You are on page 1of 1

BAGONG SILANG HIGH SCHOOL

Kagawaran ng Filipino
Taunang Pampaaralan 2022-2023

Pangalan: _______________________________ Pagsusulit Bilang 7 Iskor: ____________


Antas at Pangkat: ________________________ Petsa: _____________ Ma’am Pam Villanueva

Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat kung sanhi o bunga ang bahagi ng
pangungusap na may salungguhit.

______________1. Tulog ang Nanay kaya huwag kayong maingay.


______________2. Hindi pumasok sa paaralan si Cristine pagka’t mataas ang kanyang lagnat.
______________3. Dahil sinundan niya ang mga babala ng kaniyang kaibigan, nakaiwas siya sa
kapahamakan
______________4. Tinaas ni Tricia ang kanyang kamay kasi alam niya ang tamang sagot sa
tanong ng guro.
______________5. Sapagka’t nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi nakapagsuklay si
Mary Ann.
______________6. Ang wikang Pambansa ay naging daan sa pagkakaunawaan kaya
ipinanukala ito ni Pangulong Quezon.
______________7. Dahil sa pagpapatupad ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang
Pambansa kaya marami na ang gumagamit nito.
______________8. Bunga ng pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal ay dalawang wikang
umiiral sa bansa ang gagamiting panturo sa paaralan.
______________9 Kulang na kulang ang mga aklat na nalimbag hinggil sa wikang katutubo kaya
naman hindi ito napapag-aralan ng mga mag-aaral.
______________10 Naranasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na sa sarili niyang bansa ay hindi
sila nagkakaintindihan ng mamamayan, gumawa siya nang hakbang at isang
ahensya ng mag-aaral ng magiging batayan wikang pambansa , at ito ay
ang Surian ng Wikang Pambansa.

Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Aralin ang reperesiya . Isulat sa patlang
kung ANAPORA o KATAPORA,

____________1. Nakausap ko si Marco , sinabi ko na napakahusay ng kanyang ginagawa.


____________2. Labis ang pagdurusa si Cristine dahil naniniwala siya na isinilang siya upang
magtamasa ng kaligayahan.
____________3. Doon na sila lumaki at natutong tumayo sa sariling paa. Sa Pilipinas ay nakaasa
kasi sila sa magulang nila.
____________4. Ito ay isang dakilang lungsod. Punumpuno ang Caloocan ng makukulay na
kuwento ng kasaysayan.
____________5. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil
sila’y totoong nagagandahan dito.
____________6. Sila ang mga tumanggap sa hamon dahil nga bitbit ng bawat kalahok ang
adbokasiya para sa kabataan.
____________7. Siya ay huwarang pinuno ng bayan, sapagkat namuhay si Jesse Robredo nang
may katapatan sa sinumpaang serbisyo.
____________8. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating Pangulong Fidel V.
Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa Pilipinas.
____________9 Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos Palmas Resort sa
Palawan dahil ayon kay Gracia Burnham paborito niya itong pasyalan.
____________10. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo dahil
ito ay nagbibigay ng inapakalaking pera sa kaban ng bansa.

You might also like