You are on page 1of 5

ARALIN 2

PAGMAMAHAL SA KAPWA

Pagtuklas
Basahin at isaulo ang mga sumusunod na tula tungkol sa dakilang pag-ibig.

P- pagmamahal sa’yo abot hanggang langit

A- aalagaan ka kung ika;y maysakit

G- gagabayan kita sa lahat ng saglit’

I- Iibigin kita ng walang kapalit

B- Bibigyan ng dangal habang nabubuhay

I- Ilalayo kita sa kapahamakan

G- gagawin ang lahat sumaya ka lamang

Ganyan ang PAG-IBIG;

PAG-IBIG

na walang hanggan.

Ang Mabuting Samaritano


Isang lalaki ang patungo sa Jerusalem. Habang naglalakbay, siya ay binugbog ng mga magnanakaw. Kinuha
ang lahat ng gamit at damit niya. Pagkatapos, iniwan siya na duguan at walang malay sa kalsada.

May dumaang isang pari. Nakita niya ang nakahigang lalaki. Nagmamadali
siyang lumakad palayo dito.

May dumating na isang levita. Nang makita niya ang lalaking walang malay, agad rin siyang umalis.

Pagkalipas ng ilang sandali, isang Samaritano ang dumaan. Nakita niya


ang lalaki at naawa siya dito. Nilagyan niya ng langis at binalutan ang
mga sugat nito. Dinala niya ang lalaki sa isang bahay. Binayaran niya ang
may-ari ng bahay upang alagaan ang lalaki.

Bago umalis ang Samaritano, sinabi niya sa may-ari ng bahay, “ Kung


magkano pa ang magagastos mo sa pagpapagamot sa kanya, babayaran
kita pagbalik ko. Huwag mo siyang pababayaan.”

Sino sa tatlong taong nakakita sa lalaking sugatan ang totoong may pagmamahal sa kapwa? Bakit?

Isaisip
Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang tamang sagot sa sumusunod na
patlang.

1. Ano ang nangyari sa lalaking patungo sa Jerusalem?


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. Ano ang ginawa ng pari nang Makita niya ang lalaking nabugbog at duguan?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

3. Ano ang ginawa ng Levitav nang Makita niya ang lalaking maraming sugat sa katawan?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
4. Ano ang ginawa ng Samaritano nang Makita niya nag kawawang lalaki sa kalsada?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

5. Kung ikaw ang nakakita sa sugatang lalaki sa kalsada, ano ang gagawin mo?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Isagawa

Ang pagmamahal sa kapwa ay hindi lamang sa salita kundi maging sagawa. Ang totoong
pagmamahal ay paggawa ng mabuti sa kapwa na hindi umaasa sa anumang kapalit.

Tingnan mabuti ang mga larawan sa unang hanay. Isulat sa kahon ang maaari mong gawing upang
maipakita ang iyong pagmamahal sa kapwa.
Isabuhay

Ang sarap ng pakiramdam ng nakakatulong sa kapwa. Itala sa ibaba ang iba’t ibang gawain na
maaari mong gawin para makatulong sa iyong kapwa.
Kapitbahay Magulang

Kaibigan Ibang tao

You might also like