You are on page 1of 22

ARALIN 4:Mga Pamaraan sa Pagsusuri ng Akdang Pampanitikan

Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a.Naiisa-isa at naipaliliwanag ang elemento ng maikling kwento, tula, dula at nobela;
b.nakapagsusuri ng iba’t ibang akdang pampanitikan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
pamamaraan sa pagsusuri.

Paunang Pagsusulit
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod.I Tukuyin at isulat sa patlang bago ang bilang ng tamang sagot.

________.1.Uri ng maikling kuwento na binibigyang diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri
ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga taong sa nasabing pook.
________2. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
lipunan at tao laban sa kapaligiran.
________3.- ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma, at mga salitang may malalim na kahulugan.
________4. ito’y mga salita na di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit, mga salita na nakatago ang
kahulugan.

________5. - Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa
iskrip;walang dula kapag walang iskrip

________6. dula tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kwento ng pangunahing tauhan at ang kanyang
pakikipagsapalaran.

_______7. tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang
akda.

_______8. May kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang
nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.

_______9. Dito sa bahaging ito iniisa-isa ang mga nagsiganap sa kwento

______10. Tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Una, ikalawa at ikatlong panauhan

Paraan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento


Elemento ng Maikling Kwento

Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kwento .

Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan.


Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

Tunggalian - tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.

Magagandang Kaisipan o Pahayag - mga pahayag na nagbibigay mensahe o aral sa mga mambabasa

Simula at Wakas - paraan ng mga manunulat kung paano iya sinimulan at winakasan ang kwento. ito’y maaaring
may magandang simula ngunit may malungkot na katapusan.

Suriin ang kwento ayon sa uri.

Mga Uri ng Maikling Kwento

Kwento ng tauhan - inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang
mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

Kwento ng katutubong kulay - binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Kwentong bayan - nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

Kwento ng kababalaghan - pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

Kwento ng katatakutan - naglalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

Kwento ng madulang pangyayari - binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na


nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

Kwentong sikolohiko - ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari
at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng
kaisipan.

Kwento ng pakikipagsapalaran - nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.

Kwento ng katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.

Kwento ng pag-ibig - tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao.

Suriin ito ayon sa paksang nakapaloob ditto

Suriin ito ayon sa nilalaman, tauhan, tagpuan at banghay.

Suriin ito ayon sa taglay na bisa.

Bisang Pandamdamin – tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos
mabasa ang akda.

Bisang Pangkaisipan – tungkol naman ito sa pagbabago sa kaisipan dahil sa natutunan sa mga pangyayaring
naganap sa binasa.
Bisang Pangkaasalan – may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga
kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.

Suriin ito ayon sa kaugnayan nito sa kamalayang panlipuan

Gamitan ng teorya sa pagsusuri

PARAAN NG PAGSUSURI NG MAIKLING KUWENTO

“ Magparayang Puso”

URI NG KWENTO

- alamin kung anong uri ng maikling kwento ito napapabilang (Kuwento ng Pag-ibig)

PAMAGAT

- dito nakasaad ang pinapaksa ng kwento.

(“Magparayang Puso”-Isang babaeng nagmahal, nasaktan at nagparaya )

III. NILALAMAN

Tauhan

Dito sa bahaging ito iniisa-isa ang mga nagsiganap sa kwento.

(Issa - labinlimang taong gulang, mahilig magbasa at manood ng palabas tungkol sa pag-ibig. Isang
masayahing babae, positibo ang pananaw sa buhay at wagas kung magmahal. Kasintahan ni Ben.

Ben - labingpitong taong gulang, maunawain at mapagmahal na kasintahan ni Issa.

Magulang ni Issa - mahigpit at istrikto pagdating sa kanyang mga anak lalo na sa usapang pag-ibig. )

B. TAGPUAN

Pinapakita kung saan ang pinangyarihan ng mga kaganapan sa kwento.

(Novaliches Quezon City,Silid-aralan ,Bahay)

C. GALAW NG PANGYAYARI o BANGHAY

Dito ibinibigay ang sunod-sunod na pangyayari sa kwento.


Pangunahing Pangyayari

- panimulang aksyon

- matatagpuan ang tauhan, tagpuan, panahon at posibleng simula ng suliranin at problema

(Hayskul ng magkakilala sina Ben at Issa. May lihim na pagtingin si Issa sa kanyang kaklaseng si Ben ngunit lingid
sa kanyang kaalaman ay may pagtingin rin si Ben sa kanya)

Pasidhi o Pataas na Pangyayari

- pagkakaroon ng saglit na kasiglahan sa mga pangyayari sa kwento.

- daan o susi patungo sa pinakamahalagang pangyayari

(Hindi nagtagal ay niligawan ni Ben si Issa at agad naman niya itong sinagot . Naging maganda at masaya ang
kanilang relasyon. Subalit ang relasyon nila ay lihim dahil mahigpit at pinagbabawalan si Issa ng kanyang magulang.
)

Karurukan o Kasukdulan

- pinakamahalagang bahagi ng kwento.

- pinakahihintay ng mga mambabasa.

- dito nagaganap ang pinakamatinding problema.

(Nagsimula ang problema ng may naririnig si Issa na usapan sa kanilang paaralan na di umano ay may kasama si
Ben na buntis na babae . Hindi naniwala si Issa kahit pa napapansin at nararamdaman na niyang nanlalamig na si
Ben sa kanya. Naging pipi at bingi lamang siya kahit na iniiyakan niya ito tuwing gabi. )

Kakalasan o Pababang Aksyon

- bahaging bago magwakas ang kwento.

- binibigyang sulosyon ang problema sa kwento.


(Walang ginawa si Issa kundi ang umiyak ng umiyak tuwing gabi kaya naman kinabukasan ay kinausap niya si Ben
kung totoo ba ang kumakalat na usapan at ito’y inamin ni Ben. Nasaktan siya sa naging sagot ni Ben ngunit tiniis
niya at napagdesisyonan niyang makipaghiwalay na lamang alang-alang sa magiging anak ni Ben.)

Wakas

- bahaging nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isipan ng


mambabasa.

- dito matatagpuan ang pangunahing aral o mensahe sa kwento.

- dito na wawakasan ang mga pangyayari sa kwento

(Si Issa, isang babaeng nagmahal, nasaktan, nagparaya ngunit unti-unting bumangon at natutunan na ang tunay na
Pag-ibig ay mayroong tamang oras, pagkakataon, at naniniwalang may taong nakalaan para sa bawat tao.)

