You are on page 1of 4

LEARNING ACTIVITY SHEET (Week 1 and 2)

FILIPINO 10
_________________________________________________________________________________________________

Pangalan: ________________________ Petsa: ______________ Iskor: _______________

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.

_____1. Ano ang mabigat na dahilan ni Dr. Jose Rizal upang isulat ang dalawang nobela
gayong batid niyang ito ay magiging mitsa ng sariling buhay?

A. upang lisanin ng pamahalaang Kastila ang ating bansa


B. upang dulutan ng huling handog ang tatlong paring martir
C. upang bigyan ng hustisya ang sinapit ng kaniyang pamilya
D. upang gisingin ang natutulog na diwang makabayan ng mga Pilipino

_____2. Alin sa mga suliraning panlipunan ang higit na maiuugnay sa sarili niyang kananasan?

A. Pang-aabuso sa kababaihan
B. Paglabag sa karapatang pantao
C. Pangangamkam sa mga ari-arian
D. Pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga namamahala

_____3. Ang sumusunod ay mga kalagayang panlipunan noong naisulat ang El Filibusterismo
MALIBAN sa isa.

A. Ang pagtatakda ng pamahalaan ng mga polisiyang monopolyo gaya ng tabako.


B. Ang pagkakaroon ng mga programang nagtataguyod sa mga karapatan ng kababaihan.
C. Pangangamkam ng mga lupain ng mga katutubo ng mga prayle at korporasyon ng mga
pari.
D. Pagkakaroon ng sapilitang paggawa ng mga kalalakihang nasa edad 16 hanggang 60
nang walang bayad.

_____4. Hindi naging madali para kay Dr. Jose P. Rizal ang kaniyang naging buhay bago mabuo
ang nobelang El Filibusterismo sapagkat __________________.

A. siya ay nagkaroon ng sakit


B. siya ay nakaranas ng matinding gutom
C. siya ay nakulong habang nasa ibang bansa
D. siya ay kinapos ng salapi sa pagpapalimbag
___________________________________________________________________________________________________________
Bilang ng Linggo: Una at Ikalawang Linggo
Mga Kasanayan:
1. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
✓ pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
✓ pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyon sa kabuuan o ilang bahagi ng akda
✓ pagtukoy sa layunin ng akda sa pagkasulat nito (F10PB-IVa-b-86)
2. Naiuugnay ang salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito (F10PT-Iva-b-82)
3. Napahahalagahan ang napanood na kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng
El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline (F10PD-Iva-b-81)
4. Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian
5. Nagagamit ang iba-ibang reperensya/batis ng impormasyon sa pananaliksik (F10EP-IIf-33)

Tala para sa Guro:


(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili.) | 1
LEARNING ACTIVITY SHEET (Week 1 and 2)
FILIPINO 10
_________________________________________________________________________________________________

_____5. Ginamit na tauhan sa nobela ni Dr. Jose Rizal upang kumatawan sa kaniyang
magagandang adhikain para sa bansa.

A. Basilio C. Kabesang Tales


B. Simoun D. Crisostomo Ibarra

_____6. Alin ang HINDI katangian ni Dr. Jose P. Rizal na hinangaan ng maraming Pilipino?
A. Makabayan C. Mabuting adhikain
B. Matuwid na paniniwala D. Makasariling layunin

_____7. Alin sa mga akda ni Dr. Jose Rizal ang nagpamulat ng kamalayan ng mga Pilipino laban
sa pamahalaang Espanyol?
A. El Filibusterismo C. Mi Ultimo Adios
B. Makamisa D. Sa Mga Kababaihang Taga-Malolos

_____8. Alin sa mga akdang nabasa ni Dr. Jose Rizal ang naging inspirasyon niya sa pagsulat
ng mga nobela?
A. Canterbury Tales C. Romeo at Juliet
B. Florante at Laura D. Uncle Tom’s Cabin

_____9. Alin sa sumusunod na samahan ang may layuning pasiglahin ang edukasyon, itaguyod
ang pag-unlad ng komersyo, industriya at agrikultura?

