You are on page 1of 20

Pang- ugnay

Mga salitang nag-uugnay ng mga


salita o mga parirala sa loob ng
pangungusap
4 na Uri ng Pang-ugnay
1. Pang-angkop
-ginagamit upang pag-ugnayin ang mga
panuring (pang-uri o pang-abay) at ang
mga salitang binibigyang turing nito.

Halimbawa ng pang-angkop
(na, -ng)
lalaking matapang totoong nangyari

sariwang isda panahong ginto

hipong halabos basag na salamin

ilaw na pula baluktot na katwiran


2. Pangatnig
-katagang nag-uugnay sa magkasunod na
salita, parirala o sugnay
2 Panlahat na Pangkat ng Pangatnig
a. nag-uugnay sa magkatimbang na yunit
b. di- magkatimbang na yunit

at, saka, o, pati, ni, maging, ngunit, subalit, datapwat, pero

ang pinag-uugnay ng mga ito ay dalawang


magkatimbang na salita, parirala o sugnay
na kapwa makatatayong mag-isa.
Mga Halimbawa

Mainam na pagkain ang gatas at itlog.

Si Nene ay nagluluto saka nag-aayos ng mesa.

Ang mga bata, pati ang mga matatanda ay nakikiisa


sa pagdiriwang ng buong baryo.

at, saka, pati- ito ay ginagamit kung nais lamang nating


idagdag ang ikalawang salita oparirala o
sugnay na nauuna
o, ni,maging – tinatawag na pangatnig na pamukod sa
dahilang pinagbubuklod nito ang mga
kaisipang ating pinag-uugnay.

Halimbawa
Sasama ka ba o maiiwan ka nalamang?

Ni kumain, ni matulog ay halos di magawa ni Pepe dahil


sa problemang dinadala.

Maging pasulat man o pasalita ay tunay na mahusay ang


batang si Gloria.
ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero
-tinatawag na pangatnig na panalungat. Sinasalungat ng ikalawang
kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.

Halimbawa
Maganda ngunit suplada ang babaeng kanyang
hinahangaan.
Bata pa si Edmon subalit siya’y responsable.
Mahirap ang eksamen ngunit nakapasa siya.
Nagsisikap siya bagamat nahihirapan ang kanyang
kalooban.

Pinagbigyan siya ng magulang pero may kasunduan sila.


Ikalawang Pangkat ng Pangatnig
kung, kapag, pag
-tinatawag ito na pangtnig na panubali

Kung gaganda ang panahon, malamang na matuloy ang


ating biyahe.

Magsasayaw ako kapag ako’y pinilit.

Pag tumunog ang bell ay pipila tayo.


dahil sa, sapagkat, palibhasa

-tinatawag na pananhi; ito ay nagpapakilala ng sanhi o dahilan

Halimbawa
Lumubha ang sakit dahil sa kapabayaan.

Walang kumikibo sa mga anak sapagkat lahat sila’y nag-


aalala.

Palibhasa’y anak-mayaman, sunod nasunod ang layaw ni


Bert.
kaya, kung gayon, sana
-ito ay tinatawag na pangatnig na panlinaw. Ginagamit
ito upang bigyang diin o upang linawin ang kaisipang
hatid ng sugnay na di makapag-iisa
Halimbawa

Nag-aaral na ngayon ng leksyon si Benito kaya matataas


na ang kanyang mga marka.
Nanalo pala sa eliminasyon si Delia kung gayon ay tiyak
na kasali siya sa kampeonato.

Napahamak siya sa masama niyang ginawa sana ay


matuto na siya mula dito.
Pang-ukol

Salitang nag-uugnay ng pangngalan


(o panghalip ) sa iba pang bahagi ng
pangungusap.
ng, sa, kay

-ipinapakilala ng pang-ukol ang layon ng pandiwa.


Halimbawa
Kumuha ng aklat si Robbie.

Nagluto ng ginataan ang nanay.

Umuwi sa Laguna si Henry.

Sumulat kay Josie si Ana


ni, ng, nina
-ipinakikilala ng pang-ukol ang tauhang siyang gumaganap ng
kilos ng pandiwa.

Tinahi ni Loida ang napunit na kamiseta.

Kinamusta ng nanay ang aking mga marka.

Sinabi nina Lito at Edwin ang buong katotohanan.


Pananda
-salitang nagsisilbing tanda ng gamit
na pambalarila ng isang salita sa loob
ng pangungusap
Mga Halimbawa ng Pananda

si, sina
-ginagamit na pananda ng mga pantanging
ngalan ng tao.
Si Mercy

Sina G. at Gng. Robles

Si Florante

Sina Jose Rizal at Francisco Baltazar


ang, ang mga
Ay ginagamit bilang pananda ng mga
pangngalang pambalana

Mga Halimbawa

Ang bata Ang mag-aaral


Ang mga guro Ang mga hayop
Ang mga hurado
Ang manunulat
ay
ipinakikilala nito ang mga pangungusap na nasa
kabalikang ayos o di karaniwang ayos ng
pangungusap.
Pagsasanay
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
Isulat ang tamang sagot sa inyomng kwaderno
ng sa kay na si sina

ang ang mga

1. Nasuot mo na ba ang damit __________ regalo ng ninang


mo?

2. Bumili tayo ng mga sariwa ______ gulay mamaya_______


hapon.
3. May mga bahay ______ bato na nakatayo pa sa Vigan.
ng sa kay na si sina

ang ang mga

4. Napakaraming tao ang nanood ng pelikula_______ sikat


_________ artista.
5. Patuloy na nagsisikap __________ mag-aaral sa
makabago_________ normal

6. ___________ kulay sa watawat ay asul, pula, puti, at dilaw.

7. __________ pangulong Duterte at mayor Isko Moreno ay


nangangarap ng pagbabago sa bansa
o pero ngunit kung

subalit datapwat
9. Kakain ka pa ba ng tsampurado _______busog ka na?

10. Gusto ko nang umuwi _______ hindi pa dumarating ang


sundo ko.

11. Ano ang gustong inumin ni Lolo Pedro, mainit na kape ___

tsaa?
12. Mas mainam na tumawag ka ulit mamayang alas-otso
_________ nais mo siyang makausap.

You might also like