TAGLAY NA BISA

- matapos mabasa ang kwento alamin kung anong pagbabago sa sarili ang iyong naramdaman

(Bisang Pangkaisipan

Sa wakas ng kwento isinaad na ang pag-ibig ay dumarating sa tamang panahon at ito’y hindi dapat minamadali. )

KAMALAYANG PANLIPUNAN

- alamin kung ano ang ipinapakita o inilalarawan ng akda sa ating lipunan.

(Hindi na bago sa ating lipunan ang maagang pakikipagrelasyon ng mga kabataan na nasa mura pang edad at ang
malala pa dito ay naging dahilan ito ng maagang pagbubuntis)

TEORYA

- sa pagsusuri mahalagang alam mo ang teoryang ginamit sa akda.

Teoryang Romantisismo

(Ang pagpaparaya ni Issa kay Ben ay isang halimbawa ng pag-ibig na maunawain.

na kahit nasaktan ay inunawa at iniisp pa din ang kapakanan ng magiging anak ni Ben.)

Paraan sa Pagsusuri ng Tula

Anyo ng Tula

Tradisyonal - ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma, at mga salitang may malalim na kahulugan.
Malayang Taludturan - isang tula nang walang sinusunod na patakaran kung hindi anumang naisin ng sumusulat.

Berso Blangko - ito’y tula na may sukat ngunit walang tugma.

Elemento ng Tula

Sukat - ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtud na bumubuo sa isang saknong.

Saknong - isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya ( taludtud ).

Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Una, ikalawa at ikatlong panauhan.

Tugma - ang hulung pantig ng huling salita ng bawat taludtud ay magkasintunog.

5. Kariktan - ito ay ang maririkit na salita na pumupukaw sa damdamin at kawilihan.

6. Talinghaga - ito’y mga salita na di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit, mga salita na nakatago ang
kahulugan.

Balangkas ng Tula

PAKSA

Pamagat : Isang Dipang Langit

May-akda: Amado V. Hernandez

KAYARIAN

A. Uri: Tulang Pasalaysay

B. Estropa: Labing-isa

C. Ritmo/Indayog

1. Sukat: Lalabindalawahing pantig

2. Tugma: Tugmang Ganap at Di-Ganap

. III. ANYO

A. Tono: Paghihimagsik at Pagdurusa

B. Tayutay:

Pagtutulad (Simile)

- sintalim ng kidlat ang mga mata ng tanod.

- anaki’y atungal ng hayop sa yungib.


Pagmamalabis (Hayperbole)

- sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

- sa munting dungawan tanging abot-malas

- isang dipang langit

Pandiwantao ( Personipikasyon

- kung minsan’y gabi’y biglang magulangtang.

Pagwawangis

- ito ang tanging daigdig ko ngayon bilangguan mandi’y libingan ng buhay

C. Talasalitaan

Balasik - Kalupitan o Kabagsikan

Tiwalag - Nauukol sa pagiging malaya

Muog - matibay na taguang bato

Atungal - malakas na iyak ng malaking hayop

Tanang - Tayo na

IV. PAGSUSURI

A. Paksa

- Buhay sa loob ng kulungan

B. Diwa

- Karanasan ng mga kinukulong

- Pinagdadaanan ng mga bilanggo araw-araw

- Matutong ipaglaban ang iyong karapatan

C.Simbolismo

- Puno = Pagkakasala

- Kuta = Kulungan

- Bintanang rehas = Dungawan

- Kadena Tanikala
- Birang = Itim na panakip sa ulo

D. Himig

- pagdurusa dahil sa pagtukoy ng kanyang pinagdaanan na kanyang inilahad sa loob ng kulungan.

- paghahangad ng kalayaan

V. IMPLIKASYON

A. Mensahe

- pagiging matatag sa mga pagsubok sa buhay

- ipagtanggol ang sariling karapatan

- laging magtiwala sa sariling kakayahan

- laging manalig sa Diyos

Paraan sa Pagsusuri ng Dula

Dyanra ng Dula

Melodrama

- ito’y nagwawakas sa kasiyahan bagama’t ang uring ito ay may malulungkot na sangkap na kung minsan
ay may labis na pananalita at damdamin ang ginamit

2. Komedya

- gumagamit ng kaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis sa entablado, batalla o labanan na may
koreograpiya at madyik o mga mahihiwagang epekto sa palabas.

3. Trahedya

- kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa pagkatalo o pagkamatay ng
bida o pangunahing tauhan

4. Parsa

- mga magkakabit-kabit o magkadugtong-dugtong na mga pangyayari ng isang dulang nakakatawa.

5. Saynete

- dula tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kwento ng pangunahing tauhan at ang kanyang
pakikipagsapalaran.

MGA ELEMENTO NG DULA


1.Iskrip- Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa
iskrip;walang dula kapag walang iskrip

2.DAyalogo-Ang mga bitaw na linya ng mga actor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga
emosyon

3.Aktor o Karakter-Ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang
nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at ang kumikilos; sila ang pianonood na tauhan sa dula.

Balangkas ng Dula

PAMAGAT

NILALAMAN

Tauhan

Tagpuan

KAYARIAN

Dyanra

Teorya

BUOD

PAGSUSURI

Gintong Aral

Taglay na Bisa

Kamalayang Panlipunan

PAGSUSURI NG NOBELA

LALAKI SA DILIM NI BENJAMIN PASCUAL: ISANG PAGSUSURI

I.Pamagat
A.KAHULUGAN NG PAMAGAT
Sa pamagat pa lamang ng nobela mahihinuha na may kinalaman sa isang madilim o maling gawain ang lalaki sa
nobela.

