You are on page 1of 26

FILIPINO 10

Panimulang Pagtataya

Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa
bawat bilang. Bilugan ang titik ng napiling sagot.

1. Anong akdang pampanitikan ang nagsasaad sa mga kuwentong kinatatampukan ng mga


diyos at diyosa?
1. a. mito b. parabula c. nobela d. tula

2. Si Marie ay nakararamdam ng paninibugho kapag nakikita niyang may ibang babaeng


kausap ang asawa niya. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. pagkagalit b. pagkatuwa c. pagkatakot d. pagseselos
3. Isang mamahaling regalo ang inihandog ni Jose sa kanyang minamahal. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. inialay b. itinago c. ipinagdamot d. itinapon

4. Inihandog ni Zeus ang isang ginintuang kahon sa mag-asawang Epimetheus at Pandora?


Anong kayarian ng salita nabibilang ang salitang may salungguhit?
a. inuulit b. payak c. maylapi d. tambalan

5. Buong-pusong tinanggap ng mag-asawang Epimetheus at Pandora ang regalong


inihandog ni Zeus. Anong kayarian ng salita ang salitang may salungguhit?
a. inuulit b. payak c. maylapi d. tambalan
Pagganyak

Isang regalong nakakahon at nababalot nang napakaganda tulad ng nasa


ibaba ang dumating para sa iyo, dalawang buwan bago ang iyong
kaarawan. Subalit, may kalakip na mensaheng “HINDI MO ITO
PUWEDENG BUKSAN HANGGANG SA MISMONG PETSA NG
IYONG KAARAWAN.”
Ano ang gagawin mo? Lagyan ng
tsek (/) ang kahon iyong sagot.

Susunod ka, maghihintay ka ng dalawang buwan at bubuksan mo lang ang kahon sa


mismong petsa ng iyong kaarawan.
Hindi ka makapaghihintay ng ganoon katagal kaya gagawa ka ng paraan upang
“masilip” man lamang ang laman ng napakagandang kahon.

Bubuksan mo ito agad pagkatanggap mo

Iba pang gagawin:


_______________________________________________________
dahil
____________________________________________________________________
Bakit kaya napakahirap pigilin
ang pagiging curious o mausisa sa
ganitong pagkakataon?
Ang
Kahon ni
Pandora
Sino ang magkapatid na
Ano ang ipinagkatiwala ni
Prometheus at Epimetheus?
Zeus sa magkapatid?

Paano nasira ang relasyon Ano ang nagtulak kay


ng magkapatid kay Zeus? Prometheus para suwayin
si Zeus?
Ano ang binigay na Ano ang nagtulak kay
kaparusahan ni Zeus kay Prometheus para suwayin
Prometheus? si Zeus?

Paano nagamit ni Zeus si Paano nakatulong ang


Epimetheus sa kanyang pagpapakawala rin ni
pagganti sa sangkatauhan? Pandora sa pag-asa kahit pa
nahuli ito?
Ang Mitolohiyang
Griyego
Ang Mitolohiyang Griyego ay koleksiyon
ng mga kuwentong kinatatampukan ng mga
Diyos at Diyosa. Paksa ng iba’t ibang
mitolohiya ang pag-ibig, pakikipagsapalaran,
pakikidigma, at pagpapakita ng iba’t ibang
kapangyarihan ng mga nasabing nilalang.
Pagpapahayag ng Mahalagang Kaisipan
1. Magpahayag ng kaisipan tungkol sa maaaring maging epekto sa
buhay ng isang kabataang tulad mo ng pagiging labis na
mausisa o curious
2. Magpahayag ng kaisipan tungko, sa kahalagahan ng
pagpapanatili ng pag-asa sa kabila ng mga suliranin at
kabiguang nararanasan.
3. Magpahayag ng dalawang kaisipan patungkol sa pagiging
matulungin at mapagbigay kahit pa mangahulugan ito ng
pagsasakripisyo ng nagbigay.
Magagawa Natin

