You are on page 1of 36

1.

10 Naglalarawang Sanaysay

Araw-araw at oras-oras ay gumagamit tayo ng palarawang pahayag. Maaaring


hindi lang natin napapansin.
"Sino ng itser ninyo?
"Yung matandang mataba na nakasalamin.. medyo nakakalbo na."
"Ano ng ginawa n yo kahapon sa likod ng malaking puno?"
Wala... kumain ng nilagang mais... nagtsikahan ng nakatatawang karanasan."
Ang ganito ay mga simpleng pagbibigay ng deskripsyon. Masasabi nating ito'y mga
karaniwang paglalarawan.

Ano ang Paglalarawan?

Ang paglalarawan ay pagpapakita ng mga katangian ng tao o anumang inilarawan.


Ipinakikita ang anyo, hugis, itsura, laki, kulay, lasa, amoy, at iba pang bagayna taglay na
maaaring mapagkakilanlan sa sino man o anumang inilalarawan- tao, damdamin, hayop,
halaman, bagay, lugar o pangyayari at iba pa.
Sa ibang salita, dito sa paglalarawan, pinupukaw ang ating mga pandama na gaya
ng paningin, pang-amoy, panglasa, pandinig, pakiramdam. At kung totoo ngang mayroon
pang pang-anim, pampito at pangwalong pandama, dapat na mapukaw rin ang mga ito
habang ang isang tao ay nakikinig o bumabasa ng mga paglalarawan.
Isang awtor ang nagsabi, di namin matandaan kung sino at kung saan namin
nabasa, na ang taong mahusay maglarawan ay iyong kapag nasalubong natin ang taong
inilalarawan niya ay makikilala natin ito dahil sa ibinigay niyang deskripsyon.
Hindi ito madaling gawin, mangyari pa. Ngunit sa tulong ng praktis, ito ay kaya ri
nating gawin -kung pagbubutihan lang natin ang pagsasanay at pag-aaral ng
paglalarawan.

1.11 Kahalagahan
Kahit hindi na natin isali ang pang-araw-araw na gamit ng paglalarawang pahayag,
masasabing napakahalaga pa rin at napakaraming mapaggagamitan ang kakayahan at
kasanayan sa paglalarawan.
Isang halimbawa na lang sa paglutas ng krimen. Ang isang saksi ay maaaring
tumistigo atibigay ang deskripsyon ng suspek. Batay rito, ang artist ng pulisya (PNP o NBI)
ay maaaring makabuo ng drowing ng mukha ng suspek na sapat upang makilala at mahuli
ito. Di lamang iilang krimen ang tuluyang nalutas sa tulong ng ganitong paglalarawan.
Para naman sa mga manunulat o writer, ang gamit at halaga ng paglalarawan ay
walang katapusan at wala ring maaaring ihalili. Anumang akda, tuluyan o tula ay
gumagamit ng paglalarawan. May mga anyo pa ng akda na masasabing lansakan gamit ng
deskripsyon gaya sa maikling kwento, nobela atb nobelet kahit sa drama.
Madali lang itong mapatunayan. Kumuha at bumasa ng isang kwento sa alinmang
isyu ng magasin, halimbawa’y Liwayway, at tiyak na madaling makasasang-ayon sa
ganitong masaklaw na pahayag.
O kaya naman, balikan natin at muling tunghayan ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ni Rizal, ang La Loba Negra ni Jose Burgos, ang Banaag at Sikat ni Lope K.
Santos, o kahit ang Florante at Laura ni Balagtas. Tiyak ding madali tayong makukumbinse
na ang matagumpay na mga akdang ito ay ginagamitan ng mabuting mga sangkap ng
paglalarawan.

1.12 Mga Sangkap ng Paglalarawan


Tulad ng pagsasalaysay, ang paglalarawan ay may mga tiyak na sangkap at
katangiang dapat taglayin para ito ay maging malinaw at maayos at kasabay nito ay kawili-
wili at mabisa pa.
Ang aklat nina Matute et al. (1981: 110-112), itinala ang ilang mahalagang
katangiang dapat taglayin ng isang paglalarawan, gaya ng pagpili ng paksa, pananaw at
mga sangkap at pagsasaayos ng mga sangkap para makabuo ng pangunahing larawan.

Narito ang mga sangkap na dapat tandaan sa paghahanda ng isang paglalarawan:


1. Mahalagang Paksa. Ang dapat piliing paksa ay iyong magagawang kawili-wili para sa
mga nakikinig o mambabasa. Ang mga pintor ay hindi basta na lamang guhit ng guhit o
drowing. Pinipili rin nila kung ano ang sa palagay nila'y dapat ilarawan ng pinsel sa
kambas. Sinasabing ang pinakamainam na paksa para ilarawan ay iyong lagi mong
nakikita o kaya'y alam na alam mo.
2. Pagtingin sa Paksa. Tiyakin kung paano ilalarawan ang napiling paksa. Kung tao, alin ang
nais mong itampok: kagandahan at kapangitan, maganda kahit pangit, o maganda pero
pangit? Kung ang Lawa ng Lanao, saan ka magsisimula: sa gitna ba, sa gilid o sa kabilang
dulo? Mula sa malayo ay papalapit, o sa malapit, papalayo?

Sanaysay at Debate
Page 2 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
3. Aling Sangkap. Anu-ano at alin-alin sa mga katangiang taglay ng inilalarawan ang
mainam itampok at iyong mga di na dapat isama? Kung mayroon kang tiyak na nais
mabuong larawan, piliin lamang ang makatutulong at iwaksi na ang maaaring
makabawas o makasira lamang.
4. Isaayos ang mga sangkap. Ang napiling mga sangkap o katangiang ay dapat ihanay
ipresinta sa paraang mapalilitaw na mabuti ang nais ipakitang larawan. Maaaring isa-
isahin ang maliliit na detalye, saKa lagumin sa mga deskripyong panlahat ang
binubuong larawan. Ang tao ay maaaring ilarawan sa paraang nagsisimula sa mga darili
ng kamay, o kaya'y mula sa buhok, o dili kaya naman ay mula sa paa pataas.
5. Iba pang konsiderasyon. Kung ang ilalarawan ay karakter o damdamin ng tao, medyo
may kahirapan marahil isaalang-alang ang mga sangkap na dapat piliin, isaayos at
buuin para malinaw na maipakita ang katauhan o damdaming nais ilarawan. Kung
mahalagang pangyayari naman ang nais ilarawan, saan at paano magsisimula? Dito,
kailangang-kailangan din ang matamang pagmamasid, pag-aaralan at pagsusuri sa
paksang lalarawan. Mahalaga ang personal na karanasan sa pangyayari o ang malalim
na pagkaunawa sa damdamin at karakter ng tao.
Tandaan lamang sana na ang paglalarawan sa wika ay purung-puro at maaari namang
maging kabagut-bagot, kaya ang teknik ng iba sa paglalarawan ay hinahaluhan dito, diyan
at doon ng pasalaysay, palahad at pamatwid na pahayag, gayundin ng sangkap ng iba
pang mga anyo ng sulatin.

1.13 Iba't ibang Paglalarawan

Napag-alaman na natin sa dakong simula ng araling ito na ang maaari nating piling
maging paksa ng paglalarawan ay tao, hayop, halaman, bagay, lugar o pook at iba pa.
Maaari rin namang karakter at damdamin ng tao o kaya'y mahalagang pangyayari.
Alinman dito ay magagawa nating gamiting paksa, bakit hindi, ngunit kailangan
ang matiyagang pag-aaral at pagsasanay. Syempre, mainam kung lagi tayong makababasa
ng iba't ibang halimbawa ng mga paglalarawan.
Sa tulong at patnubay ng guro, maaari tayong mabigyan ng mga modelong
halimbawa na pwedeng gayahin ang porma at palitan lamang ang mga detalye. Sa simula
lamang itom hanggang sa makasanayan na ng estudyante ang anyo at nilalaman.
Narito ang ilang halimbawa ng paglalarawan:

Sanaysay at Debate
Page 3 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
1.13. 1 Paglalarawan ng Tao/Katauhan

Kadarating lang ni Tata Oca kahapon hindi, kamakalawa pala ng gabi. Pero
lumusong na rin kahapon at tumulong gumapas kina Ate. Si Nita ang target niya, alam ko.
Dati na siyang dumidispley sa dalagang kaibigan ni Ate.
Lihim kung sinipat ang ayos ni Tata Oca. Nakasapatos na degoma. Mahaba ang
manggas na suot na baro. Nakabalanggot na malapad. Sunong ang hampasan na may
nakapatong na lona, basyong sako at piyuka.
Pareho sila ng kapatid ni Nita na may dalang hampasan. Si Ate at si Nita ay tig-iisa
ng basket ng pagkain namin sa tanghalian. Ang dala ko naman ay dalawang galong plastic
na lalagyan ng inumin.
Naalala ko ang sabi ni Ama kagabing nag-uusap sila ni Inang. "Kung ako,” wika ni
Ama, “Ang me pinag-aralan, ba't ako magpapakahirap pa sa bukid? Ba't ako magtitiyagang
manligaw rito? Kara'ing mas magagandang dalaga sa Manila. Gaya n’ya, naturingang
propesor sa kolehiyo -aba, e, kung ako'y hahanap ako ng anak mayaman!"
Sagot naman ni Inang, "Di pabayaan mo 'yung tao. Kung sino ba'ng kursunada, e."
sabi pa ni Ama," Ku, iwan ko ba r'yan sa ka’utol kong 'yan. Kahit sana m'estra - hindi naman
'yung ‘alang alam kundi manahi ng panyo, magtanim, gumapas, magbarog... Alangan-
alangan sila!"
Pero ayaw ipatalo ng ina ang dalagang tagabukid. “Masipag naman si Nita, a....
Mat’yaga, mabait. Magiging mabuting asawa 'yon. Kabisado pa natin ang pamilya. Di gaya
ng gusto mong taga-malayo... 'eka nga'y ni hindi mo alam kung saan tinubuan ng tenga."
Hindi na kumibo si Ama.
(Sinipi itong halimbawa ng paglalarawan ng tao/katauhan mula sa maikling
kwento ni Rodrigo S. Gabriel, ang "Nagbarog si Tata Oca,” nalathalasa magasing
Liwayway, p. 10, 21, 62, 63 noong Oktubre 3, 1977).

1.13. 2 Paglalarawan ng Pangyayari


Waring nagmamadali ang mga katok sa pinto. May sumilip sa bintana. Pagkuwa'y
umawang ang pinto.
“Sino ka?"
“Si Elisa po.
“Elisa ano?"
“Lorca po.

