You are on page 1of 1

FILIPINO IV FL3.

Panandang Kohesyon Pangalan_________________________________________________________IAE


FT1. Isulat sa patlang ang PA kung pagpapatungkol sa anapora ang panghalip na may salungguhit at PK kung pagpapatungkol sa katapora
ang ginamit na panghalip na may salungguhit sa pahayag.
_______1. Patuloy nilang dinarayo ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ang mga turista’y totoong nagagandahan dito.
_______2.Si Jose Rizal ang tanyag na manunulat ng dalawang nobelang nakaimpluwensya sa mga Pilipino,dahil sa kanya,marami na ring
manunulat ang naglakas-loob na sumulat ng mga akdang mapanghimagsik.
_______3. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng
bansa.
_______4. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo
sa Pilipinas.
_______5. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya ang terorismo ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong
Arroyo
_______6. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong Arroyo kung paano muling sisigla ang turismo sa Pilipinas.
_______7. Ayon sa mga nakaaalam ng takbo ng negosyo sa bansa, bumagsak daw ang turismo sa administrasyong Estrada dahil mahina raw
siyang pangulo.
_______8. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ayon kay Gracia Burnham
paborito niya itong pasyalan.
_______9.Marami ang nagkakagusto sa kanya sapagkat si Gng.Lopez ay isang mabait at dakilang guro.
_______10.Ang grupo nila ang may pinakamaraming parangal na natanggap sapagkat sila ay mahuhusay.
_______11.Ang Chocolate Hills ay isa sa mga tanyag na tanawin ng Bohol dahil sa magaganda nitong hugis.
_______12.Para sa kanya,isang karangalan ang mapasama sa Samahan ng mga Kabataang Lider dahil iyon ay matagal nang pangarap ni Jose.
_______13.Patuloy ng sinasamba ng mga tao ang kalikasan dahil sila ay naniniwala na mahalaga ang kalikasan sa buhay ng tao.
_______14.Siya ay isang tanyag na manunulat.Si Jose Corazon de Jesus ay makata ng tulang Tagalog.
_______15.Si Lucy ay masugid na tagasunod ni Kim Chui dahil para sa kanya,isang magaling na artista ang dalaga.
FT2.Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga pangungusap. Isulat sa tapat ng bilang kung ito ay anapora o katapora.
_______________1. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na Pula. Ikinasal siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa
nang pulitiko noon.
_______________2. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan. Puspusan ang
pagkalinga niya sa mga nangangailangan at kapuspalad.
_______________3. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya Quezon ay pumunta sa Amerika. Doon ay tumulong siya sa
American Red Cross at patuloy na nakipag-ugnayan sa mga pinunong bayan.
_______________ 4. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa Pilipinas.Gayunpaman, tumulong si Donya Aurora sa Pangulong
Manuel A. Roxas na mapagtibay ang kalayaan ng Pambasang Krus na Pula.
_______________ 5. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian. Ito ay taglay niya hanggang kamatayan.
_______________ 6.Isang karangalan para sa kanya ang maging hurado sa paligsahan sa pag-awit dahil para kay Kris,ang maging hurado ay
hindi isang biro.
_______________ 7.Kasama si Lina sa mga batang magdadala sa pangalan ng kanilang paaralan.Siya ang magiging kalahok sa pagsulat.
_______________ 8.Maraming beses nang nagpabalik-balik si Lou sa Amerika subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakapunta sa
Hollywood.
_______________ 9.Simple lang ang pangarap ni Mario,ito ay ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho.
_______________ 10.Masugid pa rin na manliligaw ni Annette si Kian kahit hindi ito pinapansin ng dalaga.
FT3.Sagutin.
1.Ano ang mga panandang kohesyon?

2.Bakit mahalaga ang panandang kohesyon sa pagsusulat?Ipaliwanag.

3.Ano-ano ang mga uri ng kohesyong gramatikal?Ipaliwanag ang bawat isa.

4. Ibigay ang iyong kuru-kuro hinggil sa paksang”Katutubong-wika ng isang lugar ang dapat gamitin sa pagtuturo ng elementarya”. Gumamit
ng panandang kohesyon sa pagpapaliwanag ng opinyon.

You might also like