You are on page 1of 4

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO BAITANG 6

Bilang 4 Kuwarter 4

Pangalan ng Mag-aaral: ____________________________________


Baitang/Seksiyon: _____________________ Petsa: ______________

Sa araling ito ay pagtutuunang-pansin ang pagsusuri ng pagkakaiba ng


kathang-isip at di-kathang-isip na teksto.

Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang-isip at di-kathang isip na teksto


(fiction at non-fiction). (F6PB-IVc-e-22)

A. Balikan Mo!
Muli nating subukin ang iyong kaalaman sa pagpapahayag ng
sariling opinyon o reaksiyon.
Ipahayag ang sariling opinyon o reaksiyon tungkol sa napapanahong isyu.
Magpapabakuna ka ba ng Sinovac laban sa COVID-19? Bakit?

1
____________________________________________________________
____________________________________________________________

B. Pag-aralan Mo!

May dalawang uri ng teksto o babasahin.

Ang kathang-isip o piksiyon ay babasahing batay sa imahinasyon ng


sumulat. Ito ay likhang-isip lamang na ang paksa ay di-kapani-paniwala na
pilit ginigising ang kawilihan ng mambabasa tulad ng kuwentong bayan,
alamat, pabula at iba pa.
Narito ang ilang halimbawa:
Ang Alamat ng Pinya
Tambelina
Si Langgam at Tipaklong

Ang di-kathang-isip o di-piksiyon ay mga seleksiyon na nagsasaad ng


katotohanan tulad ng artikulo, balita, sanaysay, talaarawan at talambuhay.
Narito ang ilang halimbawa:
Balitang Isports
Ang Talambuhay ni Andres Bonifacio

C. Pagsanayan Mo!
Panuto: Basahin at suriin ang teksto kung ito ay kathang-isip o di-kathang-
isip. Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng iyong sagot.

Ang Mahiwagang Usa


(Kuwentong-bayan)
Si Anggo ang pinuno ng mga Aeta sa pamayanan ng Dibut. Siya ang
pinakamagaling gumamit ng busog at pana sa kanilang lugar. Minsan naupo
si Anggo. Isang usang ubod ang laki ang kanyang nakita. Noon lamang siya
nakakita ng ganoon kalaking usa. Mabilis niyang pinana ito. Subalit
nabaluktot lamang ang kanyang pana. Hindi ito tumusok sa malaking usa.
Naupo si Anggo sa tabi ng sapa upang tuwirin ang nabaluktot niyang pana.
Ngunit, napakaingay ng huni ng mga palaka. Kaya umalis si Anggo. Habang
naglalakad, napansin ni Anggo na maraming batong sumusunod sa kaniya.
Tumakbo siya. Nang halos dumikit na kanyang likuran ang mga sumusunod
na bato, lalo pinabilis ni Anggo ang pagtakbo. Ngunit inabot din at dumikit

2
ang mga bato sa katawan ni Anggo. Hindi na siya makatakbo. Unti-unti
siyang naging bato. Yaon ang naging parusa sa kanya ni Minoli. Siya ang
malaking usa na pinana ni Anggo. Si Minoli rin ang diwata sa kabundukan
ng Dibut.

Katangian ng Teksto Kathang- Di-Kathang-


isip isip
1. Naglalahad ng tunay na
pangyayari sa buhay.
2. Nagpapakita ng malikhaing
imahinasyon ng may-akda.

3. Naglalahad ng kababalaghan.

4. Ito ay halimbawa ng kuwentong-


bayan.
5. Nagpapakita ng makatotohanang
pangyayari sa kasaysayan.

D. Tandaan Mo!
Ang kathang-isip o piksiyon ay babasahing batay sa imahinasyon ng
sumulat. Ito ay likhang-isip lamang na ang paksa ay di-kapani-paniwala na
pilit ginigising ang kawilihan ng mambabasa tulad ng kuwentong bayan,
alamat, pabula at iba pa.
Ang di-kathang-isip o di-piksiyon ay mga seleksiyon na nagsasaad ng
katotohanan tulad ng artikulo, balita, sanaysay, talaarawan at talambuhay.

E. Pagtataya
Panuto: Suriin ang pamagat ng mga tekstong nakatala sa ibaba kung ito ay
kathang-isip o di-kathang-isip. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
__________ 1. Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
__________ 2. Ang Aking Talaarawan
__________ 3. Ang Munting Sirena
__________ 4. Sundan ang Yapak ni Pope John Paul II
__________ 5. Ibong Adarna

3
B. Pagsanayan Mo!
Kathang-isip Di-Kathang-isip
1. /
2. /
3. /
4. /
5. /

E. Pagtataya
1. Di-kathang-isip
2. Di-Kathang-isip
3. Kathang-isip
4. Di-Kathang-isip
5. Kathang-isip

• Kontekstuwalisadong Banghay-Aralin sa Filipino 6


• Alab Filipino 6

Inihanda ni:

MA. THERESA P. BAYNAS


Dalubguro 2
Pandan Elementary School
Cabusao District

You might also like