Sanaysay at Debate
Page 4 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
"Namumutla ka, a. Bakit ba?"
“E, kasi po, may humahabol sa 'kin!”
"Humahabol? Sino?”
“Lalaki po ...di ko po kilala.”
“Halika, pumasok ka muna."
Pinaupo ng may-ari ng bahay ang nagpakilalang Elisa ngunit hindi ito iniiwan ng
tingin.
“Ngayon, ano ba ang talagang nangyari?"
"K’wan po... natutulog po ako sa palengke. Bigla na lang akong nagising na may
lalaking nakapatong sa 'kin."
“Susmaryosep!”
“Pilit po akong nagwala. Tapos, nasipa ko sa k’wan ... sa ano n'ya. Nakatakbo ako.
Binilisan ko. Tumakbo ako ng tumakbo... hanggang nakarating po ako rito sa inyo."
“Ano ang itsura nu'ng lalaki?"
“Parang lasing po, pero hindi naman amoy-alak. Nakahubad. Kabataan pa po.
Medyo kulot ang buhok. Malalaki ang mata. Payat siya at maitim."
"Ano'ng pangalan niya?"
"Di ko po alam. Pero. Pero kung makikita ko ulit, makikilala ko s'ya."
"Ireport natin sa pulis.”
"H'wag na lang po kaya. Wala naming nangyari sa 'kin."
"Naku, alam mo ba 'yung lalaking 'yun” Siguro'y drug addict!"
"Drug addict po?”
“Yun bang sugapa sa droga, sa bawal na gamot. Delikado ang ganun'ng tao."
"Nagtataka nga po ako, bakit gusto pa sa p'westo ko mahiga, kaluwang naman ng
palengke!"
“Bata ka pa nga! Alam mo ba kung ano ang gagawin sa'yo ng lalaki?"
Nakatingin lang si Elisa.
“Gusto kang p'wersahin!"
“Pwersahin po?"
"Gahasahin! Gustong makuha ang inyong pagkababae!"
Naku po!" biglang umiyak si Elisa. Ngayon siya umiyak nang umiyak.
(Ang halimbawang ito ng paglalarawan ng isang pangyayari - ang tangkang
panggagahasa - ay sinipi mula sa maikling kwentong “Hindi na sa Iyo” ni Rodrigo S. Gabriel
na nalathala sa magasing Liwayway, p. 56, 57, 21, 30 noong Agosto 7, 1989)

Sanaysay at Debate
Page 5 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
1.13. 3 Paglalarawan ng Halaman/Kahoy

Punong Akasya
Nakakita na ba kayo ng isang higanteng punongkahoy, isang centennial tree sa
gitna mismo ng highway?
Ang centennial tree na ito, isang napakalaking puno ng akasya, ay nasa gitnang-
gitna ng Iligan-Marawi-Malabang Road. Mga ilang hakbang lamang ang layo nito sa tapat
na tapat ng gate ng Amai Pakpak Lanao Public Hospital sa Marawi City at malapit lamang
sa Agus I Hydroelectric Plant ng National Power Corporation.
Ayon kay Prop. Erlinda C. Magondacan, dating propesor sa Mindanao State
University sa Marawi Campus, ang puno ng akasya ay itinanim ng mga Amerikano sa mga
unang taon ng pananakop nila sa Lanao at iba pang pook sa Mindanao.
Ang centennial tree sa gitna ng highway ay isang higanteng akasya na ang laki ng
puno ay hindi kayang yakapin ng dalawang malalaking tao kahit idipa ang dalawang kamay
ng bawat isa.
Sa totoo lang, ayon pa kay Prop. Magondacan, ngayon'y Principal sa elementary
department ng JPI College sa Manabilang St., Marawi City, ang punong akasya sa gitna ng
kalsada ay isa lamang sa maraming puno na itinanim ng mg Amerikano sa Marawi sa
unang salta nila sa Lanao. Humigit-kumulang sa 100 taon na ngayon ang mga puno ng
akasyang ito sa Marawi City.
Ang Marawi City na nasa gilid ng Lake Lanao ay sagana sa malalaking puno ng
kahoy pagkat marami ritong mga higanteng puno ng Balite, Binuang, Falcata, Mahongany
at iba pa.
(Sinipi mula sa isang balita, “ Centennial Tree sa highway” ni Rod Gabriel, nalathala
sa dyaryong SAKSI NGAYON, p. 10 noong Mayo 24, 1999).

1.13. 4 Paglalarawan ng Pook/Lugar

Artipisyal na Lawa

Ang mga lawa o lake sa buong Pilipinas ay likha ng kalikasan o nature.


Ngunit sa Nangka, Balo-I, Lanao del Norte, may isang lawa na likha ng tao. Ang
artipisyal lake na ito ay binuo ng mga inhenyero ng National Power Corporation
(Napocor) noong mga unang taon ng dekada ’80.

Sanaysay at Debate
Page 6 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Ang artipisyal na lawa, may sukat na humigit-kumulang sa isang kilometro
kwadrado at mga 6 nametro ang lalim ng tubig sa dakong gitna, ay siyang nagsusuplay ng
tubig na nagpapaikot s amga higanteng turbin at dynamo para magprodyus ng koryente
sa Agus 4 Hydro-electric Plant.
Nabatid mula sa tanggapan ng Napocor, ang Mindanao Regional Offoce sa
Ditucalan, Iligan City na ang Lambak na ginawang lawa ay dating may mga tanim n
apunong niyog at iba pang mga halaman. May bahagi pa ng Iligan-Marawi-Malabang Road
na buamagtas sa man made lake na ito at kasamang pinalubog sa tubig.
Pinutol ang mga puno ng niyog at ang bahagi ng kalsada na apektado ng binuong
lawa ay inilipat sa di kalayuan na hindi na maaabot ng tubig ng artipisyal na lawa.
Ang isang panig ng lambak ay pinaderan ng isang mataas na dike upang makabuo
ng isang dam at sa kabila ng dike itinayo ang planta ng koryente. Para makapunta sa planta
ang isang empleyado, kailangang sumakay pa siya sa isang elebetor pababa sa 150 metro
sa ilalim ng lupa papunta sa palapag na may aparato, higanteng turbin at dynamo.
Ang kakaibang plantang ito ng koryente sa Barangay Nangka ay may isang
kilometro na ang layo bago dumating sa poblasyon ng Balo-i. Ang Balo-I Airport ay wala
pang kalahatin kilometro ang distansya mula sa artipisyal na lawa.
Ang man-made lake sa Nangka ay may 28 kilometro pa ang layo sa sentro ng Iligan
City. Mga kalahating oras na biyahe ito sa dyip o bus sa rutang Balo-I at Marawi.
Ang bayan ng Balo-I ay may malawak na bahagi na patag na lupain. Nguni tang
probinsya ng Lanao del Norte na sumasakop ditto ay maraming mabundok na lugar.

Ang paglalarawang ito sa pook o lugar ay sinipi rin sa isang balita, ang “Artipisyal
Lake” ni Rod Gabriel, nalathala rin sa dyaryong SAKSI NGAYON, p. 10 ngunit di matiyak
ang petsa noong 1999).

1.13.5 Sariling Paglalarawan

Sa bahaging ito, inaasahang handa ana ang estudyante para maghanda, sumulat
o maglahad ng sariling mga paglalarawan.
Sapagkat ang mga bahagi ng pananalita na gaya ng pang-uri at pang-abay ang
pinakagamitin sa paglalarawan, tiyak na makatutulong kung magbalik-aral muna sa mga
nagdaang natalakay.

Sanaysay at Debate
Page 7 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Dapat din, paulit-ulit kung kinakailangan, ang mga sangkap na mahalaga at dapat
isaalang-alang sa bawat paglalarawan ng mahalagang paksa, pagtingin sa paksa, aling
sangkap ang isasama, ayusin ang napiling mga sangkap at ang iba pang mga dapat na
isaalang-alang.
Bukod dito, makatutulong din ng malaki kung laging magbabasa ng iba’t ibang
halimbawa ng mga paglalarawan sa iba’t ibang akda, lalong-lalo na sa mga sanaysay na
paglalarawan o deskripsyon.

1.14 Naglalahad na Sanaysay


Saklaw nito ang maraming iba't ibang anyo at uri ng mga akda at sulatin, mula sa
isang simpleng pangungusap na palahad hanggang sa sanaysay, buong aklat o kaya'y
librong binubuo ng maraming bolyum, ang paglalahad ang ginagamit.
Itong palahad na pahayag ang gamit natin kapag tayo’y nagbibigay ng depinisyon
o gumagawa ng ulat, lagom, buod at tala. Kung tayo ay nagbabalita, sumusulat ng
komposisyon, nagbibigay ng panuto, o nagpapaliwang tungkol sa ano, bakit at paano ng
maraming bagay-bagay, tayo ay naglalahad.
Sa tanong na: Ano ang paglalahad? May ganitong paliwanag si Alejandro (1948:3),
Ito’y isang kaanyuan ng katha na ang layunin ay gumawa ng isang malinaw, sapat at
walang pagkiling ng nagpapaliwanag sa anumang bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng
tao”.

1.14.1 Kahalagahan
Masasabing kaagaw ng pagsasalaysay ang paglalahad kung ang pag-uusapan ay
ang pagkagamitin sa araw-araw na buhay at gawain ng tao.
Bukod sa mga nabanggit na sa dakong unahan nito, ang palahad na pahayag ay
gamit sa maraming iba't ibang disiplina - sa lahat na marahil ng larangan ng karunungan
ng tao. Kapag gumawa ng ulat, teknikal man o hindi, tiyak na palahad ang gagamitin.
Kahit na ito pa ay ulat ng pulisya o militari, medical report o scientific research, hindi
maaaring hindi ito palahad, kahit maaaring may baryasyon ang anyo.
Sa aklat na Assignments in Exposition ni Louise Rorabacher (1974), nagtala siya ng
may 17 iba't ibang anyo ng eksposition o palahad na sulatin. Bukod pa ang mga ito sa
esetayp eksam at sa pasaliksik o riserts paper. Kabilang sa 17 ang deskripsyon o
palarawan, naresyon o pasalaysay, analohiya, proseso, kumparison, klasipikasyon,
analisis, kosenepek (cause and effect), pabuod, pasaklaw, depinisyon, karakter iskets,

Sanaysay at Debate
Page 8 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
pamilyar/palagayan, satayr o pauyam, bukrebyu o surimbasa, samari o pabuod at ang
pabalangkas.
Gamit ito ng titser sa paglalahad ng mga aralin at sa iba pang napakaraming bagay
kaugnay ng kanyang pagtuturo. Para sa mga estudyante man, mahaba rin ang talaan ng
iba't bang anyo ng paglalahad na lagi niyang kailangan gamitin sa loob at labas ng silid-
aralan.
Ito ring palahad na pahayag ang gamit sa pagbibigay ng panuto, upang ipaliwanag
Halaimbawa, kung paano ang paggawa ng isang bagay o kaya’y kung paano ang pagpunta
sa isang lugar. Kapag nagbibigay ng pakahulugan o depinisyon, nagpapaliwanag kung ano
ang katuturan ng isang bagay o kaisipan ang mga ito’y paglalahad din.
Sa mga dyaryo, magasin, dyornal, at iba pang babasahin, ang mga reporter, editor,
kolumnista, manunulat, at kritiko ay sumusulat ng balita, editorial, kolum, lathalain to
pityur, mga eseyis o mananalaysay na ang forte ay pagsulat ng sanaysay, kundi pati na
ang mga awtor ng libro ay paglalahad din ang gamit sa paghahanda ng kanilang akat,
matangi lamang ang gaya ng antolohiya ng tula, halimbawa, o iba pang katipunan ng mga
akda.
At gaya ng nabanggit na sa dakong unahan nito at gayundin sa mga sumusunod
na aralin, upang ipaliwanag ang leksyon sa buong klase, gamit ito ng mga estudyante sa
kanilang komposisyon o timrayting. Sa kolehiyo, tiyak na kakailanganin din nilang gumawa
ng ulat sa klase, pamanahong papel at bebitesis.

Iyang mga nagpapadalubhasa sa graduate school, gaya ng nagmamaster at


nagdodoktor sa edukasyon at pilosopiya,lahat sila ay kailang maghanda at sumulat ng
tesis proposal, masteral tesis o kaya'y disertasyon. Ang mga ito ay pawang mga anyo ng
paglalahad, bagamat itinuturing teknikal na sulatin. Tunay, itong paglalahad ay mahigpit
na karibal ng pagsasalaysay dahil sa pagkagamitin.

