You are on page 1of 10

NARATIBONG ULAT

Yunit 4 - Ang Kwento sa


Panahong Kontemporaryo :
Kontemporaryong Panitikan sa
Panahon ni Pangulong Fidel
Ramos (1992-1998)

Inihanda ni Bb. Ofelia V. Apues


Fidel V Ramos
Ang ikawalong pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998)
Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan.
Si Ramos din ang kaisa-isang opisyal ng military ng Pilipinas na tinanganan ang lahat ng posisyon mula sa
Second Lieutenant hanggang sa Commander-in-Chief.
Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral
ng civil engineering sa University of Illinois, 
Bago pa nahirang na pangulo nuong Hunyo 30, 1992, natupad na niya ang pinakamalaking tungkulin niya
sa bayan. Naiwasan ang digmaan at nanatiling malaya ang Pilipinas.

Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang
pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal.
Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa
kaunlaran.
Sa mga unang taon ng kanyang termino, idineklara niya na mataas niyang prayoridad ang nasyonal na
rekonsilyasyon at gumawa siya ng koalisyon upang makabangon sa mga hidwaan ng administrasyong Aquino.
Ginawa niyang legal ang Partidong Komunista at nakipag-negosasyon sa mga ito, sa mga rebeldeng Muslim at
mga rebeldeng militar upang kumbinsihin sila na itigil ang kanilang mga kampanya laban sa pamahalaan.
Ang unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Ramos ay naging maganda. Sumigla ang ekonomiya, naging
tahimik ang mundo ng pulitika at nagkaroon ng positibong pagbabago ang pagbibigay ng mga pangunahing
serbisyo sa publiko.
Ang ekonomiya ng Pilipinas bumawi sa mga taong 1993-1997. Ipinatupad ni Ramos ang Social Reform Agenda
(SRA) na tumutugon sa problema ng kahirapan: trabaho at kabuhayan, kalusugan, edukasyon at pagsasanay sa
kakayahan, pabahay, proteksyon sa kapaligiran, ang kabataan, matatanda at may kapansanan, at pagkakaroon ng
pantay na pagkakataon.
Ang average na kita ng pamilyang Pilipino ay lumaki. Itinulak niya ang deregulasyon ng mga pangunahing
industriya at ang liberalisasyon ng ekonomiya. Hinihikayat niya ang privatization ng mga pampublikong
entidad, upang isama ang paggawa ng makabago ng pampublikong impraistraktura sa pamamagitan ng isang
pinalawak na Batas sa Build-Operate-Transfer (BOT).
Habang nahulog ang komunistang rebolusyon sa mga makasaysayang hilig, nakamit niya ang isang
kasunduan sa kapayapaan sa mga militar na rebelde at ang secessionistang Moro National Liberation Front
(MNLF) kung saan siya ay nanalo para sa Pilipinas ng 1997 UNESCO Peace Award, una para sa mga
Asyano.
Naging masigasig din si Ramos sa paglaban para sa ating karapatan sa teritoryong pinag-aagawan sa West
Philippine Sea. Ang problemang hinarap ng Administrasyong Ramos ay ang kakulangan sa supply ng kuryente
sa bansa. Naging maganda ang takbo ng bansa sa halos lahat ng aspeto nito sa ilalim ng Administrasyong
Ramos, subalit napigil ito nang dumanas ang Asya ng isang financial crisis noong 1997. Bilang epekto, mula sa
mahigit 5% paglago ng ekonomiya noong 1997, bumagsak ito sa kalahating porsyento na lamang nang
sumunod na taon. Marami rin ang nagsarang negosyo na nagresulta naman sa pagtaas ng unemployment rate sa
bansa. Pilipinas bilang susunod na Economic Tiger ng Asya. Ayon sa mga expert sa pulitika si Pangulong
Ramos ang masasabing pinakamagaling na naging presidente ng bansa sa post-Marcos era.
Bumalik ito sa panahon ni Pangulong Fidel Ramos dahil tulad ngayon ay tumaas din ang kaso ng mga krimen
noong mga panahong iyon lalo ang kidnapping ng mga mayayamang Chinese sa bansa. 

