You are on page 1of 12

10

FILIPINO
Ikaapat na Markahan-Modyul 4:
Pagpapahayag ng Pagkamakatotohanan
ng Akda Kaugnay sa Kasalukuyan

May-akda: Erwin P. Crisostomo


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin


Aralin 1 – Pagpapahayag ng Pagkamakatotohanan ng Akda

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang sumusunod:


A. naipaliliwanag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay sa mga
kaisipang namayani sa akda;
B. nasasabi ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na
mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin; at
C. naipahahayag ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan

Subukin

Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang isinasaad ng pahayag


ay tama at MALI kung hindi.

_____1. Ang salitang bangungot ay nangangahulugang sleep paralysis.


_____2. Nang maimungkahi na makatutulong si Padre Camorra sa problema ay
hindi na nagdalawang isip ang dalaga.
_____3. Ang matandang babaeng nagtititili matapos ang pangyayaring pagtalon ng
isang dalaga ay si Hermana Bali.
_____4. Napabalitang sa Carolinas ipatatapon si Basilio matapos na maiwan sa
bilangguan.
_____5. Ang hukom na tagapamayapa ang siyang nagmungkahi na lumapit.

Aralin Pagpapahayag
1 ng Pagkamakatotohanan ng Akda
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagpapahayag ng
pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga
pangyayari sa kasalukuyan. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang
matapat ang lahat ng gawain.

Balikan
Ipaliwanag ang mga katangiang ipinakita ni Kabesang Tales sa tinalakay na
kabanata batay sa sumusunod.

1. Sino si Kabesang Tales bilang tauhan sa Nobela?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1
2. Ano ang katangiang ipinakikita ni Kabesang Tales batay sa kaniyang
pakikitungo sa kapwa?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Ipaliwanag ang pahayag na, ”siya ay lumalaban sa isang


makapangyarihang korporasyon na pinagyuyukuran ng ulo ng
katarungan, kung saan pinabayaan ng hukom na hindi magpantay ang
timbangan at isinuko ang espada.”
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Tuklasin
A. Panimula
Pagmasdan at suriin ang larawan. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Larawan mula sa: https://m.facebook.com/MDS2016/posts/


1710181092604631:0?locale2=es_LA

Mga Gabay na Tanong:

1. Nakikilala mo ba ang nasa larawan? Magbigay ng kaniyang mga


salitang binitiwan na maaaring makapagbigay paglalarawan sa babaeng
nasa larawan.
________________________________________________________________________
2. Ano ang ipinapakita at nais bigyang diin ng larawan?
________________________________________________________________________

B. Pagbasa

Basahin at unawain ang kabanata sa susunod na pahina at


pagkaraan ay sagutin nang pasalita ang mga tanong.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2
Kabanata 30
Si Huli
Sipi mula sa Batikan 10
Binuod ni Erwin P. Crisostomo

Mabilis ang pagkalat ng balita hinggil sa pagkamatay ni Kapitan


Tiyago gayundin ang biglaang pagkakakulong ni Basilio. Naging masakit
para sa buong lalawigan ng San Diego ang pagkakadakip kay Basilio. Gaya
ng inaasahan, iba’t ibang salaysay ang napadagdag. Marami ang mga
usaping lumabas at mga haka-haka kung ano ba ang totoong nangyari.

Mabilis na kumalat ang balita sa bayan ng Tiyani na ang


pinakamababang parusa na igagawad sa binata ay ang ipatapon siya at
marahil ay ipapatay habang ito’y naglalakbay. Ang iba naman ay
ipinalalagay na siya’y bibitayin.

Sinasabi ni Hermana Penchang na ang dahilan raw ng kinasapitan


ni Basilio ay dahil sa hindi nito isinawsaw ang kaniyang mga daliri sa agua
bendita na nakagagaling ng anomang karamdaman tuwing siya ay
pumapasok sa bahay dalanginan.

Samantala, marami pa rin ang hindi naniniwala na ang sinapit ni


Basilio ay parusa ng Diyos bagkus ito ay bunga ng paghihiganti ng mga
prayle sanhi ng pagkakatubos ng binata kay Huli na anak ng tulisang
mahigpit na kalaban ng kanilang korporasyon. Higit na makatwiran para sa
kanila ang haka-hakang ito sapagkat may masama silang pagkakakilala sa
korporasyon hinggil sa kasalanan nito.

