You are on page 1of 5

Bago kami magsimula ipapakilala ko muna ang mga tauhan sa kwento

Jhea bilang narrator at exta Neriza bilang Julia,


Raymond kasama ni Heneral Tristan bilang Miguel,
Chairey bilang Juana ang ina ni Julia, Ronie bilang Heneral
Jandell bilang pari at kasama ni Tenong Nielzen bilang Lucas,
Jezreel bilang Tenong, Lisa kasama ni kura
Sefara bilang Kapitana Puten ang ina ani Tenong,
Ron Ryan bilang Kapitan Inggo ang ama ni Tenong,
John Cris bilang Tadeo ang ama ni Miguel,
Hennesy bilang kura,
Selvestry extra role,

Ito ang aming dula-dulaan na ginawa ni Severino Reyes(1898)


buod batay a Pineda (1979) na pinamagatang “Walang Sugat”
UNANG YUGTO
NARRATOR-Isang araw si Julia ay nasa bahay nilang nagbuburda ng
panyolito,nang biglang dumating si Tenong.
Tenong-Julia Julia aking mahal niyayaya kitang akoy pakasalan.
Julia-Hay nako Tenog masyadong maaga pa para tayo ay magpakasal
Tenong-Julia aking mahal bakit baa yaw mo pang magpakasal sakin?
Julia-Subalit ang aga pa para tayo ay ikasal! Tenong may tamang panahon
rin para tayoy ikasal.
Tenong-(naka simangot na lumayo patungong bintana at ito ay kanyang
sinuntok.
Julia-Tenong! May problema ba?
Tenong-(lumapit kay Julia at hinawakan ang kamay ni Julia) aking mahal
sa ganda mong yan at sa gwapo kong ito hindi paba tayo bagay?
Julia-Alam mo Tenong gumagawa ka parin ng katatawanan no para lng
makuha mo ang attension ko.(natatawa habang sinasabi)
Tenong-Syempre aking mahal basta ikaw.(naka ngiting sinabi)
Narrator-Nang nag-uusap sina Julia at Tenong Biglan dumating si Lucas
Lucas-Tenong!Tenong! ang iyong ama dinakip! (nanghihingal na pagsabi)
Tenong-Ano! (biglang napatayo)
Lucas-Ipupunta nila ang iyong ama sa kabilang bayan.
Tenong-Teka’t magpapaalam ako kay Julia (pabulong na sinabi kay Lucas)
Julia mahal ko magpapaalam muna ako at aking kailangang sundan ang
aking ama.(sabay umalis)
Julia-Teka Tenong sasama ako!
Juana-Ako din (biglang nagpakita)
Narrator-Nang sila ay makarating sa kabilang bayan,marami silang
nakitang mga taong dumalaw sa mga dinakip,Nakita nilang Inaalipusta sila
ng mga kura,tinawag silang Filibustero at Mason.May hindi na makakain sa
dinanas na hirap,may namatay pa,Nakita nil ana naroon si Kapitana Puten na
ibig makita ang asawang si Kapitan Inggo na bugbug sa palo.
Tenong-Ina! (tumakbo patungo sa ina)
Kapitana Puten-Anak! (niyakap ang anak at umiyak)
Tenong-Ina asan si ama? (naiiyak na pagsabi)
Kapitana Puten-Anak ang iyong ama ay bugbug sa palo (umiiyak)
Narrator-Nagpakita ang mga Kura
Kapitana Puten-Tenong magbigay galang ka sa Kura.
Tenong-Ang mga kamay na pumatay sa kapwa ay hindi dapat hagkan
Kapitana Puten-Nasaan ang aking asawa? (nagagalit)
Kura 1-Andito pala ang kapitana at ang kaniyang anak!
Kura 2-(Tinulak si Kapitan Inggo)
Kapitana Puten-Mahal ko anong nangyari sayo?(sabay hawak sa ulo ng
asawa)
Tenong-Ama anong nangyari sayo?(umiiyak)
Kapitan Inggo-Aking mahal na asawa at aking anak na Tenong kahit
anong mangyari wag na wag niyo akong kalimutan at lalong lalo kana Tenong
wag na wag mong pababayaan ang iyong ina at ang tribu natin. (nahihirapan
na pagsabi)
Narrator-At tuluyan ng nawalan ng malay si Kapitan Inggo.
Kapitana Puten-Mahal! Mahal! Mahaaaaaaallllllll! (umiiyak ng malakas)
Tenong-Ama! Ama! Amaaaaaaaaa! (umiiyak ng malakas)
Narrator-nang namatay na si Kapitan Inggo ay may pagluluksa paring
nagaganap sa kanilang pamilya.
Kapitana Puten-(Nakita sina Julia at Juana) Julia at Juana andito pala
kayo!
Juana-Kapitana Puten pwede ba tayong mag usap?
Kapitana Puten-Cgehh maiiwan ko muna kayo anak at Julia.(pumunta
kay Juana)
Julia-Tenong pwede ba tayong mag usap?
Tenong-sige!
Julia-Anong nangyari Tenong bakit andaming nagugutom at namamatay
Tenong-Kaslanan ito lahat ng mga kura,dahil sa kanila marami ang
naghihirap at namamatay.Isinusumpa ko papatay ako ng mga kura
pagkatapos ng labi ng aking ama.Magyayaya ako ng mga kasama para
makipaglaban sa kanila.
Julia-Tenong nakikiusap ako sayon a wag mong ituloy ang iyong binabalak.

