You are on page 1of 7

Mga Panandang Kohesyong

Gramatikal

1.Pagpapatungkol
(reperensiya)- ito ay panghalip
na ginagamit upang tukuyin
ang nauna o nahuling
pangalan.
Dalawang uri ng Reperensiya
•Anapora ay panghalip na ating makikita at
nagagamit sa hulihan bilang panimula sa
pinalitang pangngalan sa unahan ng
pangungusap.
•Katapora ay mga panghalip na ating
ginagamit sa unahan bilang tanda sa
pinalitang pangalan sa hulihan.
Isulat sa patlang ang A kung Anapora at K naman kung katapora.
____1. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang
turismo dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng
bansa.
_____2. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating
Pangulong Fidel V. Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa
Pilipinas.
_____3. Ayon sa mga nakaaalam ng takbo ng negosyo sa bansa,
bumagsak daw ang turismo sa administrasyong Estrada dahil mahina
raw siyang pangulo.
_____4. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong Arroyo kung
paano muling sisigla ang turismo sa Pilipinas.
_____5. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa
bansa kaya ang terorismo ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong
Arroyo
_______________6. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus
na Pula. Ikinasal siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko
noon.
_______________7. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa
pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan. Puspusan ang pagkalinga niya
sa mga nangangailangan at kapuspalad.
_______________8. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang
pamilya Quezon ay pumunta sa Amerika. Doon ay tumulong siya sa
American Red Cross at patuloy na nakipag-ugnayan sa mga pinunong
bayan.
_______________ 9. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa
Pilipinas.Gayunpaman, tumulong si Donya Aurora sa Pangulong Manuel A.
Roxas na mapagtibay ang kalayaan ng Pambasang Krus na Pula.
_______________ 10. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di
mapapasubalian. Ito ay taglay niya hanggang kamatayan.
2. Elipsis - ito ay pagpapaikli
ng pahayag. Inilalapat ito sa
pangungusap upang
maiwasan ang redundancy.
Hal. Bumili si Gina ng apat na
aklat at si Rina naman ay
tatlo.
3. Pagpapalit (substitusyon) -
ito ay paggamit ng iba't ibang
reperensya sa pagtukoy ng
isang bagay o kaisipan.
Hal. Nawala ko ang aklat mo.
Ibibili na lang kita ng bago.
4. Pag-uugnay - ito ay ginagamit na
pangatnig upang pag-ugnayin ang
dalawang pahayag.
Hal. Ang mabuting magulang ay
nagsasakripisyo para sa mga anak at
ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa
kanilang mga magulang.

You might also like