You are on page 1of 19

Panginoong Diyos,

Maraming salamat po sa panibagong araw na


ipinagkaloob Mo sa amin. Sa araw pong ito, ako at
kami po ay ingatan Mo. Panginoong Hesus, aming
Tagapagligtas, kami po ay lumalapit sa Iyo upang
humingi ng tawad sa aming mga nagawang
kasalanan. Kami po ay humihiling sa Iyo ng grasya
upang mapagtagumpayan namin itong pandemya.
Nawa ay magamit namin ang pagkakataong
ito upang mapaglalim namin ang aming pakikipag-
ugnayan sa lyo. Maawa Ka po
sa amin, Panginoon. Iligtas Mo po kami laban sa
mga salot at sakuna.
Sa Ngalan ni Hesus, Amen.
ARALIN 1
Pangngalan
Dalawang Uri ng Pangngalan
Gawain 1: Balikan natin ang iyong karanasan
noong nasa Ikalawa and Ika’tlong Baitang ka.
Sagutin mo ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang pangalan ng iyong paaralan?


2. Ano-ano ang kagamitan mo sa pag-aaral?
3. Sino ang matalik mong kaibigan?
4. Sino ang iyong guro noong nasa ikalawang
baitang ka?
5. Saan ka bumibili ng pagkain tuwing recess?
Linangin: Gawain 2
Basahin ang palitan ng text messages sa
kanilang cellphone ng magkaklaseng sina Razi at
Casey.
Hello, Razi! Grabe ang epekto ng

Covid-19 sa ating bansa!

Nalulungkot akong hindi tayo

nagkikita.
Tama! Bawal lumabas ang mga bata at

matatanda. Kaya bilang anak, susundin

ko ang aking mga magulang.


Gusto ko ng makita ang mga kaibigan
kong sina Roxan, Katelyn at Jaypee, pati
na ang paborito kong guro na si Bb.
Sharmaine!

Sino-sino naman ang mga frontliner natin?

Kahanga-hanga sila! Gusto ko ring


maging frontliner. Tama! Magiging isa
akong doktor. Tatawagin akong Dr.
Casey Camille C. Namoro.
Oo nga, Casey! Sabi ni Nanay
kailangan nating sumunod sa
community quarantine na
pinatututupad ng gobyerno para
makaiwas sa pandemya.

Matatagalan din ang pagbubukas ng


klase.
Ganun talaga, Casey. Kailangan nating
magsakripisyo at manatili sa bahay para
makaiwas sa sakit. Higit ang
sakripisyo ng mga frontliner natin.
Mahigpit ang kanilang pagbabantay na
‘di kumalat ang COVID-19
Sila ang mga nars, doktor, Brgy. Health
workers, sundalo at mga pulis!
Isulat sa tsart ang iba pang
pangngalan na ginamit sa usapang Casey
at Razi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Tao Bagay Hayop Lugar Pangayayari
Pagsanib ng Gramatika at Retorika
Pangngalan ang tawag sa bahagi ng pananalita
natumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, at lugar.

Sa pagsasalita, gumagamit tayo ng mga katawagan sa:

ngalan ng tao papa, kuya, ate, lolo, tiya, mommy, daddy,


nanay, tatay at iba pa.

ngalan ng tao na makikita sa pamayanan: pulis, guro,


arkitekto, doktor, inhinyero, nurse,magsasaka,
mangingisda, tindera, negosyante.
ngalan ng bagay: bola, bisekleta,
manika, sapatos at iba pa

ngalan ng lugar: palengke, paaralan,


bahay, simbahan

ngalan ng pangyayari: kasal, pista,


binyag, kaarawan, Bagong Taon, Araw
ng mga Puso
Dalawang uri nang pangalan:
1. Pantangi ang tawag sa pangngalang tumutukoy sa
tiyak o partikular na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar
at pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.
Halimbawa: Lita, Mongol, Bantay, Barangay Mankilam,
Araw ng Barangay

2. Pambalana ang tawag sa pangkalahatang ngalan ng


tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Nagsisimula ito
sa maliit na titik.
Halimbawa: guro, paaralan, lapis, palatuntunan, aso
Gawain 3
A.Basahin ang usapan sa ibaba. Kumpletuhin ito sa
pamamagitan ng paggamit ng wastong
pangngalang nasa kahon.
bigkasan G. Villarta ina mag-aaral
Macy tropeyo
Lina: Panalo si (1)____________________ sa
patimpalak ng (2)________________.
Nena: Oo, binigyan nga siya ng isang malaking
(3)____________________.
Lina : Tama si (4) _________________. Mahusay nga
siyang (____________).
B. Magtala ng tig-dalawang (2) pangngalan
ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari sa
iyong paligid o pamayanan.

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari


C. Pagtambalin ang pangngalang pambalana na
nasa Hanay A sa pangngalang pantangi na nasa
Hanay B.

A B
ina Didas Shoe
kainan Jullibee Carenderia
sapatos Aling Nena
simbahan Davao del Norte
probinsiya San Pedro Cathedral
Palalimin
Gawain A. Ano-ano ang pangngalang ginamit sa bawat
pangungusap? Tukuyin kung ito ay ngalan ngtao, hayop,
bagay o lugar.

1. Bumagsak ang kabinet kaya nasira ang mga laruan


2. Kaarawan ni Nanay; pumunta kayo.
3. Mabait ang mga nars na nag-aalaga sa mga maysakit.
4. Dinala sa ospital ang mga bata upang mabakunahan.
5. Si Muning ang alaga kong pusa sa bahay.
Paglilipat
Sumulat ng talata tungkol sa sarili gamit ang mga
pangngalan. Maaaring palitan ang mungkahing pamagat ng
talata sa ibaba. Isulat ang talata sa papel.
Rubrik sa paggawa:
15 10 5
Angkop at wasto ang mga Walang kaugnayan
salitang pangalan na May iilang salita na at hindi wasto ang
Pagkabuo
gagamitin sa pagbubuo ng hindi angkop at wasto. mga salitang
talata. ginamit.
Mabisang naipahayag ang Hindi gaanong mabisa Hindi naipahayag
Nilalaman nang mabisa ang
mensahe ng talata. ang mensahe ng talata.
nilalaman ng talata.

AKO ‘TO
Magandang araw! Ako si Justine Mae Toleno. Ako ay
8 taong gulang. Nag-aaral sa Queen of Heaven Mission
School, Inc. …
Pangwakas na panalangin
Leader: Kamahal-mahalang puso ni
Hesus,

All: Maawa ka sa amin.

Leader: Kalinis-linisang puso ni Maria,

All: ipanalangin nyo po kami.


Amen.

You might also like