You are on page 1of 2

BUOD ng kwentong “Sino ang nagkaloob?

Sa isang kaharian may isang hari na may pitong anak. Ang pinakapaborito ng hari ay ang
bunsong prinsesa dahil ito ang pinakamagaling at pinakamasarap na magluto sa magkakapatid.
Bago sila kumain ay nagtitipon ang hari at mga prinsesa. Tinanong sila ng hari kung sino ang
nagbibigay sa kanila ng makakain. Ang lahat ng prinsesa ay sinabing ang ama ang nagbigay ng
pagkain, samantalang ang bunsong prinsesa ay tahimik lamang. Nang tinanong siya ng Amang
hari ang kaniyang sinagot ay ang Diyos, diyos ang nagbigay ng pagkain. Ikinagalit ito ng Hari
kaya siya’y pinalayas.

Dinala siya sa gitna ng kagubatan. Sa kaniyang paglalagi, siya’y nakatulog. Nagising lang ang
prinsesa sa tunog ng isang plawta at nakita niya ang isang binatang nagpapatugtog nito. Inalok
niya itong maglakbay at humanap ng matitirahan. Sa kanilang paglalakbay nakarating sila sa
isang pader at sa kabila nito ay isang siyudad. Inutusan ng prinsesa ang binata na dalhin sa
kaniya ang pinaka mayamang mag-aalahas. Nang dumating ang mag-aalahas, binigay ng
prinsesa ng kaniyang alahas, kapalit nito ang isang kabayong may montura, salapi, at isang
barong para sa binata. Nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang sa may matagpuan silang
lugar na nagustuhan nila. Nagpasiya ang prinsesa na magpatayo ng isang palasyo roon.

Nakaramdam ng uhaw ang prinsesa kaya nagpakuha siya ng tubig sa binata. Nakakita ng batis
ang binata at sa batis na iyon ay may mga rubi. Kumuha siya ng ilan at pinaglaruan niya ang
mga ito. Kuryoso ang binata kung saan nanggagaling ang mga rubi kaya sinundan niya ang
agos ng batis na may rubi at napunta siya nito sa isang palasyo. Nakita niya rito ang isang putol
na ulo ng isang babae. May tumutulong dugo rito at nagiging rubi at dahil sa takot, natalisod
siya sa isang tabla at biglang bumalik ang ulo ng diwata sa katawan.

Nagpakilala ang diwata at sinabing may genie na gusto siyang maging asawa at dahil ayaw
niya rito, kinukulong siya ng genie at natatanggal ang ulo niya at bumabalik lang sa tuwing
darating ang genie. Inutusan ng diwata ang binata na magtago. Galit na pumasok ang genie at
binuhay ang diwata tinanong niya ito kung nasaan ang tao dahil nakakaamoy siya ng tao.
Nagmaang-maangan ang pulang diwata. Bumalik ulit sa gubat ang genie at lumabas naman
ang binata mula sa kaniyang pinagtataguan.

Sinabi ng pulang diwata na kunin ang laro sa isang madilim na kwarto at kaagad naman ‘yong
kinuha ng binata at dinala sa diwata. Nakita sila ng genie at bago pa sila malapitan ay kaagad
na sinakal ng pulang diwata ang laro kaya namatay ang genie. Pinunta ng binata ang pulang
diwata sa palasyo ng prinsesa at kaagad naman itong tinanggap ng prinsesa at itiuring na
kapatid. Nagpasyang umalis na sa palasyo ang pulang diwata at bago ‘yon gumawa siya ng
palasyo para sa prinsesa at inimbitahan ang mga egrandeng tao.
Ang prinsesa ang nagluto para sa pagdiriwang dahil siya ang pinaka magaling at
pinakamasarap magluto sa palasyo. Nang matikman ‘yon ng kaniyang ama ay kaagad siya
nitong naalala at nagsisisi na ito sa ginawa nitong pagpapalayas sa prinsesa. Kaagad na
lumitaw ang prinsesa sa harap ng hari matapos pumalakpak ng isang beses ang pulang diwata.
Umiyak ang mag-ama at sinabi ng prinsesa na Diyos ang nagkakaloob sa lahat at sumang-ayon
na ang Hari.

You might also like