You are on page 1of 5

Mahabang Pagsusulit sa Unang Markahan

FILIPINO 10

Pangalan: ______________________________ Taon at Pangkat: ____________

Petsa: ________________________ Marka: ____________________

I.A. Panuto: Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng kayariang payak, maylapi, inuulit, o tambalan.
Maaaring maiugnay ang kayarian ng salita sa kahulugan nito. Ibigay ang kasingkahulugan ng salita
batay sa kayarian at sa iba pang katangian nito. Piliin ang sagot sa kahon.
minamahal iniibig sinisinta hinahangaan

________________1. Anong payak na salita ang kasingkahulugan ng tambalang salitang pag-iisang-


dibdib? Ang isa pang kahulugan nito ay pag-aasawa.

banta babala ganti

________________2. Anong payak na salita ang kasingkahulugan ng salitang galak sa pangungusap na


“Galak ang dulot ng pagdating ng dalaga sa kanyang buhay.”?

B. Panuto:Basahin at unawain ang konteksto ng bawat pangungusap. Hanapin at bilugan sa ikalawang


pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin sa unang pangungusap.

3. Sumanib ang magkapatid na Titan sa mga Olimpian dahil alam na nila ang mangyayari sa
hinaharap. Sumama sila para sa pansariling kapakanan.
4. Isang ginintuang kahong may kalakip na susi ang ipinadala ni Zeus bilang handog sa kasal nina
Pandora at Epimetheus. Kasama rin sa regaling ito ang babalang huwag bubuksan ang kahon.
5. Hindi mapakali ang babae hangga’t hindi niya nababatid kung ano ang laman ng kahon. Kung
nalalaman niya lamang ay hindi na niya nanaising buksan ito kailanman.

C. Panuto: Batay sa mensaheng iyong nakuha mula sa akda, iugnay ito sa iyong karanasan, pamilya,
lipunan at bansa. (para sa bilang 6-8)

Napakawalan man ni Pandora ang lahat ng masasamang bagay sa mundo ay nagawa rin niyang palabasin
ang pag-asa na siyang humihilom sa anumang sakit na dulot ng mga naunang masasamang bagay. Subalit
sa huli niya itong napaalpas, karaniwang lagging sa huli rin dumarating ang pag-asa. Kaya naman
magpahanggang ngayon, kapag ang tao ay nakaranas ng sunod-sunod na problema o paghihirap,
dumarating ang pag-asa upang magbigay-lakas sa kanilang huwag magpatalo sa mga pagsubok at ituloy
ang laban ng buhay.

6-8. Sa iyong Sarili:


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

II.A. Panuto: Tukuyin at Isulat sa unang kahon ng talahanayan ang pandiwang ginamit sa bawat
pangungusap. Pagkatapos ay kilalanin at isulat naman sa angkop na kahon ang uri at aspekto ng
pandiwang isinulat mo.

Pandiwa Uri Aspekto

9. Pinarusahan siya ni Zeus.


B. Panuto: Ikaw naman ang bumuo ng ilang pangungusap na gumagamit ng pandiwa at aspektong
nakalahad sa bawat bilang. Gawing tema ang iyong karanasan.

10. magsikap (perpektibo o naganap)


___________________________________________________________________________________

C. (Para sa bilang 11-12) Panuto: Ikaw naman ang magsalaysay ng isang pangyayari sa iyong buhay o
sa buhay ng isa sa mga kaibigan o mahal mo sa buhay kung saan nakapagbukas ka o sila ng isang
“kahon ni Pandora” sinadya man o hindi at kung ano ang ibinunga nito. Gumamit ng hindi bababa sa
tatlong (3) pangungusap na gagamitan ng tatlong (3) pandiwa o higit pa sa paglalahad ng aksiyon,
pangyayari at karanasan. Lagyan ito ng angkop na pamagat. Ikahon ang lahat ng pandiwang ginamit mo
sa paglalahad. Bigyang pansin ang nakahandang rubriks sa ibaba sa pagsusulat.

