You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

WRITTEN WORK NO.3

Pangalan: ________________________________ Iskor: ___________

Panuto : Basahing mabuti nag mga sitwasyon at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Aksidenteng nabasak mo ang paboritong vase ng iyong ina. Walang nakakita sa pangyayari. Ano ang
gagawin mo?
a- Aalis ka agad sa lugar n pinangyarihan upang hindi ka mapagalitan ng nanay mo.
b- Hahayaan mo nalang ang nabasag na vase at itatanggi mo nalang na ikaw ang may gawa nito
c- Sasabihin mo sa nanay mo ang totoo at sasabihing hindi mo sinasadya ang pagkabasag nito.
d- Ituturo mo ang iyong isang taong gulang kapatid na syang may gawa nito, total hindi pa naman
ito nakakapagsalita.
2. Nakita mong nandaraya sa pagsusulit ang iyong mag-aral. Ano ang gagawin mo?
a- Sasabihin mo sa iyong guro ang kanyang ginawa.
b- Lalapit ka sa kanya at mangongopya sa kanya.
c- Hindi ka nalang iimik at baka magalit siya sa iyo.
d- Hahayaan mo nalang siya sa kanyang ginagawa.
3. Hindi mo nagawa ang iyong asignatura sa Matematika dahil napuyat ka panood ng paborito mong
palabas sa telebisyon. Ano ang gagawin mo?
a- Hindi ka nalang papasok dahil mapapagalitan ka naman ng iyong guro.
b- Sasabihun mo nalang sa iyong guro na umalis ang pamilya mo kagabi kaya hindi ka nakagawa ng
asignatura.
c- Sasabihin mo sa iyong guro ang totoong naganap at mangangakong hindi na ito uulitin pang muli.
d- Mangongopya ka nalang ng asignatura sa kaklase mo.
4. Nabagsak mo ang cellphone ng nakakatanda mong kapatid na nagging sanhi ng pagkasira nito. Batid
mong magagalit ito sa oras na malaman ang nangyari sa kanyang cellphone. Ano ang gagawin mo?
a- Itatapon mo ang cellphone nya at palalabasing ninakaw ito.
b- Aantayin mong dumaan ang kapatid mo sak mo ibabagsak muli ang cellphone nya para
mapalabas mong sya ang nakabagsak nito.
c- ipapahawak ang cellphone sa nakakabatamong kapatid para siya ang mapagbintangang nakasira
ng cellphone.
d- Aaminin mo sa iyong kapatid ang nangyari at hihingi ng paumanhin sa iyong nagawa.
5. Labag sa alituntunin ng inyong paaralan ang pagsusulat sa dingding. Nakita mong sinusulatan ng ilang
kamag-aral mo ang dingding.Ano ang gagawin mo.
a- Ipapaalam mo sa iyong guro ang kanilang ginawa.
b- Hahayaan mo nalang sila sa kanilang ginagawa.
c- Sasali ka sa kanilang ginagawa.
d- Aawayin mo sila dahil labag sa alituntunin ang kanilang ginagawa.

Basahin ang Kwento sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Ang Matalinong Pasya


May dumulog na dalawang babae kay Haring Solomon. Ang sabi ng isa: “Mahal na Hari, kami po ng babaing
ito ay nakatira sa iisang bahay. Nanganak po ako at pagkalipas ng tatlong araw ay nanganak din ang babaing ito.Wala
po kaming ibang kasama roon.Isang gabi ay nadaganan po niya ang kanyang anak at ang bata ay namatay.
Bumangon po siya sa kalaliman ng gabi, samantalang ako ay natutulog. Kinuha niya sa tabi ko ang aking anak at
dinala sa kanyang higaan, at inilagay sa aking piling ang kanyang anak na patay. Kinaumagahan, bumangon po ako
upang pasusuhin ang aking anak, ngunit natagpuan ko na lamang siyang patay. Subalit nang pagmasdan ko pong
mabuti, nakilala kong hindi iyon ang aking anak.”
Tumutol naman ang pangalawa at ang wika, “Hindi totoo iyan! Anak ko ang buhay at iyo ang patay!”
Lalo namang iginiit ng una, “Anak mo ang patay at akin lamang ang buhay!” At nagtalo sila nang ganito sa
harapan ng hari. Kaya’t sinabi ni Solomon sa isa: “Sinasabi mong iyo ang buhay na bata at sa kanya ang patay.
“Pagkatapos ay iniutos niya sa isang kawal na kumuha ng isang tabak. At dinala nga sa kanya ang isang tabak. Sinabi
ng hari: Hatiin ang batang buhay at ibigay ang kalahati sa bawat isa.” Nabagabag ang puso ng tunay na ina ng batang
buhay at napasigaw: “Huwag po, kamahalan. Ibigay na po ninyo sa kanya ang bata, huwag lamang hatiin!”
Sabi naman noong isa” “Hatiin ang bata!” Kaya nagpasya si Haring Solomon, “Huwag nang hatiin ang bata. Ibigay
ninyo sa una: siya ang tunay na ina.”
Nabalita sa buong Israel ang hatol na iginawad ng hari at nagkaroon ang lahat ng magalang na pagkatakot sa
kanya. Napatunayan nilang nasa kanya ang karunungan ng Diyos upang humatol nang makatarungan.

6. Ano ang suliranin ng dalawang babaeng dumulog kay Haring Solomon?


_____________________________________________________________________________
7. Ano ang iniutos ng Hari sa kanyang kawal?
_____________________________________________________________________________
8. Ano ang kanyang ipinagawa sa kanyang kawal?
_____________________________________________________________________________
9. Ano ang ginawa ng tunay na ina ng bata sa solusyon ng hari?
_____________________________________________________________________________
10. Sa inyong palagay, naging makatwiran ba ang pasya ng Hari? Bakit?

Isulat ang K – kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng katatagan ng loob at DK – kung
hindi.
______ 11.Natanggal sa trabaho ang ama ni Luis. Dahil dito maaring hindi na siya makapagpapatuloy ng
pag-aaral sa susunod na taon. Kaya’t naisip niya na magtinda sa harap ng kanilang bahay upang makapag-
impok para makapagpatuloy sya sa pag-aaral sa susunod na pasukan.

______ 12.Isang lumpo si Paulo ngunit sya ay matalino.Sa kabila ng kanyang kapansanan sinikap parin
niyang makapagtapos sa kanyang pag-aaral.

______ 13.Ipinanganak na hikahos sa buhay si Carlo. Galit sya sa kanyang magulang dahil aniya hindi sila
nagsikap upang mapaunlad ang kanilang buhay. Kaya’t mas pinili niyang magbisyo at sumama sa mga
masasamang kaibigan.

______ 14.May malubhang karamdaman ang ina ni Charles. Wala silang ipantutustos sa pagpapagamot sa
kanyang ina. Dahil dito nagpasya ang kanyang ama na humingi ng tulong sa DSWD at iba pang pribadong
sector ang matugunan ang pangangailangang medical ng kanyang ina.

______ 15.Magkasunod na pumanaw ang mga magulang ni Rowel. Siya ang panganay sa tatlong
magkakapatid. May naiwang panaderya na negosyo ang kanilang magulang. Nagpasya siyang ipagpatuloy
ang negosyong iyon upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

You might also like