You are on page 1of 5

ARALIN 2: Kuwento ng Ating mga Ninuno,

Salaysay ng Ating Simul


Tampok na Akda
Isa sa mga sandalan natin kapag tayo ay may problema at nawawalan na ng pag-
asa ay ang Panginoon. Ipinauubaya natin sa Kaniya ang lahat ng ating tagumpay,
kabiguan, pangamba, saya at anupamang mayroon sa ating buhay. Kapag marami
tayong problema, humihiling tayo sa Kaniya. Kung minsan, kahit na imposible ang
ating hinihiling ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng taus-pusong pagdarasal
at kongkretong pagkilos. Lalo itong mapatutunayan sa kuwentong iyong
babasahin. Patutunayan din dito na hindi mahalaga ang panlabas na anyo sa
pagpili ng minamahal. Tunghayan mo ang milagrong nangyari sa pangunahing
tauhan dahil lang sa kaniyang taus-pusong panalangin.

Ang Pagbabagong-anyo ni Pulansai

Muling isinalaysay ni Andres P. Castillo, Jr.

Si Pulansai ay mahirap lamang. Isa rin siyang madasaling tao. Tulad ng iba,
mayroon din siyang pangarap sa buhay. Siya ay nasa hustong gulang na kaya
naghahanap na siya ng mapapangasawa. Alam niya na may mga anak na dalaga si
Dipatuan na pinuno ng kaharian. Balak na ni Dipatuan na pag-asawahin ang mga
anak niya sa mapipili nilang manliligaw.

Nagpasya si Pulansai na puntahan si Dipatuan sa palasyo upang hingin ang kamay


ng isa sa mga anak nito. Nakita ni Dipatuan na mahirap lamang si Pulansai kaya
pinakitunguhan niya ito nang maayos. Sumagot si Pulansai na gagawin niya
anuman ang ipagawa ng hari.

Sinabi ng hari na bigyan siya ng dalawang supot ng perlas na dikya at


mapapasakamay ni Pulansai ang isa sa mga mapipili niyang anak ng hari. Hindi
lang iyon, pagkakataon na rin ni Pulansai na maging raha at tagapagmana dahil
walang anak na lalaki ang hari.

Umuwing malungkot si Pulansai. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Alam niya
na hindi siya mangingisda at hindi rin siya marunong lumangoy. Naibulong na lang
niya sa sarili kung saan at paano siya makaiipon ng perlas na dikya. Gayunpaman,
lahat ng kaniyang problema ay inialay niya kay Allah. Nanalangin siya nang buong
araw upang siya’y patnubayan ng Poong Maykapal.

Kinabukasan, sinunod niya ang simbuyo ng kaniyang damdamin. Kumuha siya ng


dalawang sako ng bao at nagtungo siya sa dalampasigan. Nagdasal siya habang
nililimas niya ang tubig sa karagatan gamit ang bao. Nagulat si Pulansai nang
biglang mapansin niyang natuyo ang tubig sa karagatan, at nakita niya ang mga
dikya na may perlas. Naibulalas niya na ito ay isang milagro at pinagmilagruhan
siya ni Allah.

Kumuha si Pulansai ng mga perlas at pinunô niya ang dalawang sako saka mabilis
na umalis sa dalampasigan. Habang pinagmamasdan niya ang pagbabalik ng tubig
sa karagatan, lumuhod siya at nagpasalamat kay Allah.
Pagdating sa kanilang bahay, hinanap ni Pulansai ang buri (bag na gawa sa palma)
at pinuno niya ito ng perlas. Sa dami ng perlas ay marami pang naiwan sa kanilang
bahay.

Pumunta si Pulansai sa kaharian ni Dipatuan at nagulat ang hari nang makitang


inilapag ni Pulansai ang mga perlas ng dikya. Agadagad iniutos ni Dipatuan na
palabasin ang kaniyang mga anak upang makapamili si Pulansai ng kaniyang
mapapangasawa.

Pinili ni Pulansai ang bunsong anak ni Dipatuan dahil ayon kay Pulansai, ito ang
pinakamaganda, pinakamadaling pakitunguhan at may magandang kalooban.
Sumang-ayon si Dipatuan na pakasalan ang minimithi ng binata. At sinimulan agad
ang kanilang pag-iisang dibdib.

Habang iniaayos ang kanilang pag-iisang dibdbi, ipinaayos naman ang bahay ni
Pulansai para maging karapat-dapat na tirahan ng isang raha.

