You are on page 1of 8

Magandang Gabi Bayan 1995

Espiritung di Matahimik!

Isang karumaldumal na krimen ang nangyari sa tahanan ng mga Mutuc, sina Gng,

Edwina Mutuc, mag-asawang Eric at Jocelyn Cabral na limang buwang buntis at si Marites

Gorordo ay mga nasawing biktima ng masaker sa Cainta. Ayun sa salaysay ni Elizabeth

Perez, kaibigan ng pinatay, sila ay nagkukwentuhan ng kanyang mga barkada sa tapat ng

bahay ng mga Mutuc ng mahagip ng kaniyang mata ang nakadungaw na babae sa bintana,

nakilala niya ito bilang si Mommy Edwina. Pinagtibay naman ito ng kaniyang kasama na

nakita din ang kaluluwa ni Gng Edwina na nakadungaw sa bintana.

Pinagtibay ng pamilya Mutuc ang pagpaparamdam ng mga yumao, ayun kay

Lourdes Mutuc, siya ay natutulog katabi niya ang asawa at anak ng maramdaman niyang

may humahaplos sa kanyang noo at ng siya ay nagising, akita niya si Gng. Edwina na

nakatalikod at tumagos sa dingding. Sa panayam naman kay Boyet Domingo isang

traysikel drayber, madaling araw ng mapansin niya ang isang taxi na matagal ng nakahinto

sa tapat ng bahay ng pamilya Mutuc. Isang oras ang lumipas ay bumubusina ng malakas

ang drayber ng taxi kaya ito ay sinipat ng guwardiya, ayun sa salaysay ng drayber ay

palabas na siya ng subdibisyon ng may pumarang tatlong babae sa bahay ng mga Mutuc at

sabi ay may kukunin lang na gamit ng buntis dahil itatakbo ito sa ospital subalit isang oras

na ang lumipas ay di parin ito lumalabas ng sabihan ito na patay na ang tatlong babaeng

tinutukoy niya ay mabilis itong umalis sa takot.


Litaw sa salaysay ang karahasan at krimeng nangyayari sa ating lipunan. Ang

kababalaghan sa bahay ng pamilya Mutuc ay senyales ng kawalan ng hustisya sa krimen

na nangyari. Ito ay pinagtibay ng pamilya Mutuc, na nagpapakita o nagpaparamdam

lamang ang mga biktima kapag di nila inaasikaso ang kaso. Ito ay nagpapahiwatig ng

kagustuhan ng mga biktima ng hustisya sa kanilang pagkamatay na sa ating lipunan ay

madalas na nakakalimutan ang mga krimen na nangyari kahit hindi pa nahuhuli ang

gumawa nito.

Gumagambalang Maligno!

Isang hindi maipaliwanag na pangyayari ang bumabalot sa Nabuslot

Highschool sa pamayanan ng Oriental Mindoro. Ito ay nagsimula ng daw saniban ng

makapangyarihang itim ang mga estudyante sa eskwelahan ngunit ayun sa mga guro at ilan

pa nalang kasamahan sa paaralan bago nangyari ito ay may ilan taon ding nagpaparamdam

ang engkanto at maligno tulad ng white lady, duwende, at taong pugot.

Sa panayam ni Ronny, anim na taong guwardiya sa Nabuslot High School, noong

1992 ay naranasan niyang isang linggong di pinapatulog ng mga ingay at pagpaparamdam

ng mga maligno. Sa kaniyang pagbabantay sa paaralan ay nakakarinig siya ng mga yabag

ng pa at silyang nagtutumbahan sa kailaliman ng gabi at kadalasang kandilang lumulutang

ang kaniyang nakikita.