1.14.2 Mga Bahagi


Ang bawat partikular na anyo ng paglalahad ay may takdang mga bahagi, maging
ito ay ulat, balita, lathalain o tesis. Ngunit sa malagom na pagsasabi, ang isang paglalahad
ay dapat na may panimula, katawan at wakas.
Sa pagbibigay ng kahulugan, halimbawa, ipinaliwanag ni Alejandro (1948:60) na
ito'y "may tatlong bahagi ng sangkap: 1. Ang salita na binibigyan kahulugan, 2. Ang

Sanaysay at Debate
Page 9 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
pangkat o uring kinabibilangan, at 3. Ang mga katangiang ikinaiiba nito sa mga kasamahan
sa pangkat."
Ngunit ang ganitong pagbibigay kahulugan, gaya ng karaniwang natutunghayan sa
diksyunaryo, ay maikling, matipid, tahas at eksakto lamang sa mga katangiang
mapagkakakilanlan. Ang diksyunaryo naman kasi ay humihingi ng pinakamaikling
paliwanag pagkat limitado ang ispasyo nito.
Sa sanaysay na depinisyon, ayon kay Rorabacher (1974:195), ikaw na sumusulat
nito ay "maaaring mapagkahulugan kahit gaano pa ka haba ang gusto mo hangga't ang
bawat isinulat mo ay may kaugnayan sa paksa.
Ngunit gaano man ito kahaba, ang sanaysay ay dapat na magtaglay ng 4 na
bahaging gaya ng tinalakay sa Surimbasa: 100 Sanaysay (Gabriel, ms 1994:50-52).Sa
bahagi naming ito ay tatalakayin ang mga sangkap ng sanaysay.
Narito naman ang sangkap ng isang mabuting sanaysay.
1. Kasiyahang estetiko. Lahat ng mga bahagi at sangkap ng sanaysay ay nagkakatulong-
tulong magdulot ng kagalakan sa kagandahan sa bawat mambabasa nito.
2. Kasiglahan ng isip at diwa. Ang nilalaman ng sanaysay ay dapat magpasigla sa isip at
mapaangat ang diwa ng sino mang mambabasa. Kasama sa nilalaman ang paksa o tema,
taglay na pilosopiya, layunin at mensahe.
3. Kadluan ng marangal na damdamin. Ang sanaysay na may mataas na uri ay pumupukaw
sa mararangal na damdamin ng tao. Hindi iyon nagpapahina o kaya’y gumigising lamang
sa makalupang damdamin. Sa halip nito, ang sanaysay ay dapat na umaantig sa
damdaming magiting, makabayan, dakila, banal, maka-Diyos at makatao.
4. Kahusayan sa paggamit ng guniguni. Ang maikling guniguni ay masasabing nagamit
nang mabuti sa sanaysay ay dapat maglahad maglarawan o magsalaysay ng isang
bahaging panahong iyon. Gayundin, ang karanasang ibinabahagi ng sanaysay ay dapat na
maaaring madama sa sarili ng mambababsa at hindi pansarili lamang ng may-akda.

1.14.3 Iba’t Ibang Anyo


Sa Panitikang ilipino, di gaanong napag-uukulan ng pagsusuri at pag-aaaral ang
mga anyong ekspositori na gaya ng mga tinalakay sa aklat ni Rorabcher. Ang mga anyong
lalong kilala natin-bukod sa sanaysay, ulat sa klase, termpaper at esetayp eksam-ay ang
panuto, komposisyon o sulatin sa timrayting, editoryal, kolum, surimbasa, kritismo,
bebitesisi, masteral tesis at disertasyon.

Sanaysay at Debate
Page 10 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Para sa ating pangangailangan sa araling ito, pagtutuon natin ng pansin ang
panuto, editoryal at surimbasa o bukrebyu.

1.14.4 Ang Panuto


Ang panuto ay tinatawag naman ni Rorabacher (1974:65-82) na proseso. Masusing
tinatalakay niya ito sa ika-4 na yunit ng kanyang aklat at ipaliwanag na mabuti sa tulong
ng mga iba’t ibang halimbawa.
Ang karaniwang pagkaunawa natin sa panuto ay iyong pagbibigay direksyon o
instraksyon sa eksam, kung ano at paano ang dapat gawin sa wastong pagsagot sa mga
tanong. Ang sino mang di marunong sumunod sa panuto ay malamang na mababa ang
maging grado kundi man tuluyang masingko o masero.
Inuuri ring panuto ang mga resipe sa paghahanda ng pagkain, kung ano-ano ang
mga sangkap, kung paano ang paghahalu-halo at pagluluto ng isnag particular na putahe
ng pagkain. Ito ring panuto ang gamit sa pagbibigay ng direksyon sa pagtungo sa isang
lugar, halimbawam “ Ang Pagbiyahe sa MSU Marawi Mula sa Aming Bayan sa Palawan”.
Ngunit kapag sanaysay na panuto ang pag-uusapan, hindi ito payak lamang sa
pagbibigay ng direksyon. Ang paglalahad na ito’y nagpapaliwanag ng isang paraan,
proseso, Sistema o teknik sa pagsasagawa. Dalawa dap tang layunin nito: pagbibigay ng
ispisipik na direksyon o panuto at ang pagbibigay ng panlahat na impormasyon.
Sa ispisipik na direksyon, kailangang ito ay malinaw, tiyak at madaling
maunawaan. Sa ibang salita dapat ay alam ng sumusulat ang kanyang paksa at laging
isinasaalang-alang ang pangangailangan ng kanyang mambabasa.
Ito ay ang sumusunod na mga patnubay ang mga paalala sa atin ni Rorabacher
(1974:65-67).
1. Pumili ng angkop na paksa. Iyong proseso na aktwal na nagawa o naranasan mon a ang
mainam piliin.
2. Ibigay ang kumpletong detalye. Laging tandaan na kahit na alam mon a ito, ang
sinusulat mo ay para doon sa mga taong hindi pa nakaalam nito.
3. Bigyan ng depinisyon o kahulugan ang mga salitang di karaniwan. Maaring kabisado mo
ang kahulugan ng salita dahil sa karanasan mo sa sa prosesong sinusulat ngunit di
karakarakang mauunawaan ng inyong mambabasa.
4. Ipinaliwanag ang katwiran para sa mga dapat isagawang hakbang. Kailangang maging
malinaw ang bakit at paano upang maiwasang gumawa ng mapanganib na syorkat ang
iyong mambabasa.

Sanaysay at Debate
Page 11 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
5. Isama pati negatibong panuto. Ang “ Payo ng huwag” ay mabuting babala sa mga
mambabasa tungkol sa masamang bunga kung sakaling gawin ang di dapat.
6. Gumamit ng pantulong na drowing, Para maiwasang maging malabo ang dating sa
mambabasa ng iyong panuto, gumamit ng kailangang iskets o dayagram para maging
konkreto, tiyak at malinaw.

1.14.4 Ang Editoryal o Pangulong Tudling


Ang Editoryal ay sang anyo ng sanaysay na naglalahad ng kuro-kuro, palagay at
paniniwala ng editor at editorial rayter tungkol sa isyu o higit pa na itinuturing na
pinakamahalaga sa araw na iyon.
Tinatawag din itong pangulong tudling at karaniwang mambabasa sa mga dyaryo
at magasin, maging ang mga ito’y komersyal o pampaaralan.
Sinabi nina Matienzo et al. (1985:187) na ang editoryal ay “isang mapanuring
pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay
ng kaalaman, makapagpaniwala o makaaliw sa mambabasa; isang pinag-aralang kuro-
kuro batay sa isang tunay na pangyayari; isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo,
pumupuri o tumutuligsa tungkol sa kahalagahan ng isang pangyayari.”
Hinati-hatiniya ang mga bahagi ng editorial na gaya ng sumusunod:
1. Panimula o Introduksyon
a. Balitang batayan o ipotesis na nagpapakila ng paksa
b. Reaksyon sa balitang batayan o sa ipotesis
2. Katawan o Gitna ng Editoryal
a. Naglalahad ito ng mga ideya, paninindigan, o tala na maaaring pabor o kontra
sa paksa.
3. Pangwakas o Konklusyon
a. Maaaring isang pagpapatibay sa kuro-kuro, mga tagubilin o mungkahi.
Inuuri-uri niya ang pangulong tudling sa 11 klasipikasyon kabilang ang
nagpapabatid, nagpapakahulugan, pakikipagtalo, namumuna, nanghihikayat,
nagbibigay-puri o pangaral, pang-aliw, natatanging araw, batay sa tahasang sabi
pilosopikal at bakasan.
Magbasa ng halimbawa sa tabloid, gaya sa Abante, Tumbok at iba pa. Narito ang
isang editoryal na nagpapakahulugan.
(Halimbawa: Editoryal na Nagpapakahulugan)

Sanaysay at Debate
Page 12 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Wastong Paggamit ng Karapatan sa Pagboto
Ang demokrasya, wika ng isang bantog na estadista, ay tumutukoy sa isang
gobyernong itinatag ng taong-bayan, pinamahalaan ng taong-bayan, at para sa
taong-bayan.
Sa ilalim ng demokrasya, samakatuwid, ang mga mamamayan ang
namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagpili ng mga taong kakatawan
sa kanila at magsasagawa ng mga bagay na kailangan ng gobyerno at ng bansa sa
inaasahang ikabubuti ng buong sambayanan.
Ang karapatan sa pagboto, kung gayon, ay may kakambal na obligasyon o
tungkulin sa bayan. Ang paggamit ng tumpak na karapatan sa pagboto ay
pagtupad sa isang napakahalagang tungkulin. Ang pagsira sa karapatang ito ay
katumbas ng pagtalikod at pagtatalusira sa isa sa mga pangunahing obligasyon ng
isang mamamayan.
Kung sa pagboto ang ihahalal ay isang taong nagbibigay ng salapi, pabor,
gamit, kasangkapan, o kahit sigarilyo, meryenda, pagkain, alak, ambag sa patay at
abuliy sa pista; kung ang konsiderasyon sa pagboto ay kung ano ang pansariling
pakinabang at hindi kung karapatdapat ang taong ihahalal, ang karapatan sa
pagboto ay masisira, magiging komedya na lamang ang demokrasya at ang buong
sambayanan ang mapipinsala.
Ang dapat maging tanong sa pagboto ay hindi “ ano ang mapapakinabang
ko?” kailangang ang itanon ay kung “ ano ang maitutulong ko para sa bayan?”
Ang sagot sa huling tanong ay nasa konsensya ng botante, ng baying manghahalal.
Sa takdang araw ng pagboto, dapat sundin kung ano ang sigaw ng sariling
konsensya.
Ang tinig ng budhi ay tinig ng Diyos.
( Nalathala ito sa LUZON TIMES, may petsang Abril 27-Mayo 3, 1987)

1.14.5 Ang Surimbasa o Bukrebyu


Ang surimbasa o bukrebyo ay isang pang anyo ng paglalahad na dapat matutunan
at magamit na mabuti ng mga estudyante sa kolehiyo at kahit sa haiskul.

Sanaysay at Debate
Page 13 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Binigyang kahulugan ni Alejandro (1948:33-36) ang surimbasa bilang isang
paglalahad na ang layunin ay mailahad sa mambabasa ang mga kaisipang nilalaman ng
isang tanging aklat at maihatid sa kanyang sa maikling paraan ang kahalagahan ng akda.
Ito ay para rin anyang isang maikling panunuring pamapanitikan na naglalaman ng mga
sariling palagay o kuru-kuro ng sumulat tungkol sa aklat na sinusuri. Kanariwang gamit
dito ang mga kasanayan sa pagsusuri at pagmamatwid.
Isang mainam na sanayan ang bukrebyu sa paglinang ng kritikal na pagkukuro ng bawat
estudyante. Basahin ang naritong halimbawa ng surimbasa.
(Halimbawa: Bukrebyu)

ISA PANG EPIKONG FILIPINO

ni

Nilo B. Ocampo

(Ang Kudaman ay isang epikong Palawan na inaawit ni Usuy. Salin sa Filipino nina
Edgar B. Maranan at Nicole Revel-Macdonald. Inilathala ng Ateneo de Manila University
Press, 1991).
May kasalan sa Nagdaridiq, pamayanan ng mga Palawan na ibig sabihin ay
"Umaalimpuyong Tubig,” noong Mayo 1970, at masayang nagtutugtugan at
nagsasayawan ang mga tagaroon. Pagkuwa'y tumahimik ang mga agung, at pumailanlang
ang pag-awit ng isang lalaking nakahiga. Takip ng kaliwang bisig ang mata habang kipkip
sa dibdib ang kapirasong damit. Iyon ang baylan na si Usuy, inaawit ang epikong Kudaman,
tungkol sa Datu ng Kapatagan, ang bayaning may putong na kalapati sa ulo at may
tahanang balot ng sinag-araw.
Marami pang beses inawit ni Usuy ang epiko bukod sa iba pang kantahing Palawan
bago siya namatay noong 1979, at sa mga pagkakataong ito naroon sina Charles at Nicole
Macdonald para iteyp at irekord ito. Mahigit 20 taon nang pinag-aralan ng mga
Macdonald ang mga Palawan at ilang mga aklat na ang kanilang nailathala tungkol sa
kabuhayan at kultura, wika at literaturang pabigkas ng mga tagarito. Komprehensibo at
detalyado ang kanilang mga tuklas sa lipunang Palawan. Mahigit sa 60 epiko ang naitala.
Subalit sa Pranses tinalakay ang mga ito at amakatuwid hindi mabasa ng mambabasang
Filipino at Ingles.
Pero sa bagong libro na salin sa Filipino ng Kudaman, nasisiwalat ang mayamang
kultura ng isang etnikong grupong nasa panganib na rin ng pagtataboy at dominasyon
mula sa sentro.