Kaya “Lalaki sa Dilim‟ ang pamagat nito ay dahil na rin sa ang lalaki sa nobela ay nakagawa ng isang kasalanan
noong sapilitan niyangginahasa ang isang babaeng bulag. Maselang usapin ang gahasasaanman sa lipunan. Sa
nobela makikita kung gaano kabigat anggayon sa buhay ng isang babaeng bulag at mahirap. Sapambihirang bisa ng
panulat ng may-akda ay itinatampok sanobela ang samotsaring pagtanaw sa gahasa: ang salapi, dangal,pighati,
ugnayan, pag-asa, at iba pang tunggalian o kaisahan. Dito mababatid na ang pisikal na pagkabulag ng babae ang
siyangmagbibigay liwanag sa katauhang-dilim ng lalaki.

b.MAY-AKDA
BENJAMIN P. PASCUAL
TALAMBUHAY NG MAY-AKDA
Si Benjamin M. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag,Ilocos Norte. Unang nakilala bilang matinik
na kuwentista si Pascualbago niya sineryoso ang pagiging isang nobelista. Nagsimula siyangsumulat noong dekada
1950, sumubok mag-ambag sa komiks,hanggang hiranging maging staffer ng Liwayway. Nagwagi sa DonCarlos
Palanca Memorial Awards for Literature ang kaniyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di Ko Masilip
AngLangit” (1981). Nagtamo naman ng Grand Prize sa Cultural Center of the Philippines ang nobelang “Utos ng
Hari” noong 1975.Unang nailathala sa Liwayway ang „Lalaki sa Dilim‟ sapamagat na „Shhhh…Ako ang Lalaki sa
Dilim‟ (1976).
May-akda rin siyang may pamagat na “Sapalaran, WalangTanungan” (1997), isang komedya ng pag-iibigan at
lingguhangisineserye nagyon ng Liwayway. Tinatayang nakatapos ng 13 nanobela si Pascual, na pinakarurok
marahil ang Halik sa Apoy” (1985). Pwedeng sipating autobiograpiko ang naturang akda naumiinog sa buhay at
pakikipagsapalaran ng isang lalakingmanunulat. Naging Filipino seksiyon editor si Pascual saPeople’s Journal
Tonight noong 1981, at ngayon ay editor sa popular na Valentine Romances.Makalipas ang ilang dekadang
dibdibang pagsusulat niPascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL)noong 1994 ang
natatanging ambag niya sa pagsusulat ng maiklingkwento, dula, at nobela.Sa edad na 69 ay hindi pa rin ito
humihinto sa pagsusulat.

BUOD NG NOBELA
Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalangbRafael Cuevas. Isang espesyalista sa mata.
Nakagawa siya ng isangmalagim na krimen ng gabing bigyan siya ng Stag party ngkanyang mga kaibigan bago pa
man siya makasal kay Margarita,isang opera singer. Nagawa niyang gahasain ang babaingkahaghabaghabag ang
kalagayan. Isang bulag at maralita angkanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi nakilala ang
kanyang boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan. Walang ebidensyang makapagpapatunay.Bilang paghuhugas
at paglilinis niya ng konsensiya sa nagawaniyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa,binigyan
niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabingsakanya din magpagamot ng mata upang masingil lamang
ngkaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyangnagawang kasalan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa
kanyangpangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang nagawangkabutihan. Naging inaanak niya rin ang bata sa
binyag. Ninong siyang kanyang sariling anak.

Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si Nick. Ang kanyang kaibigan.
Nagkaroon ng lama tangkanilang samahan na humatong din sa hiwalayan. Ang napang-asawa niyang si Margarita
ay isang modernong babae. TotallyAmericanized, sabi nga sa nobela. Para kay Margarita ayos lang namagkaroon
siya ng lover at gayon din si Rafael basta magkaroonlang sila ng pagkakaintinihan ni Rafael at maging totoo sa isa‟t
isa. Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael aygumulantang sakanya ang isang balitang napatay si
Margarita atNick sa isang otel ng isang babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marinaang asawa ni Nick na matagal ng
nagtitiis sa mga kabulastugan ngasawa hanggang sa umabot na sa sukdulan at makapatay ito.Sa huli ay nagawa rin
niyang aminin kay Ligaya at Aling Selaang ina ni Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sakatawan
ni Ligaya. Malinaw kay Rafael na papakasalan niya siLigaya.
PAGSUSURI.
ISTILO NG PAGLALAHAD
Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang halimbawa ng isangakdang modernista na kung saan ang tanging
gusto ay magkaroon ng isang malaking pagbabago upang maging maginhawa angpamumuhay ng bawat isa. Nilikha
ni Pascual ang isang karakter nanaipit sa isang sukdulang kasalanan at ang tanging nais ay malinisniya ang bahid
ng sariling putik.Mahahalata mula sa pagbabasa ang paulit-ulit napagbanggit ng may-akda sa mga naganap na
tagpo. Sadyangginawa at pinanatili ng awtor ang ganoong istilo upang ipakita naang kwento ay isang tuluyang
nobela na batay sa istruktura ngisang magasin.Bagaman sa kabuuan ay namayani sa nobela ang atingsariling wika,
kapansin-pansin pa rin ang ilang pagsulpot ng wikangIngles sa pagdaan ng kwento. Dahil na rin sa hinaluan ito ng
ilangwikang Ingles na madali namang intindihin, naging payak at simpleang daloy ng pagpapalit ng linya ng mga
karakter. Naging realistikoat natural ang pag-uusap ng mga karakter.Ang nobela rin ay gumamit ng isang sentimental
at romantikonggenre ng kwento dahil ang paksa ay tungkol sa pag-iibigan ng isang lalaki at babae.
B.TAYUTAY NA GINAMIT
Iilang tayutay lamang ang napansin at nabasa sa nobelang itodahil gumamit ang awtor ng mga simple at
direktangpangungusap.

Wala ka ng ibang ginagawa kundi magtalaksan ng girlfriend.(PATALINGHAGA O ALLEGORY)-Ang pahayag ay


tumutukoy sa hindi literal na kahulugan ngmga salita. Sa pahayag na ito mapapansin na ang literal na kahulugan ng
“magtalaksan” ay punong kahoy na panggatong na pinagpatung-patong sa isang talaksan. Ngunitsa pahayag ay
patalinghaga itong sinabi na ang ibigipagkahulugan ay nag-iipon ng mga babae ang anak upangmapunan ang apoy
ng kandungan nito.

Madilim ang tingin niya sa paligid na para bang ang araw aynilambungan ng takipsilim. (PERSONIFICATION O
PAGBIBIGAYKATAUHAN)-Pinakikilos na tulad ng tao ang mga bagay at sa tayutay naito ay pinapahayag sa
pamamagitan ng mga pandiwa. Angnilambungan ay pagtakip sa isang bagay gamit ang angmantel.

Kumagat na ang gabi. (PERSONIFICATION O PAGBIBIGAYKATAUHAN)-Gaya ng nauna, pinakikilos na tulad ng


tao ang mga bagayat sa tayutay na ito ay pinapahayag sa pamamagitan ng mgapandiwa. Ang ibig sabihin ng
kumagat na ang gabi ay sumapitna ang kadiliman sa paligid.