Sa mga buwan ng Hulyo at Agosto ay malimit na mararanasan ang mangilan

ngilang estudyante na nahihimatay tuwing may sumasanib sa kanilang maligno ngunit

matapos dasalan ay ito naman ay umaalis. Sa taong iyon ay mas lalong tumindi ang

pagsanib sa may walong estudyante. Ayun sa guro, isa sa estudyante ang sinaniban kaya
ang mga klase nila ay nagkukumahog at ng nilapitan ay iba ang itsura nito, masama ang

tingin, malakas at ng nilapitan ay ito ay nagalit at nanlalaban. Naisipan naman ng isang

guro na sabuyan ng asin ang paligid ng klasrum ngunit para bang nagalit ang mga ito at at

mas punahirapan pa ang mga bata, sunod sunod ang pagsapi na sa loob ng ilang minuto ay

nasasalitan sa dalawang klasrum ang mga sinasapian.

Maaring hindi lantad ang pakahulugan ng mga salaysay ay batid na ang mga

salaysay ay nagpapahiwatig ng mahinang kalusugan na pangkaisipan sa mga estudyante

ng paaralan. Sa pagdadagdag ng klasrum ay pahiwatig ng pag-unlad ng kasanayan sa

paaralan na makikita din sa kasalukuyang lipunan, sa pag-unlad ng sistema ng edukasyon

ay maaaring ang mga estudyante ay hindi handa sa pagbabago kung kaya ay naapektuhan

ang kanilang kalusugang pangkaisipan. Ito ay pinabulaanan din sa panayam ni Bishop

Pahantig, isa sa nagbasbas sa paaralan, ayun sa kaniya ay mas mainam na magpatingin sa

espisyalista ang mga bata dahil maaring isa itong sintomas ng sakit sa isipan. Bilang

estudyante, nararanasan at talamak na hanggang sa panahon ngayon ang pagbabago at pag-

unlad ng edukasyon ngunit may mga estudyanteng hindi handa at nakakasabay sa

pagbabagong na ito at na uso ang mental illness na ngayon kinakaharap pa rin ng marami

dahil sa ating bansa, pag aaral ang isa sa pangunahing daan upang makakuha ng magandang

trabaho at mapaayos ang buhay ng nakararami kaya mas maraming dumidiin at mabigat na

pasan pasan ng mga estudyente na mag ayos sa pag-aaral.

Mapaghimalang Buhay na Bangkay!

Isang labing limang taon ng patay ngunit hindi nabubulok. Noong 1981, daing ni

Jerry ang sakit sa tiyan pagkauwi niya galling bukirin, nagpatingin sila kay mang Tanying

at ginamot ito ng dahon dahon ngunit hindi ito nalunasan. Ayun kay Mang Bensing
maaaring napasma ito dahil sa pagsasaka at dahil patuloy pa rin ang pagsakit ng tiyan ay

sinugod na ito sa ospital ngunit ito ay binawian na ng buhay.

Simula ng ilibing ito ay di umano madalas magpakita at magparamdam si Jerry sa

kapatid maging sa tatay nito. Ayun kay Remy, siya ay naalimpungatan at nakita ang

kaluluwa ng kapatid, ito ay nakiusap na hukayin ang kabaong dahil siya raw ay nababasa

at nasira ang kaliwang mata dahil nabasag ang salamin ng kabaong. Nang kanilang hinukay

ay nakita nga nilang ang kaliwang mata nito ay nasira at kapansin pansin ang bango ng

bangkay. Sa paglipas ng labinlimang taon ay hindi parin naagnas ang bangkay at

pinaniniwalaang mapagmilagro ito. Ito ay dinadayo na ng mga tao sa bayan nila maging

ang karatig bayan upang bumisita at mag alay upang mapagaling ang dinaramdam na sakit.

Sa salaysay ay hayag sa ating lipunan lalo na ang mga kanayunan o hindi

urbanisadong lugar ang kawalan ng kakayahang magpagamot sa mga ospital o lehitimong

manggagamot upang lunasan ang karamdaman nila bago lumala at ang kulang na ospital o

bahay pagamutan sa mga rural na lugar. Hayag sa mga naniniwalang mapag-milagro ang

bangkay ang kawalan nila ng kakayahan at pera upang magpagamot ng karamdaman kung

kaya sila ay umaasa sa mga milagrong bagay nakalantad sa kanila. Mahalagang ipakita at

mamulat tayo na ang ating lipunan lalo na ang mga rural o kahit urban ngunit malayo layo

sa kabihasnan ay kadalasang iniuugnay nila ang mga mapagmilagrong bagay at ang

kanilang debosyon upang maipaliwanag ang hindi maipaliwanag na nangyayari sa lipunan

at naging manipestasyon din ito sa kakulangan ng kaalaman ng mga taong malayo sa

kabihasnan sa tamang kaalaman sa panggagamot at medisina.