Sanaysay at Debate
Page 14 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Ang kudaman ay masasabing simbolo ng paggunita kay Ampuq at Paray, ang
Panginoon ng Palay, pagdiriwang na idinaraos sa loob ng pitong sunud-sunod na taon.
Pinamumunuan ito ng panglima (tawag sa pinuno), bilang pasasalamat sa pagtatapos ng
anihan at pagsisimula ng panibagong saykel ng panananim. Seremonya ito ng tabad (alak-
bigas) sa saliw ng gong. Sa gabi lang ito inaawit at tumatagal nang anim hanggang pitong
gabi.
Kabubuang pananaw-pandaigdig, kasaysayan halaw, kosmogonyang etniko ang
napalilitaw sa epiko. Ayong sa mga Palawan, ang santinakpan ay binubuo ng tatlong
patong-patong na antas: ang lupa, papawirin, at langit; pitong mas mataas na antas;
pitong mas mababang antas. Naririto ang tunggalian ng mga pwersa ng Pagkakasundo at
Pagkawasak, na nagwawakas sa pagtatagumpay ng una. Temang paralel sa mga epiko ng
Indian, Malaysia, Java, at Bali, lalo na sa iba't ibang bersyon ng Ramayana. Bayaning
katumbas ni Arjuna ng Mahabharata si Kudaman.
Sa Kudaman, mahahalaw ang kasaysayan ng mga Palawan sa panahon ng
pananalakay ng mga kaaway na ginawa silang bihag. Sa pananaw ni Macdonald,
mapangwasak na element ang naturang mga kaaway na “Inkarnasyon ng Masasamang
Tao.”
Ang mga ito, at iba pa ay nabubukas sa mga mambabasang Filipino at nailalakip sa
pambansang iskolarship, bunga ng pagtutulungan ni Dr. Nicole Revel-Macdonald at ni
Edgar B. Maranan na isang premyadong manunulat. Dapat ding banggitin na ang
Kudaman ay una lamang sa 12 aklat na proyektong pagsasalin ng rehyonal na panitikan
sa Pilipinas ng UP, Ateneo, La Salle. Dula, panulaan, maikling kwento at nobelang Iloko,
Pangansinan, Cebuano, Ilonggo, Waray at Bukidnon ang nakasalang pa. Tunay na
pinadadali nito ang proseso ng pagpapayaman
sa kalipunan ng pambansang panitikan.
(Sinipi mula sa pahayagang DYARYO FILIPINO, p. 7 sa isyu nito noong Setyembre
14, 1991.)
Nagmamatwid na Sanaysay

1.15 Nagmamatwid na Sanaysay


"Dapat ako ang nasa posisyon niya kasi, mas magaling ako kaysa kanya." "Dati,
nagdidildil lang sila ng asin at kami ay may-kaya, kaya hindi tama na ngayo'y mas
mayaman pa sila!"

Sanaysay at Debate
Page 15 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Halimbawa ito ng pangangatwiran ngunit tila mali man din ang katwiran. Sa una,
kung tunay na mas magaling ka, maaring siya naman ay mas matiyaga, masikap,
mapursige, determinado na magtagumpay. Ikawnaman ay magaling lang-ayon sa iyo.
Ang ikalawa naman, tulad sa una, ay may kinalaman din ang swerte. Itong
magandang kapalaran ay karaniwan nang natatamo ng isang taong may maganda at
mataas na pangarap sa buhay. At ginagawa niya ang lahat ng mabuting paraan upang
maabot ang pangarap na iyan.
Kaya kung kami ang tatanungin, ang tamang katwiran sa dalawang naturang kaso
ay tanungin at suriin ang mali: Bakit? Saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang? Ano ang
lalong mabuti kong dapat gawin?
Kung gayon, ang lalong matuwid na dapat kong gawin, dagdagan pa at higit na
dapat pagbutihin ang mga pagsisikap upang matamo ko ang minimithing tagumpay.
Ano ang Pagmamatwid?
Gaya ng maiisip agad ayon sa katawagan, ito ang pagbibigay ng katwiran, patunay
o pruweba, paliwanag at iba pa upang patotohanan ang sinasabi, ginawa, o panig sa isang
isyu. Karaniwang layunin nito na maakit at mahikayat ang nakikinig o bumabasa.
May isang kotesyon na hindi na rin namin matandaan kung saan at kung sino ang
nagsabi: May tatlong panig sa isang kontrobersya, ang iyo, ang kabilang panig at ang tama.
Lumilitaw kung gayon, na ang isang katwiran ay hindi siyang laging tamang
katwiran. Ang lahat at bawat abogado, halimbawa, ay may katwiran, maraming katwiran
sa harap ng husgado. Ngunit hindi lahat ng kaso, mangyari pa nga, ay laging panalo kahit
maraming katwiran ang abogado. Mayroong mga kasong natatalo. May panalo sa
mababang hukuman, talo sa Korte Suprema at bise-bersa-talo sa ibaba, panalo sa itaas.
1.15. 1 May Iba-ibang Interpretasyon ang Katwiran
Minsan, sinabi ng kilalang manunulat na si Pelagio S. Cruz na ang bawat tao ay may
katwiran. Maituturing na ito’y isang napakataas na pagpapahalaga sa indibidwal na tao-
dapat ay iginagalang kahit sino man at anuman ang kalagayan sa buhay.
Marahil, nasabi ni Cruz ang ganitong masaklaw ngunit makatotohanang pahayag
batay na rin sakanyang mayamang karanasan matayog na diwa bilang makata, kwentista,
nobelista, awtor, at ko-awtor ng libro.
Sa aming kuro-kuro, ang pahayag na “ Bawat tao’y may katwiran” ay siya nang
pinakamaikli, makatotohanan, at pinakamainam na paliwanag kung ano ang
pagmamatwid.
Anuman ang ating sariling katwiran, ipinaaalala sa atin ng ating kapwa tao ay
mayroon ding kanyang katwiran. Alin sa dalawang katwiran ang dapat mangingibabaw?

Sanaysay at Debate
Page 16 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Kung magkasundo, may dumudulog sa hukuman hanggang sa Korte Suprema. Ang
iba’y nagpapahusga sa taong-bayan. May iniismiran ng malabigang lipunan. Ang iba pa’y
hinahatulan ng kasaysayan.
Soino ang nagpapasya bukod sa mga nabanggit na kung sino ang may katwiran?
Sa tahanan, ang lolo, lolo, tatay o nanay. Sa paaralan ang titser, principal, superbisor at
iba pang namamahala. Sa gobyerno, ang mga pinunuo ng ehekutibo, lehistura at
hudikatura. Sa isang kompanya, ang mataas na opisyal nito. Sa simbahan, ang mga lider
ng particular na relihiyon.
Ngunit mainam na laging tandaan na sa kalahatan, ang pangangatwiran ay
naiimpluwensiyahan ng kapaligiran, lipunan, tribu o lahi, relihiyon at personal na
pagpapahalaga.
Sa ibang salita, ang pangangatwiran ng isang indibidwal ay maaaring dikta ng
panlabas na paktor ar maaari naming ayon sa kanyang budhi o konsensya.
Bagamat itinuturo ng karanasan, na ang tamang katwiran at ang utos ng
konsensya ay hindi laging nasusunod, ito pa rin ang dapat na maging huwaran at pang-
araw-araw na patnubay sa ating aksyon at desisyon-ang katwirang kinikilala ng lalong
nakakarami at ang sariling konsensya.
Pagkat sa panghuling pagsusuri, may isang Dakilang Lumikha na siyang hahatol sa
ating katwiran-o kawalan ng katwiran.

1.15.2Kahalagahan ng Pangangatwiran
Ang pagmamatwid kung minsan ay nagagamot sa di tumpak, di parehas at di
makatarungang paraan.
Halimbawa, itatanong ng magulang sa anak na dalagita pa o kahit dalaga na:
“ Bakit ginabi ka?”
“Nagriserts po ako sa laybrari” ikakatwiran ng anak.”
Pero saan ka. Iba ang sinaliksik nila kasama ang kanyang boypren.
Ganito rin halos sa mga binatilto at bagong nagbibinata:
“Bakit ngayon ka lang?” itatanong ng magulang.
“Nagpunta po kami sa bahay ng kaklase ko.”

Kindi ka matalas at matiyagang sumubaysay, kung mausisa mo, lulong nap ala ang
anak mo sa sigarilyo, alak, sugal o kaya’y sa bawal na gamot.
Bagamat ang katwiran ay nagagamit ng as akasinungalingan at sa panig ng
kasamaan, nakahihigit pa rin ang gamit para sa kabutihan at katarungan. Sa lahat na
marahil ng aspekto ng disiplina, karunungan pamumuhay ng taom ginagamit at patuloy
na gagamitin ang pangangatwiran.
Kasinghalaga rin ito, samaktwid ng tatlong nnaunag uri ng pahayag na natalakay
na at gaya ng paulit-ulit na pagbanggit na sa naturang pagpapahayag, ang pagmamatwid

Sanaysay at Debate
Page 17 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
man ay maaaring gamitin ng bahaging pasalaysay, palahad, palarwan, at ang
kombinasyon ng mga ito. Nguni tang namumukod na himig at nangingibabaw na
katangian ay pangangatwiran pa rin.
Aling propesyon ang hindi ginagamitan at hindi nangangailangan ng
pagmamatwid? Wala kaming maisip ni kahit na isa man lamang. Gamit ito sa mga agham
panlipunan: antropolohiya, sosyolohiya, sikolohiya, pilosopiya, kasaysayan at mga likas na
agham at matematika o biyolohiya, kimikal, pisikal, heometrika; inilipat na agham o
applied science: agrikultura, teknolohiya, inhinyeriya at eronotika.
Halimbawa: Mali na sabihing Malay ang unang tao naninirahan sa Pilipinas; mga
Ita o Negrito ang nauna rito ( antroplohiya at kasaysayan). Ang isang bagay ay lumulutang
sa tubig pagkat ayon sa batas ng boyansi, ang bagay na inilagay sa tubig ay itinutulak sa
pwersang katumbas ng bolyum o dami ng tubig na nahahawi nito (pisikal).
Lalo namang gamit ito sa husgado, abogasya, krimilohohiya, Sabi ng isang
abogado: “Kapag may katwiran, ipaglaban mo?!” Gayundin naman sa tatlong malalaking
sangay ng gobyernong republika (presidential system), sa ehekutibo gaya ng president at
gobernadora; sa kongreso, gaya ng senador at kongresista; at hudikatura gaya ng mga
mahistrado at huwes o hukom.
Dahil dito, kung ang isang estudyante na hindi mahasa at masanay na wasto at
mabisang pangangatwiran, malamang na hindi siya maging matagumpay kahit na nga ano
pa ang mapili niyang maging propesyon.
1.15.3Sangkap ng Mabuting Pagmamatwid
Ang isang pagmamatwid, tulad ng alinman sa iba pang uri ng pahayag, ay dapat
magtaglay ng mga kailangang sangkap at katangian upang ito ay maituring na isang
mabuting pagmamatwid. Kabilang sa mga sangkap na ito ang mgasumusunod:
1. Tiyak, malinaw at may kaisahan. Ang isang pagmamatwid ay dapat na tiyak, malinaw
at may kaisahan. Tiyakin at tukuyin agad kung ano ang binibigyang- katwiran at
pinatutunayan. Linawin ang bawat bahagi upang hindi maipagkamali sa iba ang
kahulugan. Gawing magkakaugnay, paikpik at maayos ang pagkakahanay ng mga
talaan upang mapagitaw o maitampok ang nais patunayan.
2. May kaukulang mga patunay. Hindi sapat isaad o sabihin lamang ang katwiran.
Kailangan ipaliwanag na mabuti at suportahan ng mga kaukulang patunay. Mas
mainam kung may mga batayang dokumento, istatistiks, permanenteng record at iba
pang konkretong ebidensya.
3. Umaayon sa pilosopya, sikolohiya at karanasan ng tao. Ang mga katwiran at paliwanag
ay di dapat na salungat sa establisadong pilosopya. Kailangang umaayon kalikasan,
kilos, gawi at pag-iisip ng tao, gayundin sa kasaysayan at karanasan ng sangkatauhan.
Kung hindi ganito, ang pagmamatwid ay magiging paimbabaw lamang at maaaring
mawala ng pang-akit at panghikayat sa mga nakikinig o mambabasa.