Napakawalan man ni Pandora ang lahat ng


masasamang bagay sa mundo ay nagawa rin naman
niyang palabasin ang pag-asa na siyang himihilom sa
anumang sakit na dulot ng mga naunang masasamang
bagay.
Magagawa Natin
1. Sa iyong sarili: Nagkagalit kayo ng pinakamatalik mong
kaibigan at ngayon ay may bago na siyang kaibigan.
Nakararamdam ka ng galit at paninibugho kapag nakikita mo
silang masayang magkasama dahil ngayo’y halos hindi ka na
niya pinapansin kahit magkasalubong kayo. Tila nakalimutan
na rin niya ang mga taon ng pagiging mabuti inyong
magkaibiga. Paano makatutulong ang pag-asa para maghilom
ang nararamdaman mo sa sitwasyong ito?
Magagawa Natin
2. Sa iyong pamilya: Lima kayong magkakapatid na sabay-
sabay nag-aaral sa hayskul at sa kolehiyo. Ordinaryong
empleado lang ang inyong ama at ina kaya naman lagi
kayong kapos. Naiinggit ka sa mga nakikita mong mga
bagong gamit ng mga kaklase mo. Subalit, wala talagang
ekstra para mabilhan ka ng mga ito dahil kahit nga para sa
mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain ay
kulang na kulang pa kayo. Paano makatutulong ang pag-asa
sa kalagayan ninyong ito?
Magagawa Natin

3. Sa iyong kaibigan: Isang hindi inaasahang pangyayari


ang naganap sa pamilya ng iyong kaibigan. Nagkasakit ang
kanyang ina na humantong sa maaga niyang pagyao.
Napakasakit ng pangyayaring ito sa kaibigan mo dahil sa
kanyang nanay siya humuhugot ng lakas kapag nanghihina
siya. Paano makatutulong ang dala mong pag-asa sa
kalagayan niyang ito?
Magagawa Natin

4. Sa iyong pamayanan o bansa: Maraming suliraninng


hinaharap ang bansa tulad ng droga, kahirapan at kaguluhang
gdala ng mga pangkat na gustong maghasik ng takot at sakit
sa taumbayan. Ikaw bilang kabataan ang pag-asa ng ating
bayan, paano ka makatutulong sa ganitong kalagayan?
Magagawa Natin
5. Sa daigdig: And buong daigdig ay patuloy na nakararanas
ng malalaking kalamidad sanhi ng lumalalang epekto ng
Global Warming. Ang bawat isa sa atin ay may ginagawang
nagpapalala sa sitwasyong ito. Muli, bilang isang kabataan,
ikaw ang pag-asa ng daigdig. Ano ang magagawa mo sa
iyong munting paraan upang maipakitang dala mo nga pag-
asa sa sitwasyong nakalahad?
Kayarian ng Salita
Aralin 2
Kayarian ng Salita
 Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng kayarian.
 Nakatutulong ang kaalaman na ito upang magamit natin
nang tama ang mga salita.
 Payak
 Maylapi
 Inuulit
 Tambalan
Kayarian ng Salita
 Payak
 ang salita kung wala itong panlapi, walang katambal
at hindi inuulit.
 Binubuo ito ng salitang ugat lamang.

Halimbawa:
anak, bahay, sugat, ayos, limot, pawis
Kayarian ng Salita
 Maylapi
 binubuo ng salitang-ugat na may kasamang panlapi:
unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at laguhan.

Halimbawa:
masaya, humaba, listahan, umikot, madumi
Kayarian ng Salita
 Maylapi
 Unlapi - matatagpuan sa unahan ng salitang ugat.

Hal. umasa, malungkot, nagsikap, inulit


 Gitlapi – matatagpuan sa gitna ng salitang ugat.

Hal. kumain, sumikap, dumalaw, sinabi


Kayarian ng Salita
Maylapi
 Hulapi – inilalagay sa hulihan ng salitang ugat.

Hal. harapin, alisin, tawagan, lapitan


 Laguhan – inilalagay sa unahan, gitna at hulihan ng
salitang ugat.
Hal. tinawagan, nagtakbuhan, pagsumikapan
Kayarian ng Salita
 Inuulit
 kayarian ng salita kapag ang kabuoan o isa o higit
pang pantig sa dakong unahan ay inuulit

Halimbawa:
Gabi-gabi, araw-araw, puting-puti
Kayarian ng Salita
 Tambalan
 Pagsasama o pagtatambal ng dalawang salita upang
makabuo ng panibagong salita.

Halimbawa:
Bahay-kubo, dalagang bukid, balik-bayan
: Isagawa ang gawain sa Payabungin Natin sa pahina
8-9.

You might also like