Magandang Gabi Bayan 1997

Mahiwagang Daan

Hiwaga sa haywey sa Amlan, Negros Oriental. Ang Ceres Liner bus ang huling

bumibiyahe mula Dumaguete papuntang Bacolod. Sa mga madaling araw na biyahe, bago

ito makarating sa Bacolod ay dumadaan sila sa haywey ng Amlan na ayun sa mga drayber

at konduktor ay pinamamahayan ng mga engkanto at hindi pangkaraniwang nilikha. Ayun

kay Edwardo, isang drayber ng bus na sa tuwing dumadaan ang bus sa Amlan bandang

alas-11 ng gabi ay may matandang babae na maputi at mahaba ang buhok na bumababa sa

Amlan ngunit bago ito bumababa ay tumingin pa ito sa kanila ng matalim bago naglaho.

Pinagtibay naman ito ng kaniyang kundoktor na nakita rin ang matanda ngunit ang mga

pasahero ay nagtataka sapagkat bakit ito huminto at nagbukas ng pinto ng wala naman daw

pasahero na bumaba. Naulit ito ng may pasaherong bumababa ngunit sa pintuan ng bus ay

may nakatayong matanda na kulukulobot ang mukha na mabalasik ang tingin sa kanila

kaya dali dali silang umalis sa lugar na iyun.

Ang mga salaysay ay nagpapakita na ang ating mga manggagawa ay kumakayod

maging sa gabi na oras ng pagtulog. Ito minsan ay may mga hindi magandang naidudulot

sa kalusugan ng mga mangagawa na makikita sa mga pahayag, sadyang gabi nila nakikita

ang mga kababalaghan kung saan sila ay pagod na at maaaring nakakakita sila ng ilusyon

kung gayong nakakakita sila ng mga bagay na di nakikita ng pasaherong nakakatulong sa

biyahe at hindi puyat.


Sa pahayag naman kay Gng. Byoleta, residente ng Amlan, gabi ng binaybay niya

kasama ng kaniyang anak ang daan sa Amlan ng may sumulpot na mabalasik na mukha ng

itim na lalaki na ayun sa galit na lalaking ito na dapat silang bumusina SApagkat

matatamaan nila ang bahay ng mga ito, ng hindi sila bumusina ay nakita nila ang bahay sa

kanilang harapan kaya sila ay bumusina at pagkatapos ay bigla anman itong nawala. Naulit

pa ito ng gabing kasama naman niya ang bunsong anak, ng hindi sila bumusina sa daan ay

para bang tumama sila ng matigas na bagay at nahulog sa kanilang sinasakyan.

Ang mga salaysay na ito nagsisilbing babala ito sa mga nagmamaneho ng gabi na

mag-ingat sapagkat mas maraming aksidente ang nangyayari sa gabi dahil sa kadiliman at

hindi nakikita nang maayos ang daan. Naipapakita rin sa pahayag ang malalagim na

nangyayari tuwing gabi kaya pinag-iingat ang mga taong lumalabas. Maraming krimen at

kung anong karahasan ang nangyayari sa gabi magpasa hanggang ngayon kaya ang

kuwentong ganito ang naging babala sa mga taong lumalabas sa gabi at pinabulaanan

naman ito ng mga matatandang nanirahan sa lugar na noong panahon ng mga hapon, dati

itong sapa at may labanang nangyari sa lugar na ito at maraming sibilyan ang namatay.

Puno ng Kababalaghan!

