You are on page 1of 6

Unang Yugto

Julia: *nagbuburda tapos darating si Tenong*


Tenong: Patingin naman ng binuburda mo, Julia.
Julia: Hindi pa ito tapos at tsaka hindi ito kagandahan.
Tenong: Oh aking Julia, posible ba na ang kamay na ito, napakaganda ay may yayariin na hindi maganda? Kamay
mong maganda na bagay at tama ang sukat sa singsing na ito. Oh mahal kong Julia, tayo’y magpakasal na.
Julia: *magugulat* Oo Tenong. *yakap*
-
Lucas: Tenong! Ang iyong ama ay dinakip.
Tenong: *magugulat at magagalit* Julia, paalam at aking susundan ang aking ama.
Julia: Sandali lamang at ako’y sasama kasama ang aking ina.
Tenong: Huwag na at baka may masama pang mangyari sa inyo.
Julia: Hindi Tenong, sasama kami.
-
Maraming dumalaw sa mga dinakip.
Mga kura: *sasaktan ang mga dinakip*
Inaalipusta sila ng mga kura. Tinatawag silang filibustero at mason. May hindi na makakain sa dinanas na hirap.
May namatay na.
-
Puten: Oh Inggo, asan ka na? *makikita si Tenong*
Tenong: *deretso ang lakad at hindi siya hahalik sa mga kamay ng kura*
Puten: Bakit hindi mo hinalikan ang kamay ng kura?
Tenong: Ang mga kamay na pumapatay sa kapwa ay hindi dapat hagkan. Isinusumpa ko, papatay ako ng mga kura
kapag namatay ang aking ama.
Mga Kura: *papahirapan at papatayin si Kap. Inggo*
Tenong: Mga walang hiya! Papatayin ko kayong lahat!
*Magyayaya ng mga kasama*
Mga kasama, ating patayin ang mga kurang pumatay sa aking ama! Kunin ninyo ang inyong mga baril at gulok.
Julia: Huwag mong itutuloy ang iyong binabalak Tenong. Tandaan mong nag-iisa na ang iyong ina.
Tenong: Pero Julia, pinatay nila ang aking ama at kailangan nilang magbayad.

Ikalawang Yugto
Miguel: Julia na kay ganda, pwede ba kitang ligawan?
-
Tadeo: Atin nang ipakasal ang ating mga anak.
Juana: Oo at wala namang problema.
-
Julia: Lucas, ipapakasal ako ng aking ina sa isang mayaman na lalaki. Maaari mo bang dalhin ang liham kong ito
kay Tenong?
Lucas: Hala at bakit naman? Hindi ba alam ng iyong ina ang tungkol sa inyo ni Tenong?
Julia: Hindi eh.
Lucas: Oh sige, madadala ko ito sa kanya.
-
Tenong: Sugod! Patayin ang mga kura!
*LABANAN*
-
Lucas: Tenong, ikakasal si Julia sa isang mayaman na lalaki. Ipinabibigay niya ang liham na ito.
-
*liham*
Tenong: Mahal kong Tenong,
Hindi alam ng aking ina ang tungkol sa atin kung kayat pumayag siyang ipakasal ako kay Miguel- isang mayaman
at bugtong na anak ni Tadeo. Sana’y makapunta ka sa aming kasal at mapigilan ito.
Nagmamahal,
Julia
*BANG* (mga baril)
Sasagutin sana ni Tenong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.

-
Ikatlong Yugto
Lucas: Julia, naibigay ko na ang liham ngunit nagkaroon ng labanan kung kayat hindi natugunan ni Tenong ang
iyong liham. Ngunit nagbilin siyang uuwi ito sa araw ng inyong kasal.
-
Miguel: Anong gusto mong isuot sa ating kasal?
Miguel: Julia?
Miguel: Julia, pakinggan mo naman ako. Ano ba o sino ang iniisip mo at hindi ka nakikinig?
Julia: Pasensya na Miguel.
Juana: Ano ka ba Julia! Makinig ka nga sa mapapangasawa mo.
Julia: Pasensya na po ina ngunit si Tenong pa rin ang nasa isip ko.
-
Tadeo: Juana, at dahil magpapakasal na ang ating mga anak, hindi mo ba naiisip na tayo na ang susunod?
Juana: Ha?
Tadeo: Pwede rin ba kitang ligawan?
Juana: Oo naman.
-
Julia: Hala at kasal na. Lucas, tulungan mo ako. Itakas mo ako at tayo’y pumunta kay Tenong.
Lucas: Pasensya na Julia at di ko alam kung nasaan na sina Tenong. Kung tatanungin ka ng pari kung iniibig mo si
Miguel, buong lakas mong isisigaw ang “Hindi po”.
Julia: Huwag. Mamamatay sa sama ng loo bang aking ina kung gagawin ko ito.
-
Tenong: Julia!
*nagulat ang lahat*
Julia: Tenong, oh aking mahal. Buti at nakarating ka.
Juana: Julia, ano ito?
Julia: Pasensya na ina pero si Tenong ang aking mahal.
Heneral: Tawagin ang pari at mangungumpisal si Tenong.
Tenong: Bago ninyo ituloy ang kasal may huli akong kahilingan. Sana’y ipakasal ninyo muna kami ni Julia bago ako
mamatay.
Tadeo: Tutal ay sandali na lamang at pwede na uling ikasal sina Miguel at Julia, sige papayag ako pero bilisan
ninyo.
Juana: Bilisan ninyo.
Miguel: Sige
-
Pari: Julia, tinatanggap mo ba si Tenong bilang iyong asawa?
Julia: Opo
Pari: Ikaw naman Tenong, tinatanggap mo ba si Julia bilang iyong asawa?
Tenong: Opo
*babangon si Tenong mula sa pagkakahiga*
Miguel: WALANG SUGAT!
Lahat: WALANG SUGAT!
Heneral at Tenong: *tatawa*
Tenong: Gawa-gawa lang naming iyon ngunit salamat at kasal na kami. Mahal kita, Julia.
Julia: Mahal din kita, Tenong.

*END*

You might also like