Si Fidel V. Ramos ay ang chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines bago siya naging pangulo. Siya rin
ay isang civil engineer. Bilang pangulo, naibalik niya ang paglago ng ekonomiya at katatagan sa bansa, kahit
noong panahon ng Asian Financial Crisis noong 1997. Siya ang una, at hanggang ngayon, ang nag-iisang non-
Catholic na pangulo ng Pilipinas.

 Pinangasiwaan ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas

 Namuno sa pagdiriwang ng Philippine Independence Centennial noong 1998

 Nakatanggap ng British Knighthood mula sa United Kingdom ni Queen Elizabeth II (Knight Grand


Cross of the Order of St. Michael at St. George)

 Nag-host ng pang-apat na Asia Pacific Economic Cooperation Leader's Summit sa Pilipinas noong 1996

 Ang Philippine Stock Exchange ay naging isa sa mga mga paborito sa mundo sa panahon ng kanyang
pagkapangulo

 Ang parusang kamatayan ay naibalik habang siya ay nasa pwesto

 Nilagdaan ang kasunduan sa kapayapaan sa rebeldeng Moro National Liberation Front

 Ang R.A. 8371 o ang Indigenous Peoples Rights Act ay naisabatas noong October 27, 1997 sa
panahon ni dating pangulo Fidel V. Ramos. Layunin ng batas na ito na bigyang diin ang mga
pangangailangan ng mga katutubo sa bansa.
PROKLAMASYON BLG. 1041
NAGPAPAHAYAG NG TAUNANG PAGDIRIWANG TUWING AGOSTO 1-31 BILANG BUWAN NG
WIKANG PAMBANSA

SAPAGKAT, ang pagpapahalaga sa isang katutubong wikang pambansa ay pinatunayan ng pagkakaroon ng


kaukulang probisyon sa Saligang Batas ng 1898, 1935, 1973, at 1987;

SAPAGKAT, ang isang katutubong wikang panlahat ay mahalagang kasangkapan sa komunikasyon, unawaan,
kaisahan at kaunlaran ng bansa;

SAPAGKAT, ang katutubong wikang nagsisilbing batayan ng nililinang, pinauunlad at pinagyayaman pang
wikang pambansang Filipino ayon sa itinatakda ng Saligang Batas ng 1987, ay gumanap ng mahalagang
tungkulin sa Himagsikan ng 1896 tungo sa pagkakamit ng Kasarinlan na ang Ika-100 Taon ay kasalukuyang
ipinagdiriwang at ginugunita ng sambayanang Pilipino;

SAPAGKAT, ang dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay
isinilang noong Agosto 19, 1878;

DAHIL DITO, AKO, si FIDEL V. RAMOS, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa bisa ng kapangyarihang
kaloob sa akin ng batas, ay nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng
Wikang Pambansa, sa pangunguna ng mga pinuno at kawani sa sektor ng pamahalaan, mga pinuno at guro sa
sektor ng edukasyon, mga kinatawan ng pakikipagugnayang pang-madla, mga pinuno at miyembro ng iba’t
ibang organisasyong pangwika, pang-edukasyon, pangkultura at sibiko, at mga organisasyong di-
pampamahalaan.

BILANG KATUNAYAN, lumagda ako rito at ipinakintal ang tatak ng Republika ng Pilipinas.

GINAWA sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika 15 ng Hulyo, sa taon ng Ating Panginoon, Labinsiyam na Raan
at Siyamnapu’t Pito.

(Sgd.) FIDEL V. RAMOS
MAIKLING KUWENTO

- o DAGLI ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa
o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang
o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A.
Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga
Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

- Isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari
sa buhay. Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal
ng diwa odamdaming may kaisahan- Edgar Allan Poe

Mga Bahagi:
 Simula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng
Tagpuan.
 Gitna- Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
 Wakas- Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan.

