You are on page 1of 3

PROYEKTO

sa
FILIPINO
Ipinasa kay:
Bb. Irene Bautista

Ipinasa ni:
Gym Andrei Miranda
8-COPERNICUS
BUOD; WALANG SUGAT
Isang araw, ibinalita ni Lukas kay Tenong na kasama ang kaniyang ama na si
Kapitan Inggo sa mga dinakip ng mga boluntaryo. Nagpaalam siyang susundan
niya ang ama, kasama ang kasintahan na si Juila, ang ina niyang si Aling Juana at
patungo ng Bulakan.

Marami ang gustong dumalaw sa mga bilanggo upang dalawin ang mahal sa
buhay. Bago pa dumating ang mga dadalaw ay inaalipusta ng mga prayle ang mga
dinakip, labis-labis ang pahirap sakanila kaya hindi na sila makakain at marami
nang namatay. At isinusumpa ni Tenong na papatayin ang mga kura kung
mapapatay ang kaniyang ama.

At kung minsan ay nag tatalo sila dahil sa hindi pagkakaintindihan.

Manliligaw ni Julia si Miguel, isa siyang mayaman, kaisa isang anak at mahiyain.
Maganda daw umanong magpakasal si Julia kay Miguel, sabi ni Aling Junana
ngunit ayaw ni Julia. Ang hindi alam ni Aling Juana ay magkasintahan sila Tenong
at Julia. At nagpadala ng liham si Juana kay Tenong upang masimulan ang kasalan.

Kapitan ng manghihimasik si Tenong at nagkaroon ng labanan nang sasagutin na


sana niya ang sulat. Noon din, maghahanda sa pakikipaglaban ang mga
kaputinero.

Ibinalita ni lukas kay Julia na hindi nasagot ni Tenong ang kaniyang sulat dahil sa
labanan at uuwi raw ito sa araw ng kasal.

Sa araw ng kasal, ay labis ang pag aalala ni Julia kay Tenong dahil hindi pa
nakakadating ang kasintahan. Ayon pa kay Lukas ay malayo ang kinaroroonan nito
at kasalukuyang nakikipaglaban. At ayaw niyang mamatay sa sama ng loo bang
kaniyang ina kaya napapaisip siya kung magpapakasal ba siya o magpapatiwakal.

Dumating si Tenong ng sugat sugat ang katawan sa simbahan. Gustong


ipagpatuloy ni Miguel ang kasal ngunit umalis si Julia. Kailangang mangumpisal
muna bago mamatay kaya ipinatawag nila ang pari. Hiniling nito na magpakasal
bago malagutan ng hininga.

Pumayag na sila Miguel at Aling Juana dahil ito na ang huling hiling na
mamamatay. At nang matapos ang kasal, babangon si Tenong. Isa lamang
umanong palabas ang lahat at mapapasigaw si Miguel: “Walang Sugat” Ganoon
din ang isisgaw ng lahat.

You might also like