1.PANSIN AT PUNA
TAUHAN
Ang mga lalaki sa nobela ang siyang nangingibabaw.Pinatunayan iyan ng ilang karakter. Si Rafael bilang
isangmayamang duktor, ang sentro ng lahat. Samantala ang mgababae naman ay siyang mahihina ang kalagayan.
Makikita iyan sakarakter nina Ligaya, isang babaeng bulag, mahirap at ginahasa, siMargarita na natuksong makipag-
relasyon sa ibang lalaki, at siMarina na tila aping-api dahil sa babaerong asawa. Ang siklo ngkarahasan ay pinasiklab
ng mga lalaki at nalagot lamang sapagsapit sa kawing-kawing na katauhan ng mga babae.

RAFAEL CUEVAS-
Sa umpisa ng kwento ay tila kasuklamsuklam ang kaniyang karakter. Babaero, tomador at nagawa pang
manggahasa ng isang babaeng bulag. Ngunit sakalaunan ay makikita ang parteng liwanag ng kaniyangpagiging
isang lalaki sa dilim. Makikita na kahit ganoon siya aymay konsensiya naman pala siya. Mahalaga na
napagtantoniyang ang mga masasamang gawain niya dati aybumubulag sa kaniyang pandama upang makita ang
ibapang magaganda at mahahalagang bagay dito sa daigdig.Mahalaga ang kaniyang papel na ginagampanan dahil
isasiyang patunay na pwede bang magbago ang tao kungnanaisin lang niya. Hindi pa huli ang lahat, matuto lang
tayongtanggapin ang ating kamalian at maging handa at gustuhinang pagbabagong nais nating gawin sa ating
mgasariliupang maging maginhawa ang ating pamumuhay atpakikisalamuha sa ibang tao. Masaya kaming nga
nagbabasadahil sa dulo ay luminaw ang paningin ni Rafel dahil sa pag-ibig. Ngunit ang maipipintas naming sa kaniya
ay hinahayaanniya na lang lokohin siya ng kaniyang asawa at gawing tangahuwag lang masira ang kaniyang
pangalan at puri. Dapat aynagpakatotoo siya sa kaniyang sarili.

NICK CUERPO-
Siya naman ay nabulag sa pambababae kaya‟t hindi nakita ang kaniyang responsibilidad sa asawa at mga anak.
Isang karakter na hindi dapat tularan ng mga lalakiat maging ng mga kababaihan. Wala ng ibang ginawa
kundipasakitan ang pobreng asawa na si Marina. Kung si Rafael ay nagawang mabago, siya ay kahit sa katapusan
ng kwento ayhindi nakita ang liwanag na dapat niyang sundin. Namataysiya kasama ang kalaguyong si Margarita.
Isa siyang patunayna sa kasalukuyan at sa totoong buhay, may mga taong bulagpa rin sa kanilang mga
responsibilidad at hindi pa rin alamkung ano ang tama at mali. Dapat lamang ang kaniyangkarakter sa kwento dahil
siya ang magsisilbing eye opener samga mambabasa na kung ikaw ay may ginagawang hindikaaaya aya, dapat mo
lang itong pagbayaran at pagsisihansa huli. Huwag hintayin ang panahong sisingilin ka na ngpanahon.Hangga‟t
maaga ay magbago na.
MARGARITA CARRASCO-
Si Margarita, bagaman galing saisang sosyal, edukado at disenteng pamilya ay nagawa paring magtaksil sa asawa.
Isang opera singer na natuksongmaglunoy sa ibang kandungan. Ginusto niya, gawa ngkaraniwang tao, ang tunay na
relasyon ng lalaki at babae.Masasabing pangit sa panangin ang karakter ni Margarita. Isarin siyang karakter na hindi
dapat gayahin. Dahil na rin saimplwensya ng mga kanluranin, iba ang pananaw niya sakasal at pakikipagtalik. Siya
ang sumisimbolo sa liberismo.Nabulag siya sa kaniyang sariling kahinaan. Nagpatangay siyasa pambobola ni Nick.
Natural na mahihina ang mga babaengunit hindi dapat ito gawing lisensya upang pumasok sa isangmagulo at
immoral na sitwasyon. Gaya ng karakter ni Nick, siya ang magsisilbing eye opener sa mga mambabasa na kungikaw
ay may ginagawang hindi kaaaya aya, dapat mo langitong pagbayaran at pagsisihan sa huli.

LIGAYA-
Bagaman literal na bulag, mas maliwanag pa sasikat ng araw ang kaniyang pagpapahalaga sa sarili. Nagingmatatag
siya sa kaniyang pagbangon mula sa nalasap nakarahasan mula sa lalaki sa dilim na si Rafael. Hindi nga
siyanakapag-aral ngunit kahanga-hanga ang kaniyang mgaprinsipyo sa buhay. Kapwa siya at ang kaniyang inang si

Aling Selya
ang sumisimbolo sa liwanag na dapat makita ng mgatao. Kahit mahirap lamang sila ay maalam sila sa buhay.
Silaang dapat gahayin ng mga mambabasa. Si Ligaya kahit nasinapit isang kalunos lunos na pangyayari at nabuo
ito, piniliniyang huwag ipalaglag ang bungang iyon. Maganda angprinsipyo niyang palalakihin niya ang bata dahil
bigay iyon ngDiyos. Handa siyang bumangon at itayo muli ang kaniyangmga paa. Si Aling Selya naman ay handang
gumabay saanak. Handa rin itong magsakripisyo upang mabigyan ngkinabukasan ang mg anak sa hirap man o
ginhawa. Totoongkahanga-hanga ang pagkakabuo sa kanilang mga karakter.

MARINA CUERPO-
Isang inang mapagmahal sa kaniyanganak at handang ipaglaban ang mga ito hanggang sakamatayan. Nakakaawa
ang kaniyang karakter. Aping api siya dahil sa kaniyang babaerong asawa ngunit lubos na nagtitiispara sa mga anak.
Hindi naming siya masisisi kung nagawaman niyang paslangin ang kaniyang sariling asawa. Sagad nasagad na siya.
Ngunit ang mali lang doon ay nagpatangaysiya sa nararamdaman niya. Inilagay niya sa sariling mgakamay ang
batas. Siya ay nabulag na galit at sobra-sobrangpagmamahal sa anak. Dapat lamang siyang gayahain saparaan ng
pag-aalaga at pagmamahal sa anak ngunithuwag gayahin ang kaniyang pagiging mahina. Dapat aymaging
mahinahon pa rin tayo at gamitin ang mga legal naparaan upang malutas ang problema.

b.GALAW NG MGA PANGYAYARI


“Iniuulit ang ilang mahahalagang tagpo sa mga kabanatadahil ang nobela ay nalalayo sa karaniwang pagkakasulat
ng mga nobelang sadyang ipinaaklat (Anonuevo, 1997).”

