You are on page 1of 2

Sapit-Tubig

Tauhan
- Rosaline
- Ama
- Mahiwagang Nilalang

Tagpuan
- Dynaika

Sa loob ng Dynaika, isang kaharian na napapalibutan ng tubig dagat ay kilala dahil dito.
Madaming mahilig maglaro at lumangoy sa isa sa mga parte ng dagat, kasama na dito si
Rosaline, anak ng isang ganap na mangingisda. Isang araw, tinutulungan ni Rosaline ang
kaniyang ama sa pangingisda gamit ang bangka nito na kaya ang tatlong tao. Sa una, matirik
ang araw sa langit at hindi pinapakita na uulan man. Ngunit pagkatapos ng iilang oras ay
naramdaman ni Rosaline ang kaunting pagkalog ng bangka na kanilang tinatayuan. Sinabi niya
ito sa ama pero ngumiti lamang sa kaniya ang matanda at sinabihang wag siyang mag-alala.
Kahit na sinabi ito ng ama, tuluyang nag-alala pa rin si Rosaline at napatingin siya sa tubig
dagat.

Lumaki ang mata ng babae nang may nakita siyang gumalaw na buntot sa ilalim ng tubig ngunit
hindi ito mukhang isda. Lumingon siya sa ama dahil baka nakita niya rin ito pero hindi ito
nakatingin sa kaniya at hinihila pa rin ang kaniyang pamingwit.

Doon na nagsama-sama ang mga dumidilim na mga ulap sa langit at naalarma si Rosaline.
Gumalaw muli ang barko nang hindi dahil sa kanila at napatingin ang mag-ama sa isa’t isa.
Nagulat na lang sila noong mas lalong umalog ang bangka at muntikan nang mapatid ang ama
ni Rosaline at tinangka niyang tungulan ito ngunit napadapa siya sa sahig ng bangka, napa-
aray si Rosaline sa sakit.

Wala nang nagawa kundi mahiga sa loob ng bangka ang mag-ama dahil sa lakas ng mga along
pagdating sa kanila na nagsimula nang magpasok ng tubig sa bangka. Ngunit nang nagsimula
pa lamang ang pagkataranta ni Rosaline para sa kanilang dalawa ng kaniyang ama ay may
naramdaman siyang presensya sa kaniyang kanan. Lumingon si Rosaline dito at siya’y nawalan
ng masasabi.

Ang tao na nasa kaniyang harap ay may kulay buhgaw na buhok ngunit ito’y gumagalaw na
parang gawa ito sa tubig, may mga ginto na pagkintab ang suot nitong damit ngunit hindi alam
ni Rosaline kung tao ba talaga ang nilalang na nasa kaniyang harapan.

Bago pa siya matauhan dahil sa pag-iisip niyang siya’y nabaliw na dahil nararamdaman niyang
hilo galing sa lakas ng alon, ngumiti bigla ang mahiwagang nilalang at hinawakan ang kaniyang
mukha. Napatalon ng kaunti si Rosaline dahil sa lamig ng kamay nito habang siya’y nakatingin
pa rin sa kumikinang na mata ng nilalang.
Tumaas ang lahat ng balahibo ni Rosaline bigla, nakatitig lang sa mga mata ng nilalang ng
matagal na parang siya’y nahi-hipnotismo nito. Pagkatapos ng ilang segundo ay natauhan na
rin si Rosaline at siya’y kumurap at wala na ang nilalang.

Napatingin ang babae ama na biglaang nangingisda muli na parang walang nangyari.
Tumingala si Rosaline sa langit ngunit ito’y normal lamang, hindi katulad ng kaniyang nasaksi
noong mga nakaraang minuto. Ilang beses na tumingin si Rosaline sa kaniyang paligid pero
parang siya lang ang may alam sa kung ano ang nangyari at kung ano ang kaniyang nakita.

Hindi kumpletong masabi ni Rosaline ang kaniyang nararamdaman pero sa tingin niya ay
tinulungan siya, sila ng kaniyang ama ng nilalang ngunit hindi niya alam kung pano, ngunit alam
niya na mabuti ito dahil binigyan siya nito ng kabaitan.

You might also like