URI NG MAIKLING KWENTO


 TRAHEDYA-sa trahikong kwent, hind nakaiiwas ang tao sa kapahamakan at pagbagsak,kahit pa
magpakita sya ng katatagan ng loob at tapang.
 KOMEDYA-sa uring ito, dumaraan ang mga tauhan sa mga nakakatawa,kawili-wili, okakatwang
sitwasyon at kumplikasyon. at masayang wakas.
 SATIRA-sartiriko ang kwento kung ginagawang kalibak-libak ang tauhan.
 ROMANSA-sa romantikong kwento,may maliwanag na pagkakaiba ang 'mabubuti' at 'masasamang' tao
na sangkot sa mga pakikipagsapalaran at sa mga pangyayaring di kapani-paniwala.
 REALISMO-kabaligtaran ng romansa ang realistang naratib. sinasalamin nito ang tunay na buhay .
hindi ang buhay na gustong mangyari o hinihiling mangyari.
Mga Manunulat na Nakilala sa Panahon ng Termino ni RAMOS:
*Rolando Tolentino- Kritiko at manunulat. Malay sa mapagpalayang tungkulinng mga guro at inteletuwal
sa lipunan, may malawak na persperkpetiba at pangkabuuang gagap sa mga suliranin at may matapang at
matatag paninindigang makamasa.

Siya ay isang tanyag manunulat at kabilang siya sa Katha at Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Kabilang sa mga
nasulat niya ay ang: Sakit ng Kalingkingan: 100 Dagli sa Edad ng Krisis (2005), Kuwentong Syudad (co-editor,
2002), Sapinsaping Pag-ibig at Pagtangis: Tatlong Novella ng Pagsinta’t Paghinagpis (1999); Fastfood,
Megamall at iba pang kwento sa pagsasara ng ikalawang milenyum (1999); Relasyon: Mga Kwuwento ng
Paglusong at Pag-ahon (co-editor, 1999); Ali*bang+Bang atpb. Kwento (1994); Habilin: Antolohiya ng Katha
Para sa Pambansang Kasarinlan (co-editor, 1991); Engkwentro: Kalipunan ng mga Akda ng Kabataang
Manunulat (co-editor, 1990).
Siya ay nanalo din sa iba’t ibang klase ng patimpalak ditto sa Pilipinas pati na din sa ibang bansa. Ang ilan ditto
ay ang Best Arts Book, Gintong Aklat, (2002), Writer’s Prize, National Commission for Culture and the Arts
(2001), Manila Critics Circle Award for Best Film Criticism Book (2001); Gawad Chancellor for Best Literary
Work (2002).

Tema at Paksa:
Layunin ay tulungan ang mambabasa na hindi lamang maging readerly, na magbasa at namnamain ang diwa ng
kanyang binabasa. Ito rin ay wirterly, ang muling pag-asembleya ng naratibo ng kahulugan ng akda sa kanyang
utak, at kung magpakagayon, ito man ay nagiging mala-manunulat na rin. Sa proseso, binabaklas niya ang
sinsasabi ng awtor bilang pigura ng awtoridad at nilalagay ang akda sa sipat ng political- na may tatlong
refraksyon ng panlipunan, historical at (post)modernidad-na lente. Inihahain ang akda ng organikong awtor nito
hindi para lumikha ngselyadong uniberong lahat ng kasagutan ay nasa loo brin ng organismong akda, kunid
para muli’t muling timplahin at lutuin, tikman at namnamin, isuka kung nararapat, ng mambabasang awtor.
Binabaklas ng mambabasa ang kahuligan ng akda sa pamamagitan ng pagsipat sa lente ng political, at mula sa
labi ng kanyang binaklas, magtataguyod siya g ibang estruktura at akda-bumabaklas para makabuo ng kaiba, at
itong kaiba ang animong nakapakat at nakatago sa sinag at lilim ng akdang pinapag-aralan.
-mula sa aklat ng Pag-aklas, Pagbaklas at pagbagtas
*Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1940-1997) ay isang Pilipinong piksyonista,
mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. 
Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999
na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat.

