You are on page 1of 3

ANGELINE GABRIEL GADIANO

BEED-1B

ACTIVITY:

“Walang Sugat” ni Severino Reyes

Buod

Si Julia at ilan paqng mga kababaihan ay nagbuburda ng mga panyo na iaalay nila parasa kanilang
minamahal. Inialay naman ni Julia ang ibinuburda niya para sa kanyang malayong pinsan na si Tenyong.
Nakalagay sa kanyang ibinuburda ang ANF o Antonio Narcisco Floresna siyang buong pangalan ni
Tenyong. Bumisita si Tenyong sa bahay nina Julia. Si AlingJuana na ina ni Julia ay tutol sa pag-iibigan nila
Tenyong at Julia. Nais ni Aling Julia namapangasawa

Ngi kanyang anak si Miguel na pamangkin ng kura paroko. Si Miguel aymayaman ngunit mangmang.
Dumating si Lucas sa bahay nina Julia upang iparating kayTernyong na dinakip ng mga Kastila ang ilang
Pilipino kasama na si Kapitan Inggo na ama niTenyong dahil sila ay pinaghihinalaang rebelde. Dali-dali
naming pumunta si Tenyong kasamaang kanyang ina na si Kapitana Putin, si Julia , Aling Juana at ilan
pang kababayan. Sila ay pumunta sa kwartel sa Bulacan kung saan ikinulong ang kanyang ama. Nang
sila’y makapasok na sa kwartel ay nalaman ni Tenyong na pito sa mga ikinulong ay patay na at ang
kanyang amaay naghihingalo na dahil sa pagpapahirap ng mga prayle sa mga ito. Nakita ni Tenyong kung
paano unti-unting nalagutan ng hininga ang kanyang ama. Sinumpa niya na ipaghihiganti niyaang
kanyang ama at bibigyan ng katarungan ang pagkamatay nito samantalang si KapitanaPutin naman ay
hinimatay at hindi nakayanan ang nangyari sa kanyang asawa. Sa gitna ng pag-aalala sa ina,
pagdadalamhati para sa pagkamatay ng ama at ang pagmamahal kay Julia ay masminabuti pa rin niyang
umalis upang ipaghiganti ang ama at para ipagtanggol ang kanyanginang bayan sa kamay ng mga Kastila.
Ayaw mang pumayag ni Julia sa pag-alis at paghihiganti ni Tenyong ay umalis pa rin ito.Lumipas ang
isang taon ngunit wala pa rin kahit isang sulat o balita na natatanggap si

Julia galling kay Tenyong. Siya’y labis na nag

-aalala na. Patuloy pa rin siyang sinasabihan ngina na tanggapin na ang kasal na ninanais ni Miguel.
Napilitang sumang-ayon si Julia sakagustuhan ng kanyang ina ngunit hinihintay pa rin niya ang
pagbabalik ng kanyang tunay naminamahal na si Tenyong. Sumulat siya kay Tenyong upang ipaalam ang
magaganap na kasalat ang nais ni Julia na mailigtas siya nito. Ipinahatid niya ito kay Lucas. Kalungkutan
ang bumakas sa mukha ni Tenyong ng makuha niya ang sulat galing kay Julia. Sinasabi nito na pumanaw
na ang kanyang ina at sinabi rin sa sulat ang tungkol sa magaganap na kasal.Humingi ng tulon

G si Tenyong kay Heneral Leon Villa at sumumpa ito na siya’y tutulungan

Upang si Tenyong ay maipakasal pa rin kay Julia. Hindi na nakagawa pa ng sulat si Tenyongdahil biglang
sumugod ang mga Makabebe. Sinabi niya na lamang kay Lucas na iparating kayJulia na siya ay babalik
na.

Ipinarating naman ni Lucas ang sinabi ni Tenyong na siya’y babalik na. Pagkalipas ng

Isang linggo ay nakatanggap ng liham si Julia galling kay Heneral Villa na nagsasabing pumanaw na si
Tenyong. Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Julia sa nabasang sulat attuluyan na rin siyang
pumayag sa kagustuhan ng kanyang ina. Dumating na ang araw ng kasalnina Miguel at Julia ngunit nago
magsimula ang kasal ay inanunsyo ni Lucas ang pagdating niTenyong na buhay pa ngunit tila
mamamatay na. Hindi natuloy ang kasalan dahil kailangangmangumpisal ni Tenyong bago pumanaw.
Ibinulong ni Tenyong sa kura paroko ang kanyangkahilingan na ikasal muna siya kay Julia bago siya
tuluyang mamatay. Pumayag naman siAling Juana at Miguel dahil alam nilang matutuloy pa rin ang kasal
ni Julia at Miguel dahilmamamatay rin si Tenyong at magiging balo si Julia. Ikinasal nga sina Tenyong at
Julia.Biglang tumayo si Tenyong sa kanyang kinahihigaan upang ipakita sa lahat na wala siyang sugat.

You might also like