You are on page 1of 7

MGA ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

1.Banghay

- Ang banghay o outline ay tumutukoy sa m aayos at malinaw na pagkaksunod-


sunod ng mga pangyayari sa kwento o paksa.

Mayroong tatlong Bahagi ang isang banghay:

 Simula- dito nakasaad at makikita ang kilos,paglinang sa tao ,at maging ang
hadlang at suliranin.
 Gitna – tinatalakay dito ang masisidhing pangyayari na kakaharapin ng tauhan
na kailangan nitong pagtagumpayan.
 Wakas – ito ang pinakahuling Bahagi ng banghay at nakasaad dito ang magiging
resulta ng isang pangyayari.
Anu-ano ang mga elemento ng banghay?

a. Panimulang pangyayari
- dito pinapakita ang mga tauhan at tagpuan ng isang kwento.
Alamat ng Ampalaya
“ Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may
kanya-kanyang kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis,si Kamatis na may asim at malasutlang
kutis,si Luya na may anghang,si Labanos an sobra ang kaputian,Si Talong na
may lilang balat,luntiang pisngi ni Mustasa,si Singkamas na may kakaibang
lutong na taglay,si Sibuyas na may manipis na balat,at si Patola na may gaspang
na kaakit-akit.”
b. Pataas na aksyon
- dito pinapakita ang pagtindi o pagtaas ng kilos o galaw ng mga tauhan na
maaring humantong sa sukdulan.Ito ay nahahati sa dalawang bahagi,saglit
na kasiglahan at tunggalian,kung saan mayroong suliranin na lulutasin ang
isang tauhan.
“Subalit may isang gulay na umusbong na akakiba ang anyo,siya ay si
Ampalaya na may maputlang maputlang kulay.at ang kanyang lasang taglay
ay di maipaliwanag.
Araw-araw,walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang
itsura at lasa sa kpawa nitya gulay,at dahil dito ay nagbalak siya ng masama
sa kapwa niyang mga gulay”

c. Kasukdulan
- pinapakita sa bahaging ito ang mataas na bahagi ng kapanabikan na
maaring dulot ng damdamin o pangyayring maaksyon sa buhay ng
tauhan.

”Nang sumapit na ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng


magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.
Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin
ngayon ay punagkakaguluhan.Ngunit walang lihim na hindi a nbubunyag
nagtipon-tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.”
d. Pababang aksyon
- Sa bahaging ito makikita ang paunti-unting paglinaw ng mga pangyayari.
Ito ang hudyat nang pagbaba ng aksyon na nagbibigay daan sa nalalpit
na pagtatapos ng kwento.

“Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba,at


laikng gulat nila ng Makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga
katangian na kanilang taglay,nanlaki ang kanilang mga mata ng
tumambad sa kanila si Amapalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng
lupain,isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalaya.Dahil dito
angalit ang diwata at lahat ng magagndang katangian na kinuha sa kapwa
mga gulay”.
e. Wakas at Katapusan
- Nakalahad dito ang kahihinatnan ng mga tauhan batay sa mga
pangyayaring naganap.
“ Laking tuwa ni Ampalaya dahil iniisp niya na iyon lamang pala ang
kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ng ilang sandali
ay nag-iba ang kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at
kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang kaatawan maging ang mga
ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hidi magandang panlasa sa
kanya at pait ang idinulot nito,at ang kanyang kulay ay nagging madilim.”

2. Paningin

-pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento

,Mga uri ng paningin:


A. Paningin sa unang panauhan- ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga
tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan ng unang
panauhang “ako”

B. Paningin sa pangatlong panauhan- ang nagkukwento ay gumagamit ng


pangatlong panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa
kwento.Ang nagsasalaysay ay maaring pumasok sa isipan at damdamin ng
mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o
nadarama.Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang kilos ng mga
tauhan.Nasasabi ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o itago
ang nais niyang itago.