A. Katipunan C. La Liga Filipina


B. La Solidaridad D. Liwayway

_____10. Ano ang pamagat ng huling akdang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal?
A. El Filibusterismo C. Noli Me Tangere
B. Huling Paalam D. Sa Aking Mga Kabata

___________________________________________________________________________________________________________
Bilang ng Linggo: Una at Ikalawang Linggo
Mga Kasanayan:
1. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
✓ pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
✓ pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyon sa kabuuan o ilang bahagi ng akda
✓ pagtukoy sa layunin ng akda sa pagkasulat nito (F10PB-IVa-b-86)
2. Naiuugnay ang salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito (F10PT-Iva-b-82)
3. Napahahalagahan ang napanood na kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng
El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline (F10PD-Iva-b-81)
4. Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian
5. Nagagamit ang iba-ibang reperensya/batis ng impormasyon sa pananaliksik (F10EP-IIf-33)

Tala para sa Guro:


(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili.) | 2
LEARNING ACTIVITY SHEET (Week 1 and 2)
FILIPINO 10
_________________________________________________________________________________________________

_____11. Anong uri ng website ang dapat puntahan kung tungkol sa kalakalan, pagnenegosyo o
komersiyo ang nais na impormasyon?

A. .com C. .gov
B. .edu D. .org

_____12. Alin sa mga ito ang HINDI maituturing na primaryang batis ng impormasyon?

A. Sarbey C. Editoryal
B. Interbyu D. Talaarawan

_____13. Ito ang pinaikling salita para sa weblog.


A. blog C. https
B. com D. www

_____14. Ito ay orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang


indibidwal, grupo, o institusyong nakaranas, nakaobserba o nakapagsiyasat ng
isang paksa o penomenon.

A. Primaryang batis ng impormasyon C. Tersiyaryang batis ng impormasyon


B. Koleksiyon ng mga impormasyon D. Sekondaryang batis ng impormasyon

_____15. Ito ay mga pahayag ng interpretasyon, opinyon/kritisismo mula sa mga indibidwal


o grupo o institusyong hindi direktang nakaranas, nakaobserba, nakasaliksik
ng isang paksa o penomenon.

A. Algoritmo at Datos C. Tersiyaryang batis ng impormasyon


B. Primaryang batis ng impormasyon D. Sekondaryang batis ng impormasyon

_____16. Ito ay sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa.
Ito ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong
sa kaalaman.

A. Sarbey C. Pag-iimbestiga
B. Pag-aaral D. Pananaliksik

___________________________________________________________________________________________________________
Bilang ng Linggo: Una at Ikalawang Linggo
Mga Kasanayan:
1. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
✓ pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
✓ pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyon sa kabuuan o ilang bahagi ng akda
✓ pagtukoy sa layunin ng akda sa pagkasulat nito (F10PB-IVa-b-86)
2. Naiuugnay ang salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito (F10PT-Iva-b-82)
3. Napahahalagahan ang napanood na kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng
El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline (F10PD-Iva-b-81)
4. Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian
5. Nagagamit ang iba-ibang reperensya/batis ng impormasyon sa pananaliksik (F10EP-IIf-33)

Tala para sa Guro:


(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili.) | 3
LEARNING ACTIVITY SHEET (Week 1 and 2)
FILIPINO 10
_________________________________________________________________________________________________

_____17. Ang sumusunod ay mapagkakatiwalaang batis ng impormasyon MALIBAN sa isa.

A. Lumang diksyunaryo C. LR Portal ng eskuwelahan


B. Sarbey sa isang pag-aaral D. Opinyon ng iyong kapitbahay

_____18. Kung nais mong malaman ang impormasyon tungkol sa mga paboritong pagkain
ng iyong mga kaklase, alin sa sumusunod ang maaaring pagkuhanan ng batis ng
impormasyon?

A. Balita C. Interbyu
C. Sarbey D. Tanong-sagot

_____19. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng pananaliksik?

A. Pangongolekta ng impormasyon C. Pagsusuri ng mga impormasyon


B. Pag-oorganisa ng mga impormasyon D. Pagtatago ng mga impormasyon

_____20. Anong sangguniang aklat ang dapat mong sangguniin kung nais mong malaman ang
kahulugan, paraan ng pagbigkas, at kasingkahulugan ng isang salita?

A. Bibliograpi C. Talaarawan
B. Diksyunaryo D. Talahanayan

___________________________________________________________________________________________________________
Bilang ng Linggo: Una at Ikalawang Linggo
Mga Kasanayan:
1. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
✓ pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
✓ pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyon sa kabuuan o ilang bahagi ng akda
✓ pagtukoy sa layunin ng akda sa pagkasulat nito (F10PB-IVa-b-86)
2. Naiuugnay ang salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito (F10PT-Iva-b-82)
3. Napahahalagahan ang napanood na kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng
El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline (F10PD-Iva-b-81)
4. Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian
5. Nagagamit ang iba-ibang reperensya/batis ng impormasyon sa pananaliksik (F10EP-IIf-33)

Tala para sa Guro:


(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili.) | 4

You might also like