IKALAWANG YUGTO

Narrator-Sa kabilang pangkat may man liligaw naman si Julia na ang


pangalan ay Miguel.Si Miguel ay mayaman na bugtong anak ni Tadeo… Ng
naglalakad si Julia Nakita niya si Miguel na naka titig sa kanya.
Miguel-(pumunta kay Julia) Kay ganda mo Julia.Para kang isang bituin na
ang hirap abutin pero andali naming mahalin!
Julia-Miguel? Ano yan hugot?
Miguel-Oo,Julia sa ganda mo kasing yan walang taong hindi mahuhulog
sayo.
Narrator-Nang nag-uusap sina Julia at Miguel,sa kabilang banda naman ay
nag usap ang in ani Julia at ang ama ni Miguel,tungkol a pagpapakasal ni
Miguel at Julia
Juana-Tadeo anong gagawin natin sa anak natin?
Tadeo-Ating pakasalin ang ating mga anak!
Juana-Mas Mabuti sanang tayong apat ang mag-usap-usap tungkol sa
kanilag kasal. Tadeo iyog tawagin ang ating mga anak at tayoy mag-usap-
usap
Narrator-At tinawag ni Tadeo sina Miguel at Julia.. Ang hindi alam nina
Tadeo at Juana ay may relasyon pala sina Tenong at Julia.
Julia-(gumagawa ng sulat para kay Tadeo) (tinawag ni Julia si Lucas)
Lucas iyong ipadala ito kay Tenong.
Lucas-Masusunod Julia!
Narrator-Nang umalis si Lucas ay naghihintay si Julia… Si Tenong ay
Kapitan ng mga maghihimagsik.walang takot sa labanan.. Nung nakarating
na si lucas ibinigay agad nito ang sulat.
Lucas-Tenong! Tenong! (ibinigay ang sulat kay Tenong)
Tenong-(Binasa ang sulat) (biglang binitawan ang sulat at pumunta sa
labas)
Narrator-Nang makita ni ni Tenong na may labanan sa labas agad nyang
kinuha ang kaniyang mga sandata at lumabas.. Nagsimula na ang laban.
IKATLONG YUGTO
Miguel-Julia bakit antagal naman ng kasagutan sa iyong ipinadala kay
Tenong?
Julia-Hindi ko din alam, baka may ginagawa lng yon.
Miguel-Ano ba ang sinulat mo sa papel na na iyong ipinadala?
Julia-Binilin ko lamang na uuwi siya sa araw nga ating kasal.
Narrator-Habang nililigawan ni Miguel si Julia,si Tenong parin ang nasa
isip ni Julia. Ayaw niyang makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan siya
ng ina… Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana.
Juana-(nakatingin sa bintana)
Tadeo-(biglang dumating at hinawakan ang kamay ni Juana) Magandang
hapon sayo Juana!
Juana-Magandang hapon din Tadeo
Narrator-Kinabukasan ay ikakasal na sina Miguel at Julia,nagpapatulong si
Julia kay Lucas na tumakas upang pumunta kay Tenong.
Julia-Lucas tulungan mo akong tumakas
Narrator-Ngunit di alam ni Lucas kung nasaan sina Tenong kya walang
nalalabi kay Julia kundi ang magpakasal o magpatiwakal.. Pinayuhan ni
Lucas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay
buong lakas nitong isisigaw ang “Hindi Po”.
Lucas-Julia kung tatanungin ng pari kung iniibig mo si Miguel ay isigaw
mong hindi po!
Julia-Hindi maaari dahil ikakamatay ito ng aking ina sa sama ng loob.
Narrator-At umalis silang papuntang simbahan, ikakasal na si Julia kay
Miguel ng dumating si Tenong na sugatan nasa punto ng kamatayan.
Heneral-Mga katipunero inyong dinggin ang makapangumpisal ni Tenong.
Narrator-Pinakinggan ng mga Kura ang kumpisal ni Tenong. May huling
kahilingan ang binate na sila ni Julia ay makasal bago sya mamatay.
Tenong-Gusto kong pakasalan si Julia bago ako mamatay.(nahihirapan na
pagsabi)
Narrator-Galit man si Juana ay pumayag ito,pumayag din si Tadeo dahil
sandal na lamang at pwede na uling ikasal si Julia at ang kaniyang
anak,gayumdin si Miguel.. Ikinasal sina Julia at Tenong. Babangon si Tenong
mula sa pagka higa at…
Miguel-Walang sugat!
Narrator-sigaw ni Miguel at gayundin ang lahat
Lahat ng tao-Walang Sugat!
Narrator-Gawa-gawa lamang pala ng Heneral at ni Tenong ang buong
eksena..

AT DOON NAG TATAPOS ANG DULA-DULAANG PINAMAGATANG


“WALANG SUGAT”

You might also like