You are on page 1of 1

Si 

Zeus (Sinaunang Griyego: Ζεύς, Zefs, Zeús; Δίας, Diós, "banal na hari") ay ang pinuno ng mga diyos at ang
diyos ng kalangitan at ng kulog sa mitolohiyang Griyego. Siya ang nangingibabaw, pinakamakapangyarihan,
pinakamataas, o supremong diyos ng sinaunang mga Griyego.[1][2] Ginagamit niyang sandata ang kidlat na may
kasamang malakas na kulog, kaya't kilala rin siya bilang "Zeus ang Tagapagkulog" (Zeus the Thunderer). Sa
pamamagitan ng kidlat at kulog, napamunuan niya ang iba pang mga diyos upang makamit ang tagumpay
laban sa mga higanteng nagnais na kuhanin mula sa Olimpiyanong mga diyos at diyosa ang pagtaban at
pangingibabaw sa daigdig. Partikular na ginagamit din ni Zeus ang kanyang sandatang kidlat at kulog sa
tuwinang magagalit.[3]Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang Hupiter (Jupiter). Sa mitolohiyang Etruskano,
siya si Tinia.[4]

Ama ni Zeus si Cronus (Saturno sa Romano). Batay sa mitolohiyang Griyego, napag-alaman ni Cronus na


mapapalitan siya sa pagkahari ng isa sa kanyang magiging mga anak. Kaya't nilulunok niya ang mga ito, sa
bawat pagkakataon magsisilang ang kanyang asawang si Rhea, upang mapigilan ang kanyang pagkagapi.
Nalunok niyang lahat ang kanyang mga naging anak kay Rhea, maliban na lamang kay Zeus na itinago ni Rhea
sa pulo ng Creta sa Gresya. Sa halip, ang nalunok ni Cronus ay isang batong ibinalot ni Rhea sa isang
kasuotan.[3]

Sa paglaki ni Zeus, napilit niya ang kanyang amang si Cronus na iluwa ang kanyang mga kapatid. Nagkaroon
sila ng kapangyarihan sa buong sanlibutan. Sa pamamagitan ng palabunutan, nakapagtalaga sila kung sinu-
suno ang mamumuno sa iba't ibang mga kaharian.[3] Naitalaga ni Zeus sa kanyang kapatid na lalaking
si Poseidon (o Neptuno sa Romano) ang karagatan. Sa isa pa niyang kapatid na lalaking si Hades (o Pluto sa
Romano) napunta ang daigdig sa ilalim ng lupa o daigdig ng mga patay.[4][2]

Nang maging Hari ng mga Diyos si Zeus, pinagharian niya ang lahat ng iba pang mga diyos at mga tao mula sa
kanyang palasyong nasa itaas ng Bundok ng Olimpo, at nauupo sa isang ginintuang tronong may palamuting
mga batong hiyas. Mayroon ding nakapatong na isang koronang yari sa dahon ng mga laurel sa ibabaw ng
kanyang ulo. Natatanging mensahero niya ang agila. 

Tinagurian din siyang Diyos ng Katarungan at Diyos ng mga Panunumpa (o mga Pangako) at Hospitalidad.[3]

Wala nang iba pang mas higit na makapangyarihan kay Zeus, maliban na lamang sa Mga Kapalaran. Walang
magagawa si Zeus kapag pinagpasyahang kuhanin ng Mga Kapalaran ang buhay ng isang tao, gayundin kung
nakapili na ang mga ito kung sino ang magwawagi sa isang digmaan.[3]

Kabilang sa mga anak ni Zeus si Apollo (o Apollon), ang diyos ng araw, at si Artemis (o Diana), ang diyosa ng
buwan.[3]

You might also like