Sanaysay at Debate
Page 18 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
4. Kaisa ng opinyon ng mga eksperto. Ang mga katwiran ay magiging matatag at matibay
kung kasang-ayon ng mga paniwala at pahayag ng mga dalubhasa sa larangan o paksa
ng pagmamatuwid. Ang opinyon ng mga eksperto sa paksa ay di karaka-takang
matatalinuwang, maliban na lamang kung may matuklasang mas mabigat at mas
mahalagang patunay

1.15.4Uri ng Pagmamatwid
May dalawang masaklaw na uri ng pagmamatwid, ang pabuod o indaktib at
pasaklaw o dedaktib. Alinman dito, ayon kina Matute et al., (181:182) ay nangangailangan
ng mga patibay. Itong patibay ay ebidensyang magpapatunay sa katotohanan. Sa
katotohanang ito naman hinahango ang konklusyon.

Pasaklaw na pangangatwiran. Ayon pa rin kina Matute et al.,(ibid.), sa lohika na


pasaklaw ng pilosopya, itong pangangatwirang pasaklaw ay tinatawag ding silohismo o
syllogism. Ito ay humahango ng isang pangyayari o partikular batay sa inilapat na
simulaing panlahat. Binubuo ito ng isang pang-unang batayan, isang pangalawang
batayan at mula rito, gumagawa ng isang konklusyon. Halimbawa:
1. Ang manunulat ay laging nagsusulat.
Si Pekto ay laging nagsusulat.
Kaya si Pekto ay manunulat
2. Ang Amerikano ay malalaki.
Si Hubert ay malaki.
Kaya si Hubert ay Amerikano.
3. Ang magnanakaw ay nagnanakaw muna bago tumakbo at ang pulitiko ay tumatakbo
muna bago magnakaw.
Si Berto ay pulitikong tumakbo sa eleksyon at nanalo.
Asahan nating magnanakaw si Berto sa gobyerno.
4. Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw.
Si Matino ay may matinding galit sa mga magnanakaw sa gobyerno.
Kaya si Matino ay gagawa ng mas matinding pagnanakaw sa gobyerno.
Ang ganitong pangangatwiran ay hindi laging totoo. Ang masaklaw at panlahat na
pahayag ay laging mapanganib na magkamali. Kahit maaaring tama at totoo ang una at
pangalawang batayan, hindi pa rin ito sapat para masabing syento porsyentong tumpak
ang konklusyon batay rito. Kilangan ang iba pang mas matibay na mga patunay at
ebidensya.

Sanaysay at Debate
Page 19 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Mahalagang tandaan ito ng sino mang gumagawa ng pagmamatwid na gamit ang
pamaraang pasaklaw.
Pabuod na pangangatwiran. Kung ang pasaklaw na paraan ay mula sa panlahat
patungo sa partikular, kabaliktaran naman nito ang pabuod, pagkat ito'y mula na
katotohanan patungo sa panlahat. Nagsisimula ito sa maliliit na katotohanan patungo sa
panlahat o masaklaw na paglalahat. Ipinaliwanag parin nina Matute et al., (1981, p. 192-
184) na may tatlong anyo ng pabuod na pangangatwiran, gaya ng mga ss:
1. Pagtutulad. Ipinapakita ang pagkakatulad o pagkakapareho at saka sinusuri at batay
rito, gumagawa ng konklusyon. Ang ganito, ipinagpapauna na, hindi matatag na batayan
ng pangangatwiran. Halimbawa:
Maaatraso ng dating ang barkong iyan, kasi, ang pang mga barko ng kompanyang
may-ari ay laging atrasado.
Ang batang iyon ay anak ng Amerikano sa isang Filipina pagkat ang kanyang buhok
at pigura ng mukha ay kagaya ng sa amerikano.
2. Sanhi at Bunga. Sa pangangatwirang ito, iniuugnay ang pangyayari sa dahilan o sanhi.
Ang lahat at bawat pangyayari, kaya nangyayari ay dahil sa sanhi o ang tinatawag na
kosenepek (cause and effect). Halimbawa
Umiyak ang bata pagkat maaaring nasaktan o nagugutom.
Bumagsak siya sa lahat ng kanyang sabdyek, kasi, puro pakikipag-date ang iniuna
niya.
3. Patunay at Ebidensya. Mga konkretong ebidensya at patunay ang ginagamit sa
pangangatwirang ito. Halimbawa:
Pangkat ng "martilyo gang” ang sumalakay at nagnakaw sa isang tindahan ng
alahas, kasi naiwan ng grupo ang isang martilyo. Naghagis din ng granada habang
tumatakas na karaniwang ginagawa matapos mangholdap ang pangkat.
Isang pangkat ng bandidong notoryus ang sumalakay at kumidnap sa mga turista,
kasi batay sa pahayag ng mga testigo, ganoon ang mudos operandi ng naturang pangkat
Isa siya sa mga kidnaper o kasabwat pagkat nakuha sa kanya ang pitaka at relo ng biktima.
1.15.5Mga Anyo ng Pagmamatuwid
Ang pagmamatwid ay hindi rin naman naiiba sa iba pang uri ng pahayag kung
halaga at gamit ang pag-uusapan. Pagkat marami ring pinagagamitan ang anyong ito nang
pahayag. Gamit ito sa mga anyong gaya ng balagtasan, debate o pagtatalo polemika,
talumpating nagmamatwid, editoryal at sanaysay, mga talakayang pormal at di pormal,
panel diskasyon, simposyun, porum at iba pa.

Sanaysay at Debate
Page 20 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Napag-usapan na natin ang balagtasan, editoryal, sanaysay at talumpati sa mga
sinundang kabanata. Sa bahaging ito, pagtutuunan natin ng pagtalakay ang talumpating
pagmamatwid, at ang sariling pamamatwid.
Ang talumpati ay madalas iugnay sa mga pulitiko pagkat sila ang karaniwang
nakikita at naririnig natin nagtatalumpati. Itinuturing ding mahusay magsalita at
magpaliwanag ang mga pari at pastor ng relihyon, komestarista sa radyo at TV, abogado
at huwes, mga lider sa iba't ibang larangan at industriya. Mga propesyonal na gaya ng
titser at maraming iba pa.
Talumpating Nagmamatwid. Tinatawag ding talumpating panghikayat, natatangi
ang anyong ito sa iba pang mga klase ng talumpati pagkat ang himig ay pangangatwiran
at ang layunin ay maakit o mahikayat ang bumabasa o nakikinig sa panig o paksa ng sino
mang nagmamatwid sa anyong talumpati.

1.15.6Sariling Pagmamatwid
Bukod sa talumpating nagmamatwid, balagtasan o debate at polemika, ang
sariling pagmamatwid ay maaari ring ihanda sa anyong sanaysay. Sa karamihan ng anyong
nabanggit, ang isyu na dapat resolbahan o paksang pinagtatalunan, ay karaniwang 2 panig
lamang. Sa anyong sanaysay, maaaring talakayin ang alinman sa panig na pabor o kontra.
Maaari ring pantay na ilahad o timbang na ipaliwanag ang mga katwiran ng bawat isa sa
mga magkalabang panig. At maaari pa rin na ang pagtuunan at bigyan ng diin ay ang mga
katwiran ng ikatlong alternatibo at hindi ang alinman sa magkabilang panig.
Halimbawa, sa isyu na dapat o hindi dapat na maghanapbuhay ang ina ng tahanan,
ang ikatlong panig ay dapat at hindi dapat. Habang pinalalaki pa ang mga anak, hindi muna
dapat. Pag medyo malalaki na at kaya nang maiwan, parang sisiw na maaari nang iwalay
ng inahin, ang isang ina ng tahanan ay dapat maghanapbuhay.
Ngunit para sa mga karaniwang sariling pagmamatwid ng estudyante sa Filipino,
maaaring talakayin ang alinmansa mga paksang gaya ng ss:
1. Mahalaga sa Akin ang Matuto ng Sining ng Komunikasyon.
2. Tayo ang Dapat Magtipon ng Ating Katutubong Panitikan.
3. Wikang Filipino ang Dapat na Wikang Panturo sa Lahat ng paaralan sa Buong Bansa.
4. Kung Bakit Kailangan Akong Makapasa sa Filipino I

1.15.7Paghahanda sa Pagsulat Mabisang Sanaysay

Sanaysay at Debate
Page 21 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Ang wika ay kasangkapang ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng kanilang
kaisipan at damdamin upang sila'y magkaunawaan. Ang pagpapahayag na ito ay maaaring
pasalita o pasulat at sa dalawang ito ginagamit nang mabisa ang mga salitang may
kahulugan, makahulugan, at may kahulugang itinatag ng kaugalian o kaya'y nalikha o
nalilikha ng pangangailangan ng sambayanan.
May iba't ibang paraan ng mabisang paggamit ng wika. Sa pag-aaral ng wika sa
kolehiyo, lalo na ng Pilipino, ang isang estudyante ay maaaring mangailangan pa ng pag-
aaral sa gramatika, ng pagsasanay sa pagbasa, ng pag-uukol ng pansin sa kahulugan,
pinagmulan at pag- unlad ng salita, o ng pagsasanay sa pagsasalita nang mahusay. Maaari
rin namang mapunta siya sa mga gawaing may kinalaman sa pamamahayag, pelikula,
panitikan o anumang pagsusulat at anumang angkop na paraan ang gamitin o bigyang-
diin dito, tiyak na may mga pagsulat na isasagawa kaugnay nito.
Bago sumulat ng sanaysay, kailangang matutong gumamit ng wika sa pagsulat ng
komposisyon. Ito ay isang pagsasanay sa pagsulat na naghahangad na maghatid ng
kaisipan at damdamin sa mambabasa. Ang komposisyon ay maaaring pagsasalaysay ng
mga pangyayari, paglalahad ng mga idea at kuru-kuro, paglalarawan, pagpapaliwanag ng
pamamaraan, pangangatwiran o panunuri sa anumang naranasan o nabasa. May mga
simulaing dapat sundin sa pagsulat nito. Samantala, bago tuluyang makasulat, kailangan
munang magkaroon ng paghahanda.
1.15.8Dalawang uri ng Komposisyon
Pormal. Ang pormal na komposisyon ay kaiba sa sulating pananaliksik sapagkat
ito'y isinusulat sa istilong popular at bagamat nababatay sa katotohanan ay hindi
sinasamahan ng mga pagdodokumento (talababa, bibliograpi, atb.) ang sanaysay na
nagbibigay ng kuru-kuro ay higit sa isang pinag-isipang akda kaysa isang artikulo ng
pananaliksik, kung gayo'y pinahihintulutan nito ang sariling pagpapakahulugan at
pagpapahayag sa pinapaksa.
Ang pormal na komposisyon ay higit na maayos at higit na nauukol sa
mahahalagang bagay o paksa. Maaaring maglaman ito ng mga sangkap ng talambuhay,
panunuri o kahit kinalabasan ng mga pakikipanayam. Karaniwan nang ginagamit ang
paglalahad bilang anyo ng pagpapahayag. Ang isang sumusulat ng komposisyong ay
kailangang magkaroon ng mga diwa o kaisipang alam niya, yaong mahalaga sa paglalahad
ng pinapaksa. Ang anumang diwa ay sadyang kawili-wili kung makabuluhang pag-
aksayahan ng panahon at pag-iisipan nang puspusan. Dapat matalos na upang lalong

Sanaysay at Debate
Page 22 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
maging kawili-wili ang komposisyonay kailangang makatipon ng mga materyal at dapat
na pag-aralan ng sumusulat, pahalagahan at isama sa sariling daloy ng kanyang isipan.

