You are on page 1of 37

Saknong 126 135

Learner Centered Learning Environment

Modyul Para sa Ikalawang Taon Filipino 2

Inihanda ni Bb. Ana Ria B. Aguilar

Si Dem ay isang binatang nagtatrabaho sa umaga at estudyante naman

sa gabi. Habang pauwi at naglalakad, nakakita siya ng grupo ng mga
kabataan na pilit na kinakaladkad ang isang babae upang
pagsamantalahan.Dahil dis oras na ng gabi, wala nang ibang taong nakapansin
at siya na lamang ang maaaring tumulong. Dahil delikado ang kanyang
susuunging pagtulong, nagdadalawang isip siya kung tutulungan niya ang babae
o pababayaan na lamang niya ito. Kung ikaw si Dem, ano ang iyong gagawin?

Alin sa mga sumusunod ang gagawin mo bilang si Dem? Bilugan

ang mapipiling gawain. Kung may maiisip pang ibang suhestyon,
isulat ito sa espasyong nakatakda para rito.

Magkukunwari na
lamang akong walang
nakita
Iba pang
suhestiyon:
______________
______________
______________
____________

Mga Mungkahi sa pagtulong

Tutulong ka sa
pamamagitan ng
pagsugod

Tatawag ng
tulong o pulis

Mga Pangtulong na Katanungan

1. Bakit mo pinili ang gawaing iyon para kay Dem?
____________________________________________________
2. Bakit iyon ang napili mong kasagutan?
____________________________________________________
3. Paano mo masasabing ang iyong napiling kasagutan ang higit na
makakatulong ? Ipaliwanag.
____________________________________________________
4. Pagkatapos makapagmuni muni sa iyong kasagutan, ipagpapatuloy
mo pa ba ang iyong napiling pagtulong? Bakit?
____________________________________________________
5. Anu ano ang mga dahilan kung bakit madalas o ayaw tumulong ang
isang nakasaksi sa isang krimen ?
___________________________________________________

Ngayon,kumuha ka ng iyong ka-partner at

ikumpara ang iyong mga kasagutan.
Pagkatapos ng iyong pagbabahaginan, sagutin
ang mga sumusunod .

1. Pareho ba kayo ng napiling kasagutan?

_________________________________________
2. Pagkatapos malaman ang kasagutan ng iyong kapartner, may tiwala ka pa ba sa iyong napiling
kasagutan? OO o HINDI?
_________________________________________
_______________________________________
3. Ano sa tingin mo ang dapat gawin upang malaman ang
pinakamainam o epektibong pamamaraan ng
pagtulong?
_________________________________________
_______________________________________

Pag - uugnay
Ang ginawa ni Aladin sa pagliligtas kay Florante ay isang dakilang
gawain.Maging ang huli ang kanyang kaaway. Sa ating Banal na
Bibliya, marami ring pangyayari na nagpapamalas ng taos-pusong
pagtulong sa kapwa. Isa rito ang kwento ng Mabuting Samaritano.
Naaalala mo pa ba? Tunghayan mo ang kwento.

I-click ang larawan

upang mabasa ang
kwento ng
Ang Mabuting
Samaritano.

Ang Mabuting
Samaritano

May eskribang lumapit kay Jesus upang siyay

subukin. Guro, aniya, Ano ang dapat kong
gawin upang makamit ang buhay na walang
hanggan? Sumagot si Jesus, Ano ang
nababasa mo roon? Tumugon siya, Ibigin
mo ang Panginoon mong Diyos nang buong
puso,nang buong kaluluwa nang buong lakas,at
nang buong pag iisip at Ibigin mo ang iyong
kapwa gaya ng iyong sarili. Tama ang sagot
mo, wika ni Jesus. Gawin mo iyan at
mabubuhay ka.
Sa hangad ng eskriba na huwag
siyang lumabas na kahiya-hiya, tinanong niya
uli si Jesus,Sino naman ang aking kapwa?
Sumagot si Jesus: May isang taong
naglalakbay buhat sa Jerusalem,patungong
Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan,kinuha
pati damit sa katawan, binugbog at halos
patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon
ang isang saserdote at pagkakita sa taong
nakahandusay, siyay lumihis at nagpatuloy
ngkanyang lakad.

Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na

naparaan doon. Nakita niya ang hinarang at
siyay nahabag. Lumapit siya, binusan ng langis
at alak ang mga sugat at tinalian. Saka
isinakay ang tao sa kanyang sinakyang
hayop,dinala sa bahay-panunuluyan at
inalagaan doon. Kinabukasan,dumukot siya ng
dalawang denaryo, ibinigay sa may ari ng
bahay panunuluyan at sinabi. Alagaan mo
siya, at kung magkano man ang kakulangan
niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.
Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng
kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng
mga tulisan? tanong ni Jesus. Ang nagpakita
ng habag sa kanya, tugon ng eskriba. Sinabi
sa kanya ni Jesus, Humayo kat gayon din ang
gawin mo.