Simbolismo ng Maikling kuwentong “Impeng Negro”-


 Tema o paksang diwa
       Tinalakay sa kwento ang pangmamaliit at pang-aalipusta ng mga taong iba ang katangian at kalagayan o uri
ng buhay. Tinalakay kung paano dapat ipaglaban ang dangal at dignidad na di dapat sila husgahan at kutyain
dahil sa bagay na kinatatayuan nila. Inilarawan din ang mga mapangutya, mapang alipusta at mga taong walang
alam sa mga bagay na kanilang hinuhusgahan.

II. Simbolismo
Sa pangalan ng Tauhan
Impeng- marahil ginamit ni Sicat ang Impeng dahil pwedeng ikapit sa malapit na tawag na “aping” o naaapi.
Negro- maaaring dahil sa pag-uuri ng mga tao sa pamamagitan ng kulay at katayuan pwedeng husgahan ng mga
tao ang isang bagay. Gaya na lamang sa paghuhusga sa ina ni Impeng.
Sa mga bagay sa kwento
Balde- nangangahulagang damdamin na pag minsan napupuno ay kaylangang maisalin o bawasan gaya ni
Impeng siya ay isang balde na napuno kay Ogor kaya't siya ay nakipagsagupa dito.
Gripo   -galit na pumupuno sa damdamin ni Impeng dahil sa palaging pagmamalabis ni Ogor at sa pamamagitan
ng
pang-aapi at pangungutya ay di niya kinaya.
-maaari ring si Ogor na pumuno ng galit sa damdamin ni Impeng kayat lumabas ang tunay na katatagan at tibay
nito.

Kongklusyon
Ang kwentong Impeng Negro ni Rogelio Sicat ay isang akdang maihahalintulad sa ginagalawan nating lipunan
sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng paghimaymay sa iba't ibang bahagi nito naipakita niya ang iba't ibang
kaganapan na maaring dinaranas ngayon ng maraming Pilipino. Napaikot niya ang mga tauhan nang may
masining na pagpapaunawa sa mambabasa. Ang pagiging mahusay na manunulat ni Sicat ay maituturing na
kaiba sa mga manunulat dahil hindi lang nito n
MOSES, MOSES

SIMBOLISMO:
- Baril – Sa akdang ito, inaakala nila na ang baril ang sagot upang makamit ang hustisyang inaasam
Mga tauhan. Ngunit heto rin ang magdadala sa kanila sa kapahamakan.

Layunin ng Awtor:
- Layunin niya na iparating sa mga mambabasa kung ano ang nangyayari sa ating batas,
Hustisya, at karapatan bilang tao. Inilalarawan sa maikling kwento na kung gaano ka bagal
Ang hustisya. Na ito ay para lamang sa may pera at mahirap. Na kapag wala kang pera ay
Hindi mo makakamit agad agad ang hustisyang tinatamasa.
Layunin ng may Akda
-       Ibig nito mapakita ang masasaklap na katotohanan tungkol sa lipunan. Kasama rin ang kabuktutan ng
pamahalaan kasama na rinang mga opisyal nito. Ipinapakita rin nito ang mga kasawian sa buhay na hindi dapat
takasan.
Tema o Paksa ng May-akda
-       Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol sa mga karimlan ng pamahalaan at ang mga opisyal nito. Naglalayon
din na maipakita ang hirap sa mga problema. Ang suliranin laban sa sarili , lipunan at mga kapwa.

LIWAYWAY ARCEO
-Mga Maikling Kuwentong Naisulat
- Naluluoy ang Bulaklak
- Nangangailangan: Mekaniko
- Nang Sumapit sa Gulang si Marietta

Nagsulat siya ng ilang nobela kabilang dito ang Canal de la Reian at Titser. Mayroon din siyang mga
koleksiyon ng maiikling kuwento tulad ng "Ang Mag-Anak na Cruz, Mga Maria, Mga Eva at "Maybahay, Anak
at iba pa". Ang kanyang kuwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa" ay nanalo ng ikalawang gantimpala sa
Pinakamabuting Maikling Likha noong 1943.