Impormal. Ang komposisyong impormal naman ay nagbibigay ng higit na pagkakataon sa


sumusulat upang malayang maipahayag ang sarili. Ito ay maaaring paglalahad na
personal, pamilyar o palagayan. Wala itong isang tiyak na pamamaraan ng pagpapahayag
na sinusunod. Ang himig na ito'y pangkaraniwang nakikipag-usap.
Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang
tao. karaniwang ang hindi maipahayag ng pasalita ay nagagawa ng pasulat. Isa rin itong
paraan upang mahasa at masanay sa pagiging kritikal ang isang tao. Ang mga materyal sa
pagsulat ay maaaring manggaling sa pagsusuri sa karanasan, sa mga pangyayari sa paligid,
sa pagbabasa, sa pakikinig o panunuod, at pakikipag-usap. Mahalagang masanay sa
pagsusuri ang isang estudyante sa kolehiyo. Mataas ang antas at malawak ang sinasakop
ng mga larangang kanyang pinag-aaralan. Kapag hindi siya sanay sa pagsusuri ay hindi
niya ganap na maiintindihan at mananatiling malabo at malawak sa kanya ang mga
larangang ito.
Isa sa mga paraan para masanay at mahasa ang estudyante sa pagsusuri ay ang
pagsulat ng komposisyon. Bago siya makagawa ng isang ulat na maagham at sulating
pananaliksik ay dapat muna niyang matutuhan ang mas simpl at pinakabatayan ng
pagsulat. Bago niya pag- aralan ang pagpapahayag ng mga ideyang sumasakop sa mataas
na antas ng karunungan ay dapat muna niyang pag-aralan ang pagpapahayag ng kanyang
sarili. Ito ay pinakamadali at pratikal na paraan ng pag-aaral - ang magsimula sa batayan
at mas simple tungo sa mas komplikado at mas mataas na antas ng karunungan. Ang
komposisyon ang masasabing batayan at pinakasimpleng paraan ng pagpapahayag na
pasulat.
Mahalagang bigyan pansin sa pagsulat ang wikang gagamitin. Ang wika ang
tanging instrument sa komunikasyon ng manunulat. Sa anong wika mas
makapagpapahayag ng sarili at ng kanyang mga ideya sa iba't ibang larangan ang isang
estudyanteng Pilipino? Gaya ng manunulat ng panitikang Pilipino, ang sumusulat ng isang
simpleng anyo tulad ng komposisyon ay mas makapagpapahayag ng karanasan, ng
kulturang iyon - sa wikang Pilipino. Sa wika ring ito lubos niyang masusuri at
maipapahayag ang mga kaisipan at ideyang sakop ng mataas na karunungan. Sa
pamamagitan din ng wikang ito malulubos ang kanyang edukasyon bilang Pilipino - na ang
pag-iisip, kilos at damdamin ay Pilipino at hindi banyaga.

Sanaysay at Debate
Page 23 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Sa pagsulat, hindi lamang ang layunin ang mahalaga. Maaaring hindi matamo ang
layuning masanay sa pasusuri kung hindi naman alam ang mga pamamaraan tungo sa
layuning ito. Paano maipadarama ng isang sumusulat ang kanyang mga tanging kaisipan,
paano maipakikilala ang tunay na katauhan kung salat naman sa kaalaman hinggil sa
pagsulat?
Ang pagsulat ng komposisyon ay isa ring sining na maituturing. Gaya ng ibang
sining, kinakailangan itong pag-aralan. At para lubos na masanay rito. Kailangang sumulat
nang sumulat hanggang sa mahasa sa larangang ito.

1.16 MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SANAYSAY


1.16.1 Pagpili ng Paksa
Maraming manunulat ang nawawalan na ng pag-asa kapag hindi nagustuhan ng

Sanaysay at Debate
Page 24 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
bumabasa ang kanilang sinusulat. Maaaring ang dahilan nito ay ang pagkakaroon ng di-
kawili- wiling paksa. Ang suliraning ito ay malulutas sa pamamagitang ng:
1. Pagpili ng paksang kawili-wili (sa sumusulat at bumabasa) na tumutukoy sa kaugnayan
sa mga kasalukuyang pangyayari; natatangi, tanyag o kilalang tao; napapanahong paksa -
maaaring bagong kaisipan o matandang kaalaman na may mahalagang bagay -
halimbawa'y ang mga bagay na may kinalaman sa buhay at ari- arian ng iba, at may
kaugnayan sa kabutihan ng bumabasa; tunggalian ng mga tao, tao at kalikasan at
pansariling tunggalian; at libangan at hilig;
2. Pagpili ng paksang nalalaman ng sumusulat - mga bagay na bunga ng pag-aaral, at
galing sa sariling karanasan at pagmamasid.
3. Pagpili ng paksang inaakalang kayang gawin - kailangang piliin ang isang paksang
inaakalang kayang gawin - kailangang piliin ang isang paksang di-gaanong masaklaw
upang iyon ay makayanang gawin.

1.16.2Pagsusuri ng Paksa
Ang unang hakbang sa pagsulat ng komposisyon ay ang pagsusuri ng paksa.
Kailangang maintindihan kung ano ang layuning at saklaw nito. Kailangang magkaroon ng
isang layunin na hindi lamang dahil sa pagtupad ng isang takdang gawain kundi sapagkat
walang masasabing mabuting sinulat na walang layunin. Mahalaga rin na ang paksang
pipiliin ay hindi gaanong masaklaw upang makapag-ukol ng sapat na panahon sa mga
detalye nito at makapagdulot ng kawilihan sa mga bumabasa. Halimbawa, ang paksang,
"Wika", "Edukasyon” o kaya'y "Panitikan" ay lubhang malalawak at ang manunulat ay
makagagawa ng ilang hindi tiyak at malalawak na pahayag tungkol dito. Ang mga paksang
gaya nito ay maisusulat nang matagumpay sa pamamagitan ng mga tiyak na paksang gaya
ng sumusunod: "Wikang Panturo sa UP”, Edukasyon sa Primarya sa Pilipinas” o kaya'y
“Panitikang Iloko".
Sa pagtiyak ng layunin, magtala ng mga bagay na maaaring magamit sa
komposisyon: ito ay mahalaga upang makapagbigay ng malawak na pananaw at
pagmumungkahi sa patutunguhan ng sinusulat at kung anong mga bagay ang dapat isama
o hindi.
Suriin ang paksang napili upang malaman kung paano ito maisusulat nang mabisa.
Ang bawat komposisyon ay nagsisilbing paraan ng pagpapaabot ng kaisipan at damdamin
sa iba. May mga paksang nailalahad sa parang balintuna o kaya'y nakatatawa. Mayroon

Sanaysay at Debate
Page 25 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
namang sa pamamagitan ng pagsasalaysay, paglalarawan, paghahalintulad, pagtulad o
pagwawangis.
Kailangang tanungin ang sarili:
1. Ano ang mga natatanging katangian ng aking paksa?
2. Sa anong uri ng mambabasa ko ito inuukol?
3. Paano ko maipahahayag nang mabisa at kawili-wili sa mambabasa ang aking layunin?

1.16.3 Nilalaman
Matapos makapamili ng paksa, ang susunod na suliranin ay ang nilalaman.
Kinakailangan may sasabihin bago makasulat nang mabisa. Ang kakulangan ng layunin,
kakulangan ng kawilihan, at kalabuan ay bunga ng kakulangan ng sapat na nilalaman.
Maraming mag-aaral ang nag-aakalang ang kanilang mga kaisipan at karanasan ay
hindi makabuluhan o kawili-wili. Ang mga iba nama'y nagmamababang-loob kaya't
iniiwasan nilang mabanggit ang tungkol sa kanilang sariling karanasan. Sa katunayan, ang
sariling karanasan ay higit na sariwa at kawili-wili para sa sumusulat, kaya't maaaring ito
ang pinakamabisan maipahahatid sa mga mambabasa. Kung bisa ang pag-uuasapan, wala
nang higit na mabisa kundi ang sariling karanasan.
Sa pamamagitan ng karanasan, naiipon ang maraming karunungan at kaalamang
maaaring ipatalos sa iba. Ang karanasan ay siyang lalong magaling na guro ng lahat.
Ngunit dapat tantuing ang karanasan ng tao ay hindi iyong mga nangyayari sa kanya kundi
iyong ginagawa niya sa mga nangyayari sa kanya upang mapanagumpayan at malutas ang
kanyang mga suliranin. Ang mga natutuhan sa pamamagitan ng karanasan ay mahalagang
panlaman sa pahayag.
Ang isang marunong na mag-aaral ay maaaring makapagdulot ng kaaliwan at
kaalaman sa mga mambabasa sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga lathala at aklat na
sinulat ng mga dalubhasa at may karanasan hinggil sa paksa. Sa pakikipanayam at
pagbabasa maaaring makakuha at matipon ng nag-aaral ang magagamit niyang panlaman
sa kanyang mga pahayag.
Maaari ring makakuha ng nilalaman sa mga radyo, sine, telebisyon, o mga dula.
Bagamat
hindi karaniwang binabasa, ang mga ito ay naglalaman ng karanasan at pag-iisip ng ibang
tao, at sa gayon mainam na pagkunan ng nilalaman.
Ang mga akda ng isang tao ay bahagi ng kanyang sarili. Ang mga ito ay kailangang

Sanaysay at Debate
Page 26 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
maging salamin ng kanyang pagkatao. Bayaang ang sariling paraan ng pag-iisip at paggawa
ng mga bagay ang magbigay ng bagong anyo at kasariwaan sa sinusulat. Ipahayag sa
sariling pangungusap ang mga kaisipang galing sa karanasan ng iba, maliban kung
tuwirang sumisipi ng pahayag at nararapat na banggitin ang pinaghanguan nito. Iwasan
ang pag-angkin sa kaisipan at pananalita ng iba.

1.16.3 Pamagat
Ang bawat komposisyon ay kailangang magkaroon ng pamagat na nagpapahiwatig
ng mga bagay na tatalakayin.
Ang salitang paksa ay higit na malawak sa sariling pamagat. Kung nagpapasulat
ang guro ng isang komposisyon tungkol sa "Sining sa Pilipinas”, ang itinakda niya ay isang
paksa at hindi pamagat. Ito ay kailangang gawing higit at tiyak na kawili-wili upang maging
pamagat, kailangang matuklasan kung ano ang paksang sinasaklaw nito. Ang
pinakamabuting pamagat ay nagsasaad ng paksang-diwa ng komposisyon, hindi paksa.
Hindi maisasamang lahat sa pamagat ang nilalaman ng paksang diwa subalit
kailangang magbigay ito ng kahit kaunting pahiwatig sa nilalaman ng paksang-diwa. Hindi
dapat maglagay ng pamagat na wala namang kaugnayan sa mga kaisipang isinusulat.
Ang isang piling pamagat ay nakatutulong nang malaki upang huwag malayo sa
paksa ang buong komposisyon. Subalit ang pamagat ay may isa pang mahalagang
tungkulin. Ang piling pamagat ay mabisang kasangkapan upang matawag ang pansin ng
mga bumabasa. Bigyan ang komposisyon ng isang magandang pamagat at natamo na ang
isang mahalagang hakbang upang maging mabisa ang komposisyon. Halimbawa, ang
pamagat na "Ang Pangangaso” ay hindi gaanong makatatawag ng pansin sa pagsasalaysay
tungkol sa isang karanasan sa gubat. Ang "Isang Araw sa Bundok ng Sierra Madre" ay higit
na makaaakit at makatutulong upang ipagpatuloy ng mga tao ang pagbasa sa
komposisyon.
Pagkatapos makapili ng pamagat, huwag isulat ang unang pangungusap ng
komposisyon na waring ang pamagat ay bahagi nito. Tunghayan sa ibaba ang isang
halimbawa ng pagkakamali sa paggawa ng komposisyon.