Napansin din naming mga mambabasa ang nakasaad saitaas. Ang kwento ay isang tuluyang nobela na batay sa
istrakturamg isang magasin. Naging kapana-panabik ang mga pangyayarinobela dahil ang awtor ay tila lumikha ng
isang pelikula. Maaari ringpara kaming nakikinig sa isang drama sa radyo dahil sa agos ngkwento.

Ang paksang „gahasa‟ ang nangibabaw at nagsilbing pundasyon ng kwento. Maigi ang transisyon ng mga
pangyayari atdumadaloy ito ng husto. Hindi nakakalito ang mga eksena atnagagawa pang balikan ang mga
mahahalagang detalye. Ito ayisang paraan upang huwag makaligtaan ang mga importantengbahagi.Gagana ang
magiging malikot ang mga imahinasyon ng mgamambabasa sa oras na umpisahan nila ang nobela.

IV.PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN


a.KALAGAYANG SOSYAL NG MGA TAUHAN
Mariing pinapakita ng nobela ang kalagayan sa lipunan ngbawat karaker. Isa itong konsepto ng kwento kung saan
ang isangmayamang lalaki ay magkakagusto sa isang mahirap lamang nababae. Ngunit hindi ganoon kadali ang ikot
ng kwento.Si Rafael ay isang edukado, mayaman at sunod sa layaw natao. Sa kwento mariing makikita na
sinoportahan ng kabuuangkatauhan ni Rafael ng mga tauhan na sina Nick, ang kaniyangkaibigang may ari ng isang
kumpanya, si Margarita, isang operasinger na napangasawa niya at ang kaniya pang ibang barkada na may sinasabi
rin sa buhay. Sa kabilang banda naman ay pinapakitaang baligtad na katauhan ng bidang babae sa nobela. Si
Ligaya aymahirap lamang at hindi nakapag-aral.Naipakita sa akdang ito kung paano nakakaapekto angestado ng
buhay sa nagiging karakter ng isang tao. Dahil sapagiging mayaman at laki sa layaw ni Rafael ay nagagawa
niyangpaglaruan lamang ang babaeng nasa paligid niya. Dahil na rin sapagiging sosyal, liberated at modernong
babae ni Margarita aynaipakita ritong wala siya gaanong pagpapahalaga sa kasal atayos lamang sa kaniya ang
pumatol pa sa iba kahit may asawa nasiya. Makikita rin dito na kahit mahirap ay may disiplina atpagpapahalaga sa
puri at dangal si Ligaya. At bilang isangbabaeng may babaerong asawa, si Marina naman ay aping-api attila walang
kalaban laban sa nobela.
b.KULTURANG PILIPINO
Umiikot ang kwento sa panahon ng martial-post martial lawtime, ito ang umpisa ng pagiging liberal ng mga Pilipino
dahil na rinsa pagkamulat ng kanilang diwa at damdamin upang maibalik angdemokrasya sa bansa. Sa panahong ito
ay talamak ang karahasan.Ang nobela ay nagsasaad ng kalituhan sa kultura ng mga karakter noong kanilang
dekada. Makikita dito ang nalalapit namodernisasyon at liberasyong impluwensiya ng mga kanluranin.Sa karakter ni
Marina, matatandaan na siya ang asawa ngbabaerong si Nick, makikita ang pag-uugali ng mga Pilipino nakinikimkim
lamang nila ang lahat ngunit kapag hindi na nilamakayanan ay ang kaisa-isang bagay na natitira na lamang sakanila
ay magigising bigla mula sa matagal na pagiging manhid atmaghahasik ng isang rebolusyon. Maraming beses na
itongnaipakita sa ating kasaysayan mula sa Sigaw sa Pugad Lawinhanggang sa Edsa Revolution noong panahon ng
Martial Law kungsaan sama-sama ang lumaban upang makamit ang demokrasyang ating bansa.Makikita rin dito na
bagaman may impluwensiya na ng mgakanluranin ang ibang babaeng karakter sa nobela, ang karakter niLigaya
naman ay nagpapakita ng pagiging isang DalagangPilipina. Siya ay may konserbatibo ang pananaw tungkol sa
sex,relasyon at iba pang pagbabago sa lipunan. Maingat siya sakanyang puri at mayumi sa lahat ng kanyang
kilos.Makikita rin dito ang kaugalian ng mga Pilipino na magiliwtumanggap ng mga bisita, sa kwento kahit na mahirap
lamang sinaLigaya at Aling Selya ay hindi matatawaran ang pagsistema nila kayRafael na isang panauhin.
May ilan namang kapansin-pansing tradisyon at kulturangPilipino na impluwensiya naman mula sa mga banyaga. Isa
na ritoang paggugunita at pagdiriwang ng mga okasyon na maykaugnay sa aral ng Relihiyong Katoliko, gaya ng
pagkakaroon ngbinyag.Mapapansin sa nobela ang nakaugaliang seremonya nabinyag. Sa prosesong ito nagiging
inaanak ng mga ninong atninang ang taong bininyagan, at nagiging mga magkaka-kumpadre at magkaka-kumadre
ang mga magulang at ang nag-anak na ninong at ninang. Kultura na rito sa Pilipinas angpagbibigay din ang mga
ninong at ninang ng regalong pakimkim,na maaaring salapi o bagay. Pagkatapos ng binyag ay isangmalaking
handaan.Makikita rin sa nobela ang isa sa impluwensiya ng Tsina naFixed Marriage, kung saan ang mga magulang
ang pumipili ngtaong ipakakasal nila sa kanilang anak. Nangyari ito kina Rafael atMargarita.

c.PILOSOPIYANG PILIPINO
May iilang pilisopiyang Pilipino ang mariing mapapansin sanobela. Maliwanag ang mga katauhan ng mga kalalakihan
sanobela at mistulang sila ang palaging tama at palaging nasusunod.