Pinamumugaran din ang Amlan ng kuwento tungkol sa 200 na taong puno ng Balete na

ayun sa mga naninirahan dito ay nagsisilbing palasyo raw ito ng mga engkanto at

kinakikitaan ng kapre, lalaking itim at white lady sa kabaong itim. Ayun kay Mang Rosario,

nang lumalabas siya sa kanilang terrace ng mga alas-10 ng gabi ay nakikita niya ang Ceres

na bus at nakitang bumaba ang bata at minsan mga dalaga at pumapasok sa daang papunta
sa mga puno at bigla nalang naglalaho. Pinagtibay naman to ng magkaibigang Larry at

Jefrey na nagbabakasyon sa bahay ng kaibigan sa Amlan na nakakaranas sila ng kakaibang

pangyayari matapos magbaba ng pasahero ng Ceres bus sa tapat ng bahay na kanilang

tinutuluyan na ayun sa kanila ay nakakarinig sila ng pagbubukas ng gate at biglang

nabubukas ang radio at ang ilaw ay nagpapatay sindi.

Sa ating paniniwala ay ang mga engkanto at kapre ay mga tagapangalaga ng

kalikasan, ang mga panayam ay nagpapahiwatig sa pagbabago ng ating kapaligiran ay ang

pagputol at unti unting pagkakaubos din ng ating mga likas na yaman na gaya ng puno

upang magpatayo ng mga bahay at gusali. Makikitang sa mga pahayag ang dating tahanan

ng mga engkantong ito ang mga puno na sumisimbolo ng pagkaubos ng tahanan nila

maging tahanan ng mga hayop na orihinal na naninirahan sa mga iyon.

Nagpapahiwatig ito na dapat ay galangin ang ating kalikasan kung hindi ay ang

kalikasan na mismo ang magpaparusa sa ating mga ginagawa sa atin na nagdudulot ng

climate change at iba pang sakuna. Pinagtibay ito sa pahayag ni Alfred na habang

nagiinuman ay siya ay umihi sa isang ouno at bigla siyang kinaladkad ng kapre or itim na

tao at nang pagbalik niya ay siya ay parang sinapian at nagwawala. Sa ating lipunan ay

marami nang pang aabuso sa ating kapaligiran at nakikita ito sa pagiging urban na ang

dating rural na lugar. Ang mga kababalaghang nangyari na to ay nagsisilbing pangbukas

ng ating kaisipan na igalang ang ating kalikasan.


Multo sa Cotabato!

Lumaganap ang balitang bumabalik ang kaluluwa ng yumao sa isang tahanan sa

Cotabato na para bang may nais pahiwatig. Ayun kay Mariam, ika-23 ng Enero ng mabaril

at mapatay ang kaniyang kapatid na si Jojo na isang engineer. Tatlong araw matapos ilibing

ay nagparamdam at nagpakita si Jojo malapit sa kanilang aparador sa kanya na para bang

nagmamakaawa at nalulungkot sa kaniyang sinapit. Litaw ang kontekstong gustong

ipahayag sa salaysay na marami at dumarami na ang krimen at karahasang nangyayari sa

ating lipunan at maraming tao maging sibilyan ang naapektuhan ag buhay at minsan ay

nasasawi dahil sa labanan. Ang pagpapakita ng kaluluwa ni Jojo ay isang pahiwatig ng mga

nasayang na buhay sa labanan.

Pinagtibay naman ito sa pagkamatay ni Jing sa Maguindanao. Ayun kay Arjun,

kapatid ni Jing ay naririnig sa tahanan nila ang pagbukas ng mga pinto kahit walang tao at

may para bang naghahanda ng pagkain kahit wala naman. Ayun naman sa katulong nila sa

bahay, habang natutulog siya sa kuwarto ni Jing ay nagpakita ito sa kanya, maging ama ni

Jing ay naranasan ito ng magpakita si Jing habang siya ay nagninilay na para bang may

gustong ipahayag na mensahe at malungkot ang mukha nito. Ito ang nagpapatibay na ang

mga kaluluwa ay gumagala dahil may misyon pa itong di natatapos at litaw sa salaysay ang

digmaan bilang kanser sa ating lipunan na nagdudulot ng kaguluhan at kalungkutan, ang

mga pangyayaring ito ang nagsisilbing mensahe na kinatatakutan ng mga Pilipinong

mangibabaw muli ang digmaan sa ating bansa.

You might also like