon, Julia?”*hinawakan ni Julia ang kamay ni Lucas*
Julia: “Tulungan mo akong ipahatid ang liham na aking isusulat para kay Tenong.”
*nagsulat ng liham si Julia*
Julia: “Heto oh, ako’y nagmamakaawa sa tulong mo.”
*kinuha ni Lucas ang liham at umalis na*

Tagpuan: Himpilan

*naguusap-usap at naghahanda ang mga maghihimagsik at si Tenong*

Lucas: ”Jusko po, maliligaw na ako nito.”


*nahanap na ni Lucas ang himpilan*
Lucas: “Psst, psst, Tenong, halika rito.”
Tenong: “Oh Lucas, ano iyon?”
Lucas: “Heto oh, isang liham galing kay Juliang isinisinta mo.”
*inabot ang liham kay Tenong*
Tenong: “Ah sige, maari ka ng makaalis.”

*nabasa na ni Tenong ang liham na kung saan naksaad ang detalye ng kasalan nina Miguel at Julia.*
*sasagutin na sana ni Tenong ang liham pero…*

Tao 1: “Kapitan Tenong, may labanan na nangyayari!”


Tenong: “H-ha? A-ah, Tara na!”
*naglaban sila*

IKATLONG YUGTO

Lucas: “Pasensya na, Julia at hindi natugunan ni Tenong iyong liham sapagkat nagkaroon ng labanan at uuwi na lang
daw siya sa araw ng kasal.”
Julia: “Ganoon pala…. Salamat.”

Tagpuan: Hardin

Miguel: “Julia, pagmasadan mo ang mga bulaklak, kay ganda tulad mo.”
*tulala si Julia at di nakikinig*
*napansin ni Miguel na di siya pinapansin ni Julia kaya…*
Miguel: “Mas mabuti siguro kung magpahinga ka muna sa tirahan niyo.”
Julia: “Mabuti pa nga.”

*umuwi na sila*

Tagpuan: Bahay ni Julia

Juana: “Julia, tayo’y magusap. Bakit hindi mo binibigyang pansin si Miguel, gwapo, mayaman, at mabait, halos
perpekto na ang binatang iyon!”
Julia: “Hindi siya ang tipo ko, sa iba tumitibok ang puso ko.” *umalis na si Julia*

*nagkita si Juana at Tadeo*

*naglalandian sina Tadeo at Juana*

*naghahanda na para sa kasalan*


*naiiyak si Julia*
Julia: “L-lucas, tulungan mo ako, itakas mo ko, dalhin mo ako kay Tenong.”
Lucas: “Gusto ko mang gawin pero di ko alam kung saan ang paroroon ni Tenong. Patawad, Julia.”
*umiiyak na naman si Julia*
Julia: “Siguro, ito nga ang kapalaran ko, ang ikasal sa lalaking di ko iniibig…”

Lucas: “Julia, may naisip akong ideya.”


Julia: “Ano naman iyon?”
Lucas: “Kapag ang pari ay nagtanong kung tatanggapin mo si Miguel bilang iyong mapapangasawa, ay sumagot ka ng
“HINDI PO!” sa paraang iyon, makakalaya ka at mapupuntahan mo na ang iyong tunay na iniibig.”
Julia: “Huwag na, ayokong magkaroon ng sama ng loob ang Ina sa akin, tatanggapin ko na lang ang lahat.”

*nagsimula na ang kasalan*


*dumating si Tenong ng sugatan, hirap na hirap*
Julia: ”T-tenong, mahal….”
*nagulat si Julia at naiyak sa kalagayan ni Tenong*

Heneral: “Ang pari, tawagin! Si Kapitan Tenong ay mangungumpisal.”


*lumapit naman ang pari*

Tenong: “B-bago ako lumisan, gusto kong m-makapiling si J-julia na bilang a-asawa ko sa huling sandali ng b-buhay
ko.”
*lumapit si Julia kay Tenong na umiiyak*

Pari: “payag po ba kayo doon, Juana at Tadeo?”


Juana: “Labag man sa loob ko, pero sige ako’y napayag.”
Tadeo: “Sige, sandali lang naman ang oras niya.”
*tumango rin si Miguel bilang pagpayag*

Pari: “Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Julia at Tenong. Tenong, tinatanggap mo bang maging kaisang
dibdib si Julia na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at
mamahalin mo siya sa habangbuhay? ”
Tenong: “O-opo.”
Pari:”Julia, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Tenong na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang
buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay.”
Julia:”Opo”*umiiyak*
*nagkiss si Julia at Tenong yieee*
Pari: “Kayo ay opisyal ng magasawa.”
*tumayo si Tenong na parang wala siyang sugat kasi nga WALA SIYANG SUGAT bwiset*
Miguel: “Walang Sugat!”
*tinuro ni Miguel si Tenong at nagkagulo ang lahat*

THE END

You might also like