Kinutya ng panganay na prinsesa ang bunsong kapatid kung bakit pumayag siyang
pakasal sa pangit na si Pulansai at bukod doon hindi pa siya dugong-maharlika.
Sumagot ang asawa ni Pulansai na hindi mahalaga sa kaniya ang hitsura nito at
dahil asawa na niya ito kaya madali na lang niyang pag-aralang mahalin.

Si Pulansai at ang prinsesa ay tahimik at masayang nagsama bilang mag-asawa.


Kahit nilalait ng nakatatandang kapatid ng prinsesa, sinisikap pa rin ni Pulansai na
maging isang mabuting asawa. Humihiling siya lagi ng patnubay ni Allah. Lagi
siyang nagdarasal lalo na nang malaman niya ang pang-aapi sa asawa dahil sa
kaniya.

Minsan, naligo sa ilog ang mag-asawa. Humiwalay si Pulansai sa kaniyang asawa.


Naligo siya habang sinasalubong ang agos ng tubig habang tuwang-tuwang
naliligo sa malamig na tubig ang kaniyang asawa. Nagulat ang prinsesa nang
mapansin niyang lumulutang ang mga damit ni Pulansai at sa pag-aakalang ito ay
nalunod, hinanap niya ang kaniyang asawa at nang hindi niya makita ay umupo
siya at humagulgol. Isang matikas na lalaki na nakasakay sa kabayo ang lumapit sa
kaniya habang siya’y umiiyak. Pinatahan ng lalaki ang prinsesa sa pag-iyak at
niyaya niyang sila’y umuwi na. Sumigaw ang prinsesa at sinabing layuan siya at
hindi siya kailangan. Tinanong ng lalaki kung bakit siya umiiyak at isinalaysay ng
prinsesa ang masamang nangyari sa kaniya. Ikinuwento niya na lumalangoy sa
agos ang kaniyang asawa at biglang napansin niyang lumulutang ang kasuotan
nito. Nagulat siya at inakalang nalunod ito. Tumawa lang ang prinsipe. Sumigaw
ang prinsesa at pinapaalis na ang prinsipe dahil hindi niya ito kailangan. Kinuha ng
prinsipe ang damit ni Pulansai at isinuot nito. Nang maisuot nito, nagulat ang
prinsesa dahil bumalik sa dating anyo ng prinsipe na naging si Pulansai. Sumigaw
ang prinsesa at naibulalas niya ang pangalan ni Pulansai. Tinanong din ng prinsesa
kung bakit napakakisig niya. Sinabi ni Pulansai na nagsumamo siya kay Allah na
dinggin ang kaniyang kahilingan na magbagong-anyo siya para sa kapakanan ng
kaniyang asawa. Dininig ni Allah ang dasal ni Pulansai. Sinabi ng prinsesa na
minahal naman niya si Pulansai kahit hindi ito makisig. Sinagot ni Pulansai na alam
niya ito ngunit ayaw lang niya na kinukutya ang prinsesa ng kaniyang mga kapatid.
Dininig ni Allah ang kaniyang panalangin at pinalitan pa niya ang kaniyang
pangalan ng Sumedsen sa Alungan.
Naging masaya ang mag-asawa. Sila’y nagyakapan at umuwi na sa kanilang
kaharian. Lahat ng kanilang nadaanan ay humanga sa kakisigan ng lalaki. Ngunit
sila’y nagtatanong dahil ang pagkakaalam ng mga tao ay may asawa na ang
prinsesa at ito ay si Pulansai. Nang umabot sa hari ang balita na may kasamang
ibang lalaki ang prinsesa, ipinatawag agad ito ng hari kasama ang lalaking si
Sumedsen sa Alungan. Tinanong ng hari kung nasaaan na si Pulansai. Sumagot si
Sumedsen sa Alungan. “Ako po si Pulansai,” ang sagot ng lalaki. “Dininig ni Allah
ang aking kahilingan na baguhin ang aking anyo,” ang wika ng lalaki. Upang
mapaniwala niya ang hari, isinuot ni Sumedsen sa Alungan ang damit ni Pulansai.
Agad nakilala ng sultan ang dating si Pulansai. At niyakap ng sultan ang makisig na
manugang.

Humingi ng tawad ang nakatatandang prinsesa nang makita niya ang


pagbabagong-anyo ni Pulansai gayundin kay Allah. Naging tagapagmana ng trono
si Sumedsen sa Alungan nang mamatay si Dipatuan at naging masagana ang
kaharian dahil sa kaniyang mabuti at maayos na pamumuno.

GAWAIN

You might also like