You are on page 1of 4

I.

Buod

Si Julia at ilan pang mga kababaihan ay nagbuburda ng mga


panyo na iaalay nila parasa kanilang minamahal. Inialay naman ni Julia
ang ibinuburda niya para sa kanyang malayong pinsan na si
Tenyong. Nakalagay sakanyang ibinuburda ang ANF o Antonio Narcisc
o Flores na siyang buong pangalan ni Tenyong. Bumisita si Tenyong sa
bahay nina Julia. Si Aling Juana na ina ni Julia ay tutol sa pag-iibigan
nila Tenyong at Julia. Nais ni Aling Julia namapangasawa ng kanyang
anak si Miguel na pamangkin ng kura paroko. Si Miguel aymayaman
ngunit mangmang. Dumating si Lucas sa bahay nina Julia upang
iparating kayTernyong na dinakip ng mga Kastila ang ilang Pilipino
kasama na si Kapitan Inggo na ama ni Tenyong dahil sila ay
pinaghihinalaang rebelde. Dali-dali naming pumunta si Tenyong
kasamaang kanyang ina na si Kapitana Putin, si Julia, Aling Juana at
ilan pang kababayan. Sila ay pumunta sa kwartel sa Bulacan kung saa
n ikinulong ang kanyang ama. Nang sila’y makapasok
na sa kwartel ay nalaman ni Tenyong na pito sa mga ikinulong ay patay
na at ang kanyang amaay naghihingalo na dahil sa pagpapahirap ng
mga prayle sa mga ito. Nakita ni Tenyong kung paano unti-
unting nalagutan ng hininga ang kanyang ama. Sinumpa niya
na ipaghihiganti niyaang kanyang ama at bibigyan ng katarungan ang
pagkamatay nito samantalang si KapitanaPutin naman ay hinimatay at
hindi nakayanan ang nangyari sa kanyang asawa. Sa gitna ng pag-aalala
sa ina, pagdadalamhati para sa pagkamatay ng ama at ang pagmamahal
kay Julia ay masminabuti pa rin niyang umalis upang ipaghiganti ang
ama at para ipagtanggol ang kanyanginang bayan sa kamay ng mga
Kastila. Ayaw mang pumayag ni Julia sa pag-alis at paghihiganti ni
Tenyong ay umalis pa rin ito. Lumipas ang isang taon ngunit wala pa rin
kahit isang sulat o balita na natatanggap si
Julia galling kay Tenyong. Siya’y labis na nag
-aalala na. Patuloy pa rin siyang sinasabihan ngina na tanggapin na ang
kasal na ninanais ni Miguel. Napilitang sumang-ayon si Julia
sakagustuhan ng kanyang ina ngunit hinihintay pa rin niya ang
pagbabalik ng kanyang tunay naminamahal na si Tenyong. Sumulat siya
kay Tenyong upang ipaalam ang magaganap na kasalat ang nais ni Julia
na mailigtas siya nito. Ipinahatid niya ito kay Lucas. Kalungkutan
ang bumakas sa mukha ni Tenyong ng makuha niya ang sulat galing kay
Julia. Sinasabi nito na pumanaw na ang kanyang ina at sinabi rin sa sula
t ang tungkol sa magaganap na kasal. Humingi ng tulon
g si Tenyong kay Heneral Leon Villa at sumumpa ito na siya’y
tutulungan
upang si Tenyong ay maipakasal pa rin kay Julia. Hindi na nakagawa pa
ng sulat si Tenyongdahil biglang sumugod ang mga Makabebe. Sinabi
niya na lamang kay Lucas na iparating kayJulia na siya ay babalik na.
Ipinarating naman ni Lucas ang sinabi ni Tenyong na siya’y babalik na.
Pagkalipas ng
isang linggo ay nakatanggap ng liham si Julia galling kay Heneral Villa
na nagsasabing pumanaw na si Tenyong. Labis
na kalungkutan ang naramdaman ni Julia sa nabasang sulat attuluyan
na rin siyang pumayag sa kagustuhan ng kanyang ina. Dumating na ang
araw ng kasalnina Miguel at Julia ngunit nago magsimula ang kasal ay
inanunsyo ni Lucas ang pagdating ni Tenyong na buhay pa ngunit tila
mamamatay na. Hindi natuloy ang kasalan dahil
kailangangmangumpisal ni Tenyong bago pumanaw. Ibinulong ni
Tenyong sa kura paroko ang kanyangkahilingan na ikasal muna siya
kay Julia bago siya tuluyang mamatay. Pumayag naman siAling Juana
at Miguel dahil alam nilang matutuloy pa rin ang kasal ni Julia at
Miguel dahilmamamatay rin si Tenyong at magiging balo si Julia.
Ikinasal nga sina Tenyong at Julia.Biglang tumayo si Tenyong sa
kanyang kinahihigaan upang ipakita sa lahat na wala siyangsugat.
Julia-kasintahan ni Tenyong
Tenyong-malayong pinsan ni Julia/kasintahan ni Julia
Aling Juana-ina ni Julia na tumututol sa pag-iibigan nina Julia at
Tenyong
Kapitan Inggo-ama ni Tenyong na namatay at pinahirapan dahil
pinaghihinalaang isang rebelde
Kapitana Putin-ina ni Tenyong
Lucas-ang nagsilbing tagapagbalita at kasintahan ni Monica
Monica-kasintahan ni Lucas
Miguel-mayaman ngunit mangmang na nais ipakasal ni Aling
Juana kay Julia.
Padre Teban-isa sa mga prayle
Among-mga prayle
Marcelo-nagmakaawa sa mga prayle upang pakawalan ang ilang
bihag.
Pabling-isang batang nagnais sumama kay Tenyong sa pakikidigma
Tadeo-ama ni Miguel
Heneral Leon Villa-tumulong kay Tenyong upang maipakasal kay
Julia

You might also like