You are on page 1of 1

FILIPINO III ST4.

Mga Pahayag na Ginamit sa Pagsusuri Pangalan___________________________________________IAE


A.Sagutin.
1. Ilarawan ang mga pangunahing tauhan mula sa nobelang”Sa Isang Malayong Bayan”.
TAUHAN PAGLALARAWAN
Lee Shin
Foo Mei Lin
G.Rajan
Wali Farouk
2. Ibigay ang iyong sariling pagsusuri mula sa nobelang “Sa Isang Malayong Bayan”.Supurtaan ang iyong pagsusuri.
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
3.Basahin ang mga parabula at ibigay ang iyong pagsusuri sa loob ng lima/pataas na pangungusap.
I. Ang Biyuda at Ang Hukom(Lukas 18:1-8)
1
Isinalaysay ni Hesus ang talinghaga upang ituro  sa kanila na dapat silang  laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa. Sinabi niya,
2
“Sa isang lungsod na may hukom na walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao. 3Sa lungsod ding iyon ay may isang biyuda. Lagi
siyang pumupunta sa hukom at sinasabi, ‘Bigyan niyo po ako ng katarungan sa aking usapin.’ 4Tinanggihan siya ng hukom sa mahabang
panahon, ngunit ng magtagal ay sinabi ng hukom sa sarili, ‘Kahit ako ay walang galang sa Diyos at walang iginagalang na tao. 5Ibibigay ko
na ang katarungang hinihingi ng biyudang ito sapagkat lagi niya akong ginagambala at baka mainis pa ako sa kapupunta niya rito.” 6At
nagpatuloy ang Panginoon, “Pakinggan ninyo ang sinabi ng masamang hukom na iyon. 7Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa
mga minamahal Niya na dumaraing  sa Kanya  araw-gabi? Sila kaya ay paghihintayin niya ng matagal? 8Sinasabi ko sa inyo, agad Niyang
ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit, sa pagbabalik ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita pa kaya Siyang   mga taong
sumasampalataya sa Kanya?”
Pagsusuri:

II. Ang Mabait na Samaritano

Isang lalaki ang naglakbay mula Jerusalem patungong Jerico. Sa daan ay hinarang siya, pinagnakawan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos
wala nang buhay ng masasamang loob.
Isang pari ang napadaan kung saan nakahandusay ang lalaki. Ngunit nang makita niya ang lalaki, sa kabilang gilid ng daan siya lumakad.
Ganito rin ang ginawa ng isang napadaang Levite.
Isang Samaritanong naglalakbay ang napadaan at nang makita nito ang lalaki ay nakadama ito ng labis na pagkaawa. Nilapitan niya ang lalaki
at tinulungan ito. Pinahiran niya ng langis at alak ang mga sugat ng lalaki at saka binendahan. Pagkatapos ay isinakay niya ito sa kanyang
kabayo at dinala sa isang otel kung saan niya inalagaan ang wala pa ring malay na lalaki.
Kinabukasan, bago umalis ang Samaritano ay binigyan niya ng dalawang pilak ang namamahala sa otel at ipinagbiling alagaan ang lalaki.
"Alagaan mo siya at sa pagbabalik ko ay babayaran ko ang lahat ng magagastos mo sa kanya."

Pagsususri:

III. Ang Pastor at Ang Natagpuang Tupa(Lukas 15:1-7)


1
Isang araw, ang mga maniningil ng buwis at ang mga makasalanan ay
lumapit kay Hesus upang makinig. 2Nagbubulungan naman ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan. Sabi nila, “ang taong ito ay
nakikisama sa mga makasalanan at nakikisalo sa mga ito.” 3Dahil dito sinabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito:
4
“Kung ang sinuman sa inyo ay may isangdaang tupa at mawalan ng isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba iiwanan niya ang siyamnapu’t
siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito ay matagpuan? 5Kapag nakita na niya ang tupa ay Masaya niya itong
papasanin. 6Pagdating sa bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay, at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa
akin dahil nakita ko na ang tupang kong nawawala!’ 7Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan dahil sa isang makasalanang
tumatalikod sa kasalanan kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”
Pagsusuri:

You might also like