Ngayon natunghayan ninyo ang kwento

ng Mabuting Samaritano Tunghayan
naman natin ang saknong 126 135.
Alamin ninyo sa araling ito kung may
pagkakahawig ang inyong naunang
binasa sa mga saknong. Basahin at
unawaing mabuti ang mga saknong at
humanda sa talakayan

126
Sa tinaghuy taghoy
na kasindak- sindak,
gereroy hindi na
napigil ang habag;
Tinunton ang boses at
siyang hinanap,
Patalim ang siyang
nagbukas ng landas.

127
Dawag na masinsiy
naglagi lagitik
Sa dagok ng lubhang
matalis na kalis,
Moroy di tumugot
hanggang di nasapit
Ang binubukalan ng
maraming tangis

128
Anyong pantay
mata ang lagay ng
araw
Niyong pagkatungo
sa kalulunuran;
Siyang pagkataos sa
kinalalagyan
Nitong nagagapos na
kahambal hambal.

129
Nang malapit siyat
abutin ang sulyap
Ang sa pagkataliy
linigid ng hirap,
Nawalan ng diwat
luhay lumagaslas,
Katawan at pusoy
nagapos
ng habag.

130
Malaong natigil na
di nakakibo,
Hiningay hinabol
na ibig lumayo;
Matutulog disin
sa habag ang dugo,
Kundangan nagbangis
leong nangagtayo.

131
Naakay ng gutom at
gawing manila,
Nag uli sa ganid at
nawalang awa;
Handa na ang ngipint
kukong bagong hasa
At pagsasabayan ang
gapos ng iwa.

132
Tanang balahiboy
pinapangalisag,
Nanindig ang buntot na
nakagugulat;
Sa bangis ng anyo at
nginasab ngasab,
Puryang nangangalit ang
siyang katulad.

133
Nagtaas ng kamay at
nangakaakma
Sa katawang gapos ang
kukong pansira;
Nang darakmain nay
siyang pagsagasa
Niyong bagong Marteng
lumitas sa lupa.

134
Inusig ng taga ang
dalawang leon,
Si Apolo mandin sa
Serpyente Piton;
Walang bigong kilos
na di nababaon
Ang lubhang bayaning
tabak na pamutol.

135
Kung ipamilantik ang
kanang pamatay
At saka isalag ang pag
adyang kamay,
Maliliksing leon ay
nangalilinlang,
Kaya di nalaoy
nangagumong bangkay.

Pinatunayan nina Aladin at ng

Samaritano na kahit sinuman ay dapat
tulungan sa panahon ng paghihirap
maging iba man ang iyong relihiyon o iba
ang iyong kulay.

Ngayong, nabasa mo na ang

tungkol sa Mabuting
Samaritano, Gusto kong
sagutin mo ang mga sumusunod
na katanungan.

1.Bakit ito pinamagatang Mabuting Samaritano?

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Paano siya tumulong sa kanyang kapwa?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
3. Sa paanong paraan nahahawig ang kanyang buhay kay Aladin?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

4. Pagkatapos sagutin ang mga tanong, sumulat ka ng maikling sanaysay ng iyong

naging karanasan sa pagtulong sa kapwa.

TALASALITAAN
Alam mo ba na may mga salita tayong nakukuha ang kahulugan batay
sa taglay nitong tunog. Ang mga tunog na ito ay nagbabadya ng
kahulugan ng salita. Tinatawag ang mga tunog na ito na

?
?

?
Onomatopeia
?

Hal.

Tiktak ng orasan

Ang kahulugan ng tiktak

ay tunog na nalilikha ng
tumitik
tik na orasan.

Ngayon,bigyang-kahulugan mo ang mga salitang may

salungguhit sa parirala. Isulat sa ibaba ng bawat
bilang ng iyong kasagutan.

1. Naglalagi lagitik na mga dawag - ________________

2. Tinaghuy taghoy sa pag iyak - ________________
3. Nginasab ngasab na pagkain - __________________
4. Kahambal hambal na gawain - __________________

4.

PANUTO: Malinaw na ba sa iyo ang onomatopeia? Ngayon, subukin natin

kung nauunawaan mo ang mga saknong. Sagutin ang bawat tanong sa loob
ng isang pangungusap.
1.Sino ang Apolong binanggit na naglitas kay Florante? Bakit tinawag
rin siyang bagong Marte?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Paano iniligtas ni Aladin ang kaawa awang binata? Ilarawan ang
pakikipaglaban niya sa dalawang leon.
______________________________________________________
______________________________________________________
3.Ibigay ang isinasagisag ng mga leon sa tula.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
4.Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Aladin, ipagtatanggol mo rin ba
ang yong kaaway na nasa bingit ng kamatayan? Bakit?
______________________________________________________
______________________________________________________

A. Indibidwal na Gawain:
Bilang isang mag aaral na mulat na sa mga pangangailangan ang inyong
Kapwa sa paligid, anu ano kaya ang iyong maitutulong sa kanila? Punan
ang tsart sa ibaba.

