You are on page 1of 1

FILIPINO 8 FL2.

Mga Pananda Pangalan___________________________________________Petsa_______________IAE


FT1.Basahin ang talata.Bilugan ang mga pananda.
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kuwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng
nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring
naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing "Ama ng Maikling Kuwento."
Ang alamat ay iba sa mito at sa kasaysayan bagamat may mga elemento ang dalawa. Ang mito ay di-totoo . ang kasaysayan ay totoo,
samantalang ang alamat may mga bahaging totoo at meron din naman na hindi totoo ang kuwento ay kadalasang kuwento tungkol sa mga
diyosa na maganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon.
FT2.Isulat sa patlang ang tsek(√) kung tama ang pagkakagamit ng pananda sa pangungusap,ekis(X) naman kung mali.
______1.Ang pagsulat ng komposisyon ay bahagi na ng buhay ng mag-aaral.
______2.Sina Beth ang nautusan ng guro na manguna sa klase.
______3.Si Jose Rizal ang sumulat ng Mi Ultimo Adios.
______4.Ang mga parabula ay mga kwentong hango mula sa Bibiliya.
______5.Ang talinghaga ay mga kwentong kapupulutan ng aral.
______6.Sina Andres Bonifacio at Jose Rizal ay mga manunulat na bayani.
______7.Kay Gng. Lopez ang mga daal kong gamit.
______8.Kinuha ni Ana at Lita ang mga gamit na nasa mesa.
______9.Maraming aral ang mapupulot sa pagbabasa ng pabula.
______10.Kina Bobot ang mga gamit na dala ko.
______11.Ang tula ay punong-puno ng damdamin.
______12.Para kina Alice at Ester ang regalong dala niya.
______13.Maraming salamat po sa ibinigay ninyong mga laruan.
______14.Ang maikling kwento ay isang maikling salaysay ng buhay.
______15.Kinuha na nina Karen ang mga gamit sa kwarto kanina.
FT3.Iwasto ang lahat ng maling gamit ng panada sa FT 2.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

FILIPINO 8 ST2.Mga Pananda Pangalan___________________________________________Petsa_______________IAE


A. Basahin ang talata.Bilugan ang mga pananda.
Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.Isa itong
maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay,
at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o
nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong
sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
B.Bilugan ang panandang ginamit sa pangungusap.Lagyan ng tsek(√) sa ibaba kung tama ang pagkakagamit nito,kung mali naman ay iwasto
ang pananda.
1.Ang salawikain ay isang matandang uri ng tula na ginamit ng ating mga ninuno.

2.Si na Damiana Eugenio ang kinikilalang “Ina ng Kwentong-bayan” ng Pilipinas.

3.Naging popular ang blanko berso sa Inglatera noong 1557.

4. KayJose Batungbakal ang nagsulat ng 101 Proverbs at Maxims.

5.Para kina Inay at Itay ang mga bulaklak na dala ko.

6.Ang tanyag na si Padre Toribio Minguella ay nagpahiwatig na gusto ng mga Pilipino ang salawikain.

7.Ayon kay Erasmus, magagamit ang mga salawikain sa pagtuturo ng klasikal na literatura.

8.Ang diin ay isang uri ng ponemang suprasegmental.

9.Sina Kabeang Tales ang nanguna sa pagsalakay sa kumbento.

10.Kina Huli ang mga bagay na sinunog ng mga gwardiya sibil kahapon.

C.Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pananda.


Sa=______________________________________________________________________________________________________________
Ay=______________________________________________________________________________________________________________
Nina=____________________________________________________________________________________________________________
Kay=_____________________________________________________________________________________________________________
Ang mga=_______________________________________________________________________________________________________

You might also like