Si Liwayway Arceo ay kilala rin bilang isa sa pinakaunang nagsulat ng soap opera para sa radyo. Ang kanyang
dramang "Ilaw ng Tahanan" ay inere sa DZRH, DZMP at DZPI mula Marso 1949 hanggang Hulyo 1958. Ilan
pa sa kanyang mga naisulat na script ay ang Dely Magpayo, Ang Tangi kong Pag-Ibig at Kasaysayan ng mga
Liham ni Tiya Dely. Siya rin ang bumuo ng Lovingly Yours, Helen na inere noong 1978. Bukod dito, sumulat
din siya ng ilang script sa telebisyon ang Sangandaan at Damdamin na parehong tinagkilik ng publiko.
Ilan sa kanyang mga napalunan ay ang Carlos Palanca Memorial Award para sa isang maikling kuwento sa
Filipino noong 1962, Gawad CCO for Literature Award noong 1993, honoris causa Doctorate in Humane
Letters mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1991, Catholic Authors Award noong 1990 at Gawad Balagtas
Life Achievement for Fiction noong 1998. Ang kanyang huling natanggap ay ang National Centennial
Commission Award para sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng Panitikang Pilipino.

Namatay siya noong 1999 sa edad na 75.

Mga Maikling Kuwentong Naisulat:


- Naluluoy ang Bulaklak
- Nangangailangan: Mekaniko
- Nang Sumapit sa Gulang si Marietta
Mga pangunahing aklat:
Kabilang sa mga pangunahing aklat ni Arceo ang sumusunod:
 Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito, Ngayon (1998)
 Mga Bathalang Putik (1998)
 Titser (1995)
 Canal de la Reina (1985)
 Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998)
 Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997)
 Mga Maria, Mga Eva (1995)
 Ang Mag-anak na Cruz (1990)
 Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo (1992)
 Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang Katha (1968)

Matalinghaga ang pamagat ni Arceo sa paggamit ng “bathalang putik.” Maaaring ipahiwatig nito na bagaman
mortal ang apat na pangunahing tauhan, may mga katangian din silang lumalampas sa pagiging mortal at
umaabot sa pagiging inmortal. Maaari din namang palsipikadong diyos lamang sila, at bagaman may
kakayahang makapagpasiya ay nagbabantulot na isakatuparan iyon at ilalaan sa tadhana ang lahat. Ang
problema’y sa kombinasyon ng “bathala” at “putik.” Kung ang “bathala” ay hinggil sa inmortalidad, na marahil
ay may kaugnayan sa konsepto ng “pag-ibig,” “dibino,” at “pagpapasiya,” ang “putik” ay tumutukoy sa
mortalidad, at may kaugnayan sa pinagmulan ng tao o pagkatao. Ngunit hindi kayang likhain ng bathala ang
kaniyang sarili, gaya ng “putik” na isang likha. Ang “bathala” ay lumalampas sa kaniyang “laláng” dahil siya
ang ultimong ugat ng lahat ng bagay. Kung papaloob ang “bathala” sa kaniyang likha, maglalaho ang pagiging
inmortal niya kaya marapat lamang siyang husgahan bilang tao at hindi bilang diyos, at alinsunod sa midyum na
kaniyang kinasangkapan.
Tema at Paksa ng mga Akda sa Panahon ni Ramos

 ISYUNG PANLIPUNAN
 REALISMO
 PAG-IBIG/ROMANTICISMO

LAYUNIN
 Ibig nito mapakita ang masasaklap na katotohanan tungkol sa lipunan. Kasama rin ang kabuktutan ng
pamahalaan kasama na rinang mga opisyal nito. Ipinapakita rin nito ang mga kasawian sa buhay na
hindi dapat takasan.
 Iparating sa mambabasa ang suliranin laban sa sarili , lipunan at mga kapwa. (Tunggalian)

Mga Pinagkunan ng Impormasyon o Datos:


https://www.britannica.com/biography/Fidel-Ramos
https://bayaningfilipino.blogspot.com/2020/10/mga-pangulo-ng-pilipinas-kontribusyon-at-mga-nagawa-2.htm
https://youtu.be/-LCcgn0UaJM

You might also like