You are on page 1of 18

KARUNUNGANG

BAYAN
Karunungang-Bayan
Lumaganap bago dumating ang mga Espanyol
Kaalamang-bayan
 Salamin ng kaisipan ng kultura ng sinaunang Pilipino
Salawikain
patalinghaga
Halimbawa :
Aanhin mo pa ang damo, kung patay na ang kabayo

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa


paroroonan
Salawikain
may sukat at tugma
Halimbawa : A an hin mo pa ang da MO,
kung pa tay na ang ka ba YO.

Ang hin di lu mi ngon sa pi nang ga li NGAN,


di ma ka ra ra ting sa pa ro ro o NAN.
Kasabihan
payak ang kahulugan
Halimbawa :

Kasama sa gayak, di kasama sa lakad

Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga


Kasabihan
sinasalamin ang kilos at ugali ng tao
Halimbawa :

Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa


kasaganahan
Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay
sasamahan
Sawikain
 idyomatiko at eupimistiko
Halimbawa :

bagong tao – binata itaga mo sa bato –


tandaan
malayo sa bituka – di malubha
Bugtong
masining na paglalarawan sa salita
Halimbawa :

Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna –


niyog
Ate ko, ate mo, ate ng lahat ng tao – atis
Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo -
sundalo
Palaisipan
Gumigising sa isipan ng tao upang makahanap ng solusyon
Halimbawa:

Sa isang kulungan may limang baboy na inaalagaan si Mang


Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
(lima, dahil lumundag lang naman hindi
tumakas)
Anong meron sa jeep, tricycle, at bus pero wala
sa barko? (side mirror)
Bulong
Kalimitang ginagamit pangkontra sa kulam
Halimbawa :

tabi-tabi po, makikiraan lang po


sumalangit nawa ang iyong
kaluluwa
Huwag magalit kaibigan, aming pinuputol lamang, ang sa ami’y
napag-utusan
KARUNUNGANG-BAYAN
Salawikain Bugtong
Kasabihan Palaisipan
Sawikain Bulong
Pagsasanay
1. Ang tunay na kaibigan, makikilala sa oras ng
kagipitan.
2. Kung may itinanim, may aanihin
3. Ang taong tamad, kadalasa’y salat
4. Ang magalang na sagot, nakakapawi ng poot
5. Habang maiksi ang kumot, matuto kang mamaluktot
Pagsasanay
6. Ito namang pinsan ko, saka lang kikilos kung pinapalo
7. Likido ang ikinabubuhay niya, hangin ang
ikinamamatay niya
8. Dala mo, dala ka, dala ka ng iyong dala
9-10. Kung ang gumagapang sa aso ay garapata; sa
damo ay ahas. Ano naman ang gumagapang sa kabayo?
Paghahambing
Paghahambing na Magkatulad

• Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na


katangian.
• Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing, magsing at magkasing o
kaya ay ng mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa, at pareho.
Paghahambing na Di-magkatulad
• Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian

Pasahol – Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit itong mga salitang
tulad ng di-masyado, di-gaano, di-totoo, dilubha, o di-gasino

Halimbawa:
Di-gasinong masipag ang aking bunsong kapatid kumpara sa aking kuya.
Di-gaanong naapektuhan ng pandemya ang New Zealand kumpara sa
Pilipinas.
Paghahambing na Di-magkatulad
• Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian

Palamang- Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa


pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, labis, mas at di - hamak

Halimbawa:
Ang buhay noon ay mas simple kaysa sa komplikadong buhay
ngayon.
Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral noon kompara sa ngayon.
Maraming Salamat

You might also like