_______________________
(pamagat)

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Mahusay Katamtaman Di gaanong mahusay


(3 pts) (2 pts) (1 pt)
Napagsunod-sunod ng maayos Hindi gaanong napagsunod- May kalikutan ang mga
ang mga pangyayari, gumamit sunod ng ang mga pangyayari, pangyayari, mababa sa apat
ng mga pandiwa, at madaling mababa sa anim ang mga ang mga pandiwang ginamit, at
maunawaan. pandiwang ginamit, at medyo hindi gaanong maunawaan.
hindi madaling maunawaan.
III.A. Panuto: Ang tatlo sa mga salitang nasa bilang ay may halos magkakahawig na kasingkahulugan.
Piliin at bilugan ang salitang may naiibang kahulugan.

13.

B. Panuto: Suriin ang mga bahagi ng akdang nakalahad sa ibaba. Isulat sa linya bago ang bilang kung
ang bahaging ito ay nagsasaad ng katotohanan (KT) o kabutihan at kagandahang-asal (K/K).
Ipaliwanag sa mga linya kung bakit ito ang napili mong kasagutan.

____14-15. Bilang pagpapakita ng paggalang, ang kasalan ng mga sinaunang Hudyo ay nagsisimula sa
pag-uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal.
Paliwanag sa sagot:
___________________________________________________________________________________
matatag matibay maganda malakas
___________________________________________________________________________________

C. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang sagot batay sa
nilalaman, elemento, at kakanyahan ng binasa.

16. Alin sa sumusunod ang tagpuan ng binasang parabula?


a. Israel sa unang siglo
b. Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol
c. Israel sa kasalukuyang panahon
d. Rehiyon ng Mediterranean, kalagitnaang siglo

IV.A. Panuto: Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat sa linya kung ito’y
isang pang-ukol o pangatnig.

_____________ 17. Ayon sa mga balita, patuloy na nakararanas ng kaguluhan ang bansang Israel.

_____________ 18. Palibhasa’y may kanya-kanyang ipinaglalabang pananaw ang bawat bansa.
B. Panuto: Gumawa ng tatlong sariling pangungusap. Gamitan ang bawat isa ng angkop na pang-
ugnay.

19. ____________________________________________________________________________

20. ____________________________________________________________________________

XII. Panuto: Punan ang mga linya ng angkop na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng talata.

Ang Pilipinas ay natanghal sa Israel (37) ______________ isang Pinay caregiver na may

natatanging talento sa pag-awit. Siya ay si Rose “Osang” Fostanes, ang nagwagi sa “X Factor Israel”

noong Enero, 2014. Halos dalwampung taon na siyang nagtatrabaho sa Israel (38) _____________

ngayon lang nagkaroon ng napakalaking pagbabago sa kanyang buhay. Hindi naging hadlang ang

kalagayan at edad niya (39) ____________ ipakita ang taglay niyang talento. Sa una’y kabado siya,

ngunit sumubok pa rin siyang mag-audition. Nakatutuwang isiping lumutang ang talento niya laban sa

mga mas batang kalahok. Hindi siya sumuko kaya sa huli ay nakamit niya ang tagumpay. Hinangaan sa

buong mundo ang kanyang talento at determinasyon. Kapag nakausap ko si Osang ay ipararating ko sa

kanya ang aking paghanga. napatunayan niyang (40) ____________ sa pagiging mabuting caregiver ay

may talentong puwedeng ipagmalaki ang mga Pilipinong tulad niya. Para sa lahat ng Pilipino ang

tagumpay na ito ni Osang!

V.A. Panuto: Ang dalawa sa tatlong salita ay halos kapareho o kaugnay ng salitang nakadiin sa parirala.
Bilugan ang titik ng salitang may naiibang kahulugan.

23. nag-uugat sa malayong nakaraan

a. nagmumula b. nanggagaling c.naiiwan

24. nakikipagtagisan sa mga toro

a. nakikipaglaro b. nakikipaglaban c. nakikipagpaligsahan

25. lumalapat sa sahig

a. sumasayad b. dumadapo c. umaangat

B. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Kilalanin , mula sa iba pang salita sa pangungusap ang
kasalungat na kahulugan ng salitang nakasalungguhit. Bilugan ang salita.

26. Laganap pa rin sa bansang Espanya ang Katolisismo at hanggang ngayon ay kakaunti lamang ang
kabilang sa ibang sekta o relihiyon.

27. Sa mga unang buwan ng aking pagbisita ay nakaranas ako ng katamtamang panahon subalit
pagsapit ng buwan ng Hulyo ay nagging napakainit na ng panahon.