Mga Tutulungan
1.Mga Kabataang Di
Nakapag aral
2. Mga Pulubi
3. Mga Kabataang
Biktima ng
Ipinagbabawal na
Gamot

Paano Mo Matutulungan

Napakaraming paraan ang

magagawa natin upang
makatulong sa kapwa at ito
ay naitala mo sa Gawain A.
Ngayon naman ay pag
usapan ninyo sa pangkat
kung paano ninyo hahatiin
ang pie chart sa ibaba ayon
sa bahagdan batay sa
mga taong tutulungan.
Pagkatapos mong itala sa
loob ng pie chart ang
bahagdang ibibigay na
napagkasunduan ng pangkat,
isulat sa ibaba ang grap
ang inyong mga kadahilanan.
Mga Tutulungan:
Kaibigan
Kapatid
Magulang
Iba pa

Pangkatang Gawain:

Gawain: Tingnang mabuti ang larawan at

isulat sa thought bubble ang eksenang
nagaganap sa larawan.

Pangkatang Gawain:
Ngayon magpangkat sa anim. Alam ba ninyo na lahat tayo ay
maaaring maging bayani? Magagawa ninyo ito kahit sa munting
paraan lamang. Pag usapan ninyo kung paano ang bawat isa sa
inyo ay magiging bayani at pag asa ng bayan. Itala ang mga
kasagutan sa dayagram sa ibaba.

Suriin ang caricature sa ibaba. Sa ilalim

nito, sumulat ng isang maikling editoryal
ukol dito.

________________________________________________________

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay hango sa mga
binasang saknong at MALI kung hindi.

1.

Nang makita ni Aladin ang kinalalagyan

ni Florante, nakaramdam siya ng awa.
TAMA

2.

MALI

Dahil sa taglay na tapang at lakas ni

Aladin, napatay niya ang dalawang leon.
TAMA
MALI

3. Sinabi ni Florante na di niya kailangan ang

habag ni Aladin.
TAMA

MALI

4. Hindi nakatiis ang Moro na nakikinig sa

hinagpis ni Flerida kaya hinanap niya ito.
TAMA
MALI
5. Naipakita ni Aladin ang kanyang taus
pusong pagtulong kay Florante
TAMA
MALI

Naku, Mali ka!!! Pag igihin

sa susunod na katanungan .

Naku! Basahin muli ang

saknong at suriin kung
bakit mali ang sagot mo !!!

Naku, Mali ang sagot Mo! Siguro

nagmamadali kang sumagot. Ayan
tuloy.Sa susunod basahin at
intindihin muna nang mabuti!

Wow Tama ang iyong sagot.

Sige nga, tingnan natin sa
susunod na pagsasanay kung
talagang nag aral ka!

Susunod na Katanungan

May TAMA ka sa
pagsasanay na ito!

Susunod na Katanungan

Bilib na ako sa iyo.

TAMA na
naman ang sagot mo!

Susunod na Katanungan

Bilib na ako sa iyo.

TAMA na
naman ang sagot mo!

Susunod na Katanungan

Mahusay! Tapos na ang

pagsusulit!

Susunod na Gagawin

Indibidwal na Gawain: Naunawaan mo ba ang

aralin? Subukin mong punan ang bawat bilog sa
hinihinging detalye. Isagawa ito sa pamamagitan
ng caterpillar technique

Gawain: Sumulat ng isang maikling sanaysay na naglalahad ng pagtulong sa kapwa.

Maaaring ibahagi ninyo ang inyong mga karanasan hinggil sa paksang ito.

Pagtulong sa Kapwa
______________________________________________

Kriterya

Nilalaman

Organisasyon
Maayos at
magkakaugnay
ang mga talata

Wastong gamit
ng mga bantas
at baybay

Kabuuan

Mahusay

Ang ideya,
halimbawa at kuru
kuro ay naaayon at
akmang akma sa
paksa
(12 15)

Kasiya siya

Ang mga ideya ay

akma sa paksa
(8 11)

Nagsisimula

Kaunti lamang na mga

ideya ang naibigay
(1 7)

Napakahusay at
maayos ang
pagkakaugnay ugnay ng mga talata
( 8 10 )

Mahusay at maayos
ang pagkakaugnay ugnay ng mga talata
( 4 7 )

May mga talatang hindi

magkakaugnay ugnay at
di maintindihan ayon sa
daloy ng pagpapahayag
( 1 3 )

Nagamit nang wasto

ang lahat ng bantas
at baybay ayon sa
pagkakapahayag
( 4 5 )

Nagamit nang wasto

ang ilang mga
bantas at baybay
ayon sa
pagkakapahayag
( 2 3 )

May mga salitang di

wasto ang pagkakagamit
ng baybay at bantas (1)

Marka ng
Mag
aaral
30 %

Marka ng
Guro
70%

Maraming Salamat sa
inyong kooperasyon!
Naway marami
kayong natutunan!!!

Hanggang sa susunod na pagkikita!!!

You might also like