You are on page 1of 3

1. Ito ay isang nobelang isinulat ni Dominador B.

Mirasol, na naglalayong hikayatin ang


mga mambabasa na huwag mawalan ng lakas ng loob sa pagharap sa kahit anong
pagsubok na darating sa buhay sapagkat ang pagpupursige ay makakatulong sa
pagkamit ng matamis na tagumpay.

Ano ang pamagat nito?

Pagpipilian:
Babangot Ako't Dudurugin Kita (1985)
Ginto ang Kayumangging Lupa (1979)
Bakit Maalat ang Kulangot (1993)
Paruparong Butterfly (1979)

Ang Ginto ang Kayumangging Lupa ay nagwagi ng Tanging Gantimpala sa Timpalak Nobelang
Tagalog ng Cultural Center of the Philippines nuong 1979 at unang sinerye sa magasing Sagisag
ng Department of Public Information. Inilalahad sa nobela ang kasaysayan ni Moises Dimasupil
na, tulad ni Moises ng mga Israelita, lumaban sa kalupitan ng mga Paraon sa ating panahon.

2. "Isang security guard na kano sa base-militar ang nakapatay ng Pilipino. Tumangging


isuko ng militar-Amerikano sa korte ng Pilipinas ang bata nilang kriminal. Lahat daw ng
imbestigasyon sa loob ng base-Amerikano ay kailangan munang basbasan ng mga taga-
American Department of Defense."

Sa anong nobela nanggaling ang mga pangungusap nakapaloob sa itaas?

Pagpipilian:
Ang Relo Kong Rolex (1992) ni Robert Cruz
Haplos (1989) ni Syrell P.
Ang Mahiwagang Batuta (1975) ni Rv Sevilla
Gapố (1980) ni Lualhati Bautista

Ang aklat na ‘Gapố ay isang nobelang isinulat ni Lualhati Bautista na tumatalakay sa


problemang nababalot sa mga base militar ng mga Amerikano dito sa Pilipinas. Ilan sa mga
kasama rito ang diskriminasyon ng mga Amerikano sa Pilipino, pag-aalipusta sa mga Pilipina ng
mga puti, at maging ang kawalang-bahala ng mga Pinoy o mas tamang sabihin na gobyernong
Pilipino sa mga nangyayari sa lugar ng mga base militar.

3. "Definitely a political novel. More than the individual story of a mother watching her
sons grow and plunge into real life, ______________ is an indictment of martial law,
and here, Lualhati minces no worlds." - Female Forum, November 21, 1983
Ano ang nobelang angkop sa patlang?

Pagpipilian:
Dekada '70
Anak Ka ng Ina mo
Kapatiran
Ang Hagupit ng Kahapon

Ang Dekada '70 ay isang nobelang isinulat ni Lualhati Bautista noong 1983. Ito ay sumasalamin
sa hirap ng buhay na dinanas ng mga Pilipino noong kapanahunan ng pamamalakad ng dating
pangulong Ferdinand Marcos. Nagkaroon ito ng adaptasyon sa pelikula, sa ilalim ng direksyon ni
Chito S. Rono, at ginanapan naman nina Vilma Santos bilang Amanda at Christopher de Leon
bilang Julian--ang mag asawa ayon sa nobela. Ito ay isa sa dalawang natatanging nobela na
nagkamit ng Carlos Palanca Award for Novel in Filipino.

4. Ang nobelang ito ay tumatalakay sa perenial na problema ng pagsasakahan, ang


pagsipot ng warlordismo, at iba pang sakit ng lipunan na umiiral hanggang ngayon.

Ano Ito?

Pagpipilian:
Balat-Kabayo (1999)
Puto-Bumbong (2000)
May Tibok ang Puso ng Lupa (2004)
Ang Asul ay Kulay Blue (2001)

Ang May Tibok ang Puso ng Lupa ay isang nobelang tumatalakay sa perenial na problema ng
pagsasakahan, ang pagsipot ng warlordismo, at iba pang sakit ng lipunan na umiiral hanggang
ngayon. Ito ay isinulat ni Bienvenido Ramos at isinaaklat naman ng Ateneo de Manila University
ang nobelang ito noong 2004. Nagwagi ito ng unang gantimpala sa timpalak sa pagsulat ng
nobela na inilunsad ng Samahang Balagtas at Surian ng Wikang Pambansa noong 1978, at
napiling pangalawang pinakamagaling na aklat sa pagdiriwang ng National Book Week.

5. Ang panahong ito ay nagsimula noong ika-21 ng Setyembre, taong 1972. Sa panahong
ito ay mas lalong nagningning ang panitikang Pilipino; pag-unlad ng bayan
angkaraniwang paksain ng mga inilimbag na nobela gaya na lamang ng Luntiang
Rebolusyon, wastong pagkain, pagpaplano ng pamilya, at "drug addiction."

Ano ng tawag sa panahon na ito?


Pagpipilian:
Bagong Panlipunan
Panahon pa ng Hapon
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon

Sinikap sa panahon ng bagong panlipunan ang pag-udlot sa paglilimbag ng mga malalaswang


paksain at iba pang nakakasira o dumudumi sa moral ng tao sa pamamagitan ng paghihigpit sa
sensuridad. Itinatag ang pamahalaang Militar na tinawag nilang ng Ministri ng Kabatirang
Pangmadla, na siyang namahala sa mga pahayagan, aklat, at iba pang babasahing panlipunan.
Sa panahong ito rin naganap ang pagpapatayo ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts
Theatre, at maging ang pagsasaayos ng Metropolitan Theatre.

You might also like