Halimbawa:
“Alsado”
Ni Reynaldo A. Duque
Namimintak na ang bukang- liwayway. Hindi pa nahahawi ang makpal na
dagim ma makatalukbong sa paligid.Malagablab ang ginantsilyong apoy
ng siga sa harap ng dap-ayan. Hindi pa nakatilaok nang tatlong ulit ang
mga labuyo nang madaling-araw na iyon ngunit gising ang lahat ang
halos lahat na mga tafga- Baugen. Matatandang lalaki. Matatandang
babae. Mga bata. Ang kabataan. Para silang mga guyam na sunod;sunod
na nagtungo sa dap-ayan.

C. Tinakdaang obhetibong paningin- ang pananaw ay limitado sa isa lamang


tauhan sa kwento.Maaring ang pangunahing tauhan o di kaya’y alinman sa
mga katulong na tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay.
Halimbawa:
Naguumapaw ang kasiyahan na mayroon sa aking puso sa araw ng
aking pagtatapos.pagtatapos na matagal kong inaasam sa aking
buhay.Higit kaninuman,walang papantay sa kagalakang ngayo’y
nararamadaman ng aking minamahal na ina. Sa wakas ay masusuklian ko
na ang pawis at dugo na kanyang inialay mabigyan lamang ako ng
edukasyon.Alam kong lubod niya akong pianagmamalaki.

D. Obhetibong paningin o paninging palayon- ang tagapasalasay ay


nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat
nakikita at naririnig.Ang tagapagsalaysay ay hindi nakakpasok sa isipan ng
tauhan at hindi rin nakapagbibigay puna o paliwanag.Tumatayong
tagapanood lamang siyakakpasok sa isipan ng tauhan at hindi rin
nakapagbibigay puna o paliwanag.Tumatayong tagapanood lamang siya ng
mga pangyayari sa kwento. Nakikita niya ang ginagawang mga
tauhan,naririnig ang mga sinasabi nila,ngunit hindi niya tuwirang masasabi
ang kanilang iniisip o nadarama.

Halimbawa:
“ Ang Nara,ang Bagyo at ang Alaala”
Ni A. Sanchez Encarnacion
Pinulot ni Victor ang naligaw na dahoon ng nara na nilipad sa pasamano
ng bintana,at hindi niya nauunawan kung bakit dahan-dahan niya itong
inilagay sa lukong ng malambot na palad.

E. Paninging panarili- isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy


ng kamalayan o “ stream of consciousness”. Sumusulong ang kwento sa
pamamagitan ng paglalahad ng may akda na ang isipan at damdamin ay
naayon sa damdamin at kaispan ng isang tauhan lamang.Isinasalaysay ang
kwento sa,ngunit hindi niya tuwirang masasabi ang kanilang iniisip o
nadarama.
Halimbawa:
“Suyuan sa tubigan”
Sumisilip pa lamang ang araw nang kami’y lumusong as landas na
patungo sa tubigan ni ka Teryo. Nakasabay naming si Ka Teryo.Nakasabay
namin si Ka Albina,na kasama ang dalaga niyang si Nati at ang kanyang
pamangking si Pilang. Ag tatlo’y may sunong na mga matong na
kasangkapan at pagkain.

F. Paninging laguman- paggamit ng paninging panarili at palayon sa kwento.


Sa pamamagitan ng paningin na ito malawak ang kalayyan ng awtor sa
pagsasalaysay,bagaman hindi rin sya dapat pumasok sa katauhan ng isang
tauhan maliban sa pangunahing tauhan.

3. Suliranin

- mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento . Ito ang nagbibigay


daan upang magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento. Dito
makkita kung paano kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa suliraning
kinakaharap.

4. Paksang-diwa o tema
- tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentral na ideya ng kwento
na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat ihayag sa sisang salita o
parirala lamang kundi sabihin ito sa isang buong pangungusap.

Halimbawa: “ ang pagsama ng isang tao”

- Kundi ihayag ang buong pangungsap ng ganito


“kung minsan,ang pagsama ng isang tao ay dala ng mapapait
nyang karanasan sa buhay”

5. Himig (mood)

-ito’y tumutukoy sa kulay ng damdamin . Maaring mapanudyo ,mapagtawa at


ibang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin.

Inihanda ni :

Lauren Cay Ducante

BSEd 2-2 Filipino

You might also like