You are on page 1of 2

Unang Markahan

Una at Ikalawang Linggo


Lingguhang Pagsusulit sa Filipino 7
T.P. 2020-2021

Pangalan_________________________ Guro______________________
Antas/ Seksyon___________________

I.Layunin: Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng pinamulan ng kuwentong bayan batay sa mga
pangyayari at usapan ng mga tauhan (F7PN-Ia-b-1)
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel . Ipaliwanag
ang dahilan sa pagpili ng bawat kasagutan.
1. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” ang tahimik niyang naibulong sa sarili.
Mahihinuhang ang babaeng tulad ni Lokes a Babay ay…
a. Magalitin c. masayahin b. mapagtimpi d. matampuhin
Dahilan_________________________________________________________________
2. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin.” Mahihinuhang ang pahayag na ito ay…
a. maluhain c. nahihirapan b. matiisin d. sumusuko
Dahilan__________________________________________________________________
3. Ang binatang si Usman au pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng sultan.Mahihinuhang ang palasyo ng
sultan ay….
A. mas maunlad at may mas malaking palengkeng dinarayo ng mga tao.
B. ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao
C.katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak
D. tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman
Dahilan __________________________________________________________________
4. “Para mo nang awa pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,”ang pagmamakaawa ni Potre Maasita
sa kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin nito.Mahihiuhang si Sultan Zacaria ay…..
A. matigas ang kalooban B.mapaghiganti C.mapagtimpi D. matalino
Dahilan _________________________________________________________________

5.Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang
iniibig.mahihinuha ginawang ito ng dalag na….
A.matatakutin siya at madaling sumuo sa mga pagsubok
B.matalino siya at laging umiisip ng paraan
C.mapagmalaki siya at hindi basta nakikinig sa magulang
D. malakas ang kanyang loob at hindi siya basta sumusuko
Dahilan___________________________________________________________________
II.Naibibigay ang kasalungat at kasingkahulugan ng mga salita ayon sa gamit ng pangungusap (F7PT-Ia-b-1)
Panuto:Ibigay ang kasalungat at kasingkahulugan ng salitang nakasulat ng madiin ayon sa gamit nito sa
pangungusap.Piliin ang sagot ng mga salitang nasa loob ng kahon at bumuo ng talaan sa sagutang papel (6-15)
Ipaliwanag din ang dahilan sap agpili ng kasagutan

6. 1. Sa halip na kumibo ay nag-isip nalang


ng ibang paraan si Usman
7. Nais ng sultan na maglaho sa kaharian
ang lahat ng binatang nakahihigit sa kanya
ang kakisigan
8. Gumawa ng paraan ang magkasintahan
upang makalaya mula sa bilangguan
9. Gayun nalang ang kaniyang panggigilalas
Sa nakita
10.Nakita ngmga mamamayang mapagmalasakit
Pala sa mga nangangailangan ang kanilang sultana

Makulong malupit makawala


Magsalita pagkagulat
tumahimik
walang kibo mapag-aruga
dumating mawala
Halimbawa:
Salita Kahulugan Kasalungat

Mayaman 1.Maunlad 2. mahirap


III.Layunin: Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang nabasa (F7PN-Ic-d-2)
Panuto: Ibigay ang hinuha ng mga pangyayari .Piliin at isulat ang letra ng wastong kasagutan sa sagutang papel.
Ipaliwanag ang dahilan sa pagpili ng kasagutan.
16. "Talaga nga sanang ibig ko nang pabayaan," ang wika ni Toniong Tandang. "Ngunit hindi rin ako nakatiis. At
talaga namang kung hindi ako sumaklolo'y wala na siya ngayon." Makikitang ang ugali ni Toniong Tandang ay ____
A. mapagpahalaga sa kalahi B. matulungin sa nangangailangan C. may mabuting puso D. mabait sa kapwa
Dahilan__________________________________________________________________________
17."Nakita mo na Tenoriong Talisain!" ang wika ni Aling Martang Manok."Iyang kalahi, kahit masamain mo'y hindi
ka rin matitiis sa panahon ng iyong kagipitan." Mahihinuha sa pahayag na ito ang kaugaliang Pilipino na may
______.
A.pagmamahal sa bayan C. pagmamahal sa kapwa B.pagmamahal sa pamilya D. pagmamahal sa isa’t isa
Dahilan__________________________________________________________________________________
18. .Ang mga Leghorn ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni Tenoriong Talisain. Mahihinuhang ang mga
Leghorn ay madaling_____.
A. maloko B. mabihag C. kaibiganin D. siraan
Dahilan_____________________________________________________________________________________
19..Ang kataksilan ni Tenoriong Talisain sa kaniyang kalahi ay nagbunga sa kaniya ng kapahamakan nang mapalapit
sa mga Leghorn. Mahihinuha na ang kataksilan ni Tenoriong Talisain ay may______.
A. kabayaran B. hangganan C. katapusan D. kapahamakan
Dahilan_____________________________________________________________________________________
20. . "Bakit hindi mo pa hinayaang mapatay?" ang wika ng mga manok. "Tayo rin lamang ay ikinahihiya niya at
itinatakwil pa." Mahihinuhang ang damdamin ng mga manok ay may________
A. galit B. habag C. lungkot D. lumbay
____________________________________________________________________________________________
IV. Layunin:Naipaliliwanag angsanhi at bunga ng mga pangyayari. (F7PB-Id-e-3)

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang na nagpapaliwanag ng sanhi at bunga ng
pangyayari. Isulat ang letra ng wastong sagot sa iyong sagutang papel at ipaliwanag ang dahilan sa pagpili ng
kasagutan

21. Matindi ang sikat ng araw kaya ang mga damit sa sampayan ay agad natuyo. Ano angsanhi sa pangungusap?
A.ang mga damit sa sampayan B. agad natuyo C.malakasang sikat ng araw D. ang sikat ng araw

Dahilan __________________________________________________________________________________

22. Ang kaniyang buhay ay umasenso dahil nakapagtapos siya ng pag-aaral. Ano angbunga sa pangyayari?
A.umasenso ang kaniyang buhay B. kaya umasenso C .nakapagtapos siya ng pag-aaral D. siya

Dahilan___________________________________________________________________________________

23. Tumaas ang presyo ng mga bilihin kayanaghihirap ang mga tao. Ano angsanhi sa pangyayari?

A.naghihirap ang mga tao . Bang mga tao C.tumaasang presyo ng mga bilihin D. angpresyo ng mga bilihin

Dahilan____________________________________________________________________________________

24. Mas dumarami ang kaso ng COVID-19. Alin sa mga paliwanag angangkop na sanhi?

Dahilan____________________________________________________________________________________

A.kakulangan ng disiplina ng mga tao B. kakulangan ng pamilya C.kakulangan ng salapi D. lahat ng nabanggit
25. Si Tatay ay nagkakaroon ng sakit sa atay. Alin sa mga paliwanag ang angkop nasanhi?

A.naliligo araw-araw B. labis na pag-inomng alak C.nakababad sa araw D. nakatutok sa kompyuter

Dahilan _______________________________________________________________________________________

You might also like