Naging matibay ang pagkakatatag ng prinsipyo ngmachismo sa nobela dahil ang mga lalake sa istorya ay
sadyangnakakaimpluwensya. Makikita ito sa pagsasama nina Rafael atMargarita kung saan ang desisyon ni Rafael
dapat ang masusunodkung hihiwalayan niya ang asawa o hindi. Una ring hinihingan ngpayo ni Rafael ang kaniyang
biyenang lalaki at ama.Isang pilosopiya pang lumitaw dito ay ang konsepto ngpagkakaroon ng „Utang Na Loob‟.Ito
ang pagkilala ng isang tao sakabutihang nagawa ng kanyang kapwa. Sa nobela, tumanaw ngisang malaking utang
na loob sina Aling Sela at Ligaya sa kabutihanni Rafael dahil sa paggamot nito sa mga mata ni Ligaya. Dahil sautang
na loob na iyon ay ginawa ng mag-anak na ninong si Rafael,at hinango rin nila ang pangalan ng bata sa lalaki.
Isa na rin dito ang Konsepto ng „Bahala Na‟. Ito ay isangidyomatikong pariralang ginagamit ng mga Pilipino
nanangangahulugang “Ang Diyos na ang maglalaan” o “Ang Diyos na ang magtatadhana”.Pinakakahulugan din ng
maiklingpananalitang nito ang “Tingnan natin kung ano ang mangyari,””Tingnan natin kung ano ang magaganap ‘pag
dating ng takdangpanahon,” o “Mangyari na ang dapat maganap. Ganito angpilosopiyang umiral kay Rafael matapos
niyang magahasa si Ligaya.Bahala na kung ano ang mangyayari sa susunod pagkataposniyang ibigay ang sulat at
pera dahil inuusig siya ng kaniyangkonsensiya.

d.SIMBOLISMONG PILIPINO
Sinisimbolo ni Rafael ang isang indibidwal na naiipit satransisyon ng modern at tradisyunal na tao. Sa nobela,
makikita angpagiging modern niya dahil sa mga bisyo at pagiging laki sa layawniya. Siya ay nakapag-aral at
nagkaroon ng propesyon. Sa kabilangbanda naman makikita ang kaniyang pagiging tradisyunal kungsaan
naghangad siya ng isang mabuting pagsasama ngmagasawa at pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng
pamilya.Samantala, si Margarita naman ang sumisimbolo sa saliberismong umiiral sa bansa. Marahil
naimpluwensyahan siya ngpagiging opera singer at namulat siya sa mga maka-kanluraningbagay-bagay. Inilarawan
rin siya ni Rafael bilang extreme modernwoman dahil okay lang sa babaeng ito na magkaroon ng babae siRafael
habang siya naman ay mayroon ring lover. Makikita rin angkaniyang pagiging liberated nang magkomento siya sa
kwento ngpaggahasa kay Ligaya. Sinabi niya na kung siya ang papipiliin, ayoslang naman daw na maggahasa dahil
binigyan naman raw siLigaya ng limampung libong piso.

Si Ligaya ang sumisimbolo sa pagiging isang Dalagang Pilipina.Hindi maipagkakaila na maliwanag ang kanyang
pagiisip hinggil sapagbangon mula sa pagkakasadlak sa kahirapan. Isa siyangtradisyonal na babae dahil sa kanyang
pagiingat sa kanyang puri atang pagiging mayumi sa lahat ng kanyang kilos.Si Marina naman ang sumisimbolo sa
pagiging isangrebulusyonaryo ng mga Pilipino. Nasa karurukan ng kapangyarihanni Marcos at kasukdulan ang mga
karahasan ng Martial Law noonkaya maaring siya ang ginamit na instrumento upang ipakita angmga kagaya niyang
handang magrebolusyon alang alang sa atingbansa upang makamit ang kasarinlan.
V.PAMPANITIKANG PAGTATALAKAY
PANLIPUNAN
Ang nobelang “Ang Lalaki sa Dilim” ay isang akdangsumasalamin ng iba‟t

-ibang uri ng tao sa lipunan at kung paano silagumalaw sa loob nito. Ang mga tauhan ay kumilos ayon sa
kanilangkatayuang sosyal. Umiikot ang kwento sa ilang bagay natumatalakay sa ilang panlipunang isyu ngayon.
Unang bagay,nakita sa nobela kung paano gamitin ng mga may kapangyarihanang pera upang mapatakbo ang
mundo, kung paano itinabingang pera sa pagkakasala, at kung paano itinuwid ng pera ang kabaluktutan. Sunod,
lantad din sa akda kung paaano nagbungaang kamunduhan at tawag ng laman kung paanong may namatayna
buhay at namatay na pangarap dahil sa pagnanasa. Ipinakitarin dito ang sitwasyon ng relasyong walang
komunikasyon sa loobng pamilya. Isa pang bagay na nakita dito ay ang pangangalagasa tinatawag na propesyon at
imahe. Ang mga nakatataas aylaging gumagawa ng paraan, mabuti man o masama, maburalang ang mantsa sa
pangalan nilang sila mismo ang gumawa.

PANG-MORAL
Sa nobelang ito, naipakita ng may-akda ang naging epektokay Rafael ng imoral na bagay na kanyang nagawa,
angpanggagahasa. Dito inilahad kung paano nahirapan si Rafael naharapin ang kanyang pang-araw-araw na buhay
matapos niyangangkinin sa dilim ang bulag na si Ligaya. Marahil, nais iparating ngmay-akda sa mga mambabasa
ang maaring maging epekto ngisang maling gawi. Patuloy kang uusigin ng iyong konsensya atpaniguradong darating
ang araw na pagbabayaran mo ito. Sakwento, gumawa si Rafael ng paraan para matulong si Ligaya.Naibsan nito
ang mabigat na pakiramdam na kanyang nadaramasa tuwing pumapasok sa kanyang isipan ang masama
niyangnagawa sa bulag na si Ligaya. Ngunit sa reyalidad, hindi sapat nakabayaran ng iyong kasalanan ang
pagbibigay ng tulong o pera.