Ang Pilipino Bilang Wikang Panturo Sa Kolehiyo


Ito ay isa sa pinakamainit na paksa ng pagtatalo ngayon hindi lamang sa paaralan
kundi maging sa pamahalaan man. Kung ito ay mapagpapasiyahan...

Sanaysay at Debate
Page 27 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
1.16.3 Pagbabalangkas
Pagkatapos na masuri ang paksa, makakuha ng sapat na nilalaman, at marahil ay
makapili ng magandang pamagat, kailangang isaalang-alang din ang suliranin sa
pagsasaayos ng mga nilalaman. Mahalaga ang pagbabalangkas sa buong komposisyon.
Hindi kinakailangang maging detalyado ang balangkas; ito ay nagsisilbing gabay lamang
upang hindi malito ang sumusulat. Maaaring ring lumihis sa ginawang balangkas kung
kinakailangan.

Tatlong uri ng balangkas


1. Balangkas na paksa. Bawat bahagi ay binubuo ng salita o parirala na nagpapahayag ng
isang diwa o nilalaman ng isa o higit pang talata sa orihinal.
2. Balangkas na pangungusap. Bawat bahagi ay binubuo ng buong pangungusap na
nagpapahayag ng isang diwa o nilalaman ng isa o higit pang talata sa orihinal.
3. Balangkas na talata - Bawat bahagi ay binubuo ng paksang pangungusap na siyang
pinakadiwa ng buong talata.

1.16.4 Pagsisimula ng Komposisyon


Matapos makapangalap ng mga panlaman sa komposisyon at mabalangkas at
matiyak ang haba nito, ang susunod na suliranin ay ang pagsisimula ng pagsulat.
Ang komposisyon ay may simula, gitna o pinakakatawan at wakas. Huwag isipin
na ang katawan lamang ang pinakamahalagang bahagi ng isang komposisyon. Ang simula
at wakas nito ay may kaukulang halaga rin.
Sa pagsisimula, maging tiyak at malinaw. Hindi madaling gawin ito subalit kung
iisipin agad ang sasabihin, magagawang magsimula agad sa pamamagitan ng pagtukoy sa
pinakapuso ng paksa.
Ang simula ay maaari ring gumanap ng iba pang tungkulin. Maaari itong magamit
upang matawag ang pansin ng bumabasa at maging pamilyar sa paksa. Maaari nitong
ipaliwanag kung bakit ang paksa ay nakaaakit sa mambabasa o kung bakit maaaring
maiugnay sa buhay.

Halimbawa.
Paraan ng pagsisimula
1. Paggamit ng katanungan

Sanaysay at Debate
Page 28 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Ano ang kalayaan? Ito ba y nangangahulugang karapatang gawin ang lahat ng
kagustuhan, gaya ng pagkakaintindi ng marami?
2. Paggamit ng pangungusap na makatawag pansin
“ Wala kang matatakbuhan…wala kang mataguan…ni walang hibla ng mga damo.
3. Pagsasalaysay ng isang anekdota.
Noong 1985 nang ako’y pumunta sa Espanya, nakita ko ang isang dati kong
kliyente na sumama sa akin sa ibang pook ng Madrid. Isang araw, nag-usap kami at
ikinuwento niya sa akin ang kaniyang paglalakbay sa Pilipinas. Ayon sa kanya, nagpunta
na siya sa Puerto Santiago at nakita roon ang selda ni Rizal. Ipinagtapat ko sa kanya at
sinabi ko na noong umagang iyon ay dumalaw ako sa Palacio Real. Ipinagtapat niyang
hindi pa niya nakita iyon.
4. Paggamit ng isang tahas na personal na panawagan
Bawat tao ay may kani-kaniyang pilosopiya sa buhay, sa isip, sa salita at gawa- na
ginaganap niya nang di-namamalayan. Sa pagtataglay ng pinakamagaling, maaaring hindi
niya alam na mayroon siya nito, sa pagtataglay niya ng pinakamasama, maaari pa niyang
ipagmalaki pa ito. Bakit ko kayo ginagambala ngayon? Sapagkat mayroon akong
mahalagang pahatid na makatutulong sa ating pagtahak sa landas ng buhay.
5. Pagbibigay ng paliwanag tungkol sa paksa sa suliraning ibig talakayin.
Ang pagkabakla ay nanatili sa mahabang panahon sa ating bansa. Subalit
hanggang sa ngayon, ang pag-uusap tungkol ditto ay ipinapasyang hindi marapat. Ang
paksang ito ay nakakabagbag ng damdamin, kung kaya’t nagkakaroon ng malaking
pagkakamali sa pagpapakahulugan nito.
6. Pagsasaad ng paniniwala sa buhay at pananaw sa mga bagay.
Ang wika ay hindi lamang repleksyon ng kultura ito na mismo ang kultura.
Maraming hindi naniniwala sa ganitong opinion ngunit sa aking palagay, ang kalagayan ng
ating wika at kultura sa kasalukuyan ay malinaw na nagpapatunay na gayon nga.
7. Pagbibigay ng sanggunian na mahalaga upang maipakita ang pagkakaiba, pagbabago
o pag-unlad sa paksang tinatalakay.
Sa kanyang “ Tungo sa Isang Pambansang Panitikan,” binanggit ng mahusay na
kritikong Valerio Nofuente na ang panitikan at lipunan ay may lipunan ay may
simbiotikong relasyon. Kung kaya’t ang mga paksang tinatalakay sa repleksyon ng mga
pangyayari sa kapaligiran.
8. Pagbibigay ng isang paghahambing

Sanaysay at Debate
Page 29 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
“Ang mga makata noong unang panahon ay umaawit ng awit ng tagumpay;
tagumpay sa kaaway, tagumpay sa pag-ibig. Ang mga makatang isinilang nang makaraan
na ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ay naging katulad ni Job; makikipagbuno sila sa
anghel sa gitna ng karimlan, hindi nagtatagumpay, hindi nagagahis. Datapwat pamumula
ng langit sa Silangan, na mukha ng makata ay mababasa ang banaag ng liwanag ng
anghel.”
9. Pagbibigay ng isang panlahat na pahayag o simulain at ipakita kung paano ito
nauugnay sa paksang tinatalakay.
Likas na marahil sa ating mga Pilipino ang pagkamapamahiin. Ang mga pamahiin
o mga paniniwala sa mga espiritu ng mga Pilipino, hula, babala, o diyus-diyosan at kung
ano-ano pa, ay naging bahagi ng ating kultura mula pa noong kapanahunan ng ating mga
ninuno.

10. Paggamit ng Estadistika - maaaring tambilang o pasalitang kwantidad ang tukuyin


upang maging mabisa ang simula. Hal: 1.) Marami sa mga Pilipino ngayon ay walang
trabahong makatutustos ng sapat upang matugunan ang pangunahing pangangailangan
sa buhay. 2) 8 sa 10 sanggol na isinisilang bawat minuto ay babae. Ito ang ipinahayag sa
National Census noon pang 2000.
11. Naghahamong pangungusap hinahamon ang kakayahan ng babasa sa inihahaing
ideya. Hal. Kaya mo bang maging pangulo sa gulang na 30?
12. Paggamit ng tanong retorikal - Ito ay tanong na may nakalaan nang kasagutan – hal:
Ano ang kahulugan ng pag-ibig? Ito ay may apat na titik lamang na salita ngunit may
isang libong kahulugan.
13. Sipi - nagpapayaman ito ng kahulugan sa isang sanaysay.
Hal: "Ang salita ay sukatan ng iyong pagkatao"-Jose Rizal;
“Ang pamahalaan ay binubuo ng mga tao, para sa tao at aalang-alang sa tao" - John
F. Kennedy
14. Salawikain, Kawikaan, Kasabihan - nagpapahalaga ang mga ito sa mga mabubuting
paniniwala, kaugalian at tradisyon ng isang lipunan. Hal: "Kung maliit ang kumot,
matutong mamaluktot, hintayin itong lumapad saka ikaw ay umunat".

15. Bugtong, palaisipan at mga tugma - nagpapahiwatig ito ng pagkamalikhain ng


sumulat.
Hal: "Munti kang sinulid, abot hanggang langit" (mata)

Sanaysay at Debate
Page 30 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
1.16.5 Katawan ng Komposisyon
Napakahalaga ang maayos na pagkakasunod-sunod ng diwa sa pagbabago-bago
ng talata sa katawan ng isang sanaysay. Ito ay nagiging pangunahing pang-akit sa daloy
ng mga pangungusap. Napakahalaga, samakatwid, na magkaroon ng angkop na paglilipat
diwa bilang tulay sa maayos na sanaysay.

1.16.6 Paglilipat-diwa
Ang bawat pangungusap ay maaaring wasto, malinaw at mabisa subalit maaaring
hindi malinaw o hindi mabisa kapag pinagsama-sama sa isang talata. Maaaring ang
dahilan ay ang di- wastong paglilipat-diwa.
Ginagamit ang mga salita o pariralang pang-ugnay bilang kasangkapan sa
paglilipat- diwa. Ang mga pang-ugnay na ito ang tumutulong sa mga bumabasa upang
maintindihan ang wastong pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap upang bumuo ng
malinaw at mabisang talata. Narito ang talata ng mga pang-ugnay na magagamit sa:
1. Pagdaragdag
at, saka, pati, gayon din
2. Pagsasalungatan ng diwa
ngunit, subalit, datapwat, sa kabilang dako, bagaman, kahiman
3. Paghahambing
katulad, kawangis, paris, anaki'y, animo'y
4. Pagbubuod
sa madaling sabi, sa katapang sabi, sa madaling salita
5. Pagbibigay-halimbawa
halimbawa, sadyang ganoon, sadyang wanyan, sadyang ganito
6. Paglalahad ng kinalabasan o naging bunya
sa ganoon, kung ganoon, sa wakas, sa dakong huli
7. Sa paglipas ng panahon
di naglaon, noon, hanggang, habang, di kayinga-pinsa, samantala
Ang mahusay na komposisyon ay laging nagtataglay ng kakayahan sa
pagpapahayag ng magkakaugnay na kaisipan. Ang mga pang-ugnay na ginagamit sa
paglilipat-diwa ay isang kailanganin ng manunulat na naghahangad na mailipat-diwa ay
isang kailanganing ng manunulat na naghahangad na naghahangad na mailipat nang
ganap ang kanyang diwa sa mambabasa.

Sanaysay at Debate
Page 31 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Ang pangungusap ay mahalagang sangkap ngkomposisyon. Mahalaga ito para
makabuo ng mabisa at magkakaugnay na talata na kailangan sa isang magandang
komposisyon.
Hindi lamang ang kaugnayan ng isang pangungusap ang mahalaga kundi lalo na
ang kaugnayan ng bawat bahagi o salita sa isang pangungusap.
Ang pagbubuo ng pangungusap ay dapat ibatay sa ideyang pangungusap ay
ginagamit sa pagpapaunlad at pag-uugnay-ugnay ng kaisipan, Kayat sa pagsulat ng
pangungusap, dapat maging maingat sa pagpili ng salita, pagbabantas, kaayusan o
konstruksyon, at sa kaugnayan sa pinapaksa, sa mga pangungusap, o sa ideyang
sinusundan nito at sumusunod dito. Ang kaunting pagkakamali o paglilihis ay maaaring
mangahulugan ng di-kaganapan ng ideya hindi lamang sa mismong pangungusap.
Kapag natamo ang mga katangiang nabanggit, masasabing mabisa ang
pangungusap na ginawa at batay rito'y mabisa at magandang komposisyon ang
mangyayari.

