You are on page 1of 12

Nakapagbibigay ng Lagom

o Buod ng Tekstong
Napakinggan.
Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan?
-Ano ang magagawa mo upang makatulong
sa suliraning pangkalikasan na nasa
larawan?
ILOG PASIG
Ano ang tema ng awiting
napakinggan?
-Ano-anong suliranin ang
binanggit sa awitin? Magbigay
ka ng mungkahing solusyon sa
mga nabanggit na suliranin sa
awit.
-Mabubuod ba natin ang
isang awitin?
-Ano ang buod ng awit?
Sa pagbibigay ng buod ng isang kwento,
salaysay, o talata mahalagang makabuo
muna ng balangkas na maaaring nasa ating
isipan lamang o kaya ay maaari rin namang
isulat. Unang-una, isulat ang pamagat ng
kwento. Pangalawa, hatiin sa bahagi ang
teksto batay sa kwento na bibigyang buod.
Pangatlo, sa bawat paksa dapat mailalahad
ang ang mga mahahalagang detalye na
magbibgay ng mga kaisipang mag uugnay
sa paksa.
Ang isinasama lamang sa isang
buod ay ang mga pangunahing
tauhan, ang mga mahahalagang
pangyayari, at ang kinahinatnan
nito.
Sikaping gamitin ang sarilng
pangungusap sa paggawa ng buod
upang ito ay maging mas payak at
agad mauunawaan.
Ang Mabuting Samaritano
Isang araw ay may lumapit kay Jesus na isang
eskriba na dalubhasa sa kautusan upang siya ay
subukin. Tinanong niya si Jesus ng, “Guro, ano
ang dapat kong gawin upang magkamit ng
buhay na walang hanggan?”
Sumagot si Jesus at itinanong sa lalaki, “Ano ba
ang nakasulat sa kautusan? Ano ba ang
nababasa mo roon?” Anang eskriba ay ibigin ang
Panginoong Diyos ng buong puso, kaluluwa at
lakas. At ibigin ang kapwa gaya ng sarili.
Tama umano ang sagot ng lalaki ayon kay
Jesus. Gawin daw iyon at magkakamit siya
ng buhay na walang hanggan.
Ngunit upang hindi lumabas na kahiya-hiya
ang lalaking dalubhasa sa kautusan ay
nagtanong pa ulit ito kay Jesus.
“Guro, sino po ang aking kapwa?”
Kaya naman inihayag ni Jesus ang
talinghaga tungkol sa mabuting
samaritano.
Isang araw ay may taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico.
Hinarang siya ng mga tulisan. Hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay
na. May isang pari na napadaan sa lugar ngunit sa halip
na tulungan ay lumihis siya ng daan at nagpatuloy
lamang sa paglalakad na parang walang nakita.
Ganun din ang ginawa ng isang Levita na nakakita sa
bugbog saradong katawan ng lalaki.
Nagkataon namang napadaan ang isang lalaking
Samaritano na naglalakbay at nang makita ang lalaki ay
agad niya itong tinulungan. Siya’y naawa dito,
binuhusan at nilinis ang sugat saka binendahan.
Pagkaraan ay isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at
dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya
doon.
Bago umalis kinabukasan ay nag-iwan pa siya ng
dalawang salaping pilak ang namamahala ng bahay-
panuluyan at nagbilin na alagaan niya muna ang lalaki
at kung sakaling may magastos pa siya na higit sa
iniwan niyang pera ay babayaran na lamang niya ito sa
kanyang muling pagbabalik.
Pagkatapos mailahad ni Jesus ang talinghaga ay
nagtanong ito, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang
naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga
tulisan?”
“Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng eskriba.
Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo
ka’t gayon din ang gawin mo.”
ALAMAT NG ALAGAW

You might also like