Iwasan masangkot sa ganitong gulo. Kontrolin ang sarili at matakotsa Diyos.Ang lihim na relasyon ni Margarita at
Nick ay masasabi ringimoral na gawi. Nagawa nilang pagtaksilan si rafal na kapwamalapit sa kanilang dalawa.
Tahasang ipinagbabawal angpakikiapid ayon sa ating Saligang Batas at maging sa batas ngDiyos. Sa kaso ni
Margarita at Rafael, humantong ang kanilangpagsasama sa paghihiwalay dahil sa kasalanang nagawa niMargarita at
Nick. Sa totoong buhay, ang isang pagsasama nasusubukin ng ganitong problema ay maari ring humantong
sahiwalayan kun hindi mapag-uusapan nang maigi ang problema.Ngunit upang hindi na humantong dito, huwag ng
subukan pa o nisumagi lamang sa iyong isip ang pagtataksil sa iyong kapareha sabuhay. Kapag ito ay iyong
nagawa, may sapat na kabayaran angnaghihintay sa iyo. Maaari ka ng makulong, maaari pang mawalasa iyo ang
iyong pamilya.
PANG-ARKETIPO
Sa akdang Lalaki sa Dilim, mapapansing hindi literal angpagkakahulugan sa salitang “dilim” bagkus ito ay ginamit
upang ilarawan ang buhay ng isang lalaking sa kabila ng karangyaan sabuhay ay hindi pa rin ganap ang kanyang
kaligayahang natatamasa. Dahilan nga ito upang maghanap siya ng ibangpagkakaabalahan na nagdulot sa kanyang
ng pagkalulong saisang hindi magandang gawi, at iyon ay ang pagkikipagtalik. Dahildin dito ay hindi niya
sinasadyang makagawa ng masama sa isangbabaeng bulag na walang nagawa kundi tanggapin na lamangang
kalunos-lunos na pangyayari sa kanyang buhay.Samanala, sa akda ng ating pambansang bayani na si Dr. JoseRizal
na El Filibusterismo, ay isinalaysay ang buhay ni Simoun, isangmayamang mag-aalahas at tagapayo ng Kapitan-
Heneral, nanagbalik upang maghiganti sa mga taong naging dahilan ngpaghihirap niya noong siya ay kilala pa bilang
Crisostomo Ibarra.Mapapansin na tulad ni Rafael sa akdang Lalaki sa Dilim, ay hindi rinmasaya si Simoun sa
kanyang buhay sa kabila ng karangyaangtinatamasa. Siya ay tila nababalot ng poot at ng pagnanasangmaghiganti.
Ito rin ang dahilan upang makagawa siya ng masamasa kapwa at madamay kahit ang mga taong walang kinalaman
sakanyang paghihiganti.Kung ating susuriin, nagkakahawig ang kwento ng dalawangtauhan sa aspetong pareho
silang nababalot sa kadiliman ngbuhay na nag-udyok sa kanila upang makagawa ng kamalian sakapwa na sa
bandang huli naman ay pinilit nilang maitama.

PANG-SIKOLOHIKAL AT SOSYOLOHIKALSosyolohikal
Ang isa sa suliraning mababasa sa akda ay ang madamingbabaeng mababa ang lipad. Sa istoryang ito ay nagiging
naturalna gawain ng bida ang uminom ng minom at mambabae. Ditonag-umpisang masira ang pundasyon ng isang
matibay na pamilya.Nasolusyunan ito ni Rafael ng kanyang iniwasan ang pagsama samga kaibigan ang gabi-gabing
pagtambay sa klab at gumawa ngkasalanan. Mas pinili niyang manatili sa asawa at gawin angkanyang
responsibilidad bilang haligi ng tahanan.Ang paglaganap ng krimen lalung- lalo na ang paglobo ngbilang ng mga
babaing nagagahasa. Ito ay naging isa sa suliraninna kinaharap ng bida. Dahil sa kanyang kalasingan at kawalan
ngkatinuan sa sarili ang bagay na hindi naman niya dapat magagawaay kanyang nagawa at gahasain ang babae na
may kapansanan.Ito ang nagtulak kay Rafael na maging matino sapagkat sa bawataraw na kanyang maiisip at
bawat oras na siya ay binabagabag ngkanyang konsensya ay kanyang napagtanto na muli ang kanyangginawa at
maling tao pa ang ginawan niya ng bagay na ito.Kanyang nasolusyunan ang problema sa pamamagitan ngpagtuong
sa babaeng bulag, mula sa kapansanan nito hanggang sa pinansiyal ng pamilyang hikahos. Ipinagtapat din niya sa
huli angbuong katotohanan humanap lamang siya ng tamang oras paramasabi ang lahat.
Sikolohikal
Sa istorya ng lalaki sa dilim, ang bidang lalaki na si Rafael angnaging sentro ng lahat. Si Rafael ay isang lalaki na
ang tanging hiligay lumabas kasama ang mga kaibigan na sina Nick at Lucas. Angpagpunta sa klab, pag-inom at
pakikipaglaro sa mga babangnagtatrabaho sa lugar. Subalit ng si Rafael ay ipinakakasal kayMargarita na botong
boto ang niya ay kailangan niyang baguhinlahat ng kanyang nakagawian. Pero hindi pa rin niya mabago angsarili at
gawing maging mabuting asawa na lumagay na lamang satahimik. Dahil sa pangyayaring naganap sa buhay ng
bida, kungsaan sa di sinasdya ay nakapanghalay siya ng isang bulag nababae. Ito ang nagtulak sa kanya na ayusing
ang buhay niyangmagulo. Ang klinik niyang matagal ng nakasara ay kaniyangbinuksan sa unang pagkakataon
upang matulungan ang babaingnaging biktima niya nang siya ay nasa panahon ng kadiliman.Naging abala siya sa
kaniyang klinika upang asikasuhin ang bulag na babae. Maging responsable at naging tapat na rin itong asawakay
Margarita.Nang malaman niyang siya ay niloloko ng kanyang kabiyak atng kanyang kaibigan ay nagsimula na siyang
magbago ng tuluyan.Lalo siyang nagpursige na tulungan ang babaing kanyangkinaaawaan at kany na ring
nagustuhan sa paglipas ng mga araw.
VI.TEORYANG PAMPANITIKAN
Teoryang Klasismo/Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaringpayak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng
dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at
laging nagtatapos nang maykaayusan.Sa nobela makikitang payak ang mga pangyayari at lubos nabinigyang diin
ang pag-iibigan ng dalawang pangunahing tauhanna kapwa magkaiba ang estado sa buhay. Si Rafael ay
nabibilangsa alta syodad, samantalang si Ligaya ay mahirap at bulag. Kahitang nobela ay nag-umpisa sa isang
masalimuot na pangyayari, sabandang huli ay makikita ang pangkaraniwang wakas. Ang bawat karakter ay
nagkaayos, ang mga kontrabida ay napaparusahan, atang pangunahing tauhan na nagkakaibigan ay nagkatuluyan.
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ngpagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng
naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isangtauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda
na ang tao aynagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil maynag-udyok na mabago o mabuo ito.Sa
nobela maariing pinakita ang pagbabago ng pag-uugali,paniniwala, pananaw, at pagkatao ni Rafael matapos
niyangmaggahasa si Ligaya at matapos siyang ikasal kay Margarita.Noong una ay laki siya sa layaw, tomador at
walang ibang ginawakundi manloko at gumamit ng babae. Ngunit matapos niyangmagawan ng kasalanan si Ligaya,
unti-unti siyang inusig ngkonsensya niya at kasabay noon ang mga naging pababagongniyakap niya sa buhay niya.
Nang ikasal sila ni Margarita ay tuluyanna niyang iniwan ang masamang imahe niya sa nakaraan.
Nagingresponsableng asawa siya at doktor sa mga pasyente. Masasabingsiya ay naghangad ng isang mabuting
pagsasama ng magasawaat pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya.
Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang mahusay na halimbawa ngisang akdang modernista na kung saan ang
tanging gusto aymagkaroon ng isang malaking pagbabago upang magingmaginhawa ang pamumuhay ng bawat isa.
Higit pa riyan,nakalikha si Pascual ng isang karakter na naipit sa isang sukdulangkasalanan at ang tanging nais ay
malinis niya ang bahid ng sarilingputik.