1.16.7Pagwawakas ng komposisyon
Ang komposisyon ay dapat magtataglay ng mabisang wakas. Ang mahusay at
mabisang wakas ay matatamo sa pamamagitan ng mga pangungusap na bumubuod sa
paksa ng komposisyon, sa pamamagitan ng mga pangungusap na nagpapakita na ang
paksa ay may bago o praktikal na gamit o sa pamamagitan ng mga pangungusap na mag-
uugnay sa mga bagy na kasalukuyang kinalulugdan. Sa katunayan, maaaring maipagpalit
ang simula at ang wakas ng isang pinag-isipang komposisyon.
Ang mahalagang tandaan sa pagtatapos ng komposisyon ay ito kapag naipahayag
na ang lahat ng mahalagang bagay kaugnay ng paksa ay tapusin na ang sinusulat . May
mga sumusulat na para lamang mapahaba ang komposisyon ay dinadagdagan pa ang
ideya na kung minsan, ay wala namang kaugnay sa tinatalakay o kaya nama'y
nakapagpapagulo lamang sa daloy ng kaisipan. Ang mahalaga ay bigyan ito ng wakas na
mag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa-iyong kahit tapos na niyang basahin ay pag-
iisipan pa niya at bibigyan ng panahon suriin. Ang isang maikling komposisyon ay hindi na
nangangailangan ng isang pormal na pagwawakas, tama na ang isang pangungusap na
pabuod. Ang isang magulo at maligoy na wakas ay makasisira lamang sa nasabi na.
Paraan ng pagwawakas
1. Pagbibigay ng pinakabuod ng paksa
Ang manunulat ay mahalaga sa lipunan. Ang kahalagahan niya ay mababalikan sa

Sanaysay at Debate
Page 32 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
kasaysayan. Ang tungkuling ginagampanan niya ay isang bagay na hindi magagawa ng
ibang sektor ng lipunan. Kung pakalilimiin, tunay ngang higit na malakas ang pluma kaysa
espada.
2. Pag-iiwan ng isang katanungan o pagtatanong sa mambabasa
Sa kasaysayan ng ating bansa, at gayundin naman ng sa literaturang Pilipino, tayo'y
nasa mahalagang sagandaan: pakaliwa kaya o pakanan?
3. Paggawa ng isang panghuhula sa maaaring mangyari na may kaugnayan sa paksa.
Pinili ng lahat ng tao ang mabuti kaysa sa masama, ang tunay kaysa huwad, ang
makinis kaysa sa magaspang. Darating ang panahon na lilitaw ang mga taong
magkakaroon ng mga katangiang iyon at tutularan sila ng mga mamamayan. Sa gayo'y
iiwan ng mga mamamayan ang iba na parang payaso ng sirko.
4. Pagsariwa sa suliraning nabanggit sa simula
Sa Timog-Silangang Asya'y huli na tayo sa gawaing ito. Dito na tayo dapat
magpaliban pa ng panahon. Magpasiya tayo ngayon, o hindi na kinakailangan nating
makipagtunggali sa maliit na labang ito - at labanan ito ngayon - ikaw, ako, tayong lahat.
Kung ang nakararami sa kabataan sa ngayon ang desididong iwan at hiwalayan ang druga
sa buong buhay nila, ang salot ay tuluyang maglalaho.
5. Paggamit ng sipi
At bilang panghuling salita, hiramin natin ang mga pangungusap sa dalawang
tanyag na pilosopong sina Socrates at Plato; “Ang tao ay isang nilikhang di-nakapag-iisa,
kailangang nito ang kasama at iyan ay ang lipunan. Atang dalawang ito ay mahirap
paghiwalayin."

1.16.8 Dapat Tandaan Sa Pagsulat Ng Komposisyon


Kaisahan
Ang isang komposisyon ay hindi dapat pasukan ng mga bagay na walang
kabuluhan sa paksa. Kinakailangang lahat ng nilalaman ay mahalaga sa tinatalakay. Ang
walang kabuluhang simula at wakas ay lihis sa simulain ng kaisahan. Ang isang salaysay
na walang kaugnayan sa paksa subalit isinulat upang maisalaysay lamang ay labag din
sa mga simulain ng kaisahan.

Kaugnayan
Ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap at talata ay isang mahalagang
katangian paraan upang maging malinaw ang pagpapaabot ng kaisipan ng sumusulat sa

Sanaysay at Debate
Page 33 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
bumabasa. Ang buong komposisyon ay maitutulad sa isang kadena. Kung ang simusulat
ay may maiiwang kawing, malilito ang bumabasa sa kaugnayan ng mga kaisipang
napapaloob dito.
Sa isang maugnaying komposisyon, ang bawat talata ay dapat na sumisibol buhat
sa naunang talata, at ang bawat pangkat ng mga talata na nagsasaad ng isang bahagi ng
komposisyon ay dapat na maging kaugnay ng ibang pangkat ng mga talata. Sa wakas,
dapat na makita ngmambabasa na ang buong komposisyon ay bunga ng maayos na
pagsulat mula sa simula hanggang wakas, walang kalabuan at walang naiwang kaisipan
na dapat mapasama rito.
Kalinawan
Ang komposisyon ay kailangang maging wasto, malinaw at mabisa. Maaaring hindi
wasto o hindi mabisa ang isang pahayag subalit kung maiintindihan naman ng iba, natamo
na ang layunin sa pagsulat. Subalit maaari ring hindi wasto ang nilalaman ng isang
komposisyon at hindi pa rin malinaw sa bumabasa. Masasabi ring hindi maaaring maging
mabisa ang isang sulatin kung ito'y hindi malinaw.
Upang matamo ang kalinawan ng isang pahayag:
1. Bigyan ng katuturan ang mahalagang salitang maaaring sa iba ay hindi malinaw.
2. Gawing makatwiran ang bawat pahayag ang pangangatwiran ay nababatay sa
katotohanan. Sa gayon, kailangang iwasan ang mga pahayag na mapag-aalinlangan,
maliban kung nahahandang patunayan ang mga ito. Gawing malinaw ang mga kahulugan
sa pamamagitan ng pagbibigay ng katibayan batay sa katotohanan.

Dapat malaman na ang pangwakas na hangarin ng pagpapahayag ay ang


katotohanan. Kaya tayo nagsasalaysay, kahit sa pamamagitan ng mga panlibang na
maiikling katha at kathambuhay ay upang matularan ang katunayang maaaring
panggalingan ng pagkakaunawa sa katotohanan. Kaya tayo nakikipagtalo ay upang
mahikayat ang iba sa ating panig na pinaniniwalaan nating siyang may katotohanan.
Diin
Napakahalaga sa pagsulat ng sanaysay ang pagbibigay pokus sa isa lamang paksa.
Kung ang lahat ng mga pangungusap ay nakatutok lamang sa paglinang ng paksang napili,
nabibigyang diin ang paksa sa kabuuan ng komposisyon. Napakahalaga ang elementong
ito sa lahat ng uri ng sanaysay
Bisa

Sanaysay at Debate
Page 34 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Hindi lahat na mga pahayag na malinaw at wasto ay mabisa. Hindi dapat kalimutan
na upang maipahatid ang mga kaisipan ay kailangang maaakit muna ang mga bumabasa.
Ang isang mabuting sulatin ay tiyak. Sa madaling sabi, ang sulatin ay naglalaman ng
katotohanan o isang bagay na makatotohanan. Palaging mabisa ang isang pahayag kung
may tiyak na sagot mga katanungan, sino, kailan, ano, bakit, paano. Nagbibigay ito ng
tunay na damdamin at malinaw na larawan na inaasahan naman ng mambabasa.
Pananalita
Ang pananalita ay kapagyarihan o kakayahan makapili ng mga salitang
magpapahayag ng kuru-kuro at damdamin ayon sa kalinawan, bigat at kagandahan ng
pagpapahayag.
Ang pananalita, samakatuwid, ay may tatlong katangian: malinaw, upang
madaling maiintindihan; mabigat, upang madaling paniwalaan; at maganda, upang
kalugdan.
Ang isang pahayag ay malinaw kung ito'y binubuo ng mga salitang magkakaugnay,
kung ang bawat salita ay may tiyak na kahulugang hindi sukat mapagkakamalan, kung ang
mga ito'y may wastong bigkas kung pasalita at wastong baybay kung pasulat. Kailangan
natin ang kalinawan sa pagpapahayag sapagkat mawawalan ng saysay ang ating mga
pangungusap kung hindi tayo mauunawaan. Ang kahalagahan ng lahat ng pahayag ay
nasa pagkamadaliang-unawain ng ating sinasabi.
Sinasabing mabigat ang isang pahayag kung nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian.
1. Kung batay sa katotohanan at hindi mahuhulihan ng kabulaanan o kasinungalingan
pagkaraan ng ilang panahon. May mga pahayag na himig totoo, ngunit natutuklasang
walang batayan pagkatapos. Ang mga pahayag na pasukdol o eksaherado ay malimit na
walang batayang katotohanan.
2. Kung galing sa isang dalubhasa at hinggil sa pinagkakadalubhasaan. Ang nag-aaral ay
nagiging maladalubhasa rin kung iilagan ang pagpapahayag hinggil sa mga bagay na hindi
alam.
3. Kung pinagkakakilanlan ng katapatang loob ng nagpapahayag. Ang karangalan ay
madaling makilala sa may taglay na karangalan.

4. Kung nagpapahayag sa mga karanasan at pananampalataya ng tao. Ang pamumuna


ay hindi masama kung ang hangad, sa kabila ng puna, ay palabasin kung ano ang mabuti
at maayos.

Sanaysay at Debate
Page 35 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Hinihingi ng kagandahan sa pagpapahayag ang katutubong pagtutugunan ng
kahulugan at tunog ng salita, ang kaluwagan ng bigkas at kataliman o katayugan ng diwa.
Ang nakalulugod na pagsasama-sama at pagsusunud-sunod ng parirala at pangungusap
ay nagbibigay din ng kagandahan. Ang mga salitang maindayog, maharaya, matalinghaga
o matayutay ay tumutulong sa kagandahan ng pananalita.
Haba
Sa pagsulat, bigyan ng karampatang pansin ang habasa pagtalakay ng mga bagay
na mahalaga. Sa pagtiyak kung aling bahagi ang hahabaan at bibigyan ng diin, dapat na
magsilbing gabay ang layuninng isang sulatin at ang mambabasang pinag-uukulan nito.
Natatamo ang wastong kaayusan ng sulatin sa pamamagitan ng mabuting balangkas,
natatamo naman ang tamang haba sa pamamagitan ng maingat na pag-iisip at pagplano.
1.16.9 Anyo ng natapos na komposisyon
Hindi lamang ang sapat na nilalaman na naipahayag sa wastong paraan ang
kailangan sa isang komposisyon. Ang kalinisan nito ay isa sa mga bagay na nagpapatingkad
sa kagandahan ng isang komposisyon. Ang panlabas na kaanyuan ay nakatatawag ng
pansin.
1. Hindi dapat isiksik ang mga salitang hindi kasya sa gilid at bandang ibaba ng pahina.
2. Pag-aaralan at sundin ang paghahati ng salita.
3. Kailangang maingat ang pagkakasulat ng mga letra.
4. Hindi dapat gumamit ng panaklong sa pagbura ng isang salita. Guhitan na lamang ng
isang tuwid na linya ang salitang buburahin.
5. Gumamit ng panandang karet (ᶺ) upang isingit ang nakaligtaang salita.

Sanaysay at Debate
Page 36 of 36
Modyul

USMKCC-COL-F-050

You might also like