May mga taong dahil sa pagkalulong sa bisyo ay halos isugal na pati
kaluluwa. Masahol pa rito, minsan hindi lamang sarili ang nasisira kundi pati ang mga mahal sa buhay ay naaapektuhan. Sa tsart, magtala ng uri ng bisyong nasaksihan, nabasa, napanood o narinig sa kasalukuyan. Ilagay ang suliraning nalikha nito. Ilahad din kung paano ito nalutas. At kung hindi man ito nalutas, magsulat ng mungkahing solusyon. Tumingin ka lang sa iyong paligid, tiyak mayroon kang makikita. Makinig ka lang sa radyo o magbasa sa dyaryo,mayroon kang mababalitaan. Simulan mo nang maging mapagmasid!
Bisyong Suliraning Paano Nalutas/ Mungkahing
kinasangkutan Nalikha Solusyon 1.
2.
3. Pangalan :_______________________________ Marka:____________ Kurso/Seksyon:__________________________ Petsa: ____________
B. Para sa “Lupang Tinubuan”
Malimit nating naririnig sa mga taong nangibang-bayan ang mga
katagang ito, “ wala nang mas sasarap pa sa kung ika’y mamumuhay sa sariling bayan.” Bakit kaya? Pagkakataon mo na ngayon na marinig mismo sa bibig nila kung talagang totoo ang mga pahayag na ito. 1. Magpanayam sa isang (1 ) OFW na naghanapbuhay sa dayuhang bayan. Itanong sa kanila ang sumusunod:
A. Bakit siya nagtrabaho sa ibang bayan?
B. Kung mabibigyan ng pagkakataon na may magandang oportunidad na iaaalay ang pamahalaan dito sa sariling bansa, aalis pa ba siya? Bakit? C. Ano ang kaniyang pananaw o damdamin sa pahayag na “Wala nang mas sasarap pa sa kung ika’y namumuhay sa sariling bayan”.? Bakit? 2.Gawan ng isang ulat –panulat ang nakalap sa ginawang panayam sa isang malikhaing pamamaraan.
Pangalan :_______________________________ Marka:____________
Batay sa binasa at sinuring akda, nagkaroon ng suliranin ang pamilyang nabanggit. Sa kasalukuyan, marami ring pamilya ang nakararanas ng samu’t saring problema. Ano- ano kaya ang mga ito? Iyon ngayon ang gagawin mo. Magsaliksik ka ng suliraning kinaharap ng anak, ng asawang lalaki, ng asawang babae, ng mismong mag-asawa na sa kasalukuyan ay kani- kanilang hinahanapan ng solusyon.Pagkatapos, maghanap ng legal na pamamaraan upang matulungan ang mga ito na mabigyan ng solusyon ang naturang suliranin. Itala sa tsart ang mga nakalap na impormasyon. Solusyon sa Suliraning Pampamilya Suliraning Legal na Solusyon/ Batas na kinakaharap makatutulong