Teoryang Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba‟t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng
kanyang pag-ibig sakapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda nagagawin at gagawin ng isang
nilalang ang lahat upang maipaalamlamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.Malinaw na ang
nobela ay may teoryang romantisismo, ito aykwneto ng pag-ibig ng isang mayamang lalaki na nagahasa angisang
mahirap na babae. Inusig siya ng kaniyang konsensya kayabinigyan niya ng pera ang babae ngunit hindi siya
nagpakilala.Bilang isang duktor sa mata ay siya ang gumamot dito. Nagingmalapit sila ng babae. Hindi inaasahang
may nabuong bata palanoong gabing nagahasa niya ito kaya nabuntis si Ligaya. Sa huli aynabigyan rin ng hustisya
si Ligaya at sa bandang huli dahil natanggap nito ang pagkatao ng lalaking lumapastangan sakanyang puri at
naghari ang pagibig, hindi ang galit at mapapaitna emosyon.

Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba‟t ibangpamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao ang
pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mgapilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o
kamalian ngisang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Samadaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rinsa kaantasan nito.Lubos dito tinalakay ang mga paksang maaring hindi angkopsa
mga bata, gaya ng sex, prostitusyon, gahasa at pagtataksil saasawa. Ang mga nabanggit ay mga immoral na gawain
sa atinglipunan. Ngunit dahil sa impluwensya ng banyaga, nakita dito naang mga karakter ay pilit na ginagawa ito na
hindi naman akma sakulturang Pilipino. Sa bandang huli ay nanaig ang mensahengpahalagahan natin ang ating
kapurihan hanggang sa makapag-asawa na tayo.At kahit nasa modernong panahon na ay maganda pa rin kung ang
mga babae‟y aakto gaya ng mga DalagangPilipina.

VII.IMPLIKASYON
A.KALAGAYANG PANLIPUNAN O PAMBANSA
Ang akda ay patungkol hindi lamang sa isang krimen bagamatang paghahambing at paglalahad ng buhay at
paniniwala ng ngdalawang antas ng buhay: mahirap at mayaman. Masasabi mangparehas Pilipino ang mga bida,
nagiging malaki pa rin angpartisipasyon at impluwensiya ng lipunan sa paghulog ng ngkaisipan at damdamin ng
isang indibidwal. Dahil tumira atnakamulatan din ang kaisipang kanluranin ng ilang krakter sa akda,may ibang
gawain na ipinilit nilang gawin na hindi naman akma sakulturang Pilipino. Gaya ng pakikiapid, sa ibang bansa ay
normal ito,ngunit sa Pilipinas ay hindi.Masasabi rin na ang batas sa Pilipinas ng walang ngipin.Walang ngipin para sa
mga taong walang boses. Kawawa anghindi naaninag ang kamunduhan ngunit mas kahabaghabag angmga
sumamong hindi naririnig. Ang lipunan ng mahihirap ay mundo ng mga matiisin at naaapi at sa mayayaman ay ang
mundo ngmga mapagkubli at ayaw marungisan ang panagalang iniingatan.Samakatuwid ang akda ay umiikot sa
isang mahirap ngpinagsamantalhan, mga mayamang pinasok ng kaisipangkanluranin at isang krimeng hindi
napagbayaran sa batas.Ang akdang ito ay isang patunay na ang buhay ay maaringmagkaroon ng magandang
katapusan ngunit may malubak nasimulain.
B.KALAGAYANG PANSARILI
Malaki ang naging implikasyon ng akda sa amin bilang isangmambabasa nito. Pagtutuunan ko ng pansin ang
kalinisang puri ngkababaihan at ang kasagraduhan ng kasal maging angpagtaguyod sa sarili.Naging maganda ang
pag-atake ng may-akda sa kalinisan ngisang babae. Nagawa ng may-akda na ikumpara ang dalawangbabae rito. Si
Ligaya at si Margarita. Si Ligaya na walang bahid ngkarumihan ang puri at may paninindihan kung mag-
isipsamantalang si Margarita ay masasabing hindi napangalagaan angkapurihan hanggang sa makapag- asawa. Si
Ligaya na dapattularan ng mga Pilipina na buo ang isip at damdamin kungmagdesisyon at siyang
maypagpapahalaga sa buhay. Sa kabilang banda, si Margarita na inaatupag lamang ang mga bagay
namakakapagpasaya sa kanya.Ang kasagraduhan din ng kasal ay napakahalaga ngunit sakabilang banda ay dinala
tayo ng may-akda sa isang sitwasyon kung saan ang kasal ay isang kasunduan lamang at ginawa upangtugunanan
ang tawag ng laman.Napagtanto rin naming na hindi dapat sinusukuan nangbuhay. Lahat ng bagay ay ginawa ng
may dahilan dapat lamangnating hanapin ang positibong aspeto ng mga pangyayari. Hinditayo dapat ng nagtutuon
sa mga negatibong pangyayari dahil itoay magdudulot lamang pagkalinlang n gating isipan. Magagawaang lahat
kung ipauubaya sa Diyos samahan pa ng paggawa.

You might also like