alamat na napakinggan. Ibigay ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit. 1. Nag-isang dibdib sina Alden at Maine. 2. Nakabibighani ang ganda ni Maine Mendoza. 3. Nagkaroon ng isang supling sina Alden at Maine. 4. Kumukutitaptitap ang mga bituin sa langit tuwing gabi. Ano ang dapat tandaan kapag ang guro ay nagbabasa kuwento sa inyo? Gusto mo bang malaman kung bakit may araw at bituin? Alam mo ba kung ano ang iyong tungkulin bilang anak sa iyong pamilya? Ano-ano ito? Araw, Bituin at ang Buwan 1. Ilarawan sina Ladlaw at Libulan. 2. Bakit naghiwalay sina Ladlaw at Libulan? 3. Nangyari din ba ito sa inyong mga magulang? Ano ang dapat mong gawin upang hindi magalit sa inyo ang inyong magulang? Ano sa tingin ninyo ang maaaring mangyari sa mag- anak, magiging masaya pa rin ba ang kanilang samahan bilang pamilya? Bakit? Ang pagbibigay hinuha sa kalalabasan ng kwento ay isang mabisang paraan upang malaman ang ating pang-unawa sa pangyayari sa kwento o tekstong narinig. Bigyan ninyo ito ng sariling hinuha. 1. Masunuring bata si Gabriel kaya marami ang natutuwa sa kanya. 2. May mga batang kailangang namumungkal ng basura para may makain. 3. Pilit inaabot ng batang tatlong taong gulang ang gunting sa ibabaw ng mesa. 4. Nakita mong nagtatapon ng basura ang iyong kapitbahay sa may ilog. 5. Naglalaro ng posporo ang batang si Luigi sa may likod bahay. Pagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa alamat na napakinggan.