Dahil sa nabalitaang ito ni Hermana Penchang, sinamantala niya


ito upang ipamalita na mabuti na lamang at pinalaya si Huli. Ito marahil
ang siyang dahilan kung bakit maaaring siya rin ay pag-initan ng mga
prayle kung hindi niya ito ginawa. Ngunit ang katotohanan ay, labis niya
itong pinagdamdam dahil sa inaako ni Huli ang kaniyang pagdarasal. Nang
makarating ang balita kay Huli ay hindi niya ito agarang pinaniwalaan.
Ngunit nang ito ay patunayan ni Hermana Bali ay nakaramdam siya ng
panghihina at ang sumunod na mga pangyayari ay hindi na niya
namalayan. Dahil dito ay inisip niyang siya ang naging sanhi kung bakit
nakulong ang binata kung kaya’t naisip niyang marapat niya itong
matulungan sa kaniyang pagkakabilanggo. Nag-isip ni Huli ng mga
pamamaraan upang matulungan ang kaniyang kasintahan ngunit
napagtanto niyang ang tanging makatutulong lamang sa kaniya ay walang
iba kundi si Padre Camorra. Ngunit sa kabilang banda ay nagdadalawang
isip ang dalaga dahil sa alam niyang ang lahat ng kahilingan sa prayle ay
mayroong kalakip na kapalit. Sa mga hindi kanais-nais na maging
karanasan ni Huli sa prayle, maisip lamang niya ito ay kinikilabutan na
siya. Mula noon ay nangingilag siyang makasalubong man lang ang prayle.

Si Huli rin ang dahilan ng pagkakabugbog ng ilang mga binata na


nagtatangkang ligawan siya. Kaya, ang mga mapagpaniwala ay madalas na
nagpaparinig na kung gugustuhin lamang daw niya ay mabilis niya itong
magagawan ng paraan upang mapagsawalang-sala at mapalalaya si
Kabesang Tales.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
Minsan nang sumagi sa isip ni Huli si Hermana Bali na kung ang
mga nagpapakamatay ba ay napupunta sa impyerno. Agaran itong
binigyang tugon ng ginang, “walang sala” saka walang hatol na inilarawan
kay Huli ang impiyerno na animo’y narating na niya. Dahil sa salaysay ni
Bali, ang balak niyang pagtitiwakal ay hindi na niya hinayaang sumagi man
lang sa kaniyang isipan.

Maraming nag-iisip ng pamamaraan upang makalaya si Basilio sa


pagkakabilanggo. Habang ang mungkahi naman ni Hermana Bali ay
sumangguni sila sa tagasulat ng bayan ngunit sila ay itinuro sa hukom
pamayapa. Ngunit nang magtungo sila rito ay sinabing wala siyang
magagawa bagkus ay lumapit na lamang kay Padre Camorra. Ipinalagay ni
Hermana Bali na iyon na lamang ang nararapat na gawin upang makalaya
ang binata at upang palakasin ang loob ni Huli ay minarapat niyang
samahan ang dalaga sa pagpunta sa Padre. Subalit sadyang napakatindi ng
takot ni Huli kay Padre Camorra kung kaya’t tinaggihan pa rin niya na
humingi ng tulong dito.

Napabalita sa nayon na ang mga bilanggo ay pinalaya maliban kay


Basilio na ipinatapon daw sa Carolinas matapos na siya ay palagdain na ito
ay kaniyang kagustuhan. Dahil dito, agad na napagdesisyunang lumapit na
at manghingi ng tulong si Huli kasama si Hermana Bali kay Padre Camorra.

Habang naglalakad papalapit ng kumbento ang dalaga at si


Hermana Bali ay nagmimistulang mayroong dala si Huli na napakabigat sa
kaniyang dibdid. Hindi niya maialis ang pagkabahala at pagkatakot sa
kaniyang gagawin.

Pagsapit ng gabi ay napabalita sa buong nayon na mayroong isang


dalaga ang tumalon mula sa bintana ng kumbento. Bumagsak ito sa
batuhan na naging pangunahing sanhi ng kaniyang agarang pagkamatay.
Kasaba’y nito ay mayroong isang matandang nagtititili at animo’y baliw sa
takot.

Mula sa: Batikan 10

C. Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakatala sa bawat bilang at


gamitin ang mga ito sa makabuluhang pangungusap.