C. Panuto: Magbigay-reaksiyon sa pahayag na makikita sa ibaba. Bilang 27-28.

“Isang mahalagang bahagi ng kanilang kaugalian ang mahabang pananghalian at pagsi-siesta


kaya naman ang halos buong bansa ay tumitigil at nagsasara sa mga oras na ito”

28-31. _______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________.

VI. Panuto: Suriin kung ang sumusunod na mga pagpapahayag ng opinyon o pananaw ay angkop o hindi. Lagyan ng tsek (/)
ang kahon at magbigay rin ng maikling paliwanag para sa iyong napiling sagot.

32. Sa aking palagay, nararapat sundin ng mga Espanyol ang mga rekomendasyon ng kanilang binuong komisyon para na
rin sa ikabubuti at ikakaunlad ng kanilang ekonomiya.

. Angkop Hindi angkop ang pagkakalahad ng pananaw na ito dahil ______________________


____________________________________________________________________.
33. Hindi ako papayag! Walang sinumang makapagpapabago sa kaugaliang matagal na naming ginagawa kahit p siya ang
pinakamataas na pinuno ng mundo!
Angkop Hindi angkop ang pagkakalahad ng pananaw na ito dahil ______________________
____________________________________________________________________.
34. Sa tingin ko, kakayanin ng mga Espanyol na mabago ang nakaugaliang ito basta maipaliliwanag lang sa kanila ang
mabubuting maidudulot ng hakbang na ito.
Angkop Hindi angkop ang pagkakalahad ng pananaw na ito dahil ______________________
____________________________________________________________________.
B. Panuto: Maraming Pilipinoang nangingibang-bansa upang doon maghanap-buhay. May mga kabutihang naidudulot ang
ganitong kalakaraan subalit maraming suliranin din ang maaaring ibunga nito sa pamilya at sa lipunan. Maglahad ng iyong
sariling pananaw kaugnay ng isyung ito gamit ang pahayag sa ibaba.

35. Sa aking palagay, ________________________________________________________________________________


______________________________________________________________________________________________.
36. Para sa akin, ang pag-alis sa bansa para magtrabaho ay_________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.
37. Kung ako ang tatanungin, _________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.
VII.A. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin at piliin mula sa kahon ang salitang bubuo sa diwa nito. Isulat ang
sagot sa linya.

Kahindik-hindik lungga Matayog Nalupig Nagkanulo

38. Ang hukbo ni Crtomir ay _________dahil kakaunti lang sila samantalang malakas at marami ang hukbong kanilang
nakalaban.
39. Ang resulta ng anumang digmaan ay ___________na labanang nagdulot ng pagkawala ng napakaraming buhay at
ari-arian.
B. Panuto: Kilalanin kung tama o mali ang mga pahayag batay sa mga pangyayari sa binasa. Isulat ang TAMA o MALI sa mga
linya.

__________38. Ang tauhang si Crtomir ay isang prinsipe ng isang kahariang Muslim sa bayan ng Savica sa Slovenia.
__________39. Ang mga pangyayari sa epiko ay nangyari noong ika-labinlimang siglo.

C. Panuto: Ang ating buhay ay bahagi ng isang malawak na plano ng Panginoon. Minsan, ipinararanas niya ang mga sulirain
dahil sa mga kadahilanang Siya lamang ang nakakaalam at nauunawaan lamang natin kapag ang suliranin ay nalutas na.
Ibigay ang iyong sariling interpretasyon sa mga dahilan kung baakit ipinaranas ng may-akda ang sumusunod na mga suliranin
sa pangunahing tauhan.

40. Ipinaranas sa pangunahing tauhang si crtomir, ang pagkatalo ng kanyang hukbo. Sa kabila ng matapang na paglaban,
tanging siya lamang ang nakaligtas nang matapos ang digmaan. Sa aking palagay, nangyari ito dahil, ___________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________.
41. Naranasan si Crtomir ang nabigo sa pag-ibig. Tinalikdan ng kanyang kasintahan ang kanilang pag-iibigan dahil sa isang
nabigyang-kasagutang panalangin. Sa aking palagay, nangyari to dahil ____________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________.
42. Kinumbinsi ni Bogomila, ang kasintahang, si Crtomir na yakapin na rin ang pananampalatayang Kristiyanismo na siyang
mismong pananampalataya ng hukbong tumalo sa kanila. Kahit mahirap sa kanya ay napapayag din siya. Sa aking palagay,
nangyari ito dahil_______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________.

You might also like