You are on page 1of 1

Ang Mabuting Samaritano Lucas 10:30-37

30Sumagot si Jesus, “May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng
mga tulisan, kinuha pati ang damit sa kanyang katawan, binugbog, at iniwang halos patay
na. 31Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay, lumihis
siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. 32Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang
taong binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang paglakad. 33Ngunit may isang Samaritanong
naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang biktima at siya'y naawa. 34Nilapitan niya ito, binuhusan
ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, ang lalaki ay isinakay ng Samaritano sa
kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan doon. 35Kinabukasan, binigyan niya ng
dalawang salaping pilak ang may-ari ng bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Heto, alagaan mo siya, at kung higit
pa riyan ang iyong magagastos, babayaran ko sa aking pagbalik.’”36At nagtanong si Jesus, “Sa palagay
mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?”37“Ang taong
tumulong sa kanya,” tugon ng abogado. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Sige ganoon din ang iyong
gawin.”

1. Sino sa tatlo ang tumulong sa estranghero?


a. Levita
b. Samaritano
c. Judio
2. Ano ang naging emosyon ng Samaritano sa lalaki?
a. Naawa
b. Natakot
c. Binalewala lang niya
3. Ano ang ginawa ng Samaritano sa lalaki pagkatapos kaawaan?
a. Binugbog lalo
b. Pinagaling at pinatira
c. Hinayaan na lang sa sulok
4. Ano ang ginawa ng lalaki sa may-ari ng bahay-panuluyan?
a. Binayaran niya
b. Umutang pa ulit
c. Tinalikuran niya

You might also like