1. kalakip ______________________________________
2. kinasapitan ______________________________________
3. inaako ______________________________________
4. takipsilim ______________________________________
5. hudyat ______________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Pangungusap:
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

D. Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang sumusunod na mga tanong batay sa binasang teksto.

1. Makatwiran bang ang kapalit na tulong na hinihingi ni Padre Camorra


kay Huli para sa kalayaan ni Tandang Selo?
Ipaliwanag:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. May kaugnayan ba sa puwersa ng pagbabagong panlipunan ang
ipinapakitang katauhan ni Hermana Penchang, Hermana Bali at Huli?
Ipaliwanag:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Kung ikaw ay nasa katayuan ni Huli, makatwiran ba ang ginawa niyang
paghingi ng tulong kay Padre Camorra? Bakit?
Ipaliwanag:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Naniniwala ka bang ang pangyayaring naranasan ni Huli sa kabanata ay


nagkataon lamang o sinadya upang makuha ang gusto ni Padre Camorra?
Ipaliwanag:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Sang-ayon ka ba na kinakailangan ang pantay na karapatan sa pagitan


ng babae at lalaki?
Ipaliwanag:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Suriin

A. Ang modyul na ito ay tumatalakay sa isang tauhang nagpakita ng


simbolo ng isang babaeng Pilipinas noon, ngayon at sa kasalukuyan na
itnatampok sa loob ng kabanata XXX na Si Huli.
Si Juliana o mas kilala bilang si Huli ay ang anak ni Kabesang
Tales at ang katipan ni Basilio sa nobelang El Filibusterismo ni Jose
Rizal. Siya ay inilalarawan bilang isang simple, at magandang dalaga.
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5
Siya ay isang mapag-alagang anak at magpagmahal na kasintahan.
Bilang anak, isinakrikpisyo niya ang kanyang pangarap upang tubusin
ang ama sa mga tulisan. Para sa kalayan ng kaniyang ama, ibenenta
niya ang lahat ng kanilang ari-arian maliban sa locket ni Maria Clara na
binigay ni Basilio sa kaniya. Nagpalipin din siya kay Hermana Penchang
kapalit nang limandaang piso. Sa tahanan ni Hermana Penchang, si Huli
ay nakaranas ng diskriminasyon sapagkat siya ay hindi marunong
bumigkas ng mga dasal na isinasaulo sa simbahan. Kung
kaya, kinakailangan niyang mag-aral ng dasal, magbasa ng mga aklat na
ipinamimigay ng mga pari, at gumawa ng mga gawaing bahay. Bilang
isang katipan, isinugal ni Huli ang kaniyang buhay. Nang mahuli si
Basilio, lumapit si Huli kay Padre Camorra kahit na alam niya ang
masamang reputasyon ng kura upang tulungang makalaya si Basilio. Sa
paglapit na ito, nagtapos ang buhay ni Huli. Pinili niya ang kamatayan
para kaniyang danggal bilang isang babae kaysa mabaon sa kahihiyan
sa piling ng isang mapanlinlang na nilalang.

Ang buhay ni Huli ay puno ng sakripisyo at naudlot na


masaganang buhay. ang kanyaang buhay ay pareho sa buhay ni Maria
Clara. Parehas silang biktima ng patriyarkal na lipunang nagkulong sa
mga Pilipina sa buhay na pinamumunuan ng relihiyon at mga idealismo
ng kalalakihan. Ngunit si Huli ay nilaban ang sistema at iwinawagayway
niya ang kaniyang mga karapatan kahit na kapalit pa nito ay ang
kaniyang buhay. Siya ay larawan ng babaeng puno ng tapang na
handang magsakripisyo para sa mga minamahal sa buhay.

B. Sa pagpapahayag ng pagiging makatotohanan ay mahalagang malaman


ang mga pahayag na ginagamit bilang hudyat nito. Mainam rin itong
magamit upang mabigyang diin diin ang katotohanan sa pagpapahayag.

Halimbawa:
 Batay sa pag-aaral totoong…
 Mula sa mga datos na aking nakalap…
 Ayon sa mga dalubhasa, napatunayang…

Maipapahayag mo ang pagkamakatotohanan sa akda gamit ang mga


pahayag sa itaas batay sa iyong obserbasyon ng mga totoong pangyayari sa
lipunan na nangyari din sa akdang binasa.

Mula sa : https://rizalatsinene.wordpress.com/2016/05/18/ang-
pag-alala-kay-huli/

Pagyamanin

Punan ang grapikong pantulong ng mga angkop na pahayag batay sa


hinihingi ng gawain. Pagkaraan ay ipaliwanag ang sariling paniniwala at
pagpapahalaga kaugnay sa napiling kaisipang namayani sa akda. Gamiting
batayan sa pagsagawa ang mga tanong sa susunod na pahina.
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
1. Ano-anong mahahalagang pangyayari sa loob ng kabanata ang
labis na tumimo sa iyo?
2. Gamit ang salitang naglalarawan, pumili ng isang ilalarawan na
pangyayari o kaisipan gamit ang graphic organizer at iguhit ito
sa loob ng bilog upang mas epektibong maiparating sa mga
mambabasa ang mensaheng nais maipabatid ni Rizal.

Nangyari ito sa Nagawa ito ng tauhan sapagkat

Upang mailarawan nang malikhain ni


Rizal ang pangyayaring ito, gumamit
Ang pangyayaring ito ay siya ng mga

Paliwanag:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka:
Pamantayan Puntos
1 Nilalaman 10
2 Pamamaraan ng pagpapaliwanag sa napiling 5
pangyayari
3 Kaisahan 5
Kabuoan 20

Isaisip
Basahin at unawain ang pahayag. Pagkatapos nito ay magbigay ng
sariling paghuhusga o interpretasyon sa nais ilarawan ng pahayag.

Si Huli ay larawan ng isang babaeng maganda, mahinhin,


mabuting anak at kasintahan subalit mahina. Isang
pangkaraniwang larawan ng babae sa panahong iyon.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_

Isagawa
Sa ating kasaysayan at maging sa kasalukuyan ay maituturing na ang
kababaihan ay mayroong malaking ambag sa lipunan sa kanilang partikular
na larang. Gamit ang Venn Diagram ay ihambing ang iyong ina sa isang
kilala o iniidolong babae sa lipunan. Iguhit o gumupit ng kanilang larawan at
ilagay ito sa grapikong pantulong. Matapos nito ay bumuo ng
pagpapaliwanag gamit ang mga salitang nagpahahayag ng sariling
paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang hudyat sa
pagpapahayag ng saloobin/damdamin.

Iniidolong kababaihan:

Paliwanag:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Tayahin
Muling balikan ang pagbasa sa kabanata 30 na pinamagatang “Si
Huli” at itala sa hanay ng unang kahon ang mga mahahalagang pangyayari
rito. Isulat naman sa ikalawang hanay ang mga maiuugnay na pangyayari na
may pagkakapareho sa kasalukuyang panahon. Mainam kung ang
mailalagay na kaugnayan ay mayroong pinagbatayang sanggunian. Gamitin
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
sa pagpapaliwanag ang mga salitang nagpapahayag ng pagiging
makatotohanan.

Pangyayari sa loob ng akda Pangyayari sa kasalukuyang


panahon
1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

Sa tulong ng mga natutuhan at mahahalagang konsepto sa


kabuuan ng kabanata ay sumulat ng isang talumpating nagpapaliwanag
kung sumasang-ayon ka ba na si Huli ay simbolo ng babae noon, ngayon at
sa hinaharap. Sa pagbuo nito ay gumamit ng mga salitang nagpapahayag
ng pagiging makatotohanan. Isulat ito sa isang malinis na papel. Gamiting
gabay ang pamantayan sa pagwawasto.
Rubrik sa Pagmamarka ng Talumpati:
Pamantayan Puntos
1 Nilalaman ng talumpati 20
(Nakapagbigay ng matibay na pamamaraan
sa pagpapahayag ng pagiging
makatotohanan)
2 Estruktura ng pagkakasulat 10
(Akma ang pagkakasulat batay sa
gramatika)
3 Panghihikayat sa mambabasa 10
(Ang mga binitawang mga pahayag ay
nakahihiyat sa mga mambabasa)
Kabuoan 40

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati


kita! Sige, hanggang sa muli!

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Batikan 10 – Kabanata XXX si Huli

https://rizalatsinene.wordpress.com/2016/05/18/ang-pag-alala-kay-huli/

https://m.facebook.com/MDS2016/posts/1710181092604631:0?locale2=e
s_LA

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Erwin P. Crisostomo (Guro, FHS)


Mga Editor: Ma. Grace Z. Cristi (Guro, THS)
Kimberly M. Capuno (Guro, MHS)
Adelwisa P